Nagising ako na wala na si Lance sa bahay. Ang sabi ng mga maids ay maaga raw itong pumasok. As in maaga talaga? Samantalang seven in the morning ako nagising, so alas sais ba ay dapat nasa opisina na siya? Hindi ko alam kung siya ba ang magbubukas ng building nila o ano e. Wala man lang iniwan na kung ano para sa akin, kahit habilin man lang gano'n? 'Pero ba't naman nga niya ako pahahabilinan, e war nga pala kami.'Pinilit kong makatulog kaagad kagabi kahit na hindi ako kumportable na mag-isa sa silid, wala man lang akong kasama kahit teddy bears. Hindi ako sanay! Kaya naman heto, medyo bangag ako ngayon. Pero gumayak pa rin ako papasok ng trabaho ko, ngunit bago tuluyang dumiretso sa bakeshop ay minabuti kong dumaan muna sa isang sikat na fast food chain. Bigla akong nagcrave sa pancake at fries. Natakam ako ng ilapag ko na ang aking binili sa katabing upuan, gusto ko nang kainin 'yon ngayon mismo. Kung hindi lang dahil sa busina na galing sa likurang sasakyan ay hindi ako matatau
Lance's POV"Sir?" Natawag ang pansin ko ng aking bagong hired na secretary na si Mr. Lee. Mahigit isang buwan na siyang nagta-trabaho sa akin matapos kong papuntahin ang dati kong sekretarya na si Nanci sa asawa ko. That woman, Onie, doesn't have someone she can trust on. Sariling kilos lang siya, magmula sa pagpapalakad sa maliit nitong bussiness hanggang sa personal na schedule ng buhay niya. So, I decided to assign Nanci to her, she should not be stressed, as it would affect the baby, my child."Sir. Ms. Corpuz just sent a text message for you." Inabot ko ang telepono na inilahad na niya sa may harapan ko. Jeyn wanted to meet me after office hours. It drew a wide line in my lips. I really wanted to spend more time with her. She's so precious to me. Eversince, we were at grade school our bond never cut off. She is all for me.Kaya naman kahit na mali ay nakikipagkita pa rin ako sa kaniya. if only she accepted my proposal that night ay hindi sana makakagulo ng ganito. Hindi siguro
Onie. Nakapangalumbaba ako habang nakatanaw sa labas ng aking bakeshop. Dapat ay nakauwi na ako sa bahay, ang kaso'y bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Kung kailan wala akong dalang payong, at isa pang kamalas-malasan na nangyari'y na flat pa ang gulong ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung mayroon bang empleyado o customer ang may galit sa akin kaya binutas ang gulong ng 'baby' ko. O sadyang balahura lang talaga ako sa pagpark niyon kanina. Huli na nang mapansin ko ang problema, wala naman akong gamit para maayos ang sirang tire, at mas lalong wala akong excess tire ngayon. Grabe! It was really a bad day talaga. Hindi ko na rin inabala ang mga empleyado ko regarding my problem dahil maghapon na silang nagtrabaho, this should be their rest time naman. Pinaki-usapan ko na lamang si Manong security na hintayin ako kahit saglit pa hanggang sa dumating lang si Lance. I texted him naman na baka puwede niya akong sunduin dito sa shop. At saka on the first place, siya ang unang nagsen
