Share

Chapter I

Author: YlatheDreamer
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Maagang nagising si Clement at napatitig sa babaeng katabi na mahimbing na natutulog. Marahang hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito. Napatigil siya ng mapadako ang mata niya sa mapupulang labi nito, makailang ulit pa siyang napalunok dahil tila nang-aakit ang mga iyon na halikan niya. Bumangon siya ng bahagya at akmang idinampi ang labi niya sa labi nito, ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang biglang dumilat ang mga mata nito.

"Ahhh! Sino ka?" tili nito at mabilis na lumayo sa kanya. Her checks turn red when she realized that she is fully naked.

"Beautiful," ani Clement habang abot tenga ang ngiti.

Agad na inabot nito ang kumot sa kama at ipinangtakip sa katawan. Napangiti lalu si Clement sa gulat nitong mukha matapos makita na wala din siyang kahit na anong suot.

"Enjoying what you see huh?" mabilis naman itong napaiwas ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Kailangan ko ng umalis," wika ng babae at isa-isang dinampot ang damit sa sahig. "Pagamit ng cr pagkatapos aalis na ko," dagdag pa nito. Tinuro naman ni Clement ang cr sa babae at agad itong pumasok sa loob.

Ilang saglit lang lumabas na ang babae sa cr at akmang lalabas na din ito sa pinto ng silid niya kaya pinigilan niya ito. "Teka sandali ito ang bayad ko sayo kahit alam kong bayad ka na kagabi. Isipin mo na lang bonus ito," inabot ni Clement ang sobre na naglalaman ng pera dito pero tinignan lang iyon ng babae.

"Hindi ako bayarang babae kung 'yon ang inaakala mo," medyo nagulat siya sa naging sagot nito. Kung hindi ito bayarang babae bakit ito sumama sa kanya.

"Bakit ka sumama sakin kung ganon?" nahihiwagaang tanong ni Clement.

"I was--no! Sa akin na lang yun. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" seryosong saad ng babae.

"I'm Clement."

"SIR GUMISING KA NA!" mariing napapikit si Clement ng marinig ang malakas na sigaw ng sekretarya niya. 'Shit panaginip na naman!'

"Ano ba 'yon Mathilde?!" iretableng tumingin siya sa sekretarya niya.

"Kasi naman Sir kanina pa kita ginigising tingnan mo oh anong oras na?" seryosong paliwanag nito habang nakaturo sa wall clock niya sa opisina.

"It's 8:03 PM," wala sa sariling sagot niya rito. It's 8:03 PM? Kanina pang 5:00 PM ang out sa opisina. Ganoon na palang kahaba ang tulog niya. "So, bakit nandito ka pa?"

"Sir, malamang hinihintay kita. Magagalit sa'kin si Anthony pag hindi ka pumunta," sagot nito sa kanya.

Nawala sa isip niya na kaarawan nga pala ngayon ng kanyang kaibigan.

Tumayo na si Clement at niligpit ang nagkalat na papeles sa table niya. "Mauna ka ng bumaba Mathilde. Ako nang bahala dito," mabilis na sabi niya ng makita na akmang tutulong si Mathilde sa kanyang ginagawa.

Nang matapos siya sa ginagawa ay agad itong bumaba sa parking lot. Siguradong magpapaulan na naman si Anthony ng sermon sa kanya. Hindi naman siya ang hinihintay nito kun'di ang girlfriend na si Mathilde, who happened to be his secretary.

As expected, niratrat siya ni Anthony ng kung anu-anong espekulasyon kung bakit ngayon lang sila. "Chill nakatulog kasi ako. Hindi ko naman alam na hinihintay ako ni Mathilde. Happy birthday, Bro!" natatawang paliwanag niya dito.

"Bakit ngayon lang kayo? Kulang na lang iwanan ni Anthony ang mga bisita niya dito para puntahan si Mathilde dahil sa tagal niya?" ani Xryz na prenteng nakaupo sa sofa.

"Baka nambabae pa si Clement bago niya hinatid si Mathilde dito," pang-aasar pa ni Klen habang pinanlalakihan siya ng mata nito.

"Sinusulit mo na siguro kasi pag natuloy na ang kasal niyo ni Cappucine hindi na pupwede 'yan," pang-aasar pa ni Anthony.

"Bahala kayo mag-isip ng kung anu-ano basta nakatulog lang talaga ako," naiiling na paliwanag niya.

Dalawang buwan na din ang nakakalipas ng dapat ay araw ng kasal niya kay Cappucine pero hindi natuloy dahil inatake sa puso ang ina nito sa araw na iyon. Masayang masaya siya sa balita na hindi muna itutuloy ang kasal nila, pero naaawa siya sa kalagayan ng ina nito dahil kahit papano naging mabait ito sa kanya dati nung sila pa. Cappucine is no other than his ex-girlfriend.

