Share

8

Author: Aileen Narag
last update Last Updated: 2021-07-20 11:14:23

Halos mapatalon ako sa tuwa at excitement ng sa wakas ay makarating kami sa isang resort kung saan gaganapin ang team building namin. Nagpahinga muna kami ng kaonti, nagpalit ng damit bago kumain. Kasama kong kumain si Gwen samantalang si Grace ay kausap si Paulo.

"Sam, ano ba yan!" saway ni Gwen sakin. "Kawawa naman yung pagkain mo kanina mo pa pinapatay, double dead na yan!"

Napatingin ako sa pagkain ko, hindi ko na makilala yung manok, para na syang corn flakes. "Sorry," palihim kong sinulyapan si Grace at malaya syang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda nya talaga lalo pa ngayon na wala ng nakahambalang na salamin sa mukha nya. Kaya hindi ko masisisi ang mga kalalakihan dito na walang pasubali sa pagtingin at pagpapatansya kay Grace.

"Ayusin mo nga yang mukha mo Sam," natatawang bulong ni Gwen habang umiinom ito ng kape. "Halatang halata na nagseselos ka e,"

"Excuse me, I'm not jealous!" medyo pagalit kong sagot na may kasama pang pag ikot ng aking mata.

"E bakit hindi maipinta yang mukha mo? Kahit yung pinakamamagaling na pintor sa sinaunang panahon ay hindi ka maiipinta,"

Isang matalim na tingin ang binigay ko kay Gwen pero tinawanan nya lamang ito. Walang kibuan nalang kaming kumain at pilit kong hindi tignan sina Grace at Paulo.

"Sam.." tawag ni Grace sa pangalan ko. Tumingin lang ako sakanya. "Aba tara na, ikaw nalang natitirang kumakain dyan,"

Napatingin ako sa paligid ko at ako nalang nga ang kumain. Kahit si Gwen ay wala na. Hindi ko man lang namalayan na umalis na ang mga kasama ko. Uminom muna ako ng tubig bago tumayo at kinuha ang aking bag. Naglakad kami papunta sa napakalawak na lupain na may mga iba't ibang uri na playground, I mean activities.

Tumayo ang isa sa mga senior employee na may hawak na dalawang kulay ng flag. "Look at the hem of your shirt at kapag may nakalagay na Blue pumunta kayo dito sa kaliwala at ang Green dito sa kanan,"

Tinignan naming lahat ang nakasulat sa tshirt. Kulay Green ang nakalagay sakin. Sinilip ko ang kay Grace ay Blue. Nagkatinginan kami. Para akong namalikmata ng makita ko na nakangisi sya, na tila baga sinasabi nya ngayon palang ay sumuko na ako.

Nagpunta kami sa kanya kanya naming lugar. Kahit si Gwen ay nasa Green, tapos kakampi ko pa tong si Paulo. Great!

"Kailangan nyong dalhin ang flag nyo sa kabilang panig kung saan naghihintay ang isang kateam nyo," paliwanag ng senior employee. "Kung sino ang mananalo sa mga activities natin ay may GC ng Spa with buffet,"

Biglang nagsigawan ang mga kasamahan ko, nakaramdama ko ng kaba at takot. Mukha kasi silang handa pumatay pagkarinig ng Buffet. Ibinigay ng mga kakampi ko kay Paulo ang flag para mabilis makarating sa finish line at sa blue team naman ay sa lalaki rin ibinigay. Pumuwesto kami sa starting line at nang pumito na para kaming mga zombie na hinahabol ang mga taong may bitbit na flag.

"You can do anything to stop the other team's flag bearer, tackle them or steal the flag to delay them,"

Ang bilis tumakbo ni Paulo habang bitbit ang flag namin. Samantalang pinanunuod ko lang ang lahat.

"Anong ginagawa mo dyan Sam?" narinig kong tanong ni Grace habang inaayos ang kanyang mahabang buhok.

"Ah. Nakatayo,"

Nagkibit balikat si Grace at sumulyap sakin. "Loser," bulong nito pero dinig na dinig ko ang sinabi nya.

