Share

3

Author: Aileen Narag
last update Huling Na-update: 2021-07-20 11:10:06

"So, kamusta ang first day mo kay Ms. Grace? Kaya mo pa ba?" tanong ng babae nang lumapit ito sakin habang nagxexerox ako ng mga documents. 

Inalis ko muna ang aking buhok na nakaharang sa mukha ko bago sumagot. "Well, so far okay naman kahit nakaranas na ako ng hagupit ng katarayan nya," napatawa ako ng mahina. "Bakit ganoon yung amo nyo? Ang sungit!"

Inilapag ng babae ang kanyang hawak na baso ng kape. Kada makikita ko sya lagi syang kumakain. "Hindi ko rin alam. Nauna si Grace sakin dito. At base sa mga kwento na nasagap ko ay nakipaghiwalay daw si Ms. Grace sa dati nyang boyfriend dahil niloloko daw sya nito, kaya simula noon ay naging sing tigas sya ng bato at kasing lamig ng yelo," 

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi, kasi lahat naman tayo ay dumadating sa punto na lokohin ka ng taong minahal mo ng sobra sobra. "If that was true that suck," sa ganda ba naman ni Ms. Grace ay hindi na ito mahihirapan maghanap ng kapalit baka ang lalaki pa ang lumapit sakanya. "Wala ba syang ibang mangliligaw?" 

Sumandal ito sa pader at itinapik tapik ang kanyang daliri sa kanyang baba. "Actually marami, pero karamihan sakanila sumusuko agad pwera lang kay Paulo,"

Natapos narin ang pagxexerox ko at inayos ko ito isa isa habang nakikipag usap sa new found kachismisan ko dito. Kailangan ko kasing malaman ang lahat lahat sa bawat matataas na empleyado dito. "Sino naman si Paulo?" 

"Paulo is the man of my dreams," 

Napasulyap ako sa kausap ko na parang nananaginip habang iniisip yung Paulo na sinasabi nya. "Isa sya sa boss dito sa department natin, kapag nakita mo sya sigiradong malalaglag ang panty mo,"

Hindi ko mapigilan mapaikot ng aking mata, kung alam lang ng kausap ko na ibang putahe ang hanap ko. "Anyway," pagiiba ko sa usapan. "I'm Sam, ikaw anong name mo?" 

"Oh.. I'm gwen," at naghand shake kami. "Kanina pa tayo naguusap pero hindi natin alam pangalan ng isa't isa. " natatawang sabi nito sakin. Bigla akong naconcious dahil tinitigan nito ang aking mukha. "Hindi ba masyado kang maganda para maging secretary ni Grace? Pwede kang maging Victoria models, or Fashion model," 

Napakamot nalang ako sa aking ilong. "Thanks," ang tangi kong sambit. 

"Saka hindi ka mukhang Pilipino, I mean. There is something different about you,"

"Ms. Concepcion kanina ko hinihintay ang mga pinazerox ko!" inis na salita ni Grace na biglang sumulpot sa aming tabi. "Hindi kayo pinasusuweldo ng kumpanyang ito para magkwentuhan sa oras ng trabaho!" 

Agad na umalis si Gwen at iniwanan akong mag isa. "Sorry Grace,"

"Call me Ms. Grace or Ms. Agustin not just Grace!" naguusok ang ilong na pagtatama nito sakin pero imbis na makaramdam ako ng takot ay hindi ko alam kung bakit ako napangiti. "Anong nginingitingiti mo dyan!" 

"Wala po Ms. Agustin," naiiling kong sabi. "Ang ganda mo kasing lalo kapag nagtataray ka," mahina kong bulong. 

"Anong sabi mo?" 

Kinuha ko ang lahat ng xerox copies. "Balik na po ako sa office," at nagmamadali akong lumakad palayo. 

"Teka, kinakausap pa kita!" galit na tawag ni Grace sakin pero hindi na ako lumingon. Teka. Ano ba tong napasukan ko na ito. 

