Naging successful ang pangungulit ko kay Lance na umangkas kami sa yate na naroon. No'ng una'y ayaw pa niya ngunit nang sinabi kong gusto naming makita ni baby ang lawak ng karagatan ay pumayag rin siya. Alas siete ng gabi nang mapag-usapan naming magtungo ro'n. Pero bago pa sumapit ang oras ay nagdala na siya ng pagkaing puwede naming mai-luto, may kasama na ring wine para sa kaniya. "Careful." Hawak ni Lance ang kamay ko habang paakyat sa yate. Excited ako kahit medyo nangangatal ang kamay ko sa lamig na samyo ng hangin, tapos ang lamig talaga ng ambiance ng dagat kapag gabi, ang bango. Ipinuyod ko pataas ang buhok ko, baka magkabuhol-buhol kapag hinayaan ko lang na nakalugay. Regarding my look, suot ko ang makapal na kulay abuhing hoodie jacket ni Lance, ka-partner ng abuhin ring jogging pants. Pansin ko, paborito niya ang kulay gray. I don't bother na maglagay rin ng kung ano sa mukha ko, matutulog na rin naman mamaya. Eh ano kung wala kong kilay, as if naman may pake si Lance s
LANCE was driving our way home. Three days lang naman ang honeymoon namin sa resthouse nila. Well, if that will be called as honeymoon kasi wala namang romantic thingy na nangyari 'no. I was busy scrolling to my cellphone, checking my emails. And gosh! There were many of it in my folder, even in spam!I don't know if I can get it all done this day. Nanghihina kong tinigilan ang pagkalikot sa cellphone ko. Isinandal ko na lang ang aking ulo sa likuran. "Are you okay?" Lance asked me. Ni-hindi ko siya sinulyapan nang magtanong siya sa akin."Yah. Puwede mo ba akong gisingin kapag nakauwi na tayo?" tanong ko sa kaniya."Sure, you take a nap. Mahaba-haba pa ang biyahe natin," aniya na ikinagaan ng aking loob.I put down my cellphone and closed my eyes. I tried clearing my head so I can relax and take a fast nap. But after a minute or two I get up and angrily grab my hair and scolded myself.I can't do it, maraming sumasagi sa isipan ko, like going back to my bakeshop as soon as possible.
"Wow!" Halos malaglag ang panga ko sa bumungad sa akin pagkalabas ng kotse. Nauna nang pumasok si Lance sa malaki at malawak na bahay na tumambad sa akin, habang ako'y narito, nakatingala sa taas ng mansiyon na nasa harapan ko. 'So, ito ang magiging bahay namin? As in?' Napakurap-kurap ako. Ang laki kasi ng white mansion na 'to. Entrance pa lang ay bongga na. Sa dami nang kailangan kong ihakbang sa hagdan pataas pa lang sa pinaka entrada ay baka mangalay na ang mga paa ko, lalo kapag lumaki na siguro at tiyan ko. Isa, dalawa, tatlo . . . Labing lima? Gano'n karaming baitang? Okay lang sana kung sa loob 'to at paakyat sa second floor e, ang kaso, entrance pa lang 'to. Ngunit lalo pang nalaglag ang panga ko nang tuluyang makapasok sa pinakaloob. "Oh my gosh!" Kami lang ba ang titira sa luxury house na ito? Sinalubong ako ng dalawang babaeng maids at yumuko nang bahagya sa harapan ko. They also greeted me, at gayundin ang ginawa ko sa kanila. Narinig ko nang sabihin nila na sasama
Hindi ko tuluyang isinara ang pinto ng guest room na pinasukan ko upang malaman ng un-invited guest namin na naroon ako. Sabi ko'y sumunod siya sa akin, maliban sa gusto kong malaman kung ano ang pakay niya kay Lance ay gusto ko rin na makilala siya nang personal. Ang alam ko'y inimbitahan siya ni Lance sa kasal namin subalit hindi siya dumalo. Busy raw, nasa ibang bansa at hindi makagawa nang paraan upang makauwi. Reasons!Mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa gawi ng pintuan nang maramdaman kong nagsara 'yon.Nakatayo na ang babaeng nagngangalang Jeyn sa may harapan ko at nakatitig sa akin.Good thing na isinuot ko ang bigay ni Lance na pink na sun dress. Hindi ako nagmukhang 'lowkey' sa pagiging modelo niya. "Jeyn right? Nice meeting you," saad ko nang hindi man lang kumukurap. "Yes. Same with you Mrs. B-Benedicto." Nangunot ang noo ko sa pagkakabigkas niya ng bago kong apelyido, she is stuttering. Ngumiti ako. Ngiti na napuno ng buong kaplastikan sa kaniya. Aywan ko ba