Aba teka. Hinahamon ako ng babae na ito ah. "Hey. I'm not loser!" at hinabol ko sya.

"Sam hindi si Grace ang hahabulin mo, yung flag!" sigaw ni Gwen na nakikipagbuno sa may hawak ng Blue flag. Hindi ko tuloy alam kung san ba ako pupunta. Natigilan ako ng nakita ko si Grace na kinuha ang blue flag at mabilis at maliksing tumakbo. "Ngayon may dahilan ka ng habulin si Grace!"

Mabuti nalang ay mahilig akong magjogging kaya malakas ang stamina ko sa ganitong mga activity. Nilampasan ko ang lahat ng mga taong makaharang sa aking harapan at nang makita ko si Paulo ay inagaw ko ang sakanya ang flag namin at mabilis kong sinundam si Grace.

"I'm coming!!" sigaw ko sakanya. "Let's see who's loser!!" ilang hakbang nalang ang layo naming sa finish line at dahil desperado na ay bigla kong nilundag si Grace at parang slow motion kaming bumagsak sa damuhan.

"Oh gosh Sam!" usal ni Grace habang hinahagod ang masakit nyang braso. Naramdaman ko ang kirot sa aking tuhod at sakit ng katawan ko. "Get-get off me,"

"So-sorry," nang mapagtanto ko na nakapatong ako sa likuran ni Grace. Dahan dahan akong tumayo. "Okay ka lang ba?" nag aalala kong tanong kay Grace. Mukhang nasaktan ko sya dahil namumula ang kanyang pisngi.

Yumanig ang lupa at napatingin ako sa aking likuran at nakita ang mga taong tumatakbo papunta sakin. Kaya wala na akong nagawa kundi iwanan si Grace at tumakbo sa finish line.  Agad kong pinuntahan si Grace na inaalalayan ni Paulo habang nagbubunyi ang mga kateammates ko.

"Why did you do that!" galit na tanong ni Paulo sakin. Hindi ako nakasagot. "Let's go," aya nito kay Grace na paika ikang naglalakad at may galos sa kanyang pisngi. Wala na akong nagawa kundi ang panuorin silang naglakad palayo.

"Hey, that's okay," bulong ni Gwen sakin. "You are being competitive beside nasa rule yun. You can tackle your opponent,

Hindi na ako nakapagsalita dahil sinugod ako ng mga kateam ko para batiin sa pagkapanalo namin. Masaya silang lahat, wala man lang nag alala para kay Grace.

Pinag patuloy namin ang mga activities hanggang sa matapos ang buong maghapon. Sobra akong pagod pero sobra din akong nag enjoy, ganito pala feeling ng nagtutulungan kayo, may pagkakaisa sa lahat ng bagay. Siguro dapat ko rin tong gawin sa mga kasama ko sa trabaho sa France.

Bumalik na ako sa hotel room. Nakita ko si Grace na nakaupo sa kama at abala sa pag gamit ng laptop. Well magkasama kami sa iisang kwarto at iisang kama.

"Grace.." tawag ko sakanyang pangalan. Tumingin sya sakin pero hindi kumikibo. "Alam kong gasgas na gasgas na ang linyang ito but I'm sorry, I didn't mean to hurt you,"

Sinarado ni Grace ang hawak nyang laptop at tinabi ito sa bedside table. "Don't worry about it," seryoso nitong sagot.

Naupo ako sa gilid ng kama. "Pero nasaktan ka..." pinagmasdan ko ang kanyang paa na may benda. Lalo tuloy akong naguilty.

"Hindi nanaman sya ganong masakit, bukas okay na to," pilit syang ngumiti sakin para ipakita na okay sya. "Kamusta ang activities?"

Inalis ko ang bag na nakasabit aking katawan at nilapag ito sa kama. "Okay naman, enjoy," hindi ko mapigilang mapangiti. "Kailangan nating bumaba mamaya para sa dinner or gusto mong dalan nalang kita ng pagkain dito?" sa tulad ni Grace hindi ko alam kung nakikihalubilo ba sya sa mga tauhan nya sa mga ganitong pagkakataon.

