Share

Chapter II

Author: YlatheDreamer
last update Last Updated: 2022-01-21 10:05:01

"P**a. Nakakahiya yun ah," ani Clement sa sarili.

Matapos niyang magbihis ay lumabas na siya agad. Ang lola niya na lang ang naabutan niya sa sala.

"Halika na Clement sumama ka sa'min ng lolo mo,"

"Saan po kayo pupunta La?"

"Basta sumama ka na lang apo. Naghihintay na ang Lolo mo sa labas."

Wala na siyang nagawa ng hinila na siya ng lola niya palabas.

May kalayuan din ang nilakad nila bago sila lumiko sa maliit na bahay sa gitna ng bukid. "Bilisan mo apo. Makikikain tayo." Napangiwi siya ng marinig ang sinabi ng Lola niya.

"Mabel," tawag ng Lola niya doon sa babaeng nasa bungad.

"Ay nandito na pala kayo Ate Zeny. Nagkakasayahan na sila sa likod." Iginaya sila ni Mabel sa likod bahay nito.

Maraming tao sa likod bahay nito. May mga kumakanta sa videoke, may mga nag-iinuman sa gilid at may mga kumakain din.

Naupo sila sa bakanteng upuan. Medyo nahihiya si Clement dahil pinagtitinginan siya lahat ng tao doon. Inabutan na lang siya ng kanyang lola ng pagkain. Ang lolo niya naman ay dumiretso na sa mga nag-iinuman.

"Siya nga pala mga Pare hayun ang apo ko kay Vannie," nakangiting pagpapakilala sa kanya ng kanyang Lolo sa mga nag-iinom, na sa lakas ng pagkakasabi nito ay malamang narinig ng mga tao roon, sakto rin kasing tumigil ang tugtog ng videoke.

"Aba eto na ba ang anak ni Vannie? Aba binatang binata ka na ah. Teka may asawa ka na ba?" tanong ng isang matanda na malapit lang sa kanila nakaupo.

"Wala pa po," tugon niya dito.

"Aba dapat nag-aasawa ka na nang mabigyan mo na ng apo si Ka Zeny at Ka V." kantyaw ng isa pa.

Mabilis namang napalagay ang loob niya dahil mababait naman ang mga ito at ang sarap ng pagkaing handa, kahit na hindi niya naman alam kung ano bang meron at nagkakasiyahan ang mga tao dito. Inaaya rin siyang mag-inom ng mga lalakihan pero tumanggi siya dahil baka tanghaliin siya ng gising kinabukasan.

"Hindi pwedeng uminom ngayon 'yan dahil maaga pa siyang gigising bukas para umuwi sa Maynila," sabad ng lola niya sa mga namimilit sa kanya.

"Basta sa susunod pare makipag-inuman ka samin ha,"

"Oo naman," mabilis niyang sagot.

"Teka Mabel nasaan nga pala si Fauvine?" tanong ng Lola niya nang mapadaan si Mabel sa harap nila.

"Sumakit daw ang ulo. Siya pa naman ang nagpresinta na sunduin kayo kaso pagbalik dito nagpaalam agad na uuwi na daw siya kasi nga masakit daw ang ulo niya. Pero sinabihan ko na pagnawala ang sakit ng ulo niya ay pumarito siya," paliwanag ni Mabel.

Mabilis lumipas ang oras, nagkakasiyahan parin ang mga tao. Masyado na siyang nabuburyo kaya nagpasiya siyang umuna na ng umuwi.

Nanonood siya ng tv ng may kumatok sa pinto. Agad siyang tumayo para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

"Si tatay V. lasing na hindi kaya ni nanay Zeny iuwi mag-isa dito," nakayukong sabi ng babae pagbukas niya ng pinto, ni hindi niya makita ang mukha nito dahil nakaharang ang buhok nito.

"Sige susunduin ko sila. Patayin ko muna 'yong tv," nagmamadaling tugon niya dito at pinatay ang tv at kinuha niya din ang susi ng kotse niya, tutal may kalayuan din ang bahay na pinuntahan nila kanina.

Paglabas niya ay naglalakad na yung babae paalis. "Miss, sumabay ka na sakin!" aya niya doon sa babae pero hindi man lang siya nilingon nito kaya nakibit-balikat na lang siya.

Mabilis na pinaadar ni Clement ang kotse niya at tinungo ang bahay na pinuntahan nila kanina. Naririnig niya pa ang videoke na tumutugtog pagkababa niya sa sasakyan.

"Nandiyan ka na pala, hijo. Ang lolo mo lasing na," anang ni Mabel nang makita siya.