"Dalawang buwan na ngang hindi nagdadala si Sir ng babae sa opisina niya, dati halos araw araw akong kumakaladkad ng mga malalanding nilalang na dinadala niya."

Nanliit ang mata niya sa sinabi ng kanyang sekretarya sa mga kaibigan.

"Baka nagpapakagood boy na tutal ikakasal na sila ni Cappucine not now but soon."

Hindi siya makapaniwala na pinagkakaisahan siya ngayon ng mga kaibigan.

"H'wag mong sabihin na tinamaan ka ulit matapos ng ginawa niya dati?" seryosong saad ni Xryz.

"Fuck! Pwede ba kahit anong mangyari hindi ko na mamahalin 'yang si Cappucine kahit ikasal man kami!" Medyo naiinis siya dahil alam naman nilang lahat ang pinagdaan niya dati pero bakit tila pinagkakatuwaan siya ng mga ito ngayon na parang wala lang.

"Whoa! Easy ka lang Clement. Masyado kang highblood sige ka maaga kang mamamatay niyan at hindi mo na makikita yung babaeng nakilala mo sa bar," ani Klen na pakumpas kumpas pa ang kamay.

"Ah. Doon ka pala tinamaan sa isang 'yon," nagtawanan sila dahil sa huling sinabi ni Anthony.

"Ano 'yon love at first sex?" seryosong sabi ni Xryz.

Nalaglag ang panga niya sa hirit ni Xryz. Seriously? Kay Xryz na siyang pinakamatino pa talaga ng galing.

Aminado si Clement na ng araw na nalaman niyang hindi pa matutuloy ang kasal nila ni Cappucine ay bumalik siya kinagabihan doon sa bar kung saan niya nakita 'yong babae pero sarado na ito at ang sabi nang napagtanungan niya ay hinuli daw ng pulis ang may-ari ng bar. Naguguluhan nga siya kung bakit ba siya bumalik doon para makita muli 'yong babae.

"Gago! Maganda siya, oo, pero not really my type," iiling-iling na sagot niya sa mga kaibigan, pero pinagtawanan lang siya ng mga ito.

Buong gabi sila nagkatuwaang magkakaibigan at hindi parin siya tinatantanan ng mga pang-aasar ng mga ito. Hindi na nga naasikaso ni Anthony ang ibang mga bisita niya dahil abala sila sa pambubwisit kay Clement. Nandoon naman ang mga magulang niya para ientertain ang mga bisita na puros kamag-anak naman nila at ang iba ay pawang business associates ng pamilya nila.

Kinabukasan. Maagang nagising si Clement, wala siyang pasok sa trabaho dahil linggo ngayon. May lakad din siya ng 6:00 am kaya agad siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Bago siya lumabas ng kwarto ay dinala niya ang wallet, susi ng kotse at cellphone niya.

Pagkababa niya, naabutan niya ang mga anak ng ama niya na nakabihis at maging ang magaling nitong asawa. "Clement gusto mong sumama? Magsisimba kami ngayon tapos pupunta kami sa mall after mass," sabi ng asawa ng ama niya. Hindi niya man lang ito tinignan at nagdiretso na sa kusina para kumain ng agahan.

"Good morning, Hijo. Maupo ka muna at ipaghahanda kita ng makakain," sabi ng kanilang katulong na si Manang Elsie pagkakita sa kanya.

"Mukhang may lakad ka ngayon ah," dagdag pa nito habang inaayos ang mga pagkain sa mesa.

"Dadalawin ko po si Mom. Gusto niyo ho bang sumama, Manang?" napangiti naman ito sa sinabi niya.

"Naku, Hijo, gustuhin ko mang sumama marami akong kailangang gawin ngayon. May darating kasing bisita si Mam Valerie at ang Dad mo mamayang hapon," malumanay na sabi nito. "Umuwi din kasi ng probinsya si Greta kaya kaming dalawa lang ni Ella ang naiwan dito. Siguradong maraming bisita ang dadating mamaya dahil selebrasyon daw 'yon ng 10 years anniversary nilang mag-asawa."

'10 years?! So 10 years na pala silang dalawa!'

Napailing-iling na lang si Clement sa sinabi ni Manang Elsie.

Nang matapos si Clement kumain tumayo na siya at nagpaalam muna kay Manang Elsie bago lumabas sa kusina. "Mag-iingat kang bata ka at ikamusta mo ko sa Mom mo," sabi nito sa kanya.

"Where are you going Clement?!" inis na sabi ng ama niya pagkakita sa kanyang palabas ng bahay. "Today is our 10th anniversary at may mga dadating na bisita dito mamaya kaya hindi ka pwedeng mawala. May celebration tayo!"