"I will go down later," at humiga na si Grace.. "I just want to rest,"

"Hey, don't sleep with your contact lens on,"

Ngumiti si Grace. "Don't worry tinanggal ko na ang contact lenses ko," tumango lang ako at saka nya pinikit ang kanyang mga mata. Hinayaan ko nalang syang magpahinga at nagpunta nalang ako sa bathroom para maligo.

Kinahapunan ay lahat kami ay nagsama sama para sa isang dinner with a celebration ika nga nila kaya bumabaha rin ng alak. I'm not really a drinker if I do siguro may mabigat akong dinadala. Pero ngayon ko lang nalaman na malakas palang uminom tong si Grace, mauubos nya na ang isang bote ng red wine pero hindi pa sya nakakaramdam ng kahit kaonting pagkahilo. Baka alak na ang ginagawa nyang tubig.

"Tara inom tayo," aya ng isa sa mga kasama ko sa team. Halos lahat sila ay mapupula na ang mukha dahil sa alak.

"No, thank you but I don't really drink," magalang kong tanggi. Ayaw ko naman na isipin nila na killjoy ako or what. I'm not in the mood lang talaga.

Hinawakan ako nito sa braso at pilit hinahatak. "Come on, don't be such a killjoy,"

"I can't--"

"Mr. Velasco," biglang dumagundong ang boses ni Grace sa venue. "Stop bothering Sam," agad naman nitong  binitawan ang braso ko at nagmamadaling bumalik sa upuan nya. Nagtawanan ang mga tao dahil natameme ito.

Biglang may tumunog na musika at nagsayawan ang mga tao, hinatak naman ako ni Gwen at wala narin akong nagawa kundi makisabay sa agos nito. Isa na siguro ito sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.

Nakita kong inaya ni Paulo si Grace na magsayaw pero hindi ito pumayag kaya ako ang lumapit sakanya.

"Can I please dance with you?" nakangiti kong tanong at nilahad ang aking kamay. Alam kong masakit parin ang kanyang paa pero hindi ko naman sya totally pagsasayawin.

Umiling si Grace.

"Please..." pagmamakaawa ko at hinawakan ang kanyang kamay. Hindi naman ito pumalag ng maglakad kami papunta sa kumpulan ng tao. Nakatayo lang si Grace sa aking harapan, namumungay ang kanyang mga mata dahil narin sa kanyang nainom.

Tinaggal ko ang suot nyang salamin sa mata. Mukhang hindi sya sanay mag contact lenses kaya sa eyeglasses parin ang bagsak nya.

Nobody pays much attention

They misuse their time

Maybe its better to mention moments passing by

A secret to tell,

I've got something they don't have

And baby its you who is lifting me high

Nakatingin lang kami sa isa't isa.

I just want to be close to you

Cause I understand the strength of your hand

Oh and the love you put me through

You're more than a friend so love me again..

Hinawi ko ang kanyang buhok at inilagay sa likod ng tenga nya. Gustong gusto ko talagang pinagmamasdan ang napakagandang mukha ni Grace. Lahat perperkto at nasa tamang sukat at mga lugar.

Baby you're full of affection

People stop and smile

Maybe they see my intention

To make life worth while

A secret to tell,

I've got something they don't have

And baby its you who is lifting me high..

Pakiramdam ko ay kaming dalawa ni Grace, parang kami lang ang humihinga ng iisang hangin.

A secret to tell

Now there's nothing holding back

Cause baby its you that is making me fly..

A secret to tell (I'm telling secrets now)

Now there's nothing holding back

Cause baby its you who is making me fly

Oh baby, oh yeah

Love that you put me through (Love that you put me through)

"I'm-" napalunok si Grace at kinuha ang kanyang salamin sa mata. "Excuse me," saka ito nagmamadaling umalis. Hindi ko na nakita kung saan sya nagpunta dahil pinalibutan ako ng mga tao.

"Some Juice Maam," alok ng nagsalita sa aking tabi.

