“Anong oras kita susunduin pagkatapos ng klase?" Tanong ulit ni Hugo."Hindi na, maglalakad kami ni Jeah," sagot ni Hillary. Ngumiti si Hugo at sinabing, "Ito ang unang beses kong maging driver mo, pero tinanggihan mo agad ako." "Masanay ka na sa pagtanggi ko, para sa susunod, hindi ka na mabibigla," sagot ni Hillary. Nag-thumbs up sina Jeah at Jackson kay Hillary habang nakikinig sa usapan nila. "Astig ka, sister!" Hindi man lang sila natakot kahit si Hugo ang kausap. Maganda ang mood ni Hugo kaya hindi na siya nangulit. Dahil may plano na si Hillary, nagpaalam siya at ibinaba ang tawag, kahit medyo may panghihinayang. Kinagat ni Hillary ang kanyang labi at humiga sa mesa, nakatitig sa kanyang cellphone. Tinanong siya ni Jeah, "Anong problema?" "Parang may ano akong nararamdaman, parang may kung anong hindi tama," sagot ni Hillary. Sumandal si Jeah sa kanyang kamay at tinapik si Hillary sa balikat. "Huwag mong sabihing nagkakagusto ka na kay Hugo." Pinipilipit ni Hillary ang
“Ang unang patakaran ay hindi ka maaaring bumisita sa akin at sa tiyahin mo pagkatapos ng alas-otso ng gabi, kahit na ito ay isang emergency.”Tumango si Jackson nang masunurin. Kung hindi lang ito sumingit ngayong gabi, maaaring nangyari na ang dapat mangyari, at mas magiging magaan ang pakikitungo nila sa isa't isa sa hinaharap. “Ang pangalawang patakaran ay protektahan ang tiyahin mo, sa bahay at sa eskwelahan.” Tapat na sinabi ni Jackson, "Paano kung si Hillary ang magprotekta sa akin? Alam mo naman ang kakayahan niya. Kung may awayan, karamihan sa kanila hindi niya kalaban." Tiningnan siya nang matalim ni Hugo. "Mag-report ka bukas sa Taekwondo Hall." "Huwag na, tito. Pangako, poprotektahan ko si Hillary!" Nagdagdag pa ng isang kondisyon si Hugo. "Mas matanda siya sa’yo, kaya dapat natin siyang tawaging ayon sa antas ng pamilya." Napangiwi si Jackson. "Ayaw niya akong tawagin siyang tiyahin sa eskwelahan." "...Maliban sa eskwelahan." Napagtanto rin ni Hugo na ayaw ipaalam n
Umiling si Jeah. "Naku, wala akong ideya no.”Ngayon, pareho silang natakot. Sino ang may mabuting loob na gumawa nito? Sino ang tumulong sa kanya para mailabas ang sama ng loob, malutas ang problema, at mapawi ang mga paninira laban sa kanya? Biglang sumigaw si Jackson. "Alam ko na kung sino!" Sabay na tumingin sa kanya ang dalawang magkaibigan at nagtanong. "Ikaw ba?" Umiling si Jackson. "Ang tiyuhin ko." "Hugo Gavinski?" Sabay na nagulat ang dalawa.Maging si Hillary ay nagtanong, "Paano niya nalaman ang mga ito?" "Hindi ba’t pinuntahan kita kagabi? Nakatulog ka na noon, kaya dinala ako ni Tito sa study at kinuwento ko sa kanya. Siya lang ang may kakayahan sa ganito. Hindi basta-basta matatagpuan ng ordinaryong tao ang mga sikreto niyang video. At isa pa, nagbigay siya sa akin ng ilang bilin kagabi. Isa roon ay protektahan ka sa eskwelahan. Sinabi niya na kung may mangyari sa iyo, ipagbigay-alam ko agad sa kanya." Hindi makapagsalita sa gulat si Hillary. Samantalang si Jeah ay
Ngumiti si Hillary nang mas matamis pa. Gusto na niyang yakapin si Hugo Gavinski sa mga sandaling iyon. Mapupula ang kanyang pisngi, at nang titigan niya si Hugo, tinanong niya, "Bakit bigla kang naging mabait sa akin?" "Bakit kailangan ng dahilan?" sagot ni Hugo. Nagtanong si Hillary, "Dahil lang ba asawa mo ako? Wala na bang ibang dahilan?" "Ano bang dahilan ang gusto mong marinig?" Hindi naintindihan ni Hugo kung ano ang sagot na nais marinig ni Hillary. Nang marinig niya ang sinabi nito, unti-unting nawala ang ngiti sa labi ng dalaga. Sa huli, bahagya siyang ngumiti at sinabing, "Maliligo na ako. Salamat sa ginawa mo para sa akin ngayong araw." Napