"So ayun na nga, ngayon nakikipag balikan yung ex boy friend ko after he dump me for another girl," kwento ni Gwen sakin habang nagxexerox ito ng mga papeles. "Sa tingin mo anong dapat kong gawin?"
Sa totoo lang wala naman talaga akong naintindihan sa mga kwento nya dahil mas iniisip ko pa kung anong ginagawa ngayon ni Grace. Nakakamiss din pala pag wala sya dito sa opisina. Walang nagtataray at nagsusuplada sakin, mas challenging kasi for me ang mga tipo nyang babae.
"Well, it depends,"
"Depends of what?"
Sumandal ako sa pader at inihilig ang aking ulo. Parang fiesta ngayon, nagkakagulo ang mga tao dahil wala ang pusa kaya panay laro ng daga. "If you still love him then why not pero for me mas okay na wag na dahil once a cheater always a cheater,"
Natahimik si Gwen mukha napaisip sa sinabi ko. "You know you are right. Ayaw kong pumulot ng bato na ipupukpok ko sa ulo ko. I'm better without him," tumingin sya sakin. "Ikaw Sam, may boyfriend ka ba? Sa ganda mong yan hindi katakataka na maraming nagkandarapa sayo,"
Napatawa ako ng mahina. "I'm not really interested in men," pinagmasdan ko kung pano napanganga si Gwen sa kanyang narinig. "I'm lesbian,"
"You are what?" singit na tanong ni Grace mula sa aking likuran. Para syang kabuti na basta nalang susulpot.
Nagkatinginan kami ni Gwen. "I'm.. I'm.. " napalunok ako.
"She is going to the restroom," sagot ni Gwen para sakin sabay ngiti na pekeng peke. "Go now Sam," at sinenyasan nya akong umalis.
"Excuse me," anang ko bago pumunta ng rest room. Wala namang tao kaya tumayo lang ako sa harapan ng salamin at tinitigan ang sarili ko. I don't have problem naman telling people that I'm lesbian pero sa sitwasyon ngayon baka mas makakabuti na hindi ko muna ipaalam kay Grace hanggat hindi pa natatapos ang misyon ko dito.
Pagkalipas ng limang minuto ay bumalik na ako sa office. Tahimik na rin ang mga tao na tila dinaanan ng anghel. As usual abala nanaman si Grace sakanyang trabaho. Minsan ba nakaramdam na sya ng pagod?
"Mabuti at dumating ka na," bungad ni Grace na hindi tumitingin sakin. Pinagmasdan ko lang ang pag galaw ng kanyang pilikmata at bibig na tila nang aakit. "May team building tayo from Saturday to Sunday kaya ayusin mo ang mga gamit mo,"
Nakaramdam ako ng excitement. Hindi ko pa kasi naranasan yung team building. "Yay, I can't wait!" kinikilig ko pang sabi.
"Is this your first time?" tanong nya pero tuloy parin ito sa pagbabasa ng kung man sakanyang harapan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay umiiwas lang talaga sya ng tingin sakin. Pero bakit? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Syempre narinig ko lang yang lines sa isang pelikula.
Nahihiya akong tumango. "Yeah," kasalanan ko ba kung hindi uso samin sa France ang team building.
Biglang inilapag ni Grace ang hawak nyang ballpen at sumandal sakanyang upuan. Mariin syang napapikit at tila binibiyak sa sakit ang kanyang ulo.
"Are you okay?" nag aalala kong tanong. Tumayo ako at lumapit sakanya. "Do you want water or any medicine?"
Umiling ito. "No need," unti unting binuksan ni Grace ang kanyang mga mata at tinitigan ako ng maagi.
"Are you sure?"
"I-I just need a space," utal na bulong nito.
Nag init ang aking pisngi at mabilis na lumayo sakanya. "Sorry,"
Inalis ni Grace ang suot nyang salamin sa mata. "Okay lang ako. Siguro kailangan ko lang ng new prescription glasses. Anyway. Maghanda ka para bukas okay, magkita nalang tayo dito,"
Sobrang lakas ng ulan ng matapos ang trabaho. May kulog at kidlat pa. Yung ibang empleyado ay sumusugod nalang sa ulan para sumakay ng bus o sakani kanilang mga kotse.
"Tara Sam hatid na kita!" aya ni Gwen sakin.
"I have a car Gwen, thank you!" nakangiti kong sabi. Hindi lang talaga ako makaalis dito sa pintuan dahil wala akong payong. "Ingat!" kaway ko sakanya.
Ayaw ko pa talagang umuwi dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Wala parin sina Mama at Papa, si Megan ay hindi ko malaman kung nasaan. Tawagan ko kaya si Alex? Pero baka mamaya e busy sya.
Sumugod ako sa ulan at tumakbo kung saan nakaparada sa kotse ko. Pero alam nyo ba yung pinakamalas? E yung ayaw umandar ng sasakyan mo.
"Agh! Bwiset!" gigil kong sabi habang iniistart ang makina pero ayaw parin. "Bakit ngayon pa," biglang may kumatok sa salamin ng sasakyan ko. Sa damit palang ay nakilala ko agad ito. Nanlulumo kong ibinaba ang salamin.
"Okay ka lang ba dyan?" tanong ni Grace habang inaayos ang bitbit nyang payong. "Ikaw nalang natitira dito sa parking lot,"
"My car...."
Naintindihan agad ni Grace ang nais kong sabihin. Ito siguro ang kagandahan sa mga matatalino na taong kausap mo, hindi na para maraming paliwanagan pa.
"Sumabay ka na sakin, ihahatid na kita,"
Bigla akong napadaretcho ng upo. Hindi nya ako pwedeng ihatid sa bahay dahil malalaman at malalaman nya ang katotohanan na anak ako ng presidente ng kumpanya na pinagtatrabahuhan nya. Siguradong mapupurnada na lahat ng plano ko.
"No it's ok--"
"Don't make me do it Sam," banta ni Grace. "Lumabas ka na dyan at nababasa na ako ng ulan,"
Isang salita lang ni Grace ay nagmamadali pa akong lumabas ng sasakyan. Pinayungan nya ako at naglakad kami patungo sakanyang kotse na hindi kalayuan.
Bago pa man mabuksan ni Grace ang pintuan ng kanyang sasakyan ay para itong nahilo at medyo nabuwal mabuti nalang at agad ko syang nahawakan pero nabasa kami ng ulan dahil nabitawan nito ang payong.
Nakita ko sina B1 at B2 na lumabas ng kotse pero agad ko silang pinigilan sa panamagitan ng pag iling ng aking ulo. Huminto naman ang mga ito at kahit nagdadalawang isip ay bumalik na sila sa sasakyan.
"Hold on," bulong ko kay Grace at iniupo ko sya sa passenger seat side bago ako sumakay sa driver seat. "Ituro mo nalang sakin kung saan ang bahay mo para mahatid kita," tumango lang si Grace at inihilig na ang kanyang ulo sa headrest. "Gusto mo bang pumunta sa doctor para makapag pacheck up ka sa mata?"
Marahang idinilat nito ang kanyang mata at tumingin sakin. "Are you sure? Alam kong pagod ka narin sa trabaho,"
"Mas pagod ka kaysa sakin," bulong ko at saka ako nagmaneho pero ramdam ko ang mata nya sakin. Hiindi ko talaga gusto kapag tinititigan ako ni Grace. Para akong kandila na nauupos. Ganito din ba ang nararamdaman nya kapag tinititigan ko sya?
'Thank you Sam!" narinig kong bulong ni Grace. Pagkalipas ng mahigit bente minuto ay nakarating kami sa optomitrist nya at agad syang nagpacheck up ng mata. Gaya nga ng hinala ko, kailangan nya ng magpalit ng salamin dahil tumaas ang grado nya. "Which is better?"
Napatingin ako kay Grace habang nagsusukat ito ng salamin, tinitignan nya kung ano ang mas bagay sakanya. Maganda naman sya kahit nakasalamin sa mata.
Hinawakan ko ang kanyang salamin at unti unti itong inalis. Tila naumid ni Grace ang kanyang dila habang titig na titig sa mukha ko.
"Mas lalo kang gaganda kung wala lang suot na salamin," walang gatol ko na sabi.
Kumurap kurap si Grace bago bumalik sakanyang tamang huwisyo. Kinuha nya salamin mula sa aking kamay at tumalikod.
"Hi, do you need anything?" tanong ng magandang babae na nakatayo sa aking harapan. Halos lumuwa ang aking mata ng bumungad ang kanyang dibdib. Very seductive ng kanyang pagkakatingin at ngiti nya sakin. "Juice, coffee..." inilapit nito ang kantang labi sa aking tenga. "Or me..."
Nakangisi kong hinawakan ang bewang nito. "What an offer hmm," hindi na ako bago sa ganito dahil lagi akong nilalapitan ng mga babae, hindi ko alam kung naaamoy ba nila ang pagkalesbian ko o ano.
"You are so beautiful," bulong ng babae sakin habang hinawakan nya ang ibabang labi ko. "So..." inilapit nito ang kanyang dibdib sakin. "What's the answer?"
"Sam!" pasigaw na tawag ni Grace sa aking pangalan, agad kong nilais ang aking kamay sa bewang ng babae. "What--" hindi na itinuloy ni Grace ang kanyang sasabihin. May kung anong emosyon sakanyang mga mata na ngayon ko lang nakita. "Tara na!" nilampasan nya ako at lumabas ng clinic.
"I have to go," nakangiti kong sabi sa babae at humakbang ako palayo. "Bye!" nagmamamadali akong naglakad.
"Wait, what's your name!" narinig kong tanong ng babae pero hindi ko ito pinansin. Kahit kailan hindi ko hinihingi ang mga pangalan ng mfa babaeng lumalapit sakin.
Paglabas ko ng clinic ay nakita ko si Grace na nakasakay na sa kotse. Wala kaming imikan habang nagmamaneho ako.
"Nalingat lang ako saglit tapos nakikipag--"
"Excuse me, hindi ako nakikipaglandian," ako na ang pumutol ng sasabihin ni Grace.
Tumingin si Grace sa bintana. "Talaga lang," imbis na mainis ako sa pangkukwestiyon nya sakin ay hindi ko mapigilang mapangiti. "Anong nakakatawa?"
"Para kasing nagseselos ka," pagsasabi ko ng totoo.
"At bakit ako magseselos aber?" namumula ang mukha ni Grace. "Don't flatter yourself!"
Napailing nalang ako na may ngiti sa aking labi. Ayaw kong inisin si Grace baka sipain nya ako palabas ng kotse. Napanganga ako ng itinuro nya ang kanyang bahay, dahan dahan kong ipinarada ang sasakyan sa harapan ng napakalaking Craftsman style house na pinalilibutan ng matte black automatic gate. Pagkatapos pindutin ni Grace ang password ay nagbukas din naman ito.
"Nice house," bulong ko habang minamaneobra ang sasakyan papasok. Kinuha ni Grace ang kanyang gamit at lumbas ng kotse. "Wala man lang thank you,"
Patingin tingin ako sa paligid ng buong kabahayan at masasabi ko na lahat ay pinagubusan ng pera.
"Ikaw lang mag isa dito?" hindi ko mapigilang itanong. Wala kasi akong nakikitang ibang tao lingid sa aming dalawa.
Ibinaba ni Grace ang dala nyang bag at pumunta sakanyang modernong kusina. "Oo," matipid nitong sagot. Naamoy ko ang napakabagong aroma ng kape. "I inherited this from my grand father two years ago,"
Naglakad lakad ako at sinuri ang mga vase, mukha silang mamahalin. "Really?" may paghihinala sa boses ko. "I mean. That is nice,"
Bumalik si Grace mula sa kusina na may bitibit na kape. Inabot nya sakin ang isa. "Katatapos lang ng renovation nito, wala pa akong isang taon dito," naupo kami sa napakalambot na sofa. "Anyway, I just need to change my clothes," tumayo ito at nagtuloy tuloy sa second floor.
Sa paghihintay ko lang kay Grace ay halos maubos na ang kape ko. Baka naligo pa siguro sya. Tumayo ako at pumunta sa harap bintana, medyo tumila na ang ulan. Biglang may kumaway sakin, sina B1 at B2 na naghihintay sa labas ng bahay. Sinenyasan ko sila na umalis na pero hindi ito sumunod. Grabe ang kulit ng mga ito.
Iinumin ko sana ang huling lagok ng kape ko ng biglang may tumahol sa aking likuran. Halos mapatalon ako sa gulat. "Ahh!!" aksidente kong natapon ang kape sa aking damit at napasigaw ako dahil sa init.
"What happened!" nag aalalang sigaw ni Grace at tumakbo palapit sakin. "Lily stop it!" saway nito sa pomerenian nya.
Hindi na ako nakapag isip ng maayos, agad kong hinubad ang suot kong long sleeves. Biglang nawala ang hadpi na aking naramdaman ng pinunasan ni Grace ang aking dibdib gamit ang tissue.
"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nito habang seryoso sa pagpupunas sa dibdib ko samantalang ako ay sobrang pula ng mukha. "Sam, are y--" napatingin si Grace sakin. "Sorry," nagmamadaling lumayo ito sakin ng mapagtanto ang kanyang ginawa. "I didn't m--"
"It's okay," nanginig kong sabi at tumalikod ako sakanya. Pinagmasdan ko ang aking dibdib na pulang pula dahil sa paso.
"Wear this," inabot sakin ni Grace ang tshirt na saktong may nag doorbell. "Sino kaya to," tanong nya sakanyang sarili bago naglakad papunta sa pintuan.
Pagbukas palang ng pinto ay may yumakap na sakanya. Yung babaeng nasa club. Yung ex girlfriend nya.
"Jean. Ano ba!" pinaghalong gulat at inis ang nasa boses ni Grace. "Bakit ka ba nagpunta di--" nanlaki ang mga mata ko ng hinalikan ni Jean si Grace.
Parang bumagsak ang puso ko sa aking mga paa. Gusto kong maglaho pero pano nga ba?
Hinawakan ni Grace ang bewang ni Jean bago nya ito itinulak palayo.
"Grace... please..." pagmamakaawa ni Jean na may mga luha sakanyang mukha. "Can we at least talk?"
Napatingin si Grace sakin. Nakita ko ang pag aalinlangan sakanyang mata.
"It's okay Maam Grace," sumikip ang aking lalamunan. "I will just go and take a cab,"
"Sam..." hinawakan ni Grace ang kamay ko para pigilan akong maglakad.
Nagtitigan kami ni Jean at hindi ako nagpatalo sakanya. Pero bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan, bakit gusto kong durugin ang babaeng ito sa paghalik nya kay Grace? Hay. Hindi ko alam. Gayunpaman, kailangan ko ng umalis para bigyan ng space at privacy silang dalawa. Huminga ako ng malalim bago naglakad palayo at lumabas ng bahay.
To refresh my mind.. Music..