Pinaka titigan ko ang mga ito mula ulo hanggang paa. Nakasuot sila ng hawiian shirt at maong short. Kinuha ko ang juice at agad na tinungga. Ni patak wala akong itinira.

"Nice outfit, daig nyo pa nasa beach," naiiling kong sabi kina B1 at B2. Pinayagan ko silang makihakubilo sakin basta hindi magpapahalata na magkakakilala kami.

"Alam mo na Sam para hindi halata na body guard mo kami," katwiran ni B2 habang umiinom ng alak.

"Kasama din ba sa trabaho nyo ang pag inom ng alak?"

"Maam," inakbayan ako ni B1. "Satin satin nalang ito, kahit ngayong gabi lang,"

"Fine," naiiling kong sabi at naglakad na akong palayo. "Enjoy, see you tomorrow," pero hindi pa man ako nakakalayo ay nakaramdam na ako ng hilo. Pero kaya ko paring dalhin ang sarili ko. May alak siguro yung binigay sakin nina B1 at B2. Humanda sila sakin bukas.

Pag bukas ko ng kwarto, bote agad ng red wine ang sumalubong sakin na nakakalat sa sahig. Habang si Grace ay tulog na tulog na sa kama. Nang matapos na akong maglinis ng mga kalat ni Grace ay nahiga na ako sa tabi nya.

Pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha. "Kung hindi ka lang talaga maganda naku!" bulong ko sabay kumot. "Kung hindi lang nakakabighani ang mga mata mo, kung hindi ka lang talaga hinahanap ng puso ko e hindi kita pagtatyagaan. Kaya magpasalamat ka, gusto kita Grace," ipinikit ko ang aking mga mata. "Goodnight,"

"Goodnight," usal ni Grace na nakasarado parin ang mga mata. Namula ang aking mukha. Lahat ng sinabi ko e narinig nya.

Please vote. :)

Not edited.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Aleth andrada Alan
napakasuspense...
goodnovel comment avatar
Ruth Perez
ok lng,nkakatuwa,,
goodnovel comment avatar
Gina Bracero
nix please.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Undercover Heiress   9

    "Are you okay Sam? Mukha kang zombie!" napamulagat ang mga mata ni Gwen habang nakatitig sa mukha ko."A little," matipid kong sagot. Hindi kasi talaga ako masyadong nakatulog buong gabi dahil sa pagkapahiya na aking naramdaman ng mabisto ni Grace ang totoo kong nararamdaman para sakanya.Bakit ba kasi ang tanga ko para isipin na tulog na sya dahil sa kalasingan at idagdag pa yung kadaldalan ko. Wala naman syang ibang sinabi pagkatapos kong hindi sinasadya na masabi na gusto ko sya. Baka talagang hindi nya ako gusto kaya hindi sya nag react."May nangyari ba sa inyo ni Grace?"Umangat ang paningin ko mula sa kinakain kong agahan papunta sa mukha ni Gwen. "An-ano? Wala! Ano namang mangyayari samin? Ang sungit sungit ng babae na yon baka masapak nya pa ako kahit makalabit ko lang ang daliri nya!" naiiling kong sagot sabay supalpal ng pancake na bibig ko.

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   10

    "Hey. Hey!" sigaw ko sa dalawang lalaki na nagmamadaling umalis ng lumabas ako ng restroom mabuti nalang at naiwanan si Grace sa loob para maligo. "Mga chismoso kayo!"Kakamot kamot sa ulo na humarap sina B1 at B2 sakin. "Sam, trabaho namin to," agad na katwiran ni B1."Pati pagsunod sa restroom sa kasama rin sa trabaho nyo?""Syempre, baka kasi kung anong gawin sayo ng dragon e," nakakunot ang noo na sagot ni B2."Dragon? Si Grace?" hindi ko mapigilang matawa. "Mas matakot kayo sakanya kapag nakita nyo syang nakangiti," bigla akong napahinto. "May kasalanan nga pala kayo sakin," buti nalang naalala ko ang ginawa nila sakin. "Bakit nyo ako binigyan ng alak kagabi?"Nagkatinginan ang dalawa. "Anong alak? Juice lang yon,""Sabi ko sayo pare may halong alak yung binigay ng lalaki satin e," bulong ni B2 sa katabi nya.Napataas ang kilay ko. "Sinong lalaki ang sinasabi mo?" pag uusisa ko kay

