Home / Romance / The Unplanned Marriage of the Century / Unang Kabanata - Ang Pagkikita.

Share

The Unplanned Marriage of the Century
The Unplanned Marriage of the Century
Author: Lady Reaper

Unang Kabanata - Ang Pagkikita.

Author: Lady Reaper
last update Huling Na-update: 2022-02-08 16:33:44

Mataas na ang sikat ng araw nang umalis si Onie sa kaniyang condominium. Ngayon ang schedule nang pakikipagkita niya kay Mrs. Villarial upang mapag-usapan ang balak nitong pag-open ng branch ng kaniyang O’bakeshop.

If ever na maging okay ang kanilang pag-uusap ay magiging lima na ang branches ng kaniyang bussiness.

Hermaonie Cortez, Onie for short, is the breadwinner in the family. Nakagraduate lang siya ng dalawang taong kurso na Hotel and Restaurant Services. Ngunit hindi naging hadlang ang lahat nang iyon upang dumapo lang siya sa pinakamababang sanga.

Nangarap si Onie, nagpursigi, hindi sumuko sa kabila nang ilang ulit na pagbagsak.

Anim na taon nga matapos ang paulit-ulit na pagsubok ay naabot rin niya ang mas maayos na takbo ng buhay.

Matapos niyang lumahok at manalo sa isang baking contest ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang pag-angat. Naanyayahan siya na magjudge sa iba’t-ibang paligsahan about baking and pastry. Na-offeran ng posisyon bilang head ng pasty sa isang hotel. At ang pinakamagandang nangyari sa lahat ay ang pagkakapunta niya sa Tokyo para sa isang patimpalak kung saan ay nakuha niya ang tropeyo’t naiuwi ang grandprize.

At ang napanalunan niya ang kaniyang ginamit bilang panimula sa kaniyang binuong bakeshop. Ang pagkakakilala sa kaniya ang naging daan upang mabilis na umangat ang negosyong kabubukas lang niya. Pumatok sa masa ang masarap at malinamnam niyang cakes. Hindi gano’n katamis ang icing, sakto lang na babagay sa kabuuan ng kaniyang masterpiece.

Matapos ang dalawang taon nang pagkakatayo ng O’bakeshop ay nagkaroon agad siya nang tatlong branches hanggang sa nadagdagan ng isa at isa pa, na ngayon ay magiging ikalima.

At sisiguraduhin niya ‘yon.

Iniliko ni Onie ang kotse sa kaliwa patungo na sa lokasyon ng kaniyang bakeshop. Doon mismo kasi sila magkikita ni Mrs. Villarial.

Pinindot niya ang earpiece na nakaipit sa kaniyang tainga nang may pumasok na tawag sa kaniyang cellphone.

“Yes, Karin?”

“Oo papunta na ako, make sure na maayos lahat diyan sa shop. Wala akong makikitang kahit katiting na alikabok. ‘Yong displays ng cake. . . May ginawa akong Ube moist kagabi ilabas mo na rin. . . Oo, sige na. Mamaya na lang, nagd-drive pa ako. Okay bye.” Pinatay niya na ang tawag at muling itinuon na lang ang paningin sa daan.

Bahagya pang tinatap ni Onie ang manibela ng kaniyang itim na SUV, sumasabay kasi siya sa saliw ng musika ng kaniyang paboritong kpop soloist.

Kung maaari lang sumayaw ay ginawa na niya, hook na hook kasi siya rito.

Inapakan ni Onie ang break nang makitang nagkulay pula ang stop light. Nag countdown iyon na nagsimula sa sixty. Medyo maaliwalas ang paligid ng kalsada, kakaunti ang mga sasakyan at gayon din ang mga taong naglalakad sa daan.

Ibinaba muna niya ang windshield upang makalanghap ng sariwang hangin kahit kaunti.

“What a beautiful day,” aniya na nakangiti.

Isa si Onie sa mga babaeng may tila anghel na mukha ngunit mala-lobo naman ang loob. Mabait siya sa mabait ngunit may pagka istrikta pagdating sa mga bagay-bagay, lalo na pagdating sa kaniyang mga tauhan. Lahat sa kaniya ay pantay-pantay, walang dapat na mataas at mababa. She value every life, dignity and pride.

Twenty-five na ang nasa countdown nang may sumulpot bigla na sasakyan sa tabi niya. Isang asul na Toyota, sinulyapan niya ‘yon gawa na rin na bukas ang kaniyang bintana.