Tila nagpantig ang tenga ni Clement sa sinabi ng kanyang ama. "10th anniversary mo at ng kabit mo?! Wala akong pakialam!" Pilit na pinipigilan ni Clement ang galit niya sa ama. "It's my Mom's birthday today for pete's sake and her 8th death anniversary. What do you want me to do stay here and celebrate with you and your mistress?!"

Nakita pa sa gilid ng mata ni Clement ang babaeng pinalit ng ama sa kanyang ina habang kapit ang mga anak nito.

"Lumalaban si Mom sa sakit niya para sa'tin pero anong ginawa mo pinagpalit mo siya diyan sa babaeng 'yan!" dinuro-duro pa ni Clement si Valerie. "Pinagpalit mo siya sa kapatid niya mismo. Hindi pa siya patay pero parang pinatay niyo na din ang puso niya sa dalawang taon niyong panloloko sa kanya."

Hindi na hinayaang magsalita ni Clement ang ama at agad itong tinalikuran. Mabilis din siyang sumakay sa kotse at pinaandar iyon. Nanginginig pa ang kamay niya habang nakakapit sa manibela ng sasakyan.

Ilang oras nagmaneho si Clement patungo sa libingan ng ina. Sa probinsya pa ito nakalibing at sa Manila naman sila nakatira kaya kahit gustuhin niya mang madalas itong dalawin hindi niya magawa, dahil na din sa dami ng ginagawa niya. Dumaan muna siya sa bilihan ng bulaklak at kandila bago nagtungo sa sementeryo.

"Hello, Mom. Kamusta ka na? Happy birthday and I miss you so much," sabi niya habang hinahawi ang mga tuyong dahon na nasa ibabaw ng lapida nito. Inilagay niya din ang bulaklak at sinindihan ang mga kandila.

'I miss you so much, Mom'

"Clement, Hijo?" agad siyang napatingin sa nagsalita sa likod niya at nakita niya ang Lolo at Lola niya na may dalang basket at bulaklak. Tinulungan niya ang mga ito at naupo sila sa bermuda grass sa ibabaw ng libingan ng kanyang ina.

"Kamusta na, Hijo?" tanong ng Lolo niya habang inaayos ang bulaklak na dala nila.

"Ayos naman po ako, Lo. Kayo ni Lola kamusta na kayo?" nakangiting sabi ni Clement sa mga ito.

"Ay ayos naman kami apo," ang Lola niya ang sumagot. "Taon-taon na lang tayo ang dumadalaw dito hindi man lang nag-aatubiling dumalaw ang ama mo at pati ang tita Valerie mo," malungkot na sabi ng Lola niya. "Alam naming galit ka sa kanila, kahit naman kami galit din sa kanila at sa totoo lang kahit sino naman magagalit sa ginawa nila, pero kahit galit tayo sa kanila dapat ay pinaglalaanan parin nila ng panahon ang pagdalaw kay Vannie kahit man lang sa kaarawan nito."

Ibinaling na lang ni Clement sa kandilang nauupos ang tingin para hindi na siya masyadong mag-isip pa.

"Hay naku! Kayong dalawa pag nagsama ang drama. Kainin na lang natin 'yong niluto mong pancit at kakanin" sabi ng kanyang lolo at inilabas ang laman ng basket na dala nila. "Kainin na natin habang mainit-init pa itong pancit. Hmmm...amoy pa lang ang sarap sarap na."

Naglagay si Clement ng pancit sa platito na dala din ng lolo't lola niya. "Hmmm...ang sarap at ang bango talaga ng pancit mo, La. The best!" masayang sabi ni Clement pagkatapos sumubo ng pancit.

"Kaya nga ako nainlove sa Lola mo dahil sa pancit niya," sabi ng Lolo niya na bahagyang kumindat pa sa kanyang Lola.

"Hoy Vanjo! Ang sabihin mo, e nalove at first sight ka sakin no'ng araw," sabad naman ng Lola niya sa usapan nilang mag-Lolo.

"Naku! Clement, huwag kang maniwala diyan sa Lola mo. Pila pila dati ang nanliligaw niya no'ng araw. Nagpasama sa'kin ang pinsan ko na gustong lumigaw din sa kanya noon, kaso pagdating namin dun nabihag siya sa gandang lalaki ko kaya agad akong inalok ng pancit. Umamin ka nga sa'kin Zeny nilagyan mo ba ng gayuma yung pancit na pinakain mo sa'kin dati?" seryosong sabi ng Lolo niya.

Hindi alam ni Clement kung matatawa ba siya sa sinabi ng Lolo niya dahil ang sama ng tingin ng lola niya dito.

"Hoy ang kapal din naman ng mukha mo para sabihing ginayuma kita!" galit na sabi ng lola Zeny niya.

Napailing-iling na lang si Clement dahil mukhang mag-aaway pa ang dalawa. "Awat na La at Lo. Birthday ngayon ni Mom kaya bawal mag-away sige kayo multuhin kayo niyan," natatawang sabi niya sa dalawang matanda.

"Eh kasi naman itong lolo m--"

Hindi na natapos ng kanyang lola ang pagsasalita dahil bigla siyang sinubuan ng pancit ng asawa niya.

"I love you Zeny ko," sabi pa ng lolo niya at yinakap ang asawa nito.

"Tama na ang pagyayakapan lumalamig na ang pancit," awat pa ni Clement sa dalawang matanda na magkayakap.

"Inggit ka lang apo. Mag-asawa ka na kasi," asar sa kanya ng lolo niya na tinawanan niya lang.

Mga ala-tres ng hapon ng magdesisyong umuwi si Clement. Hinatid niya ang kanyang lolo at lola sa bahay ng mga ito.

"Clement apo dito ka na kaya magpalipas ng gabi," huhestyon ng lola niya.

'Kung sabagay pag-uuwi na ko ngayon baka maabutan ko pa ang walang kwentang kasiyahan sa bahay.'

"Sige po." Napangiti naman ang dalawang matanda sa pagsang-ayon niya.

"Ligo lang muna ako La, Lo," aniya at nagmartsa patungo sa silid ng ina para kumuha ng tuwalya.

"Nandyan sa aparador ni Vannie dati yung mga damit mo," sabi pa ng lola niya bago siya tuluyang makapasok sa loob.

Patapos na siyang maligo ng marinig niyang may bisita ata ang lola at lolo niya. May naririnig kasi siyang boses ng babae. Wala pa man din siyang dalang pamalit na damit dahil baka mabasa lang ito, kaya lalabas siyang nakatapis lang at madadaan siya sa sala.

Maliit lang ang bahay ng lola niya kumpara sa bahay nila sa Manila. Mayroon lang itong dalawang kwarto at iisa lang ang cr dito.

Wala ng nagawa si Clement kun'di ang lumabas ng nakatapis lang. Naabutan niya ang bisita ng lolo at lola niyang nakatayo sa sala at nakatalikod sa gawi niya. Mabilis siyang lumakad kaso dahil basa ang paa niya nadulas siya sa makinis na sementong sahig ng bahay ng lolo niya. 'Ang laki mong tanga, Clement!'

"Hala apo ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ng lola niya na agad lumapit ng makita siya.

"O-opo," nahihiya niyang tugon. Ramdam niya ding nakatingin sa kaniya ang bisita.

Mabilis siyang tumayo at patakbong pumasok sa silid ng ina na kalapit lang ng sala.

"Mauna ka na Fauvine susunod na lang kami." Narinig niya pang sabi ng Lolo niya sa bisita.

"O-opo, tatay V. Aalis na po ako, nanay Zeny," dinig niya pang tugon ng bisita.

'That voice, seems familiar to me.'

Kaugnay na kabanata

  • The Unforgettable Night With You   Chapter II

    "P**a. Nakakahiya yun ah," ani Clement sa sarili. Matapos niyang magbihis ay lumabas na siya agad. Ang lola niya na lang ang naabutan niya sa sala."Halika na Clement sumama ka sa'min ng lolo mo," "Saan po kayo pupunta La?" "Basta sumama ka na lang apo. Naghihintay na ang Lolo mo sa labas." Wala na siyang nagawa ng hinila na siya ng lola niya palabas.May kalayuan din ang nilakad nila bago sila lumiko sa maliit na bahay sa gitna ng bukid. "Bilisan mo apo. Makikikain tayo." Napangiwi siya ng marinig ang sinabi ng Lola niya. "Mabel," tawag ng Lola niya doon sa babaeng nasa bungad."Ay nandito na pala kayo Ate Zeny. Nagkakasayahan na sila sa likod." Iginaya sila ni Mabel sa likod bahay nito.Maraming tao sa likod bahay nito. May mga kumakanta sa videoke, may mga nag-iinuman sa gilid at may mga kumakain din.Naupo sila sa bakanteng upuan. Medyo nahihiya si Clement dahil pinagtitinginan siya lahat ng tao doon. Inabutan na lang siya ng kanyang lola n

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Unforgettable Night With You   Chapter III

    Napatingin si Clement sa drawing niya sa papel. Portrait iyon ng babaeng nakilala niya sa bar. Dahil nitong nakakaraan nga ay ito lagi ang laman ng panaginip niya. Halos nakabisado niya na kasi ang mukha nito kaya hindi siya nahirapang iguhit ito. Tinago muna ni Clement ang drawing bago siya tumayo at sinundan ang sekretarya. Sa labas lang ng opisina niya ang table nito. Gusto niyang magtanong dito dahil mukhang kilala nito ang babaeng iginuhit niya."Math!" tawag niya sa sekretarya pagbukas niya ng pinto kaso nagulat siya ng maabutan itong kausap si Cappucine na nakasimangot."Hi Clement!" agad siyang nilapitan ni Cappucine pagkakita sa kanya at akmang hahalik ito sa pisngi niya pero umiwas siya."Why are you here?" malamig na sabi niya dito."I just want to see you," nakangiting sagot nito.Tinalikuran niya na ito at pumasok sa loob ng opisina pero ramdam niyang sumunod ito sa kanya. Naupo ito sa maliit na sofa sa gilid."Busy ka ba? Aayain sana k