Chapter Sixteen"Maupo ka muna." Hindi ko sigurado kung nasa tamang sistema ba ang utak ko o nagkaroon ako bigla ng diperensiya sa pag-iisip. Kinuwestiyon ko rin naman ang sarili ko pero huli na, dahil sa lahat ng puwede kong gawin bakit ang pagdala pa kay Aldrin sa Condominium ko ang aking ginawa. I mean, maaari naman na nagpasalamat na lang ako at naghintay na may dumaang taxi hanggang sa makauwi. O kaya naman e, tuluyan na lang sana akong nagpahatid sa bahay namin.Pero bakit dito pa talaga? Mukha akong tanga sa pagtatanong sa aking sarili, pero isang dahilan lang ang isinasagot sa akin ng aking utak.'Naiinis ako sa asawa ko't ayaw ko siyang makita, paasa siya, hindi ko naman si Aldrin puwedeng papuntahin sa village namin, tiyak na makakarating kay Lance oras na makapasok ang sasakyan nito ro'n. Good thing at hindi ko pa binibitiwan ang condo unit ko. Masama man na magdala ng lalaki sa unit ko'y ginawa ko pa rin, guilty ako sa sugat niya sa may bandang labi. Hind ata ako makakatu
Naimulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang bigla kong pagsipa, nanaginip na naman ako na nahuhulog. Walang kabuhay-buhay na naupo ako mula sa pagkakahiga, inilihis ang aking naniningkit pang mata sa telepono na nasa side table. 32 messages received.20 missed calls.15 emails received.It was already seven in the morning, as my phone clock stated. Bumangon ako't dumiretso sa banyo. I didn't even bother open the messages and calls I received. I took my morning shower, and planning to have a breakfast on the nearby fastfood before going straight to work. I missed this life, iyong wala akong ibang iisipin kundi sarili ko lang. Pinatutuyo ko ang aking buhok habang nakaharap sa malawak na salamin na nasa loob ng comfort room. I tied it up neatly para hindi mabanas mamaya kapag tanghali na. I am brushing the upper part of my teeth when I suddenly run my eyes to my tummy. It's been three months at lumilitaw na nang bahagya ang umbok sa aking tiyan. Marahan na hinaplos ko 'yon at
Napakainit ng 'atmosphere' sa loob ng kotse ng asawa ko. Panay ang busina niya sa mga sasakyan na nabubuntutan namin ngayon. Matapos niyang bigyan ng isang malutong na suntok si Aldrin at kaladkarin palabas ng unit ko'y ako naman ang hinila niya palabas do'n at dinala sa parking lot, at pinapasok sa kotse. Pinaharurot niya kaagad ang sasakyan, saka ko lang napansin na wala siyang kasamang driver ngayon. Nagulat ako sa muli niyang pagbusina, konti na lang ay makakakuha na ng kaaway ang lalaki na 'to. Simula kanina'y hindi pa ako nagsasalita, hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin sa kaniya.'Should I say sorry to him dahil sa nagdala ako ng lalaki sa Condo ko?' Umiling-iling ako, pero wala naman akong ginagawang masama para mag-sorry, Aldrin just helped me . . . na hindi niya nagawa bilang asawa ko. "Puwede bang magdahan-dahan ka? Gusto mo na bang mamatay? Kung oo man ang sagot, go . . . pero 'wag mo 'kong idamay." Nagtaray pa rin ako sa kaniya. Hindi lang siya ang puwedeng
"Hello, Nanci." Bungad ko kaagad sa babaeng sumagot sa kabilang linya. "Ah, oo puwede mo bang i-send sa akin 'yong pina-check ko sa 'yong papers. Oo 'yon nga. Okay sige, asahan ko ngayong umaga." Tinawagan ko ang assistant kong si Nanci, I'm not in the good mood sana ngayon para sa gawaing trabaho pero wala akong magagawa. This thing is my passion, kaya naman kahit masama ang loob kong tuloy pa rin ang laban. Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang biglang maalala na itanong sa kaniya kung kailan ba talaga siya makakapasok. Aba! Sabi niya kahapon na ngayon ay magduduty na siya as assistant ko, pero wala naman nangyari, absent pa rin siya. "Siguraduhin mo na papasok ka na bukas, dahil kung hindi'y sisante ka na." Tinakot ko siya para naman masindak sa akin, kunwari'y galit ang tono ng boses ko. Tuluyan ko nang ibinaba ang cellphone ng makapag-paalaman na 'ko sa kaniya. Sunod kong binuksan ay ang laptop ko't nagsimulang tignan ang kopya ng pastry supplies na kailangang ipa-deliver.