"So, how was the undercover thingy Sam?" biglang tanong ni Papa na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na nakauwi na pala sila galing sa bakasyon."Speaking of that," ibinaba ko ang hawak kong financial statements ng kumpanya at hinarap si Papa. "I have two suspect already,"Pumasok si Papa sa loob ng kwarto ko. "Sino sila?" at tumayo sa aking tabi."Paulo," sagot ko. "And-and Grace," nanikip ang dibdib ko isipin pa lang na si Grace ang nagnanakaw sa kumpanya. "Or pwedeng magkasabwat sila. Dahil laging hinahanap at pinupuntahan ni Paulo si Grace sa kung ano mang dahilan. Naoverheard ko rin si Paulo na may itatransfer daw sya as soon as possible while Grace is hiding a confidential papers,""I can't believe Grace will do that," malungkot na salita ni Papa. "And Paulo, I honestly didn't know what to say,""Can I ask a favor?""Sure,""Give me an access sa Finance department and
Halos mapatalon ako sa tuwa at excitement ng sa wakas ay makarating kami sa isang resort kung saan gaganapin ang team building namin. Nagpahinga muna kami ng kaonti, nagpalit ng damit bago kumain. Kasama kong kumain si Gwen samantalang si Grace ay kausap si Paulo."Sam, ano ba yan!" saway ni Gwen sakin. "Kawawa naman yung pagkain mo kanina mo pa pinapatay, double dead na yan!"Napatingin ako sa pagkain ko, hindi ko na makilala yung manok, para na syang corn flakes. "Sorry," palihim kong sinulyapan si Grace at malaya syang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda nya talaga lalo pa ngayon na wala ng nakahambalang na salamin sa mukha nya. Kaya hindi ko masisisi ang mga kalalakihan dito na walang pasubali sa pagtingin at pagpapatansya kay Grace."Ayusin mo nga yang mukha mo Sam," natatawang bulong ni Gwen habang umiinom ito ng kape. "Halatang halata na nagseselos ka e,""Excuse me, I'm not jealous!" m
"Are you okay Sam? Mukha kang zombie!" napamulagat ang mga mata ni Gwen habang nakatitig sa mukha ko."A little," matipid kong sagot. Hindi kasi talaga ako masyadong nakatulog buong gabi dahil sa pagkapahiya na aking naramdaman ng mabisto ni Grace ang totoo kong nararamdaman para sakanya.Bakit ba kasi ang tanga ko para isipin na tulog na sya dahil sa kalasingan at idagdag pa yung kadaldalan ko. Wala naman syang ibang sinabi pagkatapos kong hindi sinasadya na masabi na gusto ko sya. Baka talagang hindi nya ako gusto kaya hindi sya nag react."May nangyari ba sa inyo ni Grace?"Umangat ang paningin ko mula sa kinakain kong agahan papunta sa mukha ni Gwen. "An-ano? Wala! Ano namang mangyayari samin? Ang sungit sungit ng babae na yon baka masapak nya pa ako kahit makalabit ko lang ang daliri nya!" naiiling kong sagot sabay supalpal ng pancake na bibig ko.
"Hey. Hey!" sigaw ko sa dalawang lalaki na nagmamadaling umalis ng lumabas ako ng restroom mabuti nalang at naiwanan si Grace sa loob para maligo. "Mga chismoso kayo!"Kakamot kamot sa ulo na humarap sina B1 at B2 sakin. "Sam, trabaho namin to," agad na katwiran ni B1."Pati pagsunod sa restroom sa kasama rin sa trabaho nyo?""Syempre, baka kasi kung anong gawin sayo ng dragon e," nakakunot ang noo na sagot ni B2."Dragon? Si Grace?" hindi ko mapigilang matawa. "Mas matakot kayo sakanya kapag nakita nyo syang nakangiti," bigla akong napahinto. "May kasalanan nga pala kayo sakin," buti nalang naalala ko ang ginawa nila sakin. "Bakit nyo ako binigyan ng alak kagabi?"Nagkatinginan ang dalawa. "Anong alak? Juice lang yon,""Sabi ko sayo pare may halong alak yung binigay ng lalaki satin e," bulong ni B2 sa katabi nya.Napataas ang kilay ko. "Sinong lalaki ang sinasabi mo?" pag uusisa ko kay
Tanghali pa lang ay hindi na ako makapaghintay sa date namin ni Grace mamayang gabi. Nakakahiya, para akong teenager na hindi mapakali. Ginawa ko lahat para abalahin ang sarili ko pero wala parin. Si Grace ang nakikita ko at ramdam ko parin ang malambot nyang labi sa aking bibig."Sam," pukaw ni Grace sa atensyon ko. Napatingin ako sa direksyon nya. Inilapag nya ang isang folder sa kanyang lamesa. "Pakibigay ito kay Sir. Imperial,"Kung alam lang ni Grace yung tinatawag nyang Sir. Imperial ay ang Papa ko.Tumayo ako at kinuha ang folder. "Okay, are you not hungry? It is 12,"Hinubad ni Grace ang kanyang salamin sa mata. "Oo nga pala," lagi nya nalang nakakalimutan kumain sa kakatrabaho. "Sige bibili ako ng pagkain natin,""Ako nalang bibili," pigil ko kay Grace nang tatayo na sya. "Dito ka nalang," at naglakad na ako palabas ng opisina.