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   11

    Tanghali pa lang ay hindi na ako makapaghintay sa date namin ni Grace mamayang gabi. Nakakahiya, para akong teenager na hindi mapakali. Ginawa ko lahat para abalahin ang sarili ko pero wala parin. Si Grace ang nakikita ko at ramdam ko parin ang malambot nyang labi sa aking bibig."Sam," pukaw ni Grace sa atensyon ko. Napatingin ako sa direksyon nya. Inilapag nya ang isang folder sa kanyang lamesa. "Pakibigay ito kay Sir. Imperial,"Kung alam lang ni Grace yung tinatawag nyang Sir. Imperial ay ang Papa ko.Tumayo ako at kinuha ang folder. "Okay, are you not hungry? It is 12,"Hinubad ni Grace ang kanyang salamin sa mata. "Oo nga pala," lagi nya nalang nakakalimutan kumain sa kakatrabaho. "Sige bibili ako ng pagkain natin,""Ako nalang bibili," pigil ko kay Grace nang tatayo na sya. "Dito ka nalang," at naglakad na ako palabas ng opisina.

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   12

    Pagkatapos naming bisitahin ang magulang ni Grace sa sementeryo ay dumaretcho na kami sa bahay nya. Kahit nakapunta na ako dito ay hindi ko parin naiwasang mapapahanga sa laki at disenyo nito.Naikwento rin sakin ni Grace na namatay ang parents nya dahil sa isang car accident ilang araw pagkatapos nyang makagraduate ng College at naiwanan sakanya ang lahat lahat ng ari arian ng kanyang pamilya. Kung ganoon ay walang rason para magnakaw si Grace sa kumpanya namin pero dapat ko itong patunayan at kailangan magkaroon ako ng ebidesya.But okay, ayaw ko munang isipin ang mga bagay na yan, today is her birthday kaya dapat maging masaya sya. Tumulong ako kay Grace magluto ng pagkain at ngayon ko lang nalaman na masarap pala syang magluto pero syempre vegetarian si Grace kaya puro tofu, salad ang kakainin nya."Maswerte ang mapapangasawa mo," sabi ko kay Grace habang inilalapag ang mga plato sa la

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   13

    Masaya akong binati ng security guard nang dumating ako sa trabaho. Sa totoo lang hindi ko alam kong bakit maaga akong gumising, bumangon at pumasok sa opisina. Baka excited lang talaga akong makita si Grace.Wala pang empleyado sa 18th floor. Ako lang ang tao. Binigay sakin ni Papa ang lahat ng susi ng kwarto pati mga drawer kaya pwedeng pwede na akong magimbestiga.Mabigat man ang loob ko ay inumpisahan ko ang paghahanap ng ebidensya sa gamit ni Grace. Inisa isa ko ang lahat ng folder sa drawer nya, binuksan ko rin ang desktop computer pero may password.Sinunod ko ang opisina ni Paulo na walang kahirap hirap akong nakapasok. Maaliwas ang kwarto hindi katulad ng pagmumukha ni Paulo na sing dilim ng kalangitan kapag gabi.Pinuntahan ko agad ang computer pero gaya ng kay Grace ay may nakaset din napassword kaya naghalungkat nalang ako sa drawer nya.