First day ko palang pero pakiramdam ko ay isang dekada na ako nagtatrabaho dito, idagdag pa ang pagpapahirap ni Grace sakin. Mabuti nalang at nasa meeting ito at tahimik ang loob ng opisina. Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki. Okay, I can't deny that he is good looking at malakas ang sex appel pero hindi ito tumatalab sakin. Meron akong tinatawag na gay shield. 

"Oh, she has a new secretary," nakangiti nito sabi, ewan ko kung sino ang kausap nya. "Hi," lumapit ito sakin at naupo sa aking lamesa kahit may upuan naman. People nowadays. "What is your name? You are so beautiful,"

"Sam," maikli kong sagot at nagkunwaring abala sa pagtatrabaho pero ang totoo nagfafacebook lang ako. "Ms. Agustin is not here in case you are looking for her,"

"I'm Paulo," ngumiti ito sakin. So sya pala ang kinukwento ni Gwen na makalaglag panty. "Babalik nalang ako later," tumayo ito at kumindat pa sakin bago tuluyang umalis. 

Lalo akong nilamig kay Paulo kahit siguro ako si Grace hindi ko ito magugustuhan sobrang hangin. Nakita ko ang oras sa cellphone ko. Alas dose na at nagugutom narin ako.

Bumukas ang pinto at pumasok si Grace na may bitbit na pagkain. "Kumain ka na ba?" 

Para akong nabingi. "Ha?" 

Lumapit si Grace sa aking lamesa at inilalag ang brown paper na pinaglalagyan ng pagkain. "I bought this," at pumunta na ito sakanyang lamesa. "May tumawag ba or may naghanap sakin?" 

"Yung Paulo lang po," sagot ko habang titig na titig sa brown paper. 

"Don't worry walang lason yan," walang ekspresyon ang mukhang sabi ni Grace. Napakamot ako sa aking kilay. Alam na alam nya ang tumatakbo sa isip ko. May special powers ba sya? "Anyway, bukas maaga kang pumasok dahil kailangan natin pumunta sa isang marathon," 

Binuksan ko ang paper bag na may lamang pagkain. Ayaw ko kasing isipin ni Grace na maarte at maselan pa ako. Mas gusto ko na ganito kami kaysa yung pinagtatatayan nya ako. 

"Marathon?" kunot noo ko na tanong habang pinanunuod ko syang kumain. Bawat subo, nguya at lunok. Napakagraceful nya. 

"Hobby mo ba talagang titigan ang isang tao?" nakataas kilay na tanong ni Grace. "You know it's rude to stare,"

Namumula ang aking mukha tumungo ako at kumain. Ngayon ko lang napansin na kanin at adobo ang pagkain ko samantalang sandwich lang ang kay Grace. Mabubusog ba sya don?

"Hmm.. Mabubusog ka ba sa sandwich lang?" hindi ko mapigilang itanong. 

Pinunasan muna ni Grace ang kanyang labi bago sumagot. "Yeah. I'm vegetarian," 

Now it make sense. 

"What time ang Marathon bukas para maaga akong makapasok," anang ko bago uminom ng tubig. 

"4 in the morning dapat nandito ka na dahil 6 am ang umpisa," may kinuha si Grace sa ilalim ng lamesa nya. "This is your clothes," tumayo ako at kinuha ang damit. "Hindi ko sure kung fit yan sayo," nagkatitigan lang kami ni Grace at wala ng nsalitang nasabi. "Bu-bumalik ka na sa pagkain dahil marami pa akong ipapagawa sayo," at umiwas ito ng tingin. 

Natapos ang araw ay wala akong ginawa kundi maglakad at kumausap ng mga tao. Okay rin naman ang experience dahil nagagamit ko ang PR ko na ginagawa ko rin sa France especially to entertain our customers. 

Umuwi ako sa bahay na pagod na pagod. Plakda agad ako sa kama, kahit anong gising at pilit ni Mama na kumain muna ako ay hindi ko na nagawa. Mas gugustuhin kong matulog nalang. 