"La," tawag niya sa lola ng makalapit siya sa mga ito.

"Naku! Buti nandito ka na. Iyang Lolo mo hindi na kayang tumayo. Siya Mabel salamat sa pagkain, uuwi na kami,"

"Sige ho ate Zeny. Ingat kayo."

Tulong sila sa pag-akay sa lolo niya. Lasing na lasing ito at may kabagalan na ang lakad at pasuray-suray pa. Ilang minuto ang inabot nila bago tuluyang naisakay ito sa kotse.

"Susmaryosep ka, Vanjo!" ani lola niya ng makasakay na rin ito sa kotse at tumabi sa lolo niya.

Pahirapan din ang pagbaba nito sa kotse ng makauwi na sila. "Pasensiya ka na apo ha. Ganito talaga si Vanjo pagnasosobrahan ng inom," ani Lola niya ng maibaba na nila ang Lolo niya sa sasakyan.

"Sinong katulong niyo kay Lolo pagnakakainom siya ng sobra?"

"Minsan yung mga kasama niyang mag-inom at minsan si Fauvine tinutulungan ako."

Matapos maihiga ni Clement ang Lolo niya ay nagtungo na siya sa silid ng ina upang matulog. Samantala, naging abala naman ang Lola niya sa paglilinis sa asawa.

Ang tagal ng nakatitig sa kisame ni Clement, ngunit hindi parin siya dinadalaw ng antok.

Sumagi na naman sa isipan niya ang babaeng laging laman ng panaginip niya nitong nakaraan. Ang totoo simula ng araw na 'yon ay hindi na ito mawala sa isipan niya. 'Tawag lang ng laman siguro 'to!' Pagkukumbinsi niya sa sarili.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may kumatok. "Clement hijo? Gising ka pa ba?" narinig niya ang Lola niya.

"Opo, La," Pinagbuksan niya ito ng pinto at nakitang may dala itong isang baso ng gatas.

"Inumin mo 'to apo ng makatulog ka ng maayos," Tinanggap niya agad ang binigay nitong gatas.

Tumalikod na ang Lola niya at binuksan ang tv. Sumunod siya dito at naupo sa sofa. "Alam mo La, si Mom din lagi akong pinagtitimpla ng gatas dati. Nagagalit pa nga ako sa kanya minsan kasi masyado niya kong ginagawang bata,"

Napangiti ang Lola niya dahil sa sinabi niya. "Syempre naman mahal na mahal ka ni Vannie. Alam mo ba dati bawat nangyayari sa buhay niyo ay ikinukwento niya sa'min. Nakakamiss talaga si Vannie"

"Mahal na mahal din naman po kayo ni Mom, La," sabi niya dito ng nakangiti.

"Mahal na mahal din namin si Vannie. Teka apo inumin mo na yang gatas mo at ng makatulog ka na,"

"Ay siya nga po pala, La. Sino yung babaeng sumundo sakin kanina?"

"Ay si Fauvine 'yon. Bakit?"

"May pagkaweird po siya hano? Kasi nung pagbukas ko po sa pinto nakaharang 'yong buhok niya sa mukha niya, kagaya ng mga white lady sa horror movie. Inaya ko nga din siyang sumabay sakin kanina sa kotse pagpunta sa inyo pero hindi ako pinansin," nakakunot noong tanong ni Clement sa matanda.

"Hindi mo yun mapapasakay sa kotse at sa kahit na anong sasakyang de aircon dahil nahihilo siya, pero minsan kapag napipilitan siya ay pinapabuksan niya na lang ang bintana ng sasakyan. Baka naman kaya nakaharang ang buhok niya sa mukha kanina ay dahil nahihiya sayo, nakita ka kasi niyang nadulas kanina," mahabang paliwanag ng Lola niya.

Naalala niya na naman tuloy na nadulas siya kanina at siya pala ang bisita kanina ng Lolo at Lola niya kaya sigurado ngang nakita nito ang pagkadulas niya.

Kinabukasan. Madaling araw pa lang ay nakagayak na si Clement. Kailangang maaga para hindi siya matraffic lalu na't lunes.

Nang makarating na siya sa bahay, nagpahinga lang siya saglit at naghanda na para pumasok sa trabaho.

"Clement, Hijo. San ka natulog kagabi?" nag-aalalang tanong ni Manang Elsie pagkakita sa kanya nang bumaba siya.

"Kanila Lola po, Manang," Magalang niyang sagot dito.

"Ganoon ba? Hinahanap ka kasi ng Dad mo kagabi. Nagpunta din nga pala dito si Cappucine at ang mga kaibigan mo,"

"Manang kailangan ko ng pumasok," mabilis na sabi niya dito para hindi na humaba ang kwento nito.

