Nakita ko kung gaano kalambot ang puso ni Anastacia. Nagbibigay siya nang pagkain sa mga mahihirap, palagi rin siyang nakangiti. Wala siyang pakialam kung may sakit ang ilan sa mga ito. Parang nakatanaw nga nang pag-asa sa kanya ang mga tao. Kahit iyong mga nakasimangot ay napapangiti niya. Alam kong ang ibinigay namin sa kanila ay hindi naman magtatagal, magugutom pa rin sila sa susunod, pero tama naman si Anastacia, ang mahalaga naman sa bawat araw ay ang makatawid sa gutom sa isang araw.
Iyong mahabang tinapay ang binili niya tigtatlo ang bawat pamilya, prutas, gatas sa mga bata at mga matatanda, mayroon din siyang mga ibang binili sa grocery. May tumulong nang maghakot sa kanya.
Nakikita kong napapagod na siya pero hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti.
Nang gumabi na at kumakain na kami matapos maligo’t magbihis sa silid naming okupado’y nagawa ko siyang tanungin.
“Masyado kang malapit sa mga tao, lalo na sa kanila. May pangarap k
“Anastacia.” Kaagad kong hinugot ang tissue para punasan ang bibig at mukha niya. Hiyang-hiya ‘ko na dahil lang sa ginawa niya hindi ako nakapagpigil.Nangiti siya. “Bakit ba parang palaging bago ka rito?”“H-hindi naman sa ganitong paraan—“Ewan ko ba sa buong gabing ‘yon puro ako hingi ng tawad sa kanya. Pero hindi ko naman maiwasang mangiti rin tuwing tatawa siya at sasabihing maging normal na sa ‘kin ang ginagawa namin.Hindi ko rin alam bakit ang babaeng ‘to ay masyadong nagbibigay kulay sa buhay ko. Noong umpisa, sa tingin ko magandang bagay lang na may nalalaman ako sa nakaraan ko, iyong tungkol sa kanya, hindi ko na ‘yon sineseryoso lalo’t ‘di ko maramdaman. Pero sa ilang pagkikita namin, napagtanto ko na siguro talagang ako ay inilaan para mahalin siya.Ngayon para ‘kong nababaliw, masyado ‘kong nababaliw sa kanya at sa bawat niyang kilos. Kahit
Araw-araw ay isang malaking pagsubok sa ‘min ni King.Marami akong gustong sabihin, pangarap na gustong ibahagi na tungkol sa ‘min at sa magiging pamilya naming dalawa. Pero ayokong maisip niya na ni-ru-rush ko siya.Napapayag niya iyong doctor at nakapagpagawa ng tahanan nito.Nang malaman ng mga taong doctor ito’y nagtulong-tulong na silang igawa ito nang pansamantalang tirahan dahil ang magiging tirahan nito ay ang mismong klinikang gagawin pa lamang.Si Renan ang umasikaso no’n at si Marina.Kami ni King ay nagpatuloy sa pagtungo sa iba’t ibang isla para mamasyal.Laman kami ng karagatan at isla sa loob ng isang linggo.Ang pagsasama namin ang pinakamasayang mga araw.“Bakit parang matagal kang nasa labas?” tanong ko nang minsang naroon kami sa isang pribadong barko. Pinapanood namin ang mga bituin sa kalangitan.Tiningnan niya ‘ko at nginitian.Nginitian ko rin