Ngunit sa kaniyang labis na pagkagulat ay napasubsob siya sa pagkakaupo. Hindi niya alam kung napansin rin siya ng lalaking mabilis niyang nakilala kung sino.

Dahan-dahan ay umangat ang windshied ng kaniyang sasakyan. Good thing ay tinted iyon kaya paniguradong hindi siya basta-basta masisilip mula sa labas.

Ten seconds left.

Natanaw niya ang paggawi ng pigura ng driver ng kabilang sasakyan sa kaniya. Ilang mumunting dasal ang namutawi sa kaniyang bibig. Dasal na sana’y hindi siya nakilala ng lalaking iyon.

Ng ex-boyfriend niyang si Aldrin.

Mabilis ang kaba na namuo sa kaniyang dibdib, nagkaroon naman sila ng closure ng binata ngunit wala naman sa bokabularyo niya ang makita ito rito, o kahit saan man. Aldrin is her first love, tumagal ang relasyon nila for almost three years. Nasa karera pa lang siya no’n ng pag-usbong, nawalan lang siya nang sapat na oras dito na siyang naging dahilan ng pangangaliwa ng lalaki.

She then later find out na may kinakatagpo itong ibang babae. Actually, hindi na niya ginawang awayin ang binata. Alam naman niyang siya ang dahilan ng lahat e. Kaya naman hinayaan niya itong gawin at mahalin ang sino mang nais nito.

Isang linggong iyakan na lang ang ginawa niya, pagkatapos no’n bumangon siyang muli at nagpatuloy sa buhay. Naisip niyang gano’n naman talaga, may aalis at aalis sa buhay ng isang tao. Maybe dumaan lang si Aldrin upang maging inspirasyon niya para mas lumaban pa sa buhay noong nalulugmok siya. And the expiration of his presence has come. She just then accepted it.

Pinapaalala na lang niya parati sa kaniyang sarili na may darating at darating pa rin na mas deserving na mahalin niya at mahalin siya.

Ngunit hindi rin maipagkakaila na may kirot pa rin siyang nararamdaman sa tuwing makikita ang lalaki.

At isang malaking sayang ang nabuo nilang mga pangarap noon.

Sayang. . .

“Ay sayang!” Napabulalas si Onie ng isang may kalakasang pagbundol sa likuran ng sasakyan niya ang naganap. Wala na ang kotse ni Aldrin sa tabi niya't kanina pa pala nag-go ang signal light.

Bahagyang gumewang ang SUV niya’t ga muntik na siyang masubsob sa unahan.

Salubong ang mga kilay na sinulyapan niya sa rearview mirror kung ano o sino ang may gawa nang pagkakagisng niya mula sa pananaginip nang gising.

“At sinong hindi nag-iingat ang bubundol sa baby ko?!”

Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at hinarap ang may katandaang lalaki na tumambad mula sa itim na Mercedes benz.

Una’y sinulyapan niya ang kaunting yupi sa kaniya SUV.

“Oh! My baby,” mangiyak-ngiyak niyang turan.

Huminga muna si Onie ng maluwag bago hinarap ang nagmamaneho. “Manong, ba’t naman po hindi kayo nag-iingat. Tignan niyo tuloy ang nangyari.” Malumanay lang ang pagkakasabi niyang iyon.

Ang totoo’y gusto niyang magwala ngunit paano? Eh, mas matanda ang nasa harapan niya? She also value respect.

“Ma’am sorry po. . . Akala ko po kasi’y dideretso na kayo nang mag go na ang signal light eh.”

Napakurap-kurap ang dalaga bago sinulyapan ang Traffic lights. Napapikit na lang si Onie nang malamang siya naman pala ang may kasalanan.

“Sorry po talaga ma’am.” Ulit ng matandang lalaki.

Napasimangot na lang siya. “Sige po ako na ang bahala,” sagot niya rito na tila medyo nahihimasmasan na rin

Gusto niyang humingi rin ng pasensiya sa matanda ngunit pinangunahan siya nang pride sa ngayon.

“Ano po ba ang magagawa ko na lang ma’am?” ma-respetong tanong ng matanda sa kaniya

“Hindi na po—“

Ngunit hindi natapos ni Onie ang sinasabi ng biglang may sumabat sa pag-uusap nila ng driver ng kabilang sasakyan.

“Why it was taking too long Mang Henry? Malalate na tayo.”

Napatitig si Onie sa boses ng lalaking naka black amerikana’t itim rin na pang ibaba. May pares pang necktie at kumikinang na sapatos na balat, puwede na siyang manalamin sa sobrang shine niyon. Maayos ang pagkakahawi ng may kahabaang buhok pakanan.