Tanging ang itim lang sa aking mata ang nai-gagalaw ko ngayon. Para baga akong nagkaro'n ng stiff neck na hindi ko magawang i-kilos ang leeg ko pakaliwa o kanan.Lulan ako ngayon ng sasakyan ni Lance matapos niyang magtungo sa bakeshop ko. Himala ang nangyaring ito, oo, minsan good siya sa akin lalo no'ng nasa honeymoon state kami. Pero pagkatapos naman no'n ay wala na, lalo nang makauwi kami't muli niyang masilayan ang 'mahal' niya. Hindi ako nagseselos o kung ano pa man lalo't hindi ko naman dapat na maramdaman ang bagay na 'yon. It's just that, naiinis ako, kasi naman 'di ba dapat nakatutok siya kahit sa anak niya na lang niya—pero ano ang ginagawa niya? Nakikipaglandian. Seryoso ang mukha ni Lance habang diretso ang tingin sa unahan ng kalsada. Naka-side view na naman siya, tsk, kahit na sa peripheral view lang ay kitang-kita ko ang bossy at maamo niyang mukha. "Sa'n tayo pupunta?" Hindi na ako nakatiis, itinanong ko na 'yon sa kaniya. "Saan mo ba gusto?" Nalaglag ang panga ko
“Ay grabe naman, ginawa nila ‘yo? Diyos ko! Karmahin na lang sana sila.” Panay ang pagtango ko kay Karin sa mga sinasabi nito. Nai-kwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin sa Ospital kahapon. Ngayon nga pala’y narito na ulit kami sa bakeshop, back to work matapos ang weekend at ang hindi gano’n kasaya na Outing namin. Hindi na nga ako nakatulog nang maayos dahil sa issue na binabato sa akin ng babaita na ‘yon, na ako ang may pakana sa nangyari sa Jeyn na ‘yon. Naku! Kakagigil, kung p’wede lang mamilipit ng leeg ginawa ko na. “Dapat pala ma’am sinabihan mo ako, para sana nakapagresbak ako para sa ‘yo.” May pagtagsik pang sabi ni Karin. “Wala kang magagawa, girl. Kung ako nga wala eh, kahit asawa ko walang naitulong sa akin. Ikaw pa kaya? Hmp.” Lumagok ako ng tubig na dinala rin niiya sa akin kanina lang, baka sakaling mahimasmasan ako kahit kaunti. “Sabagay ma’am, aba, malaking personalidad din kasi ang babae na ‘yon. Maalam ‘yon sa mga pasikot-sikot kung pa
“Wait! Ano’ng sinasabi mo, Miss? Hindi ‘yan ang sabi mo kanina. ‘Di ba, takot na takot ka pa nga na malaman ito ng Jeyn na ‘yan kaya ang sabi ko ay ako ang bahala sa ‘yo kung sakaling alisin ka man niya sa trabaho.” Histerikal na sabi ko sa naging sagot din ng PA ni Jeyn na si Belle. Pinatawag nga siya’t tinanong ng tungkol sa sinabi ko, pero hindi ko inaasahan na ako ang babaliktarin nito’t sasabihin na inutusan ko siyang sabihin sa amin na gusto ko raw siyang paaminin na tinangka nga akong pagbintangan ng kaniyang amo. Samantalang sa bibig niya mismo nanggaling na napakasama ng ugali ni Jeyn Corpuz sa kaniya, tapos ngayon ay ganito. Napapailing na lang ako habang hinila ang babae’t pilit na pinapaamin ng totoo. “Stop her Lance! Sinasaktan niya ang PA ko,” sabi ng mahaderang Jeyn kaya naman sinulyapan ko siya na may panlilisik ang mga mata. Ang babaeng ‘to, tiyak na may ginawa siya kung bakit biglang nagbago ang testimonya ng kaniyang PA ngayon. “Onie, please stop it!”