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Unforgettable Night With You   Chapter IV

    Dahan-dahan siyang bumaba sa sasakyan para hindi magising ang ibang kasama."Ano po?!" narinig niya pa ang boses ni Mathilde mula sa loob ng bahay ng Lola't Lolo niya nang makalapit na siya sa pinto."Hindi ba nasabi sa'yo ng magulang mo?" This time boses naman ng Lolo niya ang narinig niya."Hindi po, Tatay V."Pumasok na si Clement sa pinto at naabutang nakaupo si Mathilde at Anthony sa maliit na sofa. Nakaupo naman ang Lola niya sa bangko sa gilid at nakatayo sa likod nito ang Lolo niya."Sir Clement intayin niyo--" naputol ang sasabihin ni Mathilde ng magsalita ang Lola niya."Apo!" masiglang sabi nito at lumapit sa kanya para yakapin siya.Naguguluhang nagpalipat-lipat ng tingin si Anthony sa kanila. "Apo niyo po si Clement?""Oo. Anak namin ang Mom niya, si Vannie," nakangiting sagot ng Lola niya. "Kilala niyo pala ang apo ko, Matmat?" baling nito kay Mathilde."Magkaibigan po kami at sa kanya po ako nagtatrabaho sa Maynila, secretary niya po ako

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Unforgettable Night With You   Chapter V

    Matapos nilang mag-usap ni Mathilde ay umalis ito saglit para bumili ng pregnancy test kit. Medyo natagalan pa ito bago makabalik, dahil malayo din kasi ang botika."Ayokong makita yung resulta ikaw ang tumingin at sabihin mo na lang sakin," aniya bago pumasok sa cr.Mabilis din siyang lumabas pagkatapos at agad na binigay kay Mathilde ang test kit habang hindi pa lumalabas ang resulta nito.'Kinakabahan ako.'Walang reaksiyon siyang tinignan ni Mathilde na magsasalita na dapat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya agad nitong tinago ang kit sa bulsa nito."Ate Fau at ate Matmat, tawag po kayo sa baba," sabi ni Desa.Sa kabilang banda, nakaupo sila Clement sa salas at hinihintay bumaba si Mathilde. Ilang saglit lang ang hinintay nila ng bumaba ito kasama si Fauvine."Love, sabi mo ipapasyal mo kami dito," sabi ni Anthony pagkalapit sa kanila ni Mathilde."Bakit hindi mo na lang sila isama sa kubo mo, Fau," singit ng Mayordoma sa usapan."Oo

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Unforgettable Night With You   Chapter VI

    Matapos ng maikling usapan nila ni Fauvine ay agad na itong bumalik sa kusina para tulungang magluto si Xryz habang naiwan siyang nakaupo sa buhangin. Isang malaking palaisipan kay Clement kung paanong nga ba napunta si Fauvine sa bar na 'yon. Lumipas ang buong araw nila sa kubo ay bumabagabag parin sa isipan niya kung ano nga ba ang dahilan at nandoon si Fauvine. ---Nang makabalik sila sa Casa Lavar ay nagkanya-kanya muna sila. Dumiretso si Fauvine sa silid nito. Nasa kalagitnaan siya ng pagsusuklay ng buhok ng may kumatok sa pinto ng kwarto. "Pasok, bukas yan" Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mathilde na nakaayos na. "Gusto mo na bang malaman yung result ng pt mo?" seryosong tanong nito sa kanya. "Oo nga pala anong resulta? B-buntis ba ko?" agarang tanong niya dito. Tango lang ang sinagot sa kanya ni Mathilde. 'Oh shit! Hindi pwede ito!' "Kagaya ng sinabi mo kanina hindi natin pag-uusapan 'yan, pero kailangan mong magpacheck-

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Unforgettable Night With You   Chapter VII