Wow, rolex! Napansin niya ang suot nitong relos.

“Sorry sir pero okay na po,” sagot ng matanda sa makisig na lalaking kalalabas lang sa sasakyan.

“Sorry po talaga sa nangyari ma’am, pero maaari po bang mag-iwan na lang ako ng cellphone number ko? Tawagan niyo po ako kapag kailangan na magbayad sa pagpapaayos ng sasakyan niyo. Nagmamadali lang po kami ngayon-“

“Mang Henry! C’mon.” Umuusok na ang ilong ng gwapitong lalaki na posturang nakatayo sa may tabi ng Mercedez Benz.

“O-opo sir-“

Nainis na rin si Onie sa sitwasyon ngayon. She’s dealing with her car tapos ay susulpot ang lalaki at babarahin-barahin lang ang taga-drive niya. Wala siyang maayos na manners.

“Saglit nga, nag-uusap pa kami ni Manong. . . Masiyado ka ha!” Hindi na siya nakapagpigil pa’t ang kalalabas na lalaki na ang binalingan.

“Mang Henry, we need to go.” Tila hindi siya napansin ng ginoong nakaformal na kasuotan. O baka hindi talaga siya pinansin nito.

“Hoy ikaw mister, nag-uusap pa nga kami ni Manong.” Nakapatong ang magkabilang kamay nito sa kaniyang baywang, tila baga ito isang matandang ginang na pianpagalitan ang kaniyang anak.

Sa pagkakataong iyon ay mukhang nakuha na ni Onie ang atensiyon ng lalaki. Lumapit ito sa kaniya, napakurap-kurap pa si Onie nang mas matunghayan ang kakisigan ng ginoong naka all in black.

Sunod ay inalis naman nito ang itim na sunglasses na mas lalong nakapagpalabas ng appeal niya.

Kung e-estimatimahin ay nasa 6’4 ang tangkad nito. super fit ang gupit ng buhok nito sa kaniyang aura,, mapupungay ang mga mata with matching may kakapalang kilay. Matangos rin ang ilong at mamula-mula ang labi, dinaig pa labi niya.

'Good thing at wala siyang balbas.' Naisip ni Onie.

Napailing-iling siya nang may parte sa kaniyang utak na sinasaway siya kung bakit naisip niya ang gano’n.

“I’m in urgent Miss,” umpisa nito.

May kalamigan ang boses ng lalaki't sapul sa mukha ni Onie ang mabango nitong hininga , puwede siyang magnarrator sa isang horror site.

“So here, give me a call if you need money for the damage. I don’t have any cash right now.” Ini-a-abot ng lalaki ang piraso ng papel na kinuha nito sa kaniyang wallet.

Pinaningkitan siya ng mga mata ni Onie.

‘Mukhang pera ba ako para magpabayad?’ tanong ni Onie sa kaniyang sarili.

“Look Miss, I’m really in a hurry. Maybe we can get this done some other time,” anito sa kaniya. Kinuha ng lalaki ang kaniyang kamay at doon inilapag ang calling card na hindi niya ina-abot kanina pa.

“Nextime focus on the way, hindi ‘yong nakatulala ka pa kung saan-saan.”

“Let’s go Mang Henry.” Hindi na siya pinansin pa ng lalaki, dire-diretso na ito pabalik sa kaniyang sasakyan. Sinenyasan na rin nito ang kaniyang driver upang bumalik na sa kinapupuwestuhan.

Habang siya’y naiwan roon, nakatanga sa nilalang na may pagka arogante.

“Grabe!” Saka lang nakuha ni Onie ang boses na tila naipit sa kaniyang lalamunan kanina pa. “Tao po ba ‘yon? Hindi man lang ako hinayaang magsabi ng nais ko?”

“Sorry po ulit ma’am.” Binalingan naman niya ang matandang kanina pa humihingi ng sorry sa kaniya.

“Sige na po manong, pumunta na kayo ro’n at baka pagalitan ka pa po ng boss mo. Ako na ang bahala rito, pasensiya na rin po sa abala.”

Sa wakas ay nagawa na rin nitong humingi ng pasensiya sa Manong.

Tumabi ang medyo iritadong si Onie upang mabigyan ng daraanan ang sasakyang nakapag start na ang engine.

‘Siyempre sa ganitong sitwasyon, ako na ang mag-aadjust. Hays.’

Hihintayin pa niya na makadaan ang nasasakyan nang mga ito bago siya papasok sa sariling kotse. Ayaw niyang makasabay sa pag-alis ang amoy mayaman na lalaki.