Alas tres palang ay gising na ako at nakapag ayos ng aking sarili. Saktong sakto naman ang suot kong damit para sa Marathon mamaya. At habang naghihintay ako ng oras para umalis ay nagresearch muna ako sa f******k. Syempre gumawa ako ng panibangong f******k account at imbis na Sam Imperial ay Sam Concepcion ang aking inilagay pangalan. Wala rin akong masyadong picture at inadd ko ang mga malalapit ko na kaibigan. Hinahanap ko rin ang f******k ni Alex pero hindi ko ito makita. Kaya yung kay Grace nalang ang sinearch ko at sa awa naman ng diyos ay may nahanap akong isang F******k account nya. Nakaprivate kaya hindi ko makita ang mga detalye.

"Teka Iaadd ko ba sya o hindi?" tanong ko sa aking sarili habang tinititigan ang profile picture ni Grace na todo todo ang pagkakangiti. 

Nagulat ako ng may kumatok sa aking kwarto at aksidenteng napindot ang Add as a friend ng f******k. Nataranta akong lalo ng makatanggap ako ng notification na Grace accepted my friend request. Wow. That was fast!

"Maam, okay na yung pinahahanda nyong pagkain," salita ng kasambahay mula sa labas ng kwarto. 

Nakita ko ang mga pictures ni Grace at sinuri ito isa isa. Hindi ako makapaniwala na ang napakayaman pala ni Grace, marami syang ari ari at kotse base sakanyang mga litrato. 

Hindi ko tuloy mapigilang maghinala. Una ang bata nya para magkaroon ng mataas na posisyon sa kumpanya at ngayon eto, napakayaman nya. Saan galing ang lahat ng ito. 

Niligpit ko na ang aking gamit at nagmamadali na akong lumabas ng bahay. May pumalibot na mga body guard sakin. 

"Teka, anong ginagawa nyo?" 

"Marami pong tao sa Marathon kaya pinasasama kami ni Boss," sagot ng isa sa mga body guard. 

Binuksan ko ang pintuan ng aking kotse. "Hindi pwede! Makikita kayo ni Grace doon!" 

"I'm sorry Maam but this is an instruction," paumanhin ng body guard. "Susunod nalang po kami para hindi masyadong halata at pansinin,"

Tumango ako. "20 feet away from me okay," 

"No, Maam," 

"15?" 

Umiling ang dalawang body guard na nasa aking harapan. 

"Fine 10," 

At nang magkasundo kaming tatlo ay sumakay na ako sa aking kotse samantalang ang dalawang body guard ay sumunod gamit ang ibang sasakyan. 

Inihinto ko ang aking sasakyan sa harap ng building at biglang lumabas ng kanyang kotse si Grace. hindi na ako nakapag react ng pumasok ito sa loob ng aking sasakyan bitbit ang kanyang gamit.

Hindi ko maalis ang aking mga mata sakanya dahil sobrang bagay at sexy nya sa suot nyang damit. 

"Where too?" tanong ko at pilit nilabanan na wag tumingin kay Grace. Binuhay ko ulit ang makina ng aking sasakyan. 

Sinuot ni Grace ang kanyang jacket. "Sa Pasay," 

Walang ng nagsalita sa pagitan naming dalawa habang bumabyahe. 

Binuksan ko ang radio ng aking sasakyan dahil malapit na akong mabaliw sa katahimikan. 

Saktong sakto ang kanta ni Charlie puth na We don't talk anymore. Hindi ko mapigilang mapakanta at sayaw habang nagmamaneho. 

Don't wanna know

Kind of dress you're wearing tonight

If he's holdin' onto you so tight

The way I did before

I overdosed

Should've known your love was a game

Now I can't get you out of my brain

Oh, it's such a shame

Inihinto ko ang kotse dahil sa red light. 

That we don't talk anymore

We don't talk anymore

We don't talk anymore

Like we used to do

We don't laugh anymore

What was all of it for?