Masaya ang mga tao sa isla. Tuwang-tuwa sila sa regalo ni King, sa ‘kin na nga sila lumalapit para paulit-ulit na magpasalamat. Minsan naiiyak pa sila. Ang doctor mula sa pagiging gusgusin ay maayos na bagaman hindi pa rin masyadong palangiti. Pero totoong magaling siya dahil alam niya kaagad ang dinaramdam ng mga pasyente kahit pa hindi nabubuo ang laboratoryo sa mismong klinika niya.Sa kanya na ‘ko tumutulong at ang ilang kasama niya, pareho rin iyong babae si Nati, kaedaran ko, si Tala mas bata dahil nasa dalawampu lamang siya at si Kat-Kat ang batang kasama niya no’ng pumunta siya sa tinutuluyan namin ni King sa kanilang isla.Sila daw tatlo ay magpipinsan, pero si Kat-Kat ay ampon.Pareho naman naulila sa magulang si Tala at Nati, ang kanilang ama ay matagal nang namatay, hindi na nila ito maalala dahil napakabata nila nang mawala ito dahil sa karamdamang malala. Ang ina ng mga ito at ang doctor na kasa-kasama nila ay magkapatid, dahil sa
“Ipinatatawag ka na sa laboratoryo, Young Master.”Iyon ang narinig ko mula sa labas ng pintuan.Nang maramdaman kong wala na siya roon ay pumikit ako at naglabas ng magic circle na pula mula roon ay pumasok ako sa isang dimensiyong madilim ang lugar. Naroon naghihintay sa ‘kin ang tatlong nakasuot ng balabal hanggang ulo nila’y natatabunan.“Young Master!”Narinig ko si Kaya, naroon siya sa likuran ng isa at maliit na nasa hawla ng ibon. Nakita ko ang pagkatakot sa kanya. Naroon din sa loob no’n ang sugatang kasamang ipinahahanap niya.“Young Master, aalis na ba kami?” tanong ng nasa gitna sa kanila.“Oo, umalis na kayo. Alagaan ninyo si Anastacia, hindi ninyo ‘ko kailangan na balikan dito. Kusa akong babalik mukhang may nalalaman si ama na rin.”“Masusunod, Young Master!” mabilis na sagot nila.“Young Master, tumakas ka na!
Sinabi ng Young Master na hindi ko dapat sabihin kahit kanino ang tungkol sa nalalaman ko lalo kay Anastacia. Madalas kaming mag-usap sa pamamagitan nang pagtawag niya sa ‘kin na kunwari’y pang-aliw na babae.Pero isang gabing wala siya, nakita ko ang kanyang ama kausap ang babaeng madalas kasama ng Young Master, bukod sa babaeng nagngangalang Kristelle mayroon pa itong isang kasama. Isa ‘ko sa tatlong servant na nagsisilbi sa kanila.“Kung gano’n, ang babaeng iyon marahil ang dahilan bakit mayroong alaala si King, maaaring dahil sa matinding nararamdaman niya rito noon,” iyon ang narinig ko sa ama-amahan ni Master King.“Tama, sa kasamaang palad walang amoy ang babaeng iyon dahilan para mahirap siyang hanapin. Hindi ko rin siya mapasundan dahil alam kong malalaman ni King kaagad oras na may sumusunod sa kanya. Kaya sinabi ko na lamang sa inyo,” nakangiting sabi ni Kristelle. “Alam kong mas makapagdadala kayo
Dahil sa pagtutulungan at pagdating kaagad ng mga kailangan sa kabilang isla, nadala na rin ang mga kagamitan sa pagpapagawa ng klinika. Napakalaking bagay rin ang mas advance na bangkang ipinadala ni King dito, ang bilang no’n ay lima at nagamit kaagad sa paglalagay ng mga mabibigat na kagamitan.Masaya ang paligid, sa ilang araw na lumipas naging maganda naman ang takbo ng buhay rito, madalas napag-uusapan ang magiging kagandahan ng lugar dahil sa mga makabagong kagamitan at mas magandang klinika’t laboratoryo para sa kanila. Maging ang mga gamot ay nagamit na rin kaagad, lalo na ‘yong mga sakit ng matatanda katulad ng rayuma at ilan pang maintenance, lahat ‘yon ay ipinamimigay ng libre.May ilang mga gamot na wala pa at kailangan pa sa ibang bayan kunin pero sabi ni King, mayroon na itong darating na magiging tagalista’t tagabili. Hindi ko alam kung sino ‘yon pero hinihintay ko pa rin.Nagiging maayos na ang buhay ko sa lug