“P-pero ma’am, please po, ‘wag niyo na sanang sabihin pa sa amo ko. Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niyang pinagsabi ko ang tungkol sa bagay na ‘yon. And worst po ay baka kasuhan pa niya ako,” nakayuko na sabi ng Personal Assistant ng Jeyn na iyon. Kinompronta ko na nga siya dahil sa hindi ko na kaya pang sikmurain ang naririnig ko. Gano’n ba talaga kasama ang ugali ng babaeng ‘yon? Ano ba ang nagustuhan sa kaniya ni Lance at kung makahabol ang lalaki ay tila ba isang Dyosa ang modelong ‘yon.“Hindi mo kailangang matakot lalo kung nasa tama ka naman. Ako ang bahala sa ‘yo, kapag sinisante ka niya’y ako ang magbibigay sa ‘yo ng trabaho.” “Pero ma’am–”“Miss, please rin, reputasyon ko rin kasi ang nakataya rito. Kailangan ding lumabas ng katotoohanan. Hindi p’wedeng ako na lang ang magmukhang mali sa nangyari,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.“Naiintindihan ko naman po kayo, ma’am. Pasensiya na po kung medyo selfies ako na pigilan kayo sa gusto niyong gawin. Mas kilala ko po kasi
“Bakit mo siya binigyan no’n? She’s allergic to peanuts.” Napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Lance sa akin. Dinala nila si Jeyn sa malapit na Ospital dahil hindi na ito makahinga matapos kainin ang cupcake na pasikreto kong ipina-serve para sa kaniya. Pero wala naman akong masamang agenda sa ginawa ko, ni hindi ko naman alam na may food allergy pala siya. Napasama pa tuloy ako sa good deed ko naman sana talaga.“Sorry Lance, hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa peanut eh,” malumanay na sagot ko sa kaniya.“Sabihin na natin na gano’n nga, bakit kailangan mo pang magbigay ng food sa kaniya. Or do you really not know it? Baka naman binalak mo talaga ‘yon?”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, paanong lumabas iyon sa bibig niya? Tingin niya ba’y kaya ko ‘yon na gawin, ang manakit ng ibang tao? Hindi ako sumagot sa walang kwentang haka-haka niyang ‘yon. Tinitigan ko lang siya hanggang sa siya mismo ang makapansin sa sarili niyang maling tanong.“I didn’t want to offen
“Talaga ba Ma’am? Tapos ano’ng sabi niya?” tanong ni Karin sa akin. Kinabukasan kasi agad ay ikinuwento ko sa kaniya ang nangyaring pagsasagutan namin ni Jeyn kagabi after the event. “Syempre, supalpal siya sa akin. Ako pa ba magpapatalo sa kaniya?” sabi ko sabay ang pagsipsip sa buko juice na binili nila sa akin. Naglalaro ng volleyball ang team ko. Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya sa outing na ito kaya naman maaga pa lang ay nagpareserve na ako ng masasarap na lunch para sa lahat. Tatlong uri ng seafoods at saka litsong kawali with chopseuy ang ulam. Grabe, kahit ako nga ay natakam na. “Uy naman! Sana pala ay hindi ko agad kayo iniwan kagabi Ma’am para na-videohan ko pa kung paanong natameme ang babae na ‘yon. Grabe ang kapal talaga pala ng mukha ano?” Mabuti na lang at nasa side ko parati si Karin. “‘Wag na at baka mag-viral pa siya’t lalong magpaawa lang sa asawa ko. Tama na ‘yon sa kaniya para sa susunod ay alam niya kung sino ang babanggain niya.” Napaigik pa ako ng ka