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   13

    Masaya akong binati ng security guard nang dumating ako sa trabaho. Sa totoo lang hindi ko alam kong bakit maaga akong gumising, bumangon at pumasok sa opisina. Baka excited lang talaga akong makita si Grace.Wala pang empleyado sa 18th floor. Ako lang ang tao. Binigay sakin ni Papa ang lahat ng susi ng kwarto pati mga drawer kaya pwedeng pwede na akong magimbestiga.Mabigat man ang loob ko ay inumpisahan ko ang paghahanap ng ebidensya sa gamit ni Grace. Inisa isa ko ang lahat ng folder sa drawer nya, binuksan ko rin ang desktop computer pero may password.Sinunod ko ang opisina ni Paulo na walang kahirap hirap akong nakapasok. Maaliwas ang kwarto hindi katulad ng pagmumukha ni Paulo na sing dilim ng kalangitan kapag gabi.Pinuntahan ko agad ang computer pero gaya ng kay Grace ay may nakaset din napassword kaya naghalungkat nalang ako sa drawer nya.

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   14

    "Okay ka lang ba Sam?" nag aalalang tanong ni B2 sakin nang makasakay na kami sa sasakyan ko. Si B1 ay nasa kabilang kotse na nakasunod samin. "Dapat hinayaan mong bugbugin namin yung siraulong lalaki na yon e!"Hinawakan ko ang isang kamay ko dahil ayaw nitong tumigil sa panginginig. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit kay Paulo. "No," mahina kong sagot. "May tamang panahon para sakanya," pinagmasdan ko si B2 na nakakunot ang noo habang nagmamaneho. "Nagawa nyo ba yung pinagagawa ko?"Oo Sam, sinigurado namin na nabura ang CCTV footage nong mga oras na pumasok ka sa opisina ni Paulo,""Pero paano nalaman ni Paulo na ako ang kumuha ng USB?"Marahang inihinto ni B2 at sasakyan dahil sa red light. "Narinig namin na tinanong nya ang security guard. Nasabi nga nito na ikaw ang unang pumasok sa trabaho ngayong araw,"Ibinukas sarado ko ang aking kamay para mawala ang tensyon na aking nararamdaman. "Make sure to talk to the

    Last Updated : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   15

    Gumalaw ang aking kamay na parang nagsasayaw, guhit dito at guhit doon habang walang kakurap kurap kong pinagmamasdan si Grace na nakatayo sa gitna ng opisina habang inaayos nya ang kanyang gamit."Sam pwede-" humarap sakin si Grace at napatingin sa papel sa aking harapan. Lumapit sya. "Wow. Ang galing! Hindi ko alam na magaling ka sa pagdadrawing. Pwedeng pwede kang maging fashion designer," kung alam ni Grace ang totoo. "Bakit hindi mo ipursue to?""I am," maikli kong sagot. Baka kasi pag ibinuka ko pa ang bibig ko e may masabi pa akong hindi dapat. "Are you ready?" tumayo ako at kinuha ang aking gamit. "Tayo nalang ata ang tao dito,"Magkahawak kamay kami ni Grace na pumasok sa loob ng elevator since wala nang tao sa opisina lingid samin. Kahit pagod ako sa maghapon dahil sa trabaho at sa nangyari sa pagitan namin ni Paulo ay naging masaya parin ako dahil kasama ko si Grace. Pilit kong pinipigilan an

    Last Updated : 2021-07-20

Latest chapter

  • The Undercover Heiress   Special chapter 4

    Pilit kong nilalabanan ang namimigat kong mata habang nakatingin kay Rose na abala sa pagpapaliwanag ng mga dapat naming gagawin at dadalhin sa nakaschedule naming photoshoot para sa paglalaunch ng bagong clothing brand ng Versa.Well, napuyat lang naman ako sa pagsstalk kay Color Benitez sa lahat ng social media account nya pero wala rin naman akong napala o natuklasan na kahit anong bagay mula kanya because she keeps her status and other personal details very private."Averi."And please don't ask me why i did such stalking thing because i honestly did have any idea. I just wanted to know kung ano ba ang meron sa kanya at bakit paulit ulit kaming pinagtatagpo ng pagkakataon gaya sa Shoe store kanina. For all people naman bakit yung pamangkin nya pa ang nakadisgrasya sa pinakaaasam kong heels na iorder ko pa from Europe."Averi, are you with us?" Napaangat ang mata ko kay Rose na s