Tinted rin ang Mercedes nito ngunit dahil sa alam na niya ang detalye ng pagmumukha nito'y kahit hindi maaninag ay parang nakikita na rin ni Onie ang imahe ng lalaki nang dumaan ang kanilang nasasakyan sa harapan.

She even flipped her hair nang mismong matapat ang backseat area sa harapan niya.

Kitang-kita niya ang repleksyong maganda sa windshiled nito.

“I’m just too gorgeous para ma-stress,” she said to herself.

“C’mon Hermaonie, may meeting ka pa. You also should not be late, sayang ang isang branch.” pagpapanatag niya sa sarili bago sinulyapan muna ang nayuping parte ng sasakyan sa likuran.

“Don’t worry baby, ipapaayos kita. But for now let’s conquer the day first.”

Dumiretso na sjya sa loob at binuhay ang makina. Muli’y pinatugtog ang kanta ng foreign soloist singer na idolo.

Onie then stepped on the gas and drove her way to O’bakeshop.

“Nakakahiya kay Mrs. Villarial kung mahuhuli pa ako.”

Pero bago tuluyang magtungo sa shop ay sa gasoline station muna siya nagpunta upang makapagpa full tank. Hindi pa naman ubos ang laman niyon pero kasi may importante siyang trip sa susunod na araw. Nag-aalala na baka mamaya’y makalimutan na naman niya ang magpalagay niyon.

...

`Eleven in the morning ang usapan namin ng ginang, alas dyes kuwarenta y sinco pa lang. Hindi pa ako late, mabuti kung gano’n.`

“Karin, ano kumusta ang benta?” Sa employees entrance sa likod siya dumaan papasok nang marating ang lugar.

“Ayos naman po ma’am, aabot pa hanggang pag close ang stock natin,” balita nito sa kararating lang na amo.

“Good. Sige na ayusin mo na lahat ng dapat, magnap muna ako. Please do tell me kapag nariyan na si Mrs. Villarial."

Mabilis na tinungo niya ang opisina’t idinantay ang likod sa swivel chair.

' What a very tiring day.' she taught.

Subalit bago pa man tuluyang ipikit ni Onie ang mga mata'y pinasasadan muna niya nang sulyap ang calling card na nasa harapan.

‘Lance Asmael Benedicto, President/ Corporate Executive Officer. Jewels and Diamonds Company’

Kaugnay na kabanata

  • The Unplanned Marriage of the Century   Ikalawang Kabanata- Muling Pagkikita.

    Onie's POV“Miss Onie, narito na sila.” Boses ni Karin ang nagpatigil sa akin sa pagtipa sa laptop na nasa harapan ko.Hindi ko na nagawa ang pag-idlip kanina, nang mapansin ko ang calling card ay nagtungo agad ako sa search engine ng g****e at tiningnan kung ano ba ang ‘status’ ng walang modong lalaking nakasalamuha ko kanina lang.In fairness, ‘amoy mayaman’ nga ang lalaking ‘yon. Siya ang CEO sa kilalang jewelry company sa bansa. At talagang nagkaroon pa nang chance na makilala ko ang taong ‘yon?But then, for all I care, ‘di ba?Guwapo nga siya, kaso ungentleman naman.“Sige. Susunod na ako.” Isinara ko na ang gadget, kinuha ang Hermes pouch at hinanap ang face powder.“Kailangang presentable tayong haharap sa client. Sayang branch, sayang ang income.” Pakikipag-usap ko sa sarili ko.“See? Ang ganda mo self.”I need to add some self confidence para hindi ako mangarag mamaya. I admit, hindi na bago sa akin ang pakikipag meet sa client pero kasi. . . According to my source, Mrs. Vill

    Huling Na-update : 2022-02-08
  • The Unplanned Marriage of the Century   Ika-tatlo na Kabanata-The Substitute boyfriend

    Maayos na natapos ang maghapon. Nakakapagod ngunit worth it naman. Pagpatak ng alas otso ng gabi ay nakapagsara na kami ng bakeshop. At dahil sa goodnews na nakuha ko kanina regarding sa soon contract namin ni Mrs. Villarial ay binigyan ko ng maagang pa-blow out ang aking staff. I treated them for a drink and karaoke, pero hindi na ako sumama dahil may importante pa akong pupuntahan. Well, my friend Chelsea just book me for a blind date. And it sucks! Wala akong magagawa kundi puntahan ang lugar na sinabi niya sa akin. Chelsea is my long time friend, at iba kung magtampo ang isang 'yon. I sighed after parking my SUV on the Restaurant. I read on the glittering large signage up as I reach the entrance. Green Glass Restaurant. Nagpalinga-linga ako ng makapasok sa loob ng Five star restaurant . Napaka classy dito, mabango, maaliwalas at malamig. Niyakap ko pa nang bahagya ang sarili, may aircon din naman sa shop niya pero hindi ganito kalakas. "Reservation for two," sabi ko sa w