Oh, we don't talk anymore

Like we used to do

Napasulyap ako kay Grace na nakangiti at naiiling habang nakikinig sa concert ko. Ang sarap sa pakiramdam na nakita ko syang nakangiti.

"Magaling ka palang kumanta," narinig ko na pasigaw na sabi ni Grace dahil hindi kami magkakarinigan sa lakas ng kanta. Kaya pinatay ko ang radio. 

"Oo lalo na kapag sa loob ng banyo," natatawa kong sagot. "Salamat pala sa pag accept mo sa friend request ko sa f******k,"

"It's nothing," sinuklay ni Grace ang kanyang buhok. "Napapansin mo ba yung sumusunod sating sasakyan?"

Bigla akong napatingin sa salamin. Kita ang mga bodyguard ko na nakasunod sakin. "Hindi bakit?" pagpapatay malisya ko. Binilisan ko nalang pagpapatakbo ng sasakyan. 

Mag aalas sais na ng makarating kami sa Pasay. Sobrang dami ng tao. Nagpalista kami ng pangalan at kumuha ng number. 

"Sam!" 

Napalingon ako at nakita si Gwen. "Hey! Nandito karin pala," 

"Good morning Ms. Grace," bati ni Gwen sa babaeng katabi ko. Tango lang ang isinagot ni Grace. "Lahat tayo ay kasama sa Marathon," 

Tumango tango lang ako. Biglang nagtakbuhan ang mga tao at sinagasaan nila kaming tatlo. Nahilo ako at hindi malaman ang gagawin. "Teka teka!" 

Isa pang balya ay muntik na akong matumba. Buti nalang at may humawak sa aking bewang para saluhin ako. Huminto ang aking mundo habang nakatingin sakanyang napakagandang mga mata at ilang pulgada lang ang layo ng aming mga mukha. Napakabango ng kanyang hininga, para akong lumilipad sa langit. 

"Gaano mo katagal balak sa ganitong posisyon Sam?" 

Kaugnay na kabanata

  • The Undercover Heiress   4

    Sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi dahil sa Marathon kundi sa ilang segundong pagtitinginan namin ni Grace. Agh. Si Grace na sobrang bilis tumakbo, hindi ko na alam kung saan sya nagpunta. E para saan pa at isinama nya ako dito kung iiwanan nya rin ako.Kanina ko pa rin sinusubukan hanapin si Gwen pero kahit anino nya hindi ko makita, baka kumakain lang yun sa tabi tabi o di kaya nakasunod kay Paulo."Maam!"Hindi ako lumilingon, malay ko ba kung ako yung tinatawag o hindi."Teka Maam sandali!" at sa pagkakataon na ito biglang sumulpot sa aking harapan ang dalawa kong body guards."Anong ginagawa nyo dito!" nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan sila, take note nakasuot din sila ng damit pang Marathon. "Saka wag nyo na akong tatawaging Maam, Sam nalang," baka kung ano pang isipin ng mga tao sa paligid ko kapag narinig nila na tinatawag akong Maam ng dalawang lalaking ito.Napakamot sa ulo ang isa na medyo

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   5

    Hindi ako nakatulog buong magdamag kahit sobra akong pagod. Ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip sa mga nangyari sa bar at sa natuklasan ko tungkol kay Grace.Kaya ngayon para akong zombie na hindi nakatulog ng isang libong taon at ang pinakamalala pa ay late na ako sa trabaho. Halos paliparin ko na nga ang kotse ko pero hindi parin umabot sa oras. Siguradong sasabunin ako nito ng masungit kong boss.Dinaig ko pa si Usain Bolt sa bilis ng aking pagtakbo papuntang elevator. "Hold it for me please," sigaw ko bago tuluyang mag sara ang pintuan. Mabuti nalang may mabait na tao na nagbukas ng elevator para sakin. Pagpasok ko sa loob ay parang naumid ang aking dila ng makita si Grace. "Thanks,"Hindi kumibo si Grace. Teka bakit kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa elevator? Usually pag ganitong oras nagsisiksikan ang mga empleyado dito..Ilang segundo palang kaming nakasakay pero pakiramdam ko napakatagal at bagal ng oras.