"Teka hindi ka ba mag-aagahan muna?"

"Sa office na po,"

"Sige mag-ingat ka sa pagmamaneho."

Sinalubong siya ng tambak na papeles na kailangan niyang pirmahan pagkadating niya sa opisina. "Good morning, Sir," bungad ni Mathilde.

"Anong good sa dami nito?" Tukoy niya sa maraming papeles.

"Ang aga ang init ng ulo ha? Breakfast?" natatawang saad nito.

"Yes, please. I want fried rice," nakangiting tugon niya sa sekretarya.

Pagkalabas ni Mathilde sa opisina ay biglang tumunog ang cellphone niya.

Cappucine Calling...

["Hello Clement? How are you? Bakit wala ka kagabi?"] masiglang bungad nito pagkasagot niya ng tawag.

"Wala kang pakialam. Pwede ba wag kang tatawag sakin ng umaga!" inis na sagot niya dito.

["Gusto lang naman kitang kumustahin. Later I'm gonna go there"]

"Bahala ka sa buhay mo," maagap na inend call niya na pagkatapos.

'Ang aga-aga naninira ng araw!'

Nang makabalik si Mathilde ay agad na nilantakan ni Clement ang dala nitong pagkain.

"Hinay-hinay lang! Hindi naman halatang gutom na gutom ka Sir ah," ani Mathilde bago lumabas sa opisina niya pero hindi niya ito pinansin.

Nagugutom na naman talaga siya kanina pa kaso ayaw niyang maabutan siya ng asawa ng ama niya at ng mga anak nito. Ayaw niyang nakakasabay kumain ang bagong pamilya ng ama dahil nawawalan lang siya ng gana.

Ilang oras ng pumipirma ng papeles si Clement pero hindi niya pa rin ito natatapos, hindi naman kasi basta-basta ang ginagawa niya, dahil kailangan niya pang basahing maigi ang mga ito bago pirmahan. Marami pa siyang kailangang pirmahan pero bigla na lang siyang tinamad ng maalala ang ex-girlfriend na si Cappucine. Napatitig na lang siya sa labas ng glass wall ng opisina niya.

Ayaw niyang matuloy ang kasal nila ni Cappucine pero anong magagawa niya? Mas matimbang ang pera sa ama kumpara sa kanyang anak nito. Pera ang dahilan kung bakit sila ikakasal. Dahil kung ikakasal daw sila mas makikilala ang kumpanya nila, hindi lang dito sa Pilipinas kun'di maging sa ibang bansa. Cappucine's parents has connections abroad.

"Sir, ice cream gusto mo?" Nagulat siya ng biglang magsalita si Mathilde, hindi niya man lang kasi namalayan ang pagpasok nito sa opisina niya. "Sinilip kasi kita kanina Sir tas nakita kitang tulala diyan kaya binilan kita ng ice cream. Pagkinain mo ito lahat sigurado tanggal ang stress mo," seryosong sabi pa ni Mathilde.

"Seryoso ka ba? Baka naman mapaos ako sa dami nito," nakangiting tanong niya dito.

"Oo naman Sir. Pero if ever na may matira ka akin na lang ha"

"Hati na lang tayo," sabi ni Clement at naglagay ng ice cream sa maliit na cup na dala din ni Mathilde. Matapos mapuno ang cup ay ibinigay niya na ito.

"Grabe ka naman Sir ang konti naman ng sakin. Isang galloon kaya yan!" reklamo ni Mathilde pero isang matamis na ngiti lang ang sinagot ni Clement sa kanya. "Para ka palang si Fau,"

"Sino naman 'yon?" tanong ni Clement habang ineenjoy ang pagkain ng ice cream. Minsan lang siya kumain ng matamis kaya talagang nag eenjoy siya ngayon sa pagkain ng ice cream.

"Bestfriend ko," masiglang sagot ni Mathilde. Sinimulan na din nito ang pagkain ng ice cream.

"Sa tinagal-tagal nating magkasamang magtrabaho ang konti pa lang ng alam ko tungkol sayo. Ang tagal na din pala nating magkaibigan pero never kang nagkwento tungkol sa buhay mo," seryoso pang sabi ni Clement kay Mathilde habang sarap na sarap sa ice cream.

"Masyadong madrama ang buhay ko, Sir," agarang sagot nito.

"Hindi bagay sa mukha mo kung ganoon," natatawang komento ni Clement dito.

Napakunot naman ang noo ni Mathilde dahil sa sinabi ni Clement. "Ano namang kinalaman ng mukha ko?" paangil na tanong nito.