    "Kahit quikie na lang mamaya sa kwarto mo," bulong ni Clement kay Fauvine at agad siyang umayos ng upo na parang wala lang."Baba!" sigaw sa kanya ni Fauvine na hindi naman nakatingin sa kanya kundi sa daang tinatahak ng sasakyan nito."Paano ako baba eh hindi mo naman tinitigil yung sasakyan?" tanong niya pa kay Fauvine."Edi tumalon ka! Baka gusto mong sipain pa kita?!" inis na sagot sa kanya nito."Ang sama mo naman sa 'kin. Pero bakit mas lalo kang gumaganda sa paningin ko pag naiinis ka sa 'kin?" seryosong tanong pa niya."A-ano?!""Ang ganda mo Fauvi--"Hindi pa siya tapos magsalita ng bigla na lang tinigil ni Fauvine ang sasakyan."Bababa ka o sisipain kita?!" sigaw nito at binigyan siya ng matatalim na titig. Napakamot na lang siya sa ulo at walang nagawa kun'di bumaba.Pagkababang-pakakababa niya pinaharurot na ni Fauvine ang sasakyan at naiwan siya sa gilid ng kalsada. Hindi maiwasan ni Clement na mapangiti sa inakto ni Fauvine.'Ang ganda

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Unforgettable Night With You   Chapter VIII

    "Tinititigan kita. Ang ganda mo kasi," agarang sagot niya dito. "Naghahanap din nga pala ako ng snack para sa mga bata." Lumayo na siya dito matapos ng huli niyang sinabi. "Snack ba? Meron diyan sa kulay pink na ref na chocolate cake. Paborito ni Faustine at Gray ang cakes kaya iyon na lang ang ipakain mo sa kanila," sabi pa ni Fauvine na hindi siya nilingon. "Masarap ba yung iniinom mo?" tanong niya habang kumukuha ng cake sa ref. "Mukhang sarap na sarap ka kasi." "Bakit nga pala ikaw ang kumuha ng snacks? Pwede mo namang iutos yan ah," paglilihis ni Fauvine sa usapan. Hindi niya pinansin ang tanong ni Fauvine at nagdiretso sa lamesa kung saan ito nakaupo, inilapag niya doon ang cake at sinimulan niyang magslice para sa tatlong bata. Ramdam niya namang pinapanood lang siya ni Fauvine. "Anak mo pala yung dalawang bata?" "Yeah," sagot sa kanya ni Fauvine at muling uminom. "Legally adopted ko sila. Apat na taon na si Faustine noong natagpuan naming umiiyak

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • The Unforgettable Night With You   Chapter IX

    Automatic na napabuga siya ng hangin nang makaalis si Xryz. 'Great! Kung nahalata niyang buntis ako malamang mahahalata din ito ni Ina at Ama. What should I do now? Should I tell them now?' Muli siyang napabuga ng hangin dahil sa naisip. 'I guess, this is not the right time. Hays!' Maghapon silang naging abala sa paghahanda sa fiesta kaya nabawasan ang pag-iisip niya kung paano sasabihin sa magulang niya na buntis siya. Hindi naman siya nangangamba sa sasabihin ng mga ito sa kanya, tanging ang bagay na nakapagbibigay pangamba sa kanya ay pagkatinanong siya kung sino ang ama ng bata sa sinapupunan niya. Paano niya sasabihin na si Clement ang ama ng bata, siguradong magugulat ang mga ito. "Fau, magpahinga ka na muna," bulong sa kanya ni Mathilde habang abala sila sa pagbabalot ng lumpiang shanghai. "Matmat, ano ka ba hindi pa ko pagod," sabi niya dito ng hindi man lang lumilingon. "Papa, antok na po ako" Bahagya niyang nilingon si Keith nang bigla itong

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XIX

    Hindi mapakali si Fauvine, matapos kasi nilang sabihin sa mga magulang niya, mga kaibigan at mga malalapit sa kanila ay hindi pa nila nababanggit ang plano nila ni Clement na magpakasal sa Daddy nito. Alam niyang tutol ito pero handa na siyang harapin ito alang-alang na din sa anak niya.Sa kasalukuyan binabagtas nila ang daan patungo sa school ni Chloe. Gustong siyang ipakilala ni Clement sa bata.“My treasure trove, are you alright?” nag-aalalang tanong ni Clement sa kaniya. “Yes, I’m fine, napagod lang siguro ako,” “Tingin mo tutuloy pa ba tayo o bukas na lang?” “Of course, excited din naman akong makilala si Chloe. I’ll rest later,” sabi niya at nginitian ito.Ang totoo kinakabahan siya sa kung ano ang magiging reaksyon ng bata sa kaniya.Ilang saglit pa bago sila tumigil sa tapat ng school ni Chloe. “I’ll pick her up. Wait us here,” paalam pa ni Clement sa kaniya bago lumabas sa sasakyan.Huminga siya ng malalim ng matanaw niya ng pabalik si Clement at kasama na nito si Chloe.