  • The Undercover Heiress   Special chapter 3

    Sobrang naging successful ang naging Runway show ng Versa, hindi mapatid ang hiyawan ng mga tao para sa bawat modelo na rumarampa sa stage. Nakakapressure oo, pero sulit lahat ng dampi ng make up, pagbanat ng buhok at sakit ng paa dahil sa iba't ibang uri ng heels na sinusuot namin.Kaliwa at kanan ang naging interview ko sa local at international media. Marami akong natatanggap na mga papuri but there always will be a critics.But you know what really makes me happy? Iyon ay ang nakapanuod ng live sina Mama, Papa at Aubree ng first ever Runway show ko dito sa Pilipinas. Kitang kita ko sa mga mukha nila kung gaano sila napahanga at kaproud sakin. Agad nila akong sinalubong pagkalabas na pagkalabas ng dressing room."I'm really proud of you Iha!" Halos mapunit ang mukha ni Papa sa laki ng pagkakangiti nito. "Marami na akong napanuod at nakitang picture mo sa mga Runway show Averi Anak

  • The Undercover Heiress   Special chapter 2

    Maaga akong gumising para pumunta sa Manila Peninsula kung saan naghihintay ang Manager ko na si Rose na kadarating lang kagabi from France. Ngayong araw ang meeting ko with the Head of Marketing ng Versa. Sikat na sikat ang clothing line na ito sa Europe at ngayon dito sa Asia.Maraming famous at aspiring models ang gustong maging mukha ng Versa pero masyadong mataas ang standard nila kaya iilan ilan palang ang pumapasa but in my case, sila mismo ang kumontak kay Rose at nagpapapictorial sakin. Audition sa term ng mga artista."Bakit parang matamlay ka?" Bungad ng hairstylist at makeup kong pinay na si Sara. "Masama ba pakiramdam mo?"Nagkatinginan kami sa salamin. Medyo may edad na si Sara at ilang taon narin kaming magkatrabaho. Sya iyong itinuturing ko na pinakamalapit kong kaibigan. "Halata ba?" Naconcious tuloy ako sa mukha ko kahit na sobrang ayos ng pagkakamake up para maitago ang eyebags

  • The Undercover Heiress   Special chapter 1

    Ito ang talaga ang matatawag mo na bakasyon, white sand, blue water, coconut trees, shirtless guys and of course pretty ladies. Deserve na deserve ko ang engradeng bakasyon na ito dahil ilang taon din na puro trabaho ang inatupag ko bilang modelo sa France at iba't ibang bahagi ng Europe, America at Asia. Masasabi ko na narating ko na ang pinakamataas na antas ng trabaho ko kaya hindi na ako tinatantanan ng paparazzi pero mas mautak at matalino ako sakanila dahil hindi nila natunugan na umuwi ako ng Pilipinas. "Your lemon water," inabot sakin ng nakakabata kong kapatid na si Aubree ang baso. "Mom called," naupo sya sa tabi ko sa buhanginan. "Pinauuwi nya na tayo at she wanted to see you," Naupo ako ng maayos at kinuha ang baso mula sa kanya. "Don't worry I will call Mom later. Gusto ko lang munang mag unwind, relax at ayaw ko munang mastress," walang emosyon ko na sagot. Natahimik lang si Aubree. T

  • The Undercover Heiress   Final Chapter

    Kahit madilim ang kapaligiran ay naaaninagan parin ni Grace kung sino ang taong nakatayo sa kanyang harapan. She does not really know if it is only her mind playing tricks on her kaya nakikita nya ngayon si Sam."Sam.." Hindi makapaniwalang tanong ni Grace habang walang tigil sa pagluha. "Are you real?"The moon lights illuminated Samantha's beautiful face as she stared hard at the woman who owns her heart. Gusto umiyak ni Sam dahil sa wakas nakabalik na sya sa kanyang pamilya at kay Grace. "Yes, i am real..."Bumagsak na parang malakas na ulan ang luha ni Grace pagkarinig sa boses ni Sam. It only proves that she wasn't dreaming or hallucinating because Sam is alive. "Then why?"Agad namang naintindihan ni Sam ang gustong ipahiwatig ni Grace sa tanong nito. "I know.." Mabagal na naglakad si Sam palapit sa kinatatayuan ni Grace. "Forgive me love if It took awhile bago ako nakabalik."