Lumilipas ang araw, ‘di ko naman nawala sa isip ko si King. Iyon lang palagi ko pa ring iniisip kung kumusta na siya tuwing hihiga ako at bago matulog. Pero ini-assure naman ako ni Kaya na maayos lamang siya.Itong si Kaya madalas alagaan si Calix, hindi ko rin naisip na magkakaroon sila ng ganoong pagkakaunawaan. Ayon sa kanya ay biglaan, walang kompirmasyon, kaya maaaring nakalimutan na rin ni Calix.Base sa pinsala ni Calix sa panlabas hindi iyon ganoon kalala pero nagpapahinga siya nang matagal na normal naman sa mga bampira. Pero ayon sa doctor hindi niya malalaman kung ano ang mayroon sa katawan nito dahil kulang kami sa kagamitan at lugar para pag-aralan ‘yon. Pero matalino ang doctor na ‘yon, maging ang dalawang kasama niya, kahit ang bata ay marunong kumuha ng halamang gamot. Napakalaking tulong nila at marami rin akong natututunan.Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog katabi si Kaya, mas maganda ring may katabi kahit paano nakakausa
Alam kong masyado akong nagiging mapilit, kahit sa pagtutok sa pasyente, sa mga herbal medicine, maging sa pag-oopera’y hindi ako umaalis. Pinag-aralan ko ang mga dapat iabot, mga common na ginagawa ng mga nars, at maging ang pag-aaral gamit ang mga aklat na pinabili ko no’ng pumunta ang mga tagabantay ko sa ibang bayan.Lahat ito ay pinag-aaralan kong mabuti, kung hindi ko maunawaan ay tutungo ako sa doctor at sa mga nars niyang kasama para naman malaman ko kung ano ang tinutukoy doon.“Narito ka pala.”Mula sa pagbabasa ay nag-angat ako nang mukha. Nangiti ako nang makita ko si Drake. May daladala siyang mga iba’t ibang halaman.“Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ko.“Sa kakahuyan, sabi ni Dok Matias ipakita ko sa kanya ‘yong mga kakaibang tumutubo roon na sinasabi ko kaya nagdala ‘ko nang tig-iisa, iyong iba, hindi ko alam kung magkakapareho lamang at may kaunti lan
Tuwing maaalala ko ang simula namin nang Young Master, hindi ko mapigilang mangiti. Ngayon, kasal na kami nang limang taon at paunlad na nang paunlad ang aming bayan. Reyna’t hari na kami at mas lumalawak pa ang lupain. Dahil sa yaman din ni King, madali sa ‘ming magpatayo nang mga kakailangan sa pagpapaunlad maging ang pabrika. Nagsimula na rin siyang kunin ang mga karatig isla na walang nananahan para lagyan ng mga laboratoryo. Malaking bagay na nasa amin ang poisoned-hill, dahil doon maraming dumarayo sa ‘ming turista iyon ay dahil na rin nakakulong na sa isang barrier ang mga makakamandag na hayop—safe na ang mga ito, napupuntahan pa ‘to para maging isang tourist attraction. Madalas mayroong mga antidote sa lason nang dala-dala dahil ‘di naman masasabing lahat ay naikulong na. Sa susunod, magiging malaki na rin kaming siyudad. Napakaganda nang palitan ng mga produkto at mayaman ang lupa rito para maging isang magandang lugar para sa agrikultura. Na