Pagkatapos naming bisitahin ang magulang ni Grace sa sementeryo ay dumaretcho na kami sa bahay nya. Kahit nakapunta na ako dito ay hindi ko parin naiwasang mapapahanga sa laki at disenyo nito.Naikwento rin sakin ni Grace na namatay ang parents nya dahil sa isang car accident ilang araw pagkatapos nyang makagraduate ng College at naiwanan sakanya ang lahat lahat ng ari arian ng kanyang pamilya. Kung ganoon ay walang rason para magnakaw si Grace sa kumpanya namin pero dapat ko itong patunayan at kailangan magkaroon ako ng ebidesya.But okay, ayaw ko munang isipin ang mga bagay na yan, today is her birthday kaya dapat maging masaya sya. Tumulong ako kay Grace magluto ng pagkain at ngayon ko lang nalaman na masarap pala syang magluto pero syempre vegetarian si Grace kaya puro tofu, salad ang kakainin nya."Maswerte ang mapapangasawa mo," sabi ko kay Grace habang inilalapag ang mga plato sa la
Masaya akong binati ng security guard nang dumating ako sa trabaho. Sa totoo lang hindi ko alam kong bakit maaga akong gumising, bumangon at pumasok sa opisina. Baka excited lang talaga akong makita si Grace.Wala pang empleyado sa 18th floor. Ako lang ang tao. Binigay sakin ni Papa ang lahat ng susi ng kwarto pati mga drawer kaya pwedeng pwede na akong magimbestiga.Mabigat man ang loob ko ay inumpisahan ko ang paghahanap ng ebidensya sa gamit ni Grace. Inisa isa ko ang lahat ng folder sa drawer nya, binuksan ko rin ang desktop computer pero may password.Sinunod ko ang opisina ni Paulo na walang kahirap hirap akong nakapasok. Maaliwas ang kwarto hindi katulad ng pagmumukha ni Paulo na sing dilim ng kalangitan kapag gabi.Pinuntahan ko agad ang computer pero gaya ng kay Grace ay may nakaset din napassword kaya naghalungkat nalang ako sa drawer nya.
Masaya akong binati ng security guard nang dumating ako sa trabaho. Sa totoo lang hindi ko alam kong bakit maaga akong gumising, bumangon at pumasok sa opisina. Baka excited lang talaga akong makita si Grace.Wala pang empleyado sa 18th floor. Ako lang ang tao. Binigay sakin ni Papa ang lahat ng susi ng kwarto pati mga drawer kaya pwedeng pwede na akong magimbestiga.Mabigat man ang loob ko ay inumpisahan ko ang paghahanap ng ebidensya sa gamit ni Grace. Inisa isa ko ang lahat ng folder sa drawer nya, binuksan ko rin ang desktop computer pero may password.Sinunod ko ang opisina ni Paulo na walang kahirap hirap akong nakapasok. Maaliwas ang kwarto hindi katulad ng pagmumukha ni Paulo na sing dilim ng kalangitan kapag gabi.Pinuntahan ko agad ang computer pero gaya ng kay Grace ay may nakaset din napassword kaya naghalungkat nalang ako sa drawer nya.