"Wala naman, lagi ka kasing masaya. Parehas kayo ni Anthony na laging nakangiti at ang hilig mang-asar. Kelan nga pala kayo ikakasal?" napatingin pa si Clement sa ice cream na kinakain na napapangalahati na niya pala.

"Wala ka na dun, Sir. Eh ikaw Sir kelan ka ikakasal?" pang-aasar din sa kaniya ni Mathilde.

"Baka gusto mo ng mawalan ng trabaho?" napangiti naman si Mahilde sa naging turan niya dito. Kahit kelan talaga ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang pagpapakasal, kahit pa nalalapit na naman talaga siyang ikasal ngayon. "H'wag mo kong nginingiti-ngitian ng ganyan!"

"Parang binibiro lang naman kita Sir," natatawang saad pa ni Mathilde. "Ang kalat naman ng opisina mo Sir!" sabi pa nito ng mapatingin sa mga papel na nahulog mula sa table niya.

Isa-isang tinitignan ni Mathilde ang mga papel dahil baka may nasamang importanteng papeles doon, pero puros scratch paper lang ang napulot nito.

"Ako ng bahala diyan lumabas ka na." Pagtataboy ni Clement kay Mathilde. Napatingin pa siya dito dahil hindi siya nito sinunod at nakatitig lang ito sa hawak na mga papel. Sinilip niya ang tinitignan nito at laking gulat niya ng makita na yung drawing niya iyon.

"Akin na nga yan!" mabilis niyang inagaw ang drawing sa kamay nito.

"Teka si ano yan ah—ay wala" bigla na lang itong tumalikod at lumabas ng opisina niya.

'I think she knows her.'

Related chapters

  • The Unforgettable Night With You   Chapter III

    Napatingin si Clement sa drawing niya sa papel. Portrait iyon ng babaeng nakilala niya sa bar. Dahil nitong nakakaraan nga ay ito lagi ang laman ng panaginip niya. Halos nakabisado niya na kasi ang mukha nito kaya hindi siya nahirapang iguhit ito. Tinago muna ni Clement ang drawing bago siya tumayo at sinundan ang sekretarya. Sa labas lang ng opisina niya ang table nito. Gusto niyang magtanong dito dahil mukhang kilala nito ang babaeng iginuhit niya."Math!" tawag niya sa sekretarya pagbukas niya ng pinto kaso nagulat siya ng maabutan itong kausap si Cappucine na nakasimangot."Hi Clement!" agad siyang nilapitan ni Cappucine pagkakita sa kanya at akmang hahalik ito sa pisngi niya pero umiwas siya."Why are you here?" malamig na sabi niya dito."I just want to see you," nakangiting sagot nito.Tinalikuran niya na ito at pumasok sa loob ng opisina pero ramdam niyang sumunod ito sa kanya. Naupo ito sa maliit na sofa sa gilid."Busy ka ba? Aayain sana k

    Last Updated : 2022-01-22
  • The Unforgettable Night With You   Chapter IV

    Dahan-dahan siyang bumaba sa sasakyan para hindi magising ang ibang kasama."Ano po?!" narinig niya pa ang boses ni Mathilde mula sa loob ng bahay ng Lola't Lolo niya nang makalapit na siya sa pinto."Hindi ba nasabi sa'yo ng magulang mo?" This time boses naman ng Lolo niya ang narinig niya."Hindi po, Tatay V."Pumasok na si Clement sa pinto at naabutang nakaupo si Mathilde at Anthony sa maliit na sofa. Nakaupo naman ang Lola niya sa bangko sa gilid at nakatayo sa likod nito ang Lolo niya."Sir Clement intayin niyo--" naputol ang sasabihin ni Mathilde ng magsalita ang Lola niya."Apo!" masiglang sabi nito at lumapit sa kanya para yakapin siya.Naguguluhang nagpalipat-lipat ng tingin si Anthony sa kanila. "Apo niyo po si Clement?""Oo. Anak namin ang Mom niya, si Vannie," nakangiting sagot ng Lola niya. "Kilala niyo pala ang apo ko, Matmat?" baling nito kay Mathilde."Magkaibigan po kami at sa kanya po ako nagtatrabaho sa Maynila, secretary niya po ako