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   6

    Wala ako masyadong ginawa ngayong araw dahil maghapong nasa meeting si Grace at nang hanapin ko ang confidential folder na nasa drawer nya ay hindi ko na ito mahanap, mukhang nakatunog at naitago na ang ebidensya."So ayun na nga, ngayon nakikipag balikan yung ex boy friend ko after he dump me for another girl," kwento ni Gwen sakin habang nagxexerox ito ng mga papeles. "Sa tingin mo anong dapat kong gawin?"Sa totoo lang wala naman talaga akong naintindihan sa mga kwento nya dahil mas iniisip ko pa kung anong ginagawa ngayon ni Grace. Nakakamiss din pala pag wala sya dito sa opisina. Walang nagtataray at nagsusuplada sakin, mas challenging kasi for me ang mga tipo nyang babae."Well, it depends,""Depends of what?"Sumandal ako sa pader at inihilig ang aking ulo. Parang fiesta ngayon, nagkakagulo ang mga tao dahil wala ang pusa kaya panay laro ng daga. "If you still love him then wh

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   7

    "So, how was the undercover thingy Sam?" biglang tanong ni Papa na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na nakauwi na pala sila galing sa bakasyon."Speaking of that," ibinaba ko ang hawak kong financial statements ng kumpanya at hinarap si Papa. "I have two suspect already,"Pumasok si Papa sa loob ng kwarto ko. "Sino sila?" at tumayo sa aking tabi."Paulo," sagot ko. "And-and Grace," nanikip ang dibdib ko isipin pa lang na si Grace ang nagnanakaw sa kumpanya. "Or pwedeng magkasabwat sila. Dahil laging hinahanap at pinupuntahan ni Paulo si Grace sa kung ano mang dahilan. Naoverheard ko rin si Paulo na may itatransfer daw sya as soon as possible while Grace is hiding a confidential papers,""I can't believe Grace will do that," malungkot na salita ni Papa. "And Paulo, I honestly didn't know what to say,""Can I ask a favor?""Sure,""Give me an access sa Finance department and

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   8

    Halos mapatalon ako sa tuwa at excitement ng sa wakas ay makarating kami sa isang resort kung saan gaganapin ang team building namin. Nagpahinga muna kami ng kaonti, nagpalit ng damit bago kumain. Kasama kong kumain si Gwen samantalang si Grace ay kausap si Paulo."Sam, ano ba yan!" saway ni Gwen sakin. "Kawawa naman yung pagkain mo kanina mo pa pinapatay, double dead na yan!"Napatingin ako sa pagkain ko, hindi ko na makilala yung manok, para na syang corn flakes. "Sorry," palihim kong sinulyapan si Grace at malaya syang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda nya talaga lalo pa ngayon na wala ng nakahambalang na salamin sa mukha nya. Kaya hindi ko masisisi ang mga kalalakihan dito na walang pasubali sa pagtingin at pagpapatansya kay Grace."Ayusin mo nga yang mukha mo Sam," natatawang bulong ni Gwen habang umiinom ito ng kape. "Halatang halata na nagseselos ka e,""Excuse me, I'm not jealous!" m

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   9

    "Are you okay Sam? Mukha kang zombie!" napamulagat ang mga mata ni Gwen habang nakatitig sa mukha ko."A little," matipid kong sagot. Hindi kasi talaga ako masyadong nakatulog buong gabi dahil sa pagkapahiya na aking naramdaman ng mabisto ni Grace ang totoo kong nararamdaman para sakanya.Bakit ba kasi ang tanga ko para isipin na tulog na sya dahil sa kalasingan at idagdag pa yung kadaldalan ko. Wala naman syang ibang sinabi pagkatapos kong hindi sinasadya na masabi na gusto ko sya. Baka talagang hindi nya ako gusto kaya hindi sya nag react."May nangyari ba sa inyo ni Grace?"Umangat ang paningin ko mula sa kinakain kong agahan papunta sa mukha ni Gwen. "An-ano? Wala! Ano namang mangyayari samin? Ang sungit sungit ng babae na yon baka masapak nya pa ako kahit makalabit ko lang ang daliri nya!" naiiling kong sagot sabay supalpal ng pancake na bibig ko.