Pilit kong nilalabanan ang namimigat kong mata habang nakatingin kay Rose na abala sa pagpapaliwanag ng mga dapat naming gagawin at dadalhin sa nakaschedule naming photoshoot para sa paglalaunch ng bagong clothing brand ng Versa.Well, napuyat lang naman ako sa pagsstalk kay Color Benitez sa lahat ng social media account nya pero wala rin naman akong napala o natuklasan na kahit anong bagay mula kanya because she keeps her status and other personal details very private."Averi."And please don't ask me why i did such stalking thing because i honestly did have any idea. I just wanted to know kung ano ba ang meron sa kanya at bakit paulit ulit kaming pinagtatagpo ng pagkakataon gaya sa Shoe store kanina. For all people naman bakit yung pamangkin nya pa ang nakadisgrasya sa pinakaaasam kong heels na iorder ko pa from Europe."Averi, are you with us?" Napaangat ang mata ko kay Rose na s
Sobrang naging successful ang naging Runway show ng Versa, hindi mapatid ang hiyawan ng mga tao para sa bawat modelo na rumarampa sa stage. Nakakapressure oo, pero sulit lahat ng dampi ng make up, pagbanat ng buhok at sakit ng paa dahil sa iba't ibang uri ng heels na sinusuot namin.Kaliwa at kanan ang naging interview ko sa local at international media. Marami akong natatanggap na mga papuri but there always will be a critics.But you know what really makes me happy? Iyon ay ang nakapanuod ng live sina Mama, Papa at Aubree ng first ever Runway show ko dito sa Pilipinas. Kitang kita ko sa mga mukha nila kung gaano sila napahanga at kaproud sakin. Agad nila akong sinalubong pagkalabas na pagkalabas ng dressing room."I'm really proud of you Iha!" Halos mapunit ang mukha ni Papa sa laki ng pagkakangiti nito. "Marami na akong napanuod at nakitang picture mo sa mga Runway show Averi Anak
Maaga akong gumising para pumunta sa Manila Peninsula kung saan naghihintay ang Manager ko na si Rose na kadarating lang kagabi from France. Ngayong araw ang meeting ko with the Head of Marketing ng Versa. Sikat na sikat ang clothing line na ito sa Europe at ngayon dito sa Asia.Maraming famous at aspiring models ang gustong maging mukha ng Versa pero masyadong mataas ang standard nila kaya iilan ilan palang ang pumapasa but in my case, sila mismo ang kumontak kay Rose at nagpapapictorial sakin. Audition sa term ng mga artista."Bakit parang matamlay ka?" Bungad ng hairstylist at makeup kong pinay na si Sara. "Masama ba pakiramdam mo?"Nagkatinginan kami sa salamin. Medyo may edad na si Sara at ilang taon narin kaming magkatrabaho. Sya iyong itinuturing ko na pinakamalapit kong kaibigan. "Halata ba?" Naconcious tuloy ako sa mukha ko kahit na sobrang ayos ng pagkakamake up para maitago ang eyebags
Ito ang talaga ang matatawag mo na bakasyon, white sand, blue water, coconut trees, shirtless guys and of course pretty ladies. Deserve na deserve ko ang engradeng bakasyon na ito dahil ilang taon din na puro trabaho ang inatupag ko bilang modelo sa France at iba't ibang bahagi ng Europe, America at Asia. Masasabi ko na narating ko na ang pinakamataas na antas ng trabaho ko kaya hindi na ako tinatantanan ng paparazzi pero mas mautak at matalino ako sakanila dahil hindi nila natunugan na umuwi ako ng Pilipinas. "Your lemon water," inabot sakin ng nakakabata kong kapatid na si Aubree ang baso. "Mom called," naupo sya sa tabi ko sa buhanginan. "Pinauuwi nya na tayo at she wanted to see you," Naupo ako ng maayos at kinuha ang baso mula sa kanya. "Don't worry I will call Mom later. Gusto ko lang munang mag unwind, relax at ayaw ko munang mastress," walang emosyon ko na sagot. Natahimik lang si Aubree. T
Kahit madilim ang kapaligiran ay naaaninagan parin ni Grace kung sino ang taong nakatayo sa kanyang harapan. She does not really know if it is only her mind playing tricks on her kaya nakikita nya ngayon si Sam."Sam.." Hindi makapaniwalang tanong ni Grace habang walang tigil sa pagluha. "Are you real?"The moon lights illuminated Samantha's beautiful face as she stared hard at the woman who owns her heart. Gusto umiyak ni Sam dahil sa wakas nakabalik na sya sa kanyang pamilya at kay Grace. "Yes, i am real..."Bumagsak na parang malakas na ulan ang luha ni Grace pagkarinig sa boses ni Sam. It only proves that she wasn't dreaming or hallucinating because Sam is alive. "Then why?"Agad namang naintindihan ni Sam ang gustong ipahiwatig ni Grace sa tanong nito. "I know.." Mabagal na naglakad si Sam palapit sa kinatatayuan ni Grace. "Forgive me love if It took awhile bago ako nakabalik."