    Last Updated : 2022-01-23
  • The Unforgettable Night With You   Chapter V

    Matapos nilang mag-usap ni Mathilde ay umalis ito saglit para bumili ng pregnancy test kit. Medyo natagalan pa ito bago makabalik, dahil malayo din kasi ang botika."Ayokong makita yung resulta ikaw ang tumingin at sabihin mo na lang sakin," aniya bago pumasok sa cr.Mabilis din siyang lumabas pagkatapos at agad na binigay kay Mathilde ang test kit habang hindi pa lumalabas ang resulta nito.'Kinakabahan ako.'Walang reaksiyon siyang tinignan ni Mathilde na magsasalita na dapat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya agad nitong tinago ang kit sa bulsa nito."Ate Fau at ate Matmat, tawag po kayo sa baba," sabi ni Desa.Sa kabilang banda, nakaupo sila Clement sa salas at hinihintay bumaba si Mathilde. Ilang saglit lang ang hinintay nila ng bumaba ito kasama si Fauvine."Love, sabi mo ipapasyal mo kami dito," sabi ni Anthony pagkalapit sa kanila ni Mathilde."Bakit hindi mo na lang sila isama sa kubo mo, Fau," singit ng Mayordoma sa usapan."Oo

    Last Updated : 2022-01-24
  • The Unforgettable Night With You   Chapter VI

    Matapos ng maikling usapan nila ni Fauvine ay agad na itong bumalik sa kusina para tulungang magluto si Xryz habang naiwan siyang nakaupo sa buhangin. Isang malaking palaisipan kay Clement kung paanong nga ba napunta si Fauvine sa bar na 'yon. Lumipas ang buong araw nila sa kubo ay bumabagabag parin sa isipan niya kung ano nga ba ang dahilan at nandoon si Fauvine. ---Nang makabalik sila sa Casa Lavar ay nagkanya-kanya muna sila. Dumiretso si Fauvine sa silid nito. Nasa kalagitnaan siya ng pagsusuklay ng buhok ng may kumatok sa pinto ng kwarto. "Pasok, bukas yan" Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mathilde na nakaayos na. "Gusto mo na bang malaman yung result ng pt mo?" seryosong tanong nito sa kanya. "Oo nga pala anong resulta? B-buntis ba ko?" agarang tanong niya dito. Tango lang ang sinagot sa kanya ni Mathilde. 'Oh shit! Hindi pwede ito!' "Kagaya ng sinabi mo kanina hindi natin pag-uusapan 'yan, pero kailangan mong magpacheck-

    Last Updated : 2022-01-25
  • The Unforgettable Night With You   Chapter VII

    "Kahit quikie na lang mamaya sa kwarto mo," bulong ni Clement kay Fauvine at agad siyang umayos ng upo na parang wala lang."Baba!" sigaw sa kanya ni Fauvine na hindi naman nakatingin sa kanya kundi sa daang tinatahak ng sasakyan nito."Paano ako baba eh hindi mo naman tinitigil yung sasakyan?" tanong niya pa kay Fauvine."Edi tumalon ka! Baka gusto mong sipain pa kita?!" inis na sagot sa kanya nito."Ang sama mo naman sa 'kin. Pero bakit mas lalo kang gumaganda sa paningin ko pag naiinis ka sa 'kin?" seryosong tanong pa niya."A-ano?!""Ang ganda mo Fauvi--"Hindi pa siya tapos magsalita ng bigla na lang tinigil ni Fauvine ang sasakyan."Bababa ka o sisipain kita?!" sigaw nito at binigyan siya ng matatalim na titig. Napakamot na lang siya sa ulo at walang nagawa kun'di bumaba.Pagkababang-pakakababa niya pinaharurot na ni Fauvine ang sasakyan at naiwan siya sa gilid ng kalsada. Hindi maiwasan ni Clement na mapangiti sa inakto ni Fauvine.'Ang ganda

    Last Updated : 2022-01-26
  • The Unforgettable Night With You   Chapter VIII

    "Tinititigan kita. Ang ganda mo kasi," agarang sagot niya dito. "Naghahanap din nga pala ako ng snack para sa mga bata." Lumayo na siya dito matapos ng huli niyang sinabi. "Snack ba? Meron diyan sa kulay pink na ref na chocolate cake. Paborito ni Faustine at Gray ang cakes kaya iyon na lang ang ipakain mo sa kanila," sabi pa ni Fauvine na hindi siya nilingon. "Masarap ba yung iniinom mo?" tanong niya habang kumukuha ng cake sa ref. "Mukhang sarap na sarap ka kasi." "Bakit nga pala ikaw ang kumuha ng snacks? Pwede mo namang iutos yan ah," paglilihis ni Fauvine sa usapan. Hindi niya pinansin ang tanong ni Fauvine at nagdiretso sa lamesa kung saan ito nakaupo, inilapag niya doon ang cake at sinimulan niyang magslice para sa tatlong bata. Ramdam niya namang pinapanood lang siya ni Fauvine. "Anak mo pala yung dalawang bata?" "Yeah," sagot sa kanya ni Fauvine at muling uminom. "Legally adopted ko sila. Apat na taon na si Faustine noong natagpuan naming umiiyak