  • The Undercover Heiress   31

    GraceFairy tales only exist in movies, books, and dreams, all the happy thoughts and the smile on my face vanished when Sam was being held by Paulo with a gun to her head. My heart was bleeding because we could not do anything to help save the love of my life."Sam!!" Pagtangis ko kasabay ng pagbigay ng aking tuhod dahil sa panghihina ng katawan ko. "No..." I was too heartbroken and miserable to utter any words. "Sam.."I felt a broken soul nang makita ko na malaglag ang kotse ni Paolo sa dagat kasama si Sam. It makes my heart and Sam's parents wretched in worries and great sorrow.This... This can't be happening. Siguro nananaginip lang ako kasi ang saya saya namin ni Sam tapos sa isang kisap mata lang biglang nagkaganito? Sa totoo lang, napakarami kong tanong pero ni isa sakanila walang kasagutan."Grace Iha." Umiiyak na bulong ni Tita Oliva at niyakap nya ako ng

  • The Undercover Heiress   30

    SamTonight is the night na magiging official na ang engagement namin ni Grace and i could not wait to tell the world even the universe how much i love her. Well, Iba talaga nagagawa pag inlove, nagiging poetric at romantic ka.But that is fine with me, it's for Grace and i would do anything and everything for the woman who holds my heart kahit na kapalit pa ito ng buhay ko."Sam.." Narinig kong bulong ni Grace habang naglalakad kami sa hallway ng second floor ng bahay. "What if you change your mind?"Hindi ko mapigilang mapantingin sa kanya and by the look of her face, mukhang malalim ang iniisip nya. Ngayon pa ba sya magdadalawang isip? "Change of mind about what?"Kinapa ni Grace ang engagement ring na binigay ko sa kanya. "About marrying me?"Grace is so perfect for me but there were really a time na nagkakaroon parin sya ng insecurities sa kanyang sarili mayb

  • The Undercover Heiress   29

    GraceHindi ko alam kung bakit pero magaang at ang saya ng pakiramdam ko pagkamula't na pagkamulat ko palang ng aking mata. Ngunit agad akong napakunot noo ng mapansin ko na wala si Sam sa kama. Nasaan kaya sya? Parang ang aga naman nyang gumising at pumasok sa trabaho, ni hindi man lang sya nagpaalam sakin.Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Sam na may bitbit na tray ng pagkain."Good morning my Queen." Masiglang bati ni Sam habang naglalakad papunta sa kama. "Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka from last night."What happened last night was... perfect, splendid. I can't even describe it in any words but i know one thing is for sure that i won't regret anything from it."I thought you left." Medyo garalgal pa ang boses ko dahil kagigising ko lang. Umupo ako at napangiti ng hinalikan ako ni Sam sa la

  • The Undercover Heiress   28

    More votes, more chances of winning.I mean, update.SamHindi ko kayang isalin ang saya na aking nadarama sa kahit anong salita ng tanggapin ni Grace yung wedding proposal ko sakanya. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan naming dalawa ay lalo ko lang napatunayan kung gaano ko sya kamahal at hindi kayang mabuhay ng wala sya.At kung sakaling humindi si Grace, ay patuloy at walang kapaguran ko parin syang susuyuin hanggang sa mapa Oo ko sya dahil naniniwala ako sa kasabihan na love is patience. Sapagkat, hindi lahat ng bagay ay makukuha natin sa santong paspasan lalo na kung katulad ni Grace ang inyong mamahalin."Wow. Ang ganda naman dito." Lubos na paghangang sabi ni Grace habang ginagala ang kanyang mata sa kabuuan ng restaurant. "Nabasa at nakita ko na ito sa magazine."Ngumiti ako at inalalayan ko syang makaupo. "Wala ng mas gaganda pa sayo

DMCA.com Protection Status