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   10

    "Hey. Hey!" sigaw ko sa dalawang lalaki na nagmamadaling umalis ng lumabas ako ng restroom mabuti nalang at naiwanan si Grace sa loob para maligo. "Mga chismoso kayo!"Kakamot kamot sa ulo na humarap sina B1 at B2 sakin. "Sam, trabaho namin to," agad na katwiran ni B1."Pati pagsunod sa restroom sa kasama rin sa trabaho nyo?""Syempre, baka kasi kung anong gawin sayo ng dragon e," nakakunot ang noo na sagot ni B2."Dragon? Si Grace?" hindi ko mapigilang matawa. "Mas matakot kayo sakanya kapag nakita nyo syang nakangiti," bigla akong napahinto. "May kasalanan nga pala kayo sakin," buti nalang naalala ko ang ginawa nila sakin. "Bakit nyo ako binigyan ng alak kagabi?"Nagkatinginan ang dalawa. "Anong alak? Juice lang yon,""Sabi ko sayo pare may halong alak yung binigay ng lalaki satin e," bulong ni B2 sa katabi nya.Napataas ang kilay ko. "Sinong lalaki ang sinasabi mo?" pag uusisa ko kay

    Huling Na-update : 2021-07-20
  • The Undercover Heiress   11

    Tanghali pa lang ay hindi na ako makapaghintay sa date namin ni Grace mamayang gabi. Nakakahiya, para akong teenager na hindi mapakali. Ginawa ko lahat para abalahin ang sarili ko pero wala parin. Si Grace ang nakikita ko at ramdam ko parin ang malambot nyang labi sa aking bibig."Sam," pukaw ni Grace sa atensyon ko. Napatingin ako sa direksyon nya. Inilapag nya ang isang folder sa kanyang lamesa. "Pakibigay ito kay Sir. Imperial,"Kung alam lang ni Grace yung tinatawag nyang Sir. Imperial ay ang Papa ko.Tumayo ako at kinuha ang folder. "Okay, are you not hungry? It is 12,"Hinubad ni Grace ang kanyang salamin sa mata. "Oo nga pala," lagi nya nalang nakakalimutan kumain sa kakatrabaho. "Sige bibili ako ng pagkain natin,""Ako nalang bibili," pigil ko kay Grace nang tatayo na sya. "Dito ka nalang," at naglakad na ako palabas ng opisina.

    Huling Na-update : 2021-07-20

Pinakabagong kabanata

  • The Undercover Heiress   Special chapter 4

    Pilit kong nilalabanan ang namimigat kong mata habang nakatingin kay Rose na abala sa pagpapaliwanag ng mga dapat naming gagawin at dadalhin sa nakaschedule naming photoshoot para sa paglalaunch ng bagong clothing brand ng Versa.Well, napuyat lang naman ako sa pagsstalk kay Color Benitez sa lahat ng social media account nya pero wala rin naman akong napala o natuklasan na kahit anong bagay mula kanya because she keeps her status and other personal details very private."Averi."And please don't ask me why i did such stalking thing because i honestly did have any idea. I just wanted to know kung ano ba ang meron sa kanya at bakit paulit ulit kaming pinagtatagpo ng pagkakataon gaya sa Shoe store kanina. For all people naman bakit yung pamangkin nya pa ang nakadisgrasya sa pinakaaasam kong heels na iorder ko pa from Europe."Averi, are you with us?" Napaangat ang mata ko kay Rose na s