    Huling Na-update : 2022-02-08
  • The Unplanned Marriage of the Century   Ika-apat na Kabanata: The Wedding

    Two months ago. Onie's POV Hindi ko pa ata kayang bumaba, nangangatal pa rin ang mga tuhod ko't pinagpapawisan ang aking mga kamay. Kinakabahan ako. Despite of perfect weather, beautiful dress, and the huge church I think I am still having a second thought. 'Tama ba ang kasal na ito?' 'Hindi ba 'ko nagkamali?' "Ma'am, kailangan niyo na raw pong lumabas." Panandaliang naputol ang kaba ko nang magsalita ang driver ng bridal car kung saan naroon ako ngayon. Hindi ako nakasagot sa sinabing 'yon ni Manong, instead I leaned my back to the soft backseat. "Five minutes. Five minutes pa." I keep on telling myself. Dalawang buwan na rin ang nakalipas ng makilala ko ang aking groom at isang buwan kaming naghanda para sa araw na ito. Mabilis ang naging pag-prepare sa mga kakailanganin for this wedding. Hindi ko nga akalain na sa maikling panahon na 'yon mabubuo ang isang magarbo at mahal na kasalang 'to. Ano nga bang aasahan ko, isang mayamang pamilya ang mayroon ang aking mapap

    Huling Na-update : 2022-03-04
  • The Unplanned Marriage of the Century   Ikalimang Kabanata: Oh, honeymoon?

    NAPASINGHAP ako nang bigla'y i-upo ako ni Lance sa malambot na kama ng silid na pinagdalhan niya sa akin. Nakatayo siya sa harapan ko't nag-u-untie ng kaniyang maroon necktie. Napalunok ako. Kanina sa kotse'y nakatulog na ako sa sobrang pagod. Hindi ko rin alam kung ilang oras akong nagpahinga sa posisyon na 'yon. Basta ang alam ko'y binuhat niya ako papasok sa isang malaking bahay, no, mansion na ata ang tawag doon. Wala akong nakitang tao sa salas o sa kahit saang parte ng bahay-o baka mayro'n kaso'y tulog na. Nakakapit ako sa leeg niya kanina habang paisa-isa niyang inihahakbang ang mga paa paakyat sa matarik na hagdan. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ang bagay na 'yon, I know this is our honeymoon pero kasi-it's not part of the rules we've talked about. Ngayo'y ang puting coat naman niya ang kaniyang inalis at inilapag lang sa ibaba. Bakat na bakat ang matitigas niyang abs sa pang-ilalim na damit na iyon. Oh, sh*t. Napakapit ako sa dulong bahagi ng kama, bigla-bigla ang pa

    Huling Na-update : 2022-03-05
  • The Unplanned Marriage of the Century   Ika-anim na Kabanata: One month ago.

    ANG PAGDUDUWAL ko pa ata ang gumising sa mahimbing na pagkakatulog ni Lance. Dalawang minuto kasi pagkatapos kong maimulat ang mga mata ko'y nakaramdam kaagad ako nang kakaiba sa sikmura ko. Nangangasim 'yon. Nagdudumali akong dumiretso 'agad na nagtungo sa banyo. Pinipilit ng sikmura ko na maglabas nang kahit na ano kahit na alam kong wala namang mai-luluwa. Tanging mapait na likido na naninilaw lang ang lumalabas sa bibig ko, hindi ko malaman kung saan galing 'yon gayong wala naman akong kinain na gano'n ang lasa. Napahawak ako sa maputing lababo habang tinitignan ang hitsura ko sa salamin. Nanlalata ang mukha ko, medyo nangangatog din ang mga tuhod ko sa pagduduwal na 'yon. Sunod-sunod na pagkatok ang nanggaling mula sa labas. "Hey! Are you okay?" Si Lance iyon Mabilis akong naghilamos ng mukha ko't binuksan ang pintuan. Ang magkasalubong na kilay niya ang tumambad sa akin. "Okay lang ako." "Ano'ng nararamdaman mo?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Maliban sa nasusuka a