Ang gabing ito ang masasabi kong isa sa pinakamasayang gabi ng aking buhay. Bukod kasi sa nakita ko ng harapan ang ShootHeads ay nakasama ko rin ng walang halong kaplastikan si Lance. And it was wonderful. “You’re happy?” tanong ni Lance sa akin. “Oo naman, super. Kung p’wede lang sana na araw-araw ganito eh,” sagot ko naman sa kaniya. “P’wede naman.” Tinapunan ko siya ng tingin sa sinabi niya. “What do you mean by that?” Medyo nakakunot ang noo ko sa sagot na iyon. “Well, as part of being a good husband ay dapat na masaya ka sa piling ko. Ang gusto ko lang naman sabihin ngayon eh, kung ano man ang gusto o kailangan mo ay sabihin mo lang sa akin. I ca give you whatever you want and need, kaya naman ‘wag kang mag-aalinlangan, naintindihan mo ba?” Tumango-tango ako. “Hmm… Sige susubukan ko ‘yan. Kaso’y hindi ko maipapangako kasi… alam mo naman na natuto akong mabuhay na ako lang, independent at hindi umaasa sa iba. Pero kung ‘yon ang gusto mo ay sige, I will always bare it in
Naka-focus lang ako sa harapan ng malaking salamin habang inaayos ng aking make-up artist ang aking final look for tonight. I was here in Greenbench Resort for an event, isa lang naman ako sa magiging judges para sa isang patimpalak na dito ngayon gaganapin. Sa totoo lang ay ayoko sanang tanggapin ang pipitsuging event na ito kung hindi ko lang din nalaman na narito sina Lance at ang kaniyang asawa. Wala naman akong pakialam sa asawa niya, ang pakay ko ay si Lance lang. Mula kasi no’ng gabi na dalhin niya ako sa Ospital ay hindi ko na siya nakita o nkausap pa personally. I was trying to call him but he wasn’t picking up. One more thing is my messages, sandamak-mak na text na rin ang naipadala ko sa kaniya ngunit ni isa ay hindi siya sumagot. And I fell so frustrated about him, hindi siya ang Lance na kilala ko, na whenever I need him ay darating kaagad siya kahit na ano pa ang kaniyang ginagawa. Gano’n na ba katindi ang pagkakalason ng Onie na ‘yon sa kaniya? Kinakalimutan niya
“Lance, ano na? Ang bagal-bagal mo kumilos,” bulyaw ni Onie sa asawa. Ngayong araw ang Outing nila kasama ang mga workers niya. It’s been three weeks after the incident of Lance having his last time around with his friend, Jeyn. Nagkausap na sila ng maayos, at naging hands on naman ang asawa niya sa kaniya. Parati na itong umuuwi ng maaga na may dalang kung ano mang makakain para sa kaniya. One time ay ito na rin ang sumama sa kaniya sa scheduled check-up nila ni baby, which is na-appreciate niya ng sobra. Eighteen weeks na ang kaniyang tiyan, nalagpasan na rin niya sa wakas ang paglilihi stage, na kung iisipin ay parang wala rin naman siyang naramdaman na paglilihi. Napakabait ng kaniyang baby, hindi siya nito pinapahirapan sa kanilang journey. Medyo malakas nga lang talaga siyang kumain, di katulad ng ordinary day na meal niya ng mag-isa pa siya sa araw-araw. “Yes, coming.” Nakaabang na si Onie sa may kotse, ang tanging dala niya ang ang sarili, cellphone at ang balabal niyang k
Ilang oras na rin si Lance sa tabi ni Jeyn, naghihintay na magising ang babae. Ayon sa Doktor na nakausap niya'y maayos na ang kalagayan nito, kailangan lang ng pahinga. Pinaalalahanan lang ng siya ng espesyalista na 'wag masyadong bibigyan ng isipin o sama ng loob si Jeyn. Hawak ni Lance ang kamay ng kaibigan, marahang pinipisil-pisil iyon habang nakaupo sa may tabi niya. Naghahalo ang emosyon sa puso niya. Kung iisipin ay hindi naman na siya dapat naroon dahil nangako na siya sa sarili na iiwas sa dalaga, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya magawa dahil sa pag-aalala rito. At isa pa'y alam naman niya sa sariling hindi basta-basta maaalis ang pagmamahal niya kay Jeyn. Bahagyang iniyukyok niya ang mukha, dinampian ng halik ang likod ng palad ng dalaga, at saka bumulong sa hangin. "Alam kong mali 'to dahil commited na 'ko, pero pangako this will be the last time na maiinvolve ako sa buhay mo Jeyn. After this you should learn how to stand without me. Yes, I love you but this is no