  • The Undercover Heiress   Special chapter 3

    Sobrang naging successful ang naging Runway show ng Versa, hindi mapatid ang hiyawan ng mga tao para sa bawat modelo na rumarampa sa stage. Nakakapressure oo, pero sulit lahat ng dampi ng make up, pagbanat ng buhok at sakit ng paa dahil sa iba't ibang uri ng heels na sinusuot namin.Kaliwa at kanan ang naging interview ko sa local at international media. Marami akong natatanggap na mga papuri but there always will be a critics.But you know what really makes me happy? Iyon ay ang nakapanuod ng live sina Mama, Papa at Aubree ng first ever Runway show ko dito sa Pilipinas. Kitang kita ko sa mga mukha nila kung gaano sila napahanga at kaproud sakin. Agad nila akong sinalubong pagkalabas na pagkalabas ng dressing room."I'm really proud of you Iha!" Halos mapunit ang mukha ni Papa sa laki ng pagkakangiti nito. "Marami na akong napanuod at nakitang picture mo sa mga Runway show Averi Anak

  • The Undercover Heiress   Special chapter 2

    Maaga akong gumising para pumunta sa Manila Peninsula kung saan naghihintay ang Manager ko na si Rose na kadarating lang kagabi from France. Ngayong araw ang meeting ko with the Head of Marketing ng Versa. Sikat na sikat ang clothing line na ito sa Europe at ngayon dito sa Asia.Maraming famous at aspiring models ang gustong maging mukha ng Versa pero masyadong mataas ang standard nila kaya iilan ilan palang ang pumapasa but in my case, sila mismo ang kumontak kay Rose at nagpapapictorial sakin. Audition sa term ng mga artista."Bakit parang matamlay ka?" Bungad ng hairstylist at makeup kong pinay na si Sara. "Masama ba pakiramdam mo?"Nagkatinginan kami sa salamin. Medyo may edad na si Sara at ilang taon narin kaming magkatrabaho. Sya iyong itinuturing ko na pinakamalapit kong kaibigan. "Halata ba?" Naconcious tuloy ako sa mukha ko kahit na sobrang ayos ng pagkakamake up para maitago ang eyebags

  • The Undercover Heiress   Special chapter 1

    Ito ang talaga ang matatawag mo na bakasyon, white sand, blue water, coconut trees, shirtless guys and of course pretty ladies. Deserve na deserve ko ang engradeng bakasyon na ito dahil ilang taon din na puro trabaho ang inatupag ko bilang modelo sa France at iba't ibang bahagi ng Europe, America at Asia. Masasabi ko na narating ko na ang pinakamataas na antas ng trabaho ko kaya hindi na ako tinatantanan ng paparazzi pero mas mautak at matalino ako sakanila dahil hindi nila natunugan na umuwi ako ng Pilipinas. "Your lemon water," inabot sakin ng nakakabata kong kapatid na si Aubree ang baso. "Mom called," naupo sya sa tabi ko sa buhanginan. "Pinauuwi nya na tayo at she wanted to see you," Naupo ako ng maayos at kinuha ang baso mula sa kanya. "Don't worry I will call Mom later. Gusto ko lang munang mag unwind, relax at ayaw ko munang mastress," walang emosyon ko na sagot. Natahimik lang si Aubree. T

  • The Undercover Heiress   Final Chapter

    Kahit madilim ang kapaligiran ay naaaninagan parin ni Grace kung sino ang taong nakatayo sa kanyang harapan. She does not really know if it is only her mind playing tricks on her kaya nakikita nya ngayon si Sam."Sam.." Hindi makapaniwalang tanong ni Grace habang walang tigil sa pagluha. "Are you real?"The moon lights illuminated Samantha's beautiful face as she stared hard at the woman who owns her heart. Gusto umiyak ni Sam dahil sa wakas nakabalik na sya sa kanyang pamilya at kay Grace. "Yes, i am real..."Bumagsak na parang malakas na ulan ang luha ni Grace pagkarinig sa boses ni Sam. It only proves that she wasn't dreaming or hallucinating because Sam is alive. "Then why?"Agad namang naintindihan ni Sam ang gustong ipahiwatig ni Grace sa tanong nito. "I know.." Mabagal na naglakad si Sam palapit sa kinatatayuan ni Grace. "Forgive me love if It took awhile bago ako nakabalik."