    Huling Na-update : 2022-03-07
  • The Unplanned Marriage of the Century   Ika-pitong Kabanata: Vitamin Sea

    Hindi ko akalain na ganito kaganda ang labas ng bahay na pinuntahan namin. 'Oh, I forgot, rest house nga pala nila 'to. And they are rich.' Isang kumukulay asul na dagat lang naman kasi ang tumambad sa akin. Malamig na hangin ang kasabay nang bawat hampas ng alon ng karagatan, ang sarap. Buong akala ko'y ang rest house nila'y isang two-storey house tapos may malawak na swimming pool at may farm na mapupuntahan. Ang low quality pala nang naisip ko dahil bukod sa isang beach ang tumambad sa akin at isang mansiyon ay may natanaw pa akong isa-isang yate ang naroon sa hindi kalayuan. Wow! Nagtungo ako sa dalampasigan, ang mga paa ko'y sinasadya na dalhin ang kulay abong buhangin sa bawat paghakbang ko. Tumatama ang alon ng dagat sa aking mga paa, ang sarap sa pakiramdam. Para akong nakapagpahinga ng isang linggo mula sa trabaho, no wories, stress free. 'Vitamin sea.' Puwede kayang ganito na lang araw-araw? Huwag na lang kaya akong umuwi? 'Hm. Not a bad idea at all.' Humakbang pa ak

    Huling Na-update : 2022-03-08
  • The Unplanned Marriage of the Century   Ika-walong Kabanata: The Last night.

    Naging successful ang pangungulit ko kay Lance na umangkas kami sa yate na naroon. No'ng una'y ayaw pa niya ngunit nang sinabi kong gusto naming makita ni baby ang lawak ng karagatan ay pumayag rin siya. Alas siete ng gabi nang mapag-usapan naming magtungo ro'n. Pero bago pa sumapit ang oras ay nagdala na siya ng pagkaing puwede naming mai-luto, may kasama na ring wine para sa kaniya. "Careful." Hawak ni Lance ang kamay ko habang paakyat sa yate. Excited ako kahit medyo nangangatal ang kamay ko sa lamig na samyo ng hangin, tapos ang lamig talaga ng ambiance ng dagat kapag gabi, ang bango. Ipinuyod ko pataas ang buhok ko, baka magkabuhol-buhol kapag hinayaan ko lang na nakalugay. Regarding my look, suot ko ang makapal na kulay abuhing hoodie jacket ni Lance, ka-partner ng abuhin ring jogging pants. Pansin ko, paborito niya ang kulay gray. I don't bother na maglagay rin ng kung ano sa mukha ko, matutulog na rin naman mamaya. Eh ano kung wala kong kilay, as if naman may pake si Lance s

    Huling Na-update : 2022-03-10
  • The Unplanned Marriage of the Century   Ika-siyam na kabanata: Our House.

    LANCE was driving our way home. Three days lang naman ang honeymoon namin sa resthouse nila. Well, if that will be called as honeymoon kasi wala namang romantic thingy na nangyari 'no. I was busy scrolling to my cellphone, checking my emails. And gosh! There were many of it in my folder, even in spam!I don't know if I can get it all done this day. Nanghihina kong tinigilan ang pagkalikot sa cellphone ko. Isinandal ko na lang ang aking ulo sa likuran. "Are you okay?" Lance asked me. Ni-hindi ko siya sinulyapan nang magtanong siya sa akin."Yah. Puwede mo ba akong gisingin kapag nakauwi na tayo?" tanong ko sa kaniya."Sure, you take a nap. Mahaba-haba pa ang biyahe natin," aniya na ikinagaan ng aking loob.I put down my cellphone and closed my eyes. I tried clearing my head so I can relax and take a fast nap. But after a minute or two I get up and angrily grab my hair and scolded myself.I can't do it, maraming sumasagi sa isipan ko, like going back to my bakeshop as soon as possible.

    Huling Na-update : 2022-03-27

Pinakabagong kabanata

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 34

    “Ay grabe naman, ginawa nila ‘yo? Diyos ko! Karmahin na lang sana sila.” Panay ang pagtango ko kay Karin sa mga sinasabi nito. Nai-kwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin sa Ospital kahapon. Ngayon nga pala’y narito na ulit kami sa bakeshop, back to work matapos ang weekend at ang hindi gano’n kasaya na Outing namin. Hindi na nga ako nakatulog nang maayos dahil sa issue na binabato sa akin ng babaita na ‘yon, na ako ang may pakana sa nangyari sa Jeyn na ‘yon. Naku! Kakagigil, kung p’wede lang mamilipit ng leeg ginawa ko na. “Dapat pala ma’am sinabihan mo ako, para sana nakapagresbak ako para sa ‘yo.” May pagtagsik pang sabi ni Karin. “Wala kang magagawa, girl. Kung ako nga wala eh, kahit asawa ko walang naitulong sa akin. Ikaw pa kaya? Hmp.” Lumagok ako ng tubig na dinala rin niiya sa akin kanina lang, baka sakaling mahimasmasan ako kahit kaunti. “Sabagay ma’am, aba, malaking personalidad din kasi ang babae na ‘yon. Maalam ‘yon sa mga pasikot-sikot kung pa