Mula nang samahan ni Lance si Jeyn palabas ng silid ay hindi ko na siya nahagilap pa. Natapos na ang maghapon ay hindi pa rin siya umuuwi, ang sabi ni Manong driver na si Mang Jun ay ihinatid daw ni Lance ang kaibigan niya. At kailangan pa ba talaga niyang gawin ang bagay na 'yon? Hindi na niya inisip ang sarili niya? Gusto pa niyang utu-utuin siya ng babae na 'yon? Halata naman sa Jeyn na 'yon kung gaano niya isinisiksik ang sarili kay Lance, siguro'y tuwang-tuwa siya kapag hinahabol siya ng lalaki. Nasa harapan na ako ng hapagkainan, hindi maganda ang pakiramdam ko nang dahil sa inis kanina pa. Masama mang sumimangot sa harapan ng hapag-kainan ngunit hindi ko mapigilan. Ilang beses kong na-itama nang malakas ang gamit na kubyertos sa mababasaging pinggan na gamit ko. Ilang beses ding nagbanggaan ang mga ngipin ko sa pagnguya ng malinamnam na piraso ng karne na galing sa menudo na niluto ng mga kitchen cook para sa amin. "Ma'am, may gusto pa po ba kayo?" Binalingan ko ng tingin an
Nagising ako na wala na si Lance sa bahay. Ang sabi ng mga maids ay maaga raw itong pumasok. As in maaga talaga? Samantalang seven in the morning ako nagising, so alas sais ba ay dapat nasa opisina na siya? Hindi ko alam kung siya ba ang magbubukas ng building nila o ano e. Wala man lang iniwan na kung ano para sa akin, kahit habilin man lang gano'n? 'Pero ba't naman nga niya ako pahahabilinan, e war nga pala kami.'Pinilit kong makatulog kaagad kagabi kahit na hindi ako kumportable na mag-isa sa silid, wala man lang akong kasama kahit teddy bears. Hindi ako sanay! Kaya naman heto, medyo bangag ako ngayon. Pero gumayak pa rin ako papasok ng trabaho ko, ngunit bago tuluyang dumiretso sa bakeshop ay minabuti kong dumaan muna sa isang sikat na fast food chain. Bigla akong nagcrave sa pancake at fries. Natakam ako ng ilapag ko na ang aking binili sa katabing upuan, gusto ko nang kainin 'yon ngayon mismo. Kung hindi lang dahil sa busina na galing sa likurang sasakyan ay hindi ako matatau
Lance's POV"Sir?" Natawag ang pansin ko ng aking bagong hired na secretary na si Mr. Lee. Mahigit isang buwan na siyang nagta-trabaho sa akin matapos kong papuntahin ang dati kong sekretarya na si Nanci sa asawa ko. That woman, Onie, doesn't have someone she can trust on. Sariling kilos lang siya, magmula sa pagpapalakad sa maliit nitong bussiness hanggang sa personal na schedule ng buhay niya. So, I decided to assign Nanci to her, she should not be stressed, as it would affect the baby, my child."Sir. Ms. Corpuz just sent a text message for you." Inabot ko ang telepono na inilahad na niya sa may harapan ko. Jeyn wanted to meet me after office hours. It drew a wide line in my lips. I really wanted to spend more time with her. She's so precious to me. Eversince, we were at grade school our bond never cut off. She is all for me.Kaya naman kahit na mali ay nakikipagkita pa rin ako sa kaniya. if only she accepted my proposal that night ay hindi sana makakagulo ng ganito. Hindi siguro
Onie. Nakapangalumbaba ako habang nakatanaw sa labas ng aking bakeshop. Dapat ay nakauwi na ako sa bahay, ang kaso'y bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Kung kailan wala akong dalang payong, at isa pang kamalas-malasan na nangyari'y na flat pa ang gulong ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung mayroon bang empleyado o customer ang may galit sa akin kaya binutas ang gulong ng 'baby' ko. O sadyang balahura lang talaga ako sa pagpark niyon kanina. Huli na nang mapansin ko ang problema, wala naman akong gamit para maayos ang sirang tire, at mas lalong wala akong excess tire ngayon. Grabe! It was really a bad day talaga. Hindi ko na rin inabala ang mga empleyado ko regarding my problem dahil maghapon na silang nagtrabaho, this should be their rest time naman. Pinaki-usapan ko na lamang si Manong security na hintayin ako kahit saglit pa hanggang sa dumating lang si Lance. I texted him naman na baka puwede niya akong sunduin dito sa shop. At saka on the first place, siya ang unang nagsen