    Last Updated : 2022-01-27
  • The Unforgettable Night With You   Chapter IX

    Automatic na napabuga siya ng hangin nang makaalis si Xryz. 'Great! Kung nahalata niyang buntis ako malamang mahahalata din ito ni Ina at Ama. What should I do now? Should I tell them now?' Muli siyang napabuga ng hangin dahil sa naisip. 'I guess, this is not the right time. Hays!' Maghapon silang naging abala sa paghahanda sa fiesta kaya nabawasan ang pag-iisip niya kung paano sasabihin sa magulang niya na buntis siya. Hindi naman siya nangangamba sa sasabihin ng mga ito sa kanya, tanging ang bagay na nakapagbibigay pangamba sa kanya ay pagkatinanong siya kung sino ang ama ng bata sa sinapupunan niya. Paano niya sasabihin na si Clement ang ama ng bata, siguradong magugulat ang mga ito. "Fau, magpahinga ka na muna," bulong sa kanya ni Mathilde habang abala sila sa pagbabalot ng lumpiang shanghai. "Matmat, ano ka ba hindi pa ko pagod," sabi niya dito ng hindi man lang lumilingon. "Papa, antok na po ako" Bahagya niyang nilingon si Keith nang bigla itong

    Last Updated : 2022-01-28
  • The Unforgettable Night With You   Chapter X

    "Bitaw na! Andito na tayo," masungit na sabi ni Fauvine. Simula kasi ng umalis sila sa Casa ay nakakapit siya sa bewang nito at napapayakap pa minsan dahil ang bilis nitong magpatakbo. Sabay silang pumasok ni Fauvine sa ospital. Sa front desk sila dumiretso. "Nurse, nasaan po si Clerence Kit?" tanong ni Clement sa Nurse. "Clement!" tawag ng familiar na boses. Its Cappucine. "Nasa emergency room parin sila Tito at Tita," sabi ni Cappucine pagkaharap niya dito. "Kumusta na sila? Anong nangyari?!" "Tito is stable right now, but Tita needs to undergo more test," mabilis na sagot ni Cappucine. "Later they will transfer Tito in a recovery room," dagdag pa nito. Nakahinga siya ng maasyos matapos marinig na ayos na ang Daddy niya, ngunit nandoon parin ang bigat dahil hindi niya pa alam ang lagay ng Tita niya. 'Please, God heal my Tita'

    Last Updated : 2022-01-28

Latest chapter

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XIX

    Hindi mapakali si Fauvine, matapos kasi nilang sabihin sa mga magulang niya, mga kaibigan at mga malalapit sa kanila ay hindi pa nila nababanggit ang plano nila ni Clement na magpakasal sa Daddy nito. Alam niyang tutol ito pero handa na siyang harapin ito alang-alang na din sa anak niya.Sa kasalukuyan binabagtas nila ang daan patungo sa school ni Chloe. Gustong siyang ipakilala ni Clement sa bata.“My treasure trove, are you alright?” nag-aalalang tanong ni Clement sa kaniya. “Yes, I’m fine, napagod lang siguro ako,” “Tingin mo tutuloy pa ba tayo o bukas na lang?” “Of course, excited din naman akong makilala si Chloe. I’ll rest later,” sabi niya at nginitian ito.Ang totoo kinakabahan siya sa kung ano ang magiging reaksyon ng bata sa kaniya.Ilang saglit pa bago sila tumigil sa tapat ng school ni Chloe. “I’ll pick her up. Wait us here,” paalam pa ni Clement sa kaniya bago lumabas sa sasakyan.Huminga siya ng malalim ng matanaw niya ng pabalik si Clement at kasama na nito si Chloe.