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 33

    “Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle. Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito. Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo. “Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata. Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon. “Onie, please stop it!”

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 32

    “P-pero ma’am, please po, ‘wag niyo na sanang sabihin pa sa amo ko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niyang pinagsabi ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. And worst po ay baka kasuhan pa niya ako,” nakayuko na sabi ng Personal Assistant ng Jeyn na iyon. Kinompronta ko na nga siya dahil sa hindi ko na kaya pang sikmurain ang naririnig ko. Gano’n ba talaga kasama ang ugali ng babaeng ‘yon? Ano ba ang nagustuhan sa kaniya ni Lance at kung makahabol ang lalaki ay tila ba isang Dyosa ang modelong ‘yon.“Hindi mo kailangang matakot lalo kung nasa tama ka naman. Ako ang bahala sa ‘yo, kapag sinisante ka niya’y ako ang magbibigay sa ‘yo ng trabaho.” “Pero ma’am–”“Miss, please rin, reputasyon ko rin kasi ang nakataya rito. Kailangan ding lumabas ng katotoohanan. Hindi p’wedeng ako na lang ang magmukhang mali sa nangyari,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.“Naiintindihan ko naman po kayo, ma’am. Pasensiya na po kung medyo selfies ako na pigilan kayo sa gusto niyong gawin. Mas kilala ko po kasi

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 31

    “Bakit mo siya binigyan no’n? She’s allergic to peanuts.” Napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Lance sa akin. Dinala nila si Jeyn sa malapit na Ospital dahil hindi na ito makahinga matapos kainin ang cupcake na pasikreto kong ipina-serve para sa kaniya. Pero wala naman akong masamang agenda sa ginawa ko, ni hindi ko naman alam na may food allergy pala siya. Napasama pa tuloy ako sa good deed ko naman sana talaga.“Sorry Lance, hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa peanut eh,” malumanay na sagot ko sa kaniya.“Sabihin na natin na gano’n nga, bakit kailangan mo pang magbigay ng food sa kaniya. Or do you really not know it? Baka naman binalak mo talaga ‘yon?”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paanong lumabas iyon sa bibig niya? Tingin niya ba’y kaya ko ‘yon na gawin, ang manakit ng ibang tao? Hindi ako sumagot sa walang kwentang haka-haka niyang ‘yon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya mismo ang makapansin sa sarili niyang maling tanong.“I didn’t want to offen

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 30

    “Talaga ba Ma’am? Tapos ano’ng sabi niya?” tanong ni Karin sa akin. Kinabukasan kasi agad ay ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring pagsasagutan namin ni Jeyn kagabi after the event. “Syempre, supalpal siya sa akin. Ako pa ba magpapatalo sa kaniya?” sabi ko sabay ang pagsipsip sa buko juice na binili nila sa akin. Naglalaro ng volleyball ang team ko. Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya sa outing na ito kaya naman maaga pa lang ay nagpareserve na ako ng masasarap na lunch para sa lahat. Tatlong uri ng seafoods at saka litsong kawali with chopseuy ang ulam. Grabe, kahit ako nga ay natakam na. “Uy naman! Sana pala ay hindi ko agad kayo iniwan kagabi Ma’am para na-videohan ko pa kung paanong natameme ang babae na ‘yon. Grabe ang kapal talaga pala ng mukha ano?” Mabuti na lang at nasa side ko parati si Karin. “‘Wag na at baka mag-viral pa siya’t lalong magpaawa lang sa asawa ko. Tama na ‘yon sa kaniya para sa susunod ay alam niya kung sino ang babanggain niya.” Napaigik pa ako ng ka