GraceFairy tales only exist in movies, books, and dreams, all the happy thoughts and the smile on my face vanished when Sam was being held by Paulo with a gun to her head. My heart was bleeding because we could not do anything to help save the love of my life."Sam!!" Pagtangis ko kasabay ng pagbigay ng aking tuhod dahil sa panghihina ng katawan ko. "No..." I was too heartbroken and miserable to utter any words. "Sam.."I felt a broken soul nang makita ko na malaglag ang kotse ni Paolo sa dagat kasama si Sam. It makes my heart and Sam's parents wretched in worries and great sorrow.This... This can't be happening. Siguro nananaginip lang ako kasi ang saya saya namin ni Sam tapos sa isang kisap mata lang biglang nagkaganito? Sa totoo lang, napakarami kong tanong pero ni isa sakanila walang kasagutan."Grace Iha." Umiiyak na bulong ni Tita Oliva at niyakap nya ako ng
SamTonight is the night na magiging official na ang engagement namin ni Grace and i could not wait to tell the world even the universe how much i love her. Well, Iba talaga nagagawa pag inlove, nagiging poetric at romantic ka.But that is fine with me, it's for Grace and i would do anything and everything for the woman who holds my heart kahit na kapalit pa ito ng buhay ko."Sam.." Narinig kong bulong ni Grace habang naglalakad kami sa hallway ng second floor ng bahay. "What if you change your mind?"Hindi ko mapigilang mapantingin sa kanya and by the look of her face, mukhang malalim ang iniisip nya. Ngayon pa ba sya magdadalawang isip? "Change of mind about what?"Kinapa ni Grace ang engagement ring na binigay ko sa kanya. "About marrying me?"Grace is so perfect for me but there were really a time na nagkakaroon parin sya ng insecurities sa kanyang sarili mayb
GraceHindi ko alam kung bakit pero magaang at ang saya ng pakiramdam ko pagkamula't na pagkamulat ko palang ng aking mata. Ngunit agad akong napakunot noo ng mapansin ko na wala si Sam sa kama. Nasaan kaya sya? Parang ang aga naman nyang gumising at pumasok sa trabaho, ni hindi man lang sya nagpaalam sakin.Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Sam na may bitbit na tray ng pagkain."Good morning my Queen." Masiglang bati ni Sam habang naglalakad papunta sa kama. "Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka from last night."What happened last night was... perfect, splendid. I can't even describe it in any words but i know one thing is for sure that i won't regret anything from it."I thought you left." Medyo garalgal pa ang boses ko dahil kagigising ko lang. Umupo ako at napangiti ng hinalikan ako ni Sam sa la
More votes, more chances of winning.I mean, update.SamHindi ko kayang isalin ang saya na aking nadarama sa kahit anong salita ng tanggapin ni Grace yung wedding proposal ko sakanya. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan naming dalawa ay lalo ko lang napatunayan kung gaano ko sya kamahal at hindi kayang mabuhay ng wala sya.At kung sakaling humindi si Grace, ay patuloy at walang kapaguran ko parin syang susuyuin hanggang sa mapa Oo ko sya dahil naniniwala ako sa kasabihan na love is patience. Sapagkat, hindi lahat ng bagay ay makukuha natin sa santong paspasan lalo na kung katulad ni Grace ang inyong mamahalin."Wow. Ang ganda naman dito." Lubos na paghangang sabi ni Grace habang ginagala ang kanyang mata sa kabuuan ng restaurant. "Nabasa at nakita ko na ito sa magazine."Ngumiti ako at inalalayan ko syang makaupo. "Wala ng mas gaganda pa sayo