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XVIII

    Nanlaki naman ang mga mata ni Clement at napuno ng saya. “B-buntis ka?” tila hindi pa makapaniwalang tanong nito.Imbis na sumagot sa tanong ni Clement, may kinuha siya sa loob ng bag. May kalakihan kasi ang bitbit niyang bag dahil nasa loob niyon ang regalo niya sa lalaki.“What’s this?” “Just open it,” Fauvine respond while rolling her eyes.Dahan-dahan namang binuksan ni Clement ang regalo niya at tila ayaw masira ang gift wrapper nito. Una nitong nilabas ang ultrasound result niya at matagal na pinakatitigan. Matapos magsawa ng mata sa ultrasound result ay inilabas na din nito ang kulay pink na baby dress.Nagulat naman si Fauvine ng pumatak ang luha ni Clement at parang batang umiyak.“Problema mo?! Don’t tell me, umiiyak ka dahil hindi na kayo makakapagsubuan ni Cappucine?!” “What the hell?! Of course not! Are you insane?” “Tingin mo ba baliw ako?!” nanggagalaiting sabi ni Fauvine at pinanlakihan pa ng mata si Clement.“That’s not what I meant. Sabi ko naman sa ‘yo ‘di ba, ika

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XVII

    Kinakabahan si Fauvine sa hindi malamang dahilan habang palabas sila ng ospital. Sinamahan siya ni Mathilde para sabay nilang malaman kung ano ang kasarian ng kaniyang anak. Sa Manila kasi siya unang nagpacheck-up kaya tinuloy-tuloy niya na. Isa din sa dahilan ay nababaitan siya sa doktorang tumitingin sa kaniya at sa katunayan kaclose niya na ito ngayon.Isang buwan na din ng huli silang nagkita ni Clement, pero araw-araw naman ito nagpapadala ng bulaklak, pagkain at kung anu-ano pa. Araw-araw din siya nitong tinatawagan para kumustahin ang araw niya. Pero hindi niya alam kung bakit hindi ito bumibisita man lang sa kanila.“May naisip ka na bang pangalan ng baby mo?” biglang tanong ni Mathilde.“Parang gusto kong isunod kay Mamita Flor, pero gusto ko Floryn, para Flor rin,” natatawang sagot niya sa kaibigan.“Ang corny mo, Fau,” sagot ni Mathilde na inirapan pa siya.“Hoy! Maganda naman ang Floryn ah. Pero pag-iisipan ko pa kung lalagyan ko ng second name, ayoko kasing napakahaba ng

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XVI

    “Nakakaawa kasi si Chloe. Nakita namin ni Matmat kung paano siya tratuhin ni Cappucine. Ang sabi pa niya laging galit sa kaniya ang mommy niya. Kulang sa pagmamahal ‘yong bata,” pangangatwiran niya sa mga ito.“Naiintindihan namin na concern ka kay Chloe, pero isipin mo din ang baby mo, Fau,” ani Mathilde. “Pag-iisipan ko.” Tanging naging sagot niya sa mga ito.---“Don’t worry healthy naman si baby. Reresetahan na din kita ng vitamins and you need to drink it regularly. Avoid stress and do regular check-ups. Maybe next month we can see the baby’s gender.” “Thank you po, Doc,” sabi ni Fauvine bago lumabas sa opisina ng doctor.Tatlong araw na ang nakalipas matapos niyang makausap si Clement. Inabala niya na lang ang sarili sa pag-aalaga sa sarili alang-alang na din sa kanyang anak na nasa sinapupunan niya. Tuwing maaalala niya kasi ang mga sinabi ni Clement sumasakit lang ang dibdib niya at hindi maiwasang maiyak.Dumaan muna siya sa super market para bumili ng mga gulay, prutas at

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XV

    “B-bakit?” kunot-noong tanong niya dito. ‘Napansin niya ba ang tiyan ko?’ “I forgot to mention this last time that I’m not after sex, but you looked fucking hot in that loose shirt your wearing,” Clement said in a husky voice that made her blushed a bit.‘What’s with this guy? 2 days ago hindi siya niya ako pinansin noong nakasalubong ko siya, ngayon naman kung kausapin niya ako ay parang walang nangyari.’ Pero napahinga parin siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. Kinabahan kasi siya dahil baka nahalata na nitong buntis siya.Kahit gustong-gusto niyang makita si Clement ay wala naman siyang balak sabihin dito ang tungkol sa pagbubuntis siya. “Whatever!” tanging naging sagot niya na lang dito.Sakto namang dating ni Mathilde kasama ang isang lalaki. Kapwa sila may bitbit ng marahil pagkain, hinuha ni Fauvine. Lumapit naman agad si Clement dito at kinuha ang hawak ng lalaki at dumiretso na loob ng opisina nito.“Thank you, kuya,” sabi pa ni Mathilde bago makaalis ang lalaki. “Let’s