“Ay grabe naman, ginawa nila ‘yo? Diyos ko! Karmahin na lang sana sila.” Panay ang pagtango ko kay Karin sa mga sinasabi nito. Nai-kwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin sa Ospital kahapon. Ngayon nga pala’y narito na ulit kami sa bakeshop, back to work matapos ang weekend at ang hindi gano’n kasaya na Outing namin. Hindi na nga ako nakatulog nang maayos dahil sa issue na binabato sa akin ng babaita na ‘yon, na ako ang may pakana sa nangyari sa Jeyn na ‘yon. Naku! Kakagigil, kung p’wede lang mamilipit ng leeg ginawa ko na. “Dapat pala ma’am sinabihan mo ako, para sana nakapagresbak ako para sa ‘yo.” May pagtagsik pang sabi ni Karin. “Wala kang magagawa, girl. Kung ako nga wala eh, kahit asawa ko walang naitulong sa akin. Ikaw pa kaya? Hmp.” Lumagok ako ng tubig na dinala rin niiya sa akin kanina lang, baka sakaling mahimasmasan ako kahit kaunti. “Sabagay ma’am, aba, malaking personalidad din kasi ang babae na ‘yon. Maalam ‘yon sa mga pasikot-sikot kung paano tuma
“Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle. Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito. Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo. “Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata. Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon. “Onie, please stop it!” Pagpigil
“P-pero ma’am, please po, ‘wag niyo na sanang sabihin pa sa amo ko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niyang pinagsabi ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. And worst po ay baka kasuhan pa niya ako,” nakayuko na sabi ng Personal Assistant ng Jeyn na iyon. Kinompronta ko na nga siya dahil sa hindi ko na kaya pang sikmurain ang naririnig ko. Gano’n ba talaga kasama ang ugali ng babaeng ‘yon? Ano ba ang nagustuhan sa kaniya ni Lance at kung makahabol ang lalaki ay tila ba isang Dyosa ang modelong ‘yon.“Hindi mo kailangang matakot lalo kung nasa tama ka naman. Ako ang bahala sa ‘yo, kapag sinisante ka niya’y ako ang magbibigay sa ‘yo ng trabaho.” “Pero ma’am–”“Miss, please rin, reputasyon ko rin kasi ang nakataya rito. Kailangan ding lumabas ng katotoohanan. Hindi p’wedeng ako na lang ang magmukhang mali sa nangyari,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.“Naiintindihan ko naman po kayo, ma’am. Pasensiya na po kung medyo selfies ako na pigilan kayo sa gusto niyong gawin. Mas kilala ko po kasi
“Bakit mo siya binigyan no’n? She’s allergic to peanuts.” Napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Lance sa akin. Dinala nila si Jeyn sa malapit na Ospital dahil hindi na ito makahinga matapos kainin ang cupcake na pasikreto kong ipina-serve para sa kaniya. Pero wala naman akong masamang agenda sa ginawa ko, ni hindi ko naman alam na may food allergy pala siya. Napasama pa tuloy ako sa good deed ko naman sana talaga.“Sorry Lance, hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa peanut eh,” malumanay na sagot ko sa kaniya.“Sabihin na natin na gano’n nga, bakit kailangan mo pang magbigay ng food sa kaniya. Or do you really not know it? Baka naman binalak mo talaga ‘yon?”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paanong lumabas iyon sa bibig niya? Tingin niya ba’y kaya ko ‘yon na gawin, ang manakit ng ibang tao? Hindi ako sumagot sa walang kwentang haka-haka niyang ‘yon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya mismo ang makapansin sa sarili niyang maling tanong.“I didn’t want to offen
“Talaga ba Ma’am? Tapos ano’ng sabi niya?” tanong ni Karin sa akin. Kinabukasan kasi agad ay ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring pagsasagutan namin ni Jeyn kagabi after the event. “Syempre, supalpal siya sa akin. Ako pa ba magpapatalo sa kaniya?” sabi ko sabay ang pagsipsip sa buko juice na binili nila sa akin. Naglalaro ng volleyball ang team ko. Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya sa outing na ito kaya naman maaga pa lang ay nagpareserve na ako ng masasarap na lunch para sa lahat. Tatlong uri ng seafoods at saka litsong kawali with chopseuy ang ulam. Grabe, kahit ako nga ay natakam na. “Uy naman! Sana pala ay hindi ko agad kayo iniwan kagabi Ma’am para na-videohan ko pa kung paanong natameme ang babae na ‘yon. Grabe ang kapal talaga pala ng mukha ano?” Mabuti na lang at nasa side ko parati si Karin. “‘Wag na at baka mag-viral pa siya’t lalong magpaawa lang sa asawa ko. Tama na ‘yon sa kaniya para sa susunod ay alam niya kung sino ang babanggain niya.” Napaigik pa ako ng ka