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XVIII

    Nanlaki naman ang mga mata ni Clement at napuno ng saya. “B-buntis ka?” tila hindi pa makapaniwalang tanong nito.Imbis na sumagot sa tanong ni Clement, may kinuha siya sa loob ng bag. May kalakihan kasi ang bitbit niyang bag dahil nasa loob niyon ang regalo niya sa lalaki.“What’s this?” “Just open it,” Fauvine respond while rolling her eyes.Dahan-dahan namang binuksan ni Clement ang regalo niya at tila ayaw masira ang gift wrapper nito. Una nitong nilabas ang ultrasound result niya at matagal na pinakatitigan. Matapos magsawa ng mata sa ultrasound result ay inilabas na din nito ang kulay pink na baby dress.Nagulat naman si Fauvine ng pumatak ang luha ni Clement at parang batang umiyak.“Problema mo?! Don’t tell me, umiiyak ka dahil hindi na kayo makakapagsubuan ni Cappucine?!” “What the hell?! Of course not! Are you insane?” “Tingin mo ba baliw ako?!” nanggagalaiting sabi ni Fauvine at pinanlakihan pa ng mata si Clement.“That’s not what I meant. Sabi ko naman sa ‘yo ‘di ba, ika

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XVII

    Kinakabahan si Fauvine sa hindi malamang dahilan habang palabas sila ng ospital. Sinamahan siya ni Mathilde para sabay nilang malaman kung ano ang kasarian ng kaniyang anak. Sa Manila kasi siya unang nagpacheck-up kaya tinuloy-tuloy niya na. Isa din sa dahilan ay nababaitan siya sa doktorang tumitingin sa kaniya at sa katunayan kaclose niya na ito ngayon.Isang buwan na din ng huli silang nagkita ni Clement, pero araw-araw naman ito nagpapadala ng bulaklak, pagkain at kung anu-ano pa. Araw-araw din siya nitong tinatawagan para kumustahin ang araw niya. Pero hindi niya alam kung bakit hindi ito bumibisita man lang sa kanila.“May naisip ka na bang pangalan ng baby mo?” biglang tanong ni Mathilde.“Parang gusto kong isunod kay Mamita Flor, pero gusto ko Floryn, para Flor rin,” natatawang sagot niya sa kaibigan.“Ang corny mo, Fau,” sagot ni Mathilde na inirapan pa siya.“Hoy! Maganda naman ang Floryn ah. Pero pag-iisipan ko pa kung lalagyan ko ng second name, ayoko kasing napakahaba ng

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XVI

    “Nakakaawa kasi si Chloe. Nakita namin ni Matmat kung paano siya tratuhin ni Cappucine. Ang sabi pa niya laging galit sa kaniya ang mommy niya. Kulang sa pagmamahal ‘yong bata,” pangangatwiran niya sa mga ito.“Naiintindihan namin na concern ka kay Chloe, pero isipin mo din ang baby mo, Fau,” ani Mathilde. “Pag-iisipan ko.” Tanging naging sagot niya sa mga ito.---“Don’t worry healthy naman si baby. Reresetahan na din kita ng vitamins and you need to drink it regularly. Avoid stress and do regular check-ups. Maybe next month we can see the baby’s gender.” “Thank you po, Doc,” sabi ni Fauvine bago lumabas sa opisina ng doctor.Tatlong araw na ang nakalipas matapos niyang makausap si Clement. Inabala niya na lang ang sarili sa pag-aalaga sa sarili alang-alang na din sa kanyang anak na nasa sinapupunan niya. Tuwing maaalala niya kasi ang mga sinabi ni Clement sumasakit lang ang dibdib niya at hindi maiwasang maiyak.Dumaan muna siya sa super market para bumili ng mga gulay, prutas at

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XV

    “B-bakit?” kunot-noong tanong niya dito. ‘Napansin niya ba ang tiyan ko?’ “I forgot to mention this last time that I’m not after sex, but you looked fucking hot in that loose shirt your wearing,” Clement said in a husky voice that made her blushed a bit.‘What’s with this guy? 2 days ago hindi siya niya ako pinansin noong nakasalubong ko siya, ngayon naman kung kausapin niya ako ay parang walang nangyari.’ Pero napahinga parin siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. Kinabahan kasi siya dahil baka nahalata na nitong buntis siya.Kahit gustong-gusto niyang makita si Clement ay wala naman siyang balak sabihin dito ang tungkol sa pagbubuntis siya. “Whatever!” tanging naging sagot niya na lang dito.Sakto namang dating ni Mathilde kasama ang isang lalaki. Kapwa sila may bitbit ng marahil pagkain, hinuha ni Fauvine. Lumapit naman agad si Clement dito at kinuha ang hawak ng lalaki at dumiretso na loob ng opisina nito.“Thank you, kuya,” sabi pa ni Mathilde bago makaalis ang lalaki. “Let’s