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XIV

    “It’s a long story. But please h’wag mong sasabihin sa kaniya. For the sake of his child to Cappucine,” “Nabanggit na sa ‘min ni Clement na sinabi daw sa kaniya ni Cappucine na may anak sila pero hindi niya parin ito ipinapakita hanggang ngayon sa kaniya,” sabi nito at sumimsim ng ice coffee na binili niya para dito. “But, you know what? This past few weeks, parang wala sa sarili niya si Clement. I mean nakakapanibago siya kasi lagi siyang tahimik nitong nakaraan tas minsan nga tulala pa. Parang ang lalim lagi ng iniisip niya,” “Ahm, Anthony, baka pwedeng h’wag na nating pag-usapan si Clement? Pasensiya na.” nahihiyang sabi niya sa binata. “I guess sabihin mo na lang ‘yong dapat mong sabihin tungkol kay Matmat,”“I don’t know what’s the real score between you two, pero kung ayan ang gusto mo, okay. Nag-aalala lang din kasi ako sa kaibigan ko,” paliwanag pa nito. “By the way, may tanong pala ako sa ‘yo,” “Ano ‘yon?” “Buntis din ba si Mathilde? Kasi noong nasa kubo mo kami, may napu

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XIII

    "Happy birthday, Keith!" masayang bati ni Fauvine. "Baby Gray, give your gift to ate Keith. Ikaw din kuya Faustine,” utos niya sa dalawang bata pagkadating nila.Masayang inabot naman ng dalawang bata ang regalo nila kay Keith at excited na naupo na pagkatapos. May nagtatanghal kasi ng puppet show sa harap."Nandito na pala kayo, Fau. Nandoon sila Mathilde sa gilid. Hayaan mo muna sila Gray at Faustine diyan," ani Klen pagkakita sa kanila. Pasimple pang sinipat ni Fauvine kung nandoon si Clement at nang makitang wala ito ay napanatag ang loob niya. "Totoo bang uuwi ka na sa inyo?" usisa ni Xryz pagkaupong-pagkaupo niya.Marahan siyang tumango dito bilang tugon.Nagpagdesisyonan niya kasing ipaalam na sa mga magulang niya ang sitwasyon niya. Ayaw niya din namang naglilihim sa mga ito. "Teka sandali, may mga dumating ulit na ibang bisita maiwan ko muna kayo," sabi ni Klen na paupo pa lang sana. Napakamot pa ito sa ulo bago sila iwan."Alam mo bang may anak na si Clement?" mahinang ta

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XII

    Napahinga pa siya ng malalim bago salubungin ang seryosong mga tingin ni Mathilde. "Come on, Fau. Sabihin mo sa 'kin," seryosong turan pa nito. "Okay. I will tell you," sabi ni Fauvine pagkatapos ay nagpakawala ulit ng isa pang buntong hininga. Naupo muna siya sa sofa, ganoon din ang ginawa ni Mathilde. Ngayon ay magkaharapan na silang dalawa. Sa pangatlong pagkakataon ay nagpakawala muli siya ng isang malalim na hininga bago magsimulang magsalita. "Una kaming nagkita ay 2 months ago na ang nakakalipas, sa isang bar dito sa Manila," pagsisimula niya. "Bar?! Hindi ka naman nagpupunta ganoong klase ng lugar," hindi makapaniwalang usal ni Mathilde. [Flashback]Binabagtas ni Fauvine ang daan patungo sa bahay nila Desa, magpapasama kasi siya ditong magtungo sa kabilang bayan. Hindi pa man din siya nakakalapit sa tinitirahan nila Desa ay may mga lumabas ditong ilang kalalakihan at sinalubong siya, kapwa may mga hawak na patalim ang mga lalaki. Patakb

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XI

    "Grabe ka, Fauvine! Paano mo naubos yung mga pagkain na 'yun?" sabi ni Xryz habang seryosong nakatingin sa daan. Pupuntahan na kasi nila si Clement. "Dalawa kaya kaming kumakain! Noong nandoon kasi ako sa Casa hindi naman ako ganito kalakas kumain. Simula lang siguro no'ng nalaman kong buntis ako nagugutom na ako maya-maya," sabi niya at sumubo ng ice cream na naitake out niya. Hindi lang ice cream ang tinake out niya pati mga pagkain na ipapakain niya kay Mathilde at Clement. "Mukhang matakaw 'yang inaanak ko," nginitian siya ni Xryz bago muli bumaling sa daan. "Xryz, matanong ko lang, may girlfriend ka na o asawa?" tanong niya pa at muling sumubo ng ice cream. "Wala pa akong asawa. Girlfriend meron, kaso masyado siyang workaholic kaya bihira kaming magkita. Parehas sila ni Mathilde na nagtatrabaho bilang secretary. Secretary si Eva ni Daddy," ani pa nito. "Sa sobrang workaholic niya nalilimutan niya na atang may Boyfriend siya. Naiintindihan

DMCA.com Protection Status