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 29

    Ang gabing ito ang masasabi kong isa sa pinakamasayang gabi ng aking buhay. Bukod kasi sa nakita ko ng harapan ang ShootHeads ay nakasama ko rin ng walang halong kaplastikan si Lance. And it was wonderful. “You’re happy?” tanong ni Lance sa akin. “Oo naman, super. Kung p’wede lang sana na araw-araw ganito eh,” sagot ko naman sa kaniya. “P’wede naman.” Tinapunan ko siya ng tingin sa sinabi niya. “What do you mean by that?” Medyo nakakunot ang noo ko sa sagot na iyon. “Well, as part of being a good husband ay dapat na masaya ka sa piling ko. Ang gusto ko lang naman sabihin ngayon eh, kung ano man ang gusto o kailangan mo ay sabihin mo lang sa akin. I ca give you whatever you want and need, kaya naman ‘wag kang mag-aalinlangan, naintindihan mo ba?” Tumango-tango ako. “Hmm… Sige susubukan ko ‘yan. Kaso’y hindi ko maipapangako kasi… alam mo naman na natuto akong mabuhay na ako lang, independent at hindi umaasa sa iba. Pero kung ‘yon ang gusto mo ay sige, I will always bare it in

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 28

    Naka-focus lang ako sa harapan ng malaking salamin habang inaayos ng aking make-up artist ang aking final look for tonight. I was here in Greenbench Resort for an event, isa lang naman ako sa magiging judges para sa isang patimpalak na dito ngayon gaganapin. Sa totoo lang ay ayoko sanang tanggapin ang pipitsuging event na ito kung hindi ko lang din nalaman na narito sina Lance at ang kaniyang asawa. Wala naman akong pakialam sa asawa niya, ang pakay ko ay si Lance lang. Mula kasi no’ng gabi na dalhin niya ako sa Ospital ay hindi ko na siya nakita o nkausap pa personally. I was trying to call him but he wasn’t picking up. One more thing is my messages, sandamak-mak na text na rin ang naipadala ko sa kaniya ngunit ni isa ay hindi siya sumagot. And I fell so frustrated about him, hindi siya ang Lance na kilala ko, na whenever I need him ay darating kaagad siya kahit na ano pa ang kaniyang ginagawa. Gano’n na ba katindi ang pagkakalason ng Onie na ‘yon sa kaniya? Kinakalimutan niya

  • The Unplanned Marriage of the Century   Episode 27

    “Lance, ano na? Ang bagal-bagal mo kumilos,” bulyaw ni Onie sa asawa. Ngayong araw ang Outing nila kasama ang mga workers niya. It’s been three weeks after the incident of Lance having his last time around with his friend, Jeyn. Nagkausap na sila ng maayos, at naging hands on naman ang asawa niya sa kaniya. Parati na itong umuuwi ng maaga na may dalang kung ano mang makakain para sa kaniya. One time ay ito na rin ang sumama sa kaniya sa scheduled check-up nila ni baby, which is na-appreciate niya ng sobra. Eighteen weeks na ang kaniyang tiyan, nalagpasan na rin niya sa wakas ang paglilihi stage, na kung iisipin ay parang wala rin naman siyang naramdaman na paglilihi. Napakabait ng kaniyang baby, hindi siya nito pinapahirapan sa kanilang journey. Medyo malakas nga lang talaga siyang kumain, di katulad ng ordinary day na meal niya ng mag-isa pa siya sa araw-araw. “Yes, coming.” Nakaabang na si Onie sa may kotse, ang tanging dala niya ang ang sarili, cellphone at ang balabal niyang k

  • The Unplanned Marriage of the Century   Lance wanted a LIFE

    Ilang oras na rin si Lance sa tabi ni Jeyn, naghihintay na magising ang babae. Ayon sa Doktor na nakausap niya'y maayos na ang kalagayan nito, kailangan lang ng pahinga. Pinaalalahanan lang ng siya ng espesyalista na 'wag masyadong bibigyan ng isipin o sama ng loob si Jeyn. Hawak ni Lance ang kamay ng kaibigan, marahang pinipisil-pisil iyon habang nakaupo sa may tabi niya. Naghahalo ang emosyon sa puso niya. Kung iisipin ay hindi naman na siya dapat naroon dahil nangako na siya sa sarili na iiwas sa dalaga, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya magawa dahil sa pag-aalala rito. At isa pa'y alam naman niya sa sariling hindi basta-basta maaalis ang pagmamahal niya kay Jeyn. Bahagyang iniyukyok niya ang mukha, dinampian ng halik ang likod ng palad ng dalaga, at saka bumulong sa hangin. "Alam kong mali 'to dahil commited na 'ko, pero pangako this will be the last time na maiinvolve ako sa buhay mo Jeyn. After this you should learn how to stand without me. Yes, I love you but this is no

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status