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XIV

    “It’s a long story. But please h’wag mong sasabihin sa kaniya. For the sake of his child to Cappucine,” “Nabanggit na sa ‘min ni Clement na sinabi daw sa kaniya ni Cappucine na may anak sila pero hindi niya parin ito ipinapakita hanggang ngayon sa kaniya,” sabi nito at sumimsim ng ice coffee na binili niya para dito. “But, you know what? This past few weeks, parang wala sa sarili niya si Clement. I mean nakakapanibago siya kasi lagi siyang tahimik nitong nakaraan tas minsan nga tulala pa. Parang ang lalim lagi ng iniisip niya,” “Ahm, Anthony, baka pwedeng h’wag na nating pag-usapan si Clement? Pasensiya na.” nahihiyang sabi niya sa binata. “I guess sabihin mo na lang ‘yong dapat mong sabihin tungkol kay Matmat,”“I don’t know what’s the real score between you two, pero kung ayan ang gusto mo, okay. Nag-aalala lang din kasi ako sa kaibigan ko,” paliwanag pa nito. “By the way, may tanong pala ako sa ‘yo,” “Ano ‘yon?” “Buntis din ba si Mathilde? Kasi noong nasa kubo mo kami, may napu

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XIII

    "Happy birthday, Keith!" masayang bati ni Fauvine. "Baby Gray, give your gift to ate Keith. Ikaw din kuya Faustine,” utos niya sa dalawang bata pagkadating nila.Masayang inabot naman ng dalawang bata ang regalo nila kay Keith at excited na naupo na pagkatapos. May nagtatanghal kasi ng puppet show sa harap."Nandito na pala kayo, Fau. Nandoon sila Mathilde sa gilid. Hayaan mo muna sila Gray at Faustine diyan," ani Klen pagkakita sa kanila. Pasimple pang sinipat ni Fauvine kung nandoon si Clement at nang makitang wala ito ay napanatag ang loob niya. "Totoo bang uuwi ka na sa inyo?" usisa ni Xryz pagkaupong-pagkaupo niya.Marahan siyang tumango dito bilang tugon.Nagpagdesisyonan niya kasing ipaalam na sa mga magulang niya ang sitwasyon niya. Ayaw niya din namang naglilihim sa mga ito. "Teka sandali, may mga dumating ulit na ibang bisita maiwan ko muna kayo," sabi ni Klen na paupo pa lang sana. Napakamot pa ito sa ulo bago sila iwan."Alam mo bang may anak na si Clement?" mahinang ta

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XII

    Napahinga pa siya ng malalim bago salubungin ang seryosong mga tingin ni Mathilde. "Come on, Fau. Sabihin mo sa 'kin," seryosong turan pa nito. "Okay. I will tell you," sabi ni Fauvine pagkatapos ay nagpakawala ulit ng isa pang buntong hininga. Naupo muna siya sa sofa, ganoon din ang ginawa ni Mathilde. Ngayon ay magkaharapan na silang dalawa. Sa pangatlong pagkakataon ay nagpakawala muli siya ng isang malalim na hininga bago magsimulang magsalita. "Una kaming nagkita ay 2 months ago na ang nakakalipas, sa isang bar dito sa Manila," pagsisimula niya. "Bar?! Hindi ka naman nagpupunta ganoong klase ng lugar," hindi makapaniwalang usal ni Mathilde. [Flashback]Binabagtas ni Fauvine ang daan patungo sa bahay nila Desa, magpapasama kasi siya ditong magtungo sa kabilang bayan. Hindi pa man din siya nakakalapit sa tinitirahan nila Desa ay may mga lumabas ditong ilang kalalakihan at sinalubong siya, kapwa may mga hawak na patalim ang mga lalaki. Patakb

  • The Unforgettable Night With You   Chapter XI

    "Grabe ka, Fauvine! Paano mo naubos yung mga pagkain na 'yun?" sabi ni Xryz habang seryosong nakatingin sa daan. Pupuntahan na kasi nila si Clement. "Dalawa kaya kaming kumakain! Noong nandoon kasi ako sa Casa hindi naman ako ganito kalakas kumain. Simula lang siguro no'ng nalaman kong buntis ako nagugutom na ako maya-maya," sabi niya at sumubo ng ice cream na naitake out niya. Hindi lang ice cream ang tinake out niya pati mga pagkain na ipapakain niya kay Mathilde at Clement. "Mukhang matakaw 'yang inaanak ko," nginitian siya ni Xryz bago muli bumaling sa daan. "Xryz, matanong ko lang, may girlfriend ka na o asawa?" tanong niya pa at muling sumubo ng ice cream. "Wala pa akong asawa. Girlfriend meron, kaso masyado siyang workaholic kaya bihira kaming magkita. Parehas sila ni Mathilde na nagtatrabaho bilang secretary. Secretary si Eva ni Daddy," ani pa nito. "Sa sobrang workaholic niya nalilimutan niya na atang may Boyfriend siya. Naiintindihan

DMCA.com Protection Status