  • The Undercover Heiress   31

    GraceFairy tales only exist in movies, books, and dreams, all the happy thoughts and the smile on my face vanished when Sam was being held by Paulo with a gun to her head. My heart was bleeding because we could not do anything to help save the love of my life."Sam!!" Pagtangis ko kasabay ng pagbigay ng aking tuhod dahil sa panghihina ng katawan ko. "No..." I was too heartbroken and miserable to utter any words. "Sam.."I felt a broken soul nang makita ko na malaglag ang kotse ni Paolo sa dagat kasama si Sam. It makes my heart and Sam's parents wretched in worries and great sorrow.This... This can't be happening. Siguro nananaginip lang ako kasi ang saya saya namin ni Sam tapos sa isang kisap mata lang biglang nagkaganito? Sa totoo lang, napakarami kong tanong pero ni isa sakanila walang kasagutan."Grace Iha." Umiiyak na bulong ni Tita Oliva at niyakap nya ako ng

  • The Undercover Heiress   30

    SamTonight is the night na magiging official na ang engagement namin ni Grace and i could not wait to tell the world even the universe how much i love her. Well, Iba talaga nagagawa pag inlove, nagiging poetric at romantic ka.But that is fine with me, it's for Grace and i would do anything and everything for the woman who holds my heart kahit na kapalit pa ito ng buhay ko."Sam.." Narinig kong bulong ni Grace habang naglalakad kami sa hallway ng second floor ng bahay. "What if you change your mind?"Hindi ko mapigilang mapantingin sa kanya and by the look of her face, mukhang malalim ang iniisip nya. Ngayon pa ba sya magdadalawang isip? "Change of mind about what?"Kinapa ni Grace ang engagement ring na binigay ko sa kanya. "About marrying me?"Grace is so perfect for me but there were really a time na nagkakaroon parin sya ng insecurities sa kanyang sarili mayb

  • The Undercover Heiress   29

    GraceHindi ko alam kung bakit pero magaang at ang saya ng pakiramdam ko pagkamula't na pagkamulat ko palang ng aking mata. Ngunit agad akong napakunot noo ng mapansin ko na wala si Sam sa kama. Nasaan kaya sya? Parang ang aga naman nyang gumising at pumasok sa trabaho, ni hindi man lang sya nagpaalam sakin.Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Sam na may bitbit na tray ng pagkain."Good morning my Queen." Masiglang bati ni Sam habang naglalakad papunta sa kama. "Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka from last night."What happened last night was... perfect, splendid. I can't even describe it in any words but i know one thing is for sure that i won't regret anything from it."I thought you left." Medyo garalgal pa ang boses ko dahil kagigising ko lang. Umupo ako at napangiti ng hinalikan ako ni Sam sa la

  • The Undercover Heiress   28

    More votes, more chances of winning.I mean, update.SamHindi ko kayang isalin ang saya na aking nadarama sa kahit anong salita ng tanggapin ni Grace yung wedding proposal ko sakanya. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan naming dalawa ay lalo ko lang napatunayan kung gaano ko sya kamahal at hindi kayang mabuhay ng wala sya.At kung sakaling humindi si Grace, ay patuloy at walang kapaguran ko parin syang susuyuin hanggang sa mapa Oo ko sya dahil naniniwala ako sa kasabihan na love is patience. Sapagkat, hindi lahat ng bagay ay makukuha natin sa santong paspasan lalo na kung katulad ni Grace ang inyong mamahalin."Wow. Ang ganda naman dito." Lubos na paghangang sabi ni Grace habang ginagala ang kanyang mata sa kabuuan ng restaurant. "Nabasa at nakita ko na ito sa magazine."Ngumiti ako at inalalayan ko syang makaupo. "Wala ng mas gaganda pa sayo

DMCA.com Protection Status