KingGumaling ako sa tulong ng iba’t ibang mediko. Maliban sa ‘king likuran na dadalhin ko na habang-buhay. Pero tinuruan ako ng Emperador kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan lalo at hindi na ‘yon mapipigilan pa dahil nagkaroon na siya nang awakening.Hindi kami nakatira sa pamilya ko dahil inalagaan pa kami sa Zone 66.Si Anastacia, dito na rin nagsilang ng anak namin si ‘Darius at Remy’ na ngayon ay mag-iisang taong gulang na. Habang narito ako sa Zone 66 ay nabubuhay siya sa isla at naalagaan namang maigi. Mas pinili namin magkalayo para rin naman sa ikakabuti namin, nagkikita pa rin naman kami linggo-linggo.Marami akong natutunan sa Zone 66.Ang mga magulang ko naman ay nagpagawa na nga nang mansion sa lugar kung saan kami ang mamumuno ni Anastacia—ang twin hill of poisoned island, doon sila nakatira at paminsang doon namamalagi ang mag-ina ko.Nalaman din ni Kairus, ang purebl
Ilang linggo ring walang malay si King.Sa nakalipas na dalawang linggo ay naoperahan na rin ang tatlo nitong kapatid at ngayon ay nagpapahinga.Nagkaroon ng komplikasyon kay Dark pero kaagad din ‘yong naiayos dahil ang mismong humawak sa operasyon ay ang Emperador. Sabi ni Magareth kay Anastacia ay gusto talaga ‘yong tutukan ng Emperador.Si King, hindi pa ‘to sumasailalim sa operasyon dahil kailangan pa nitong magpalakas pagkagising.“Lumabas na ‘yong resulta ng dugo niya,” sabi ng doctor na babae.Iyon ang hinihintay nila.“Marami kaming pagsusuring ginawa pero wala kaming makitang lason sa katawan niya. Mukhang ang katawan niya talaga ay immune sa lason,” sabi nito.Nakahinga naman nang maluwag si Anastacia.“Marami lang siyang nakuhang pinsala at dahil nagpapahinga naman siya ay nakaka-recover siya. Mayroong din namang unique capability ang mga bampira for self-healing.
“Sa lahat ng pagkakataon, nakikilala mo ‘ko hindi ba?” tanong ni Anastacia.Naalala na ‘to ni King, hanggang noong mga bata sila hanggang ngayon. Malinaw na sa kanya ang lahat. Kahit paulit-ulit niya ‘tong nasasaktan, nabibigo, at hindi maaalala, hindi ‘to bumitiw sa kanya kahit minsan.”Hinawakan niya ang mukha ni Anastacia kaya nagulat ‘to.“Anastacia—“ bulong ni King.Nagulat si Anastacia at napangiti kasabay ng kanyang mga luha.Hinalikan ni King sa noo si Anastacia.“I love you.”Bumigay ang katawan nito at bumagsak. Kaagad ‘tong nasalo ni Anastacia.“King!” napasigaw si Rosanna.“Dalhin na kaagad natin siya sa mediko,” sabi ni Neo.“Sasama ako, puwede ba ‘kong sumama?” tanong ni Anastacia sa mag-asawa.“Paniguradong hahanapin ka rin niya kung wala ka,”
Mada’am, Bezarius,” nakangiti kaaagad si Edward. “Tapos na ‘kong magsukat para sa ‘yong unico hijo. Kung ano ang napag-usapan natin sa ibaba bago ‘ko umakyat ay iyon pa rin naman, maliban sa mas gusto ng Young Master ang kulay abo kesa kulay puti.”“Napakahilig niyan sa gray, hindi ko alam sa batang ‘yan,” napapailing si Rosanna.“Sukatan mo na rin si Anastacia,” nakangiting sabi ni King.“B-bakit?” tanong ni Anastacia.Hinila siya ng marahan ni King at dinala malapit kay Edward na napatingin sa ginang.Isang mananahi ng mga piling Royal Blood lang si Edward, hindi ito gagawa ng kasuotan ng isang alipin at mahal ang magiging singil nito at hindi mag-aaksaya si Rosanna para lamang sa isang alipin.“King, maid servant mo si Anastacia. Ang susuotin niya ay mula na lamang sa mga kasuotan na si Calixto na ang bahalang mamili.&r
“Anastacia talaga ang pangalan mo?” tanong niito sa kanya.Nagulat naman si Anastacia nang magsalita ‘to at kausapin siya.“Anastacia nga, Young Master. Pero p-puwede mo raw ‘yon baguhin sa gusto mo.”“Hmmm…” nag-isip ito habang pagalaw-galaw sa upuan nito. “Ano kaya kung itlog na lang ipangalan ko sa ‘yo?” ngumisi ‘to.“I-itlog?” natakot pa siya no’n dahil sa pangalan na gusto nito.“Oo, bakit? Hotdog ba gusto mo?” ngising-ngisi ‘to. “Tapos tatawagin kita, halika nga rito babaeng itlog!” Bigla ‘tong tumawa nang ubod lakas.Nag-init ang mga mata ni Anastacia, maya-maya pa ay umiiyak na siya.“Hala!” nagulat si King. “Joke lang ‘yon!” inabutan siya nito ng cookies nang tumayo ‘to para lapitan siya. “Ang iyakin mo naman, kainin mo na ‘to tapos &
“Young Master!” Pilit na pinipigilan ni Anastacia ‘to pero nakikipaglaban lang ‘to at halos lahat ay sinasaktan nito.Nagwawala na ‘to nang husto. Maging si Don Felipe na sinubukan ‘tong labanan ay napatalsik nito. Masyado ‘tong malakas na ‘di halos mapaniwalaan ni Anastacia.“Bitiwan mo siya! Huwag mo siyang hawakan!” sigaw nito.Mukhang ang nakikita ni King ay iba na sa nagaganap.Nagbagsakan ang mga luha ni Anastacia. Hindi na ‘to nakakakilala. Nagwawala ‘to at naglalabas ng mga magic circle, sinisira nito lahat habang muntikan na nitong mapaslang. Iniiwasan nila ‘to, kahit ano ring tawag niya ay hindi na siya nito naririnig. Nahila na rin siya ni Rosanna sa braso para ‘di na magpatuloy sa paglapit dito.“Anong nangyayari? Hanggang kailan siya magiging ganyan?!” umiiyak na tanong ni Anastacia.Hindi nakasagot ang mag-asawa. Lumuluha rin ang ina
“Nakita na namin siya!”Tila nagliwanag ang paligid ni Anastacia nang marinig ‘yon.“Palabas na kami, iuuwi namin kaagad siya,” anito.Hindi siya tumutol. “Mag-iingat kayo, kumusta po siya?”“Malala, sobrang lala, hindi ko alam kung aabot kami!” umiiyak ito.Parang nilamutak ang pakiramdam ni Anastacia sa kanyang puso.Nang makitang abala ang dalawa sa pagpana sa mga pumapana sakanila ay kaagad siyang humanap ng daanan pababa.Nakita niya na sa kalilingon ang mga barko nito. Gusto niyang mahawakan si King.Tumakbo siya dala ang pana at palaso.Iniiwasan niyang makipaglaban kaya hangga’t kaya niyang magtago sa mga puno at gilid-gilid ay ginagawa niya.Nagmamadali siya dahil baka maiwanan siya ng barko.Ipipilit niyang sumama sa mga ito.“Young Master…” Bagsakan nang bagsakan ang mga luha niya. Hindi niya
Madilim sa Dark Island, walang liwanag kahit galing sila sa liwanag. Marami na silang pagsabog na naririnig, marami na ring barko—malaki ang dark island pero mayroong specific place kung nasaan ang hinahanap nila. Nagulantang si Anastacia dahil patuloy ang mga pagsabog, mayroon na ring pagliliyab. Tumutunog din ang mga emergency alarm nang buong lugar.Nang huminto ang barko ay kaagad nang inatasan ni Neo ang sampung Knights, dalawa ang naiwanan sa kanya.“Huwag kang bababa, mapanganib,” bilin nito bago ‘to bumaba.Kabadong-kabado si Anastacia, malayo sa pinangyayarihan pa rin ng laban kung saan sila huminto. Nakakarinig lang siya ng mga pagsabog, tunog ng mga sandata, alarm. Marami ring umuulan na palaso pero hindi sila tinatamaan no’n kahit pa inaabot sila dahil sa shield barrier na ginawa ng isa niyang kasama sa barko.“Anastacia, Anastacia,” boses ‘yon sa ‘king isipan.Hi