Share

Chapter 32

Nang maikalma ako ni Kuya ay tinayo niya ako't inalalayan sa paglabas ng banyo ko at pinaupo sa dulo ng aking kama. Bumalik siya sa loob ng banyo at lumabas nang may hawak na tuwalya.

Bagama't hindi nagsasalita, alam ko at ramdam ko ang nanahimik ngunit nagliliyab niyang puso. Marahil ay dahil sa kaniyang nalaman. Kahit ako ay magagalit.

Isang taong akala kong walang gagawin sa akin na masama ay isa rin palang taong bumaboy sa akin. Isang taong minahal ko lamang ng lubos ngunit bakit ito ang ibinato sa akin ng tadhana? Kapalaran ko na ba ito o baka naman ay karma ko na dahil sa mga ginawa ko?

Gusto ko lang humingi ng kapatawaran sa aking mga nagawa pero may kapalit pala ang paghingi ko ng tawad. Bakit? Bakit ito nangyari sa akin? Ano ang nagawa ko upang gawin niya sa akin ang bagay na 'yon?

Kung kasalanan ang magmahal, sana ay hindi ko na lang ginawa. I just want to feel loved, to be appreciated by the person I love, to be seen, to be looked at and to be admired but none of it was giv
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status