Ang gabing ito ang masasabi kong isa sa pinakamasayang gabi ng aking buhay. Bukod kasi sa nakita ko ng harapan ang ShootHeads ay nakasama ko rin ng walang halong kaplastikan si Lance. And it was wonderful. “You’re happy?” tanong ni Lance sa akin. “Oo naman, super. Kung p’wede lang sana na araw-araw ganito eh,” sagot ko naman sa kaniya. “P’wede naman.” Tinapunan ko siya ng tingin sa sinabi niya. “What do you mean by that?” Medyo nakakunot ang noo ko sa sagot na iyon. “Well, as part of being a good husband ay dapat na masaya ka sa piling ko. Ang gusto ko lang naman sabihin ngayon eh, kung ano man ang gusto o kailangan mo ay sabihin mo lang sa akin. I ca give you whatever you want and need, kaya naman ‘wag kang mag-aalinlangan, naintindihan mo ba?” Tumango-tango ako. “Hmm… Sige susubukan ko ‘yan. Kaso’y hindi ko maipapangako kasi… alam mo naman na natuto akong mabuhay na ako lang, independent at hindi umaasa sa iba. Pero kung ‘yon ang gusto mo ay sige, I will always bare it in
Naka-focus lang ako sa harapan ng malaking salamin habang inaayos ng aking make-up artist ang aking final look for tonight. I was here in Greenbench Resort for an event, isa lang naman ako sa magiging judges para sa isang patimpalak na dito ngayon gaganapin. Sa totoo lang ay ayoko sanang tanggapin ang pipitsuging event na ito kung hindi ko lang din nalaman na narito sina Lance at ang kaniyang asawa. Wala naman akong pakialam sa asawa niya, ang pakay ko ay si Lance lang. Mula kasi no’ng gabi na dalhin niya ako sa Ospital ay hindi ko na siya nakita o nkausap pa personally. I was trying to call him but he wasn’t picking up. One more thing is my messages, sandamak-mak na text na rin ang naipadala ko sa kaniya ngunit ni isa ay hindi siya sumagot. And I fell so frustrated about him, hindi siya ang Lance na kilala ko, na whenever I need him ay darating kaagad siya kahit na ano pa ang kaniyang ginagawa. Gano’n na ba katindi ang pagkakalason ng Onie na ‘yon sa kaniya? Kinakalimutan niya
“Lance, ano na? Ang bagal-bagal mo kumilos,” bulyaw ni Onie sa asawa. Ngayong araw ang Outing nila kasama ang mga workers niya. It’s been three weeks after the incident of Lance having his last time around with his friend, Jeyn. Nagkausap na sila ng maayos, at naging hands on naman ang asawa niya sa kaniya. Parati na itong umuuwi ng maaga na may dalang kung ano mang makakain para sa kaniya. One time ay ito na rin ang sumama sa kaniya sa scheduled check-up nila ni baby, which is na-appreciate niya ng sobra. Eighteen weeks na ang kaniyang tiyan, nalagpasan na rin niya sa wakas ang paglilihi stage, na kung iisipin ay parang wala rin naman siyang naramdaman na paglilihi. Napakabait ng kaniyang baby, hindi siya nito pinapahirapan sa kanilang journey. Medyo malakas nga lang talaga siyang kumain, di katulad ng ordinary day na meal niya ng mag-isa pa siya sa araw-araw. “Yes, coming.” Nakaabang na si Onie sa may kotse, ang tanging dala niya ang ang sarili, cellphone at ang balabal niyang k
Ilang oras na rin si Lance sa tabi ni Jeyn, naghihintay na magising ang babae. Ayon sa Doktor na nakausap niya'y maayos na ang kalagayan nito, kailangan lang ng pahinga. Pinaalalahanan lang ng siya ng espesyalista na 'wag masyadong bibigyan ng isipin o sama ng loob si Jeyn. Hawak ni Lance ang kamay ng kaibigan, marahang pinipisil-pisil iyon habang nakaupo sa may tabi niya. Naghahalo ang emosyon sa puso niya. Kung iisipin ay hindi naman na siya dapat naroon dahil nangako na siya sa sarili na iiwas sa dalaga, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya magawa dahil sa pag-aalala rito. At isa pa'y alam naman niya sa sariling hindi basta-basta maaalis ang pagmamahal niya kay Jeyn. Bahagyang iniyukyok niya ang mukha, dinampian ng halik ang likod ng palad ng dalaga, at saka bumulong sa hangin. "Alam kong mali 'to dahil commited na 'ko, pero pangako this will be the last time na maiinvolve ako sa buhay mo Jeyn. After this you should learn how to stand without me. Yes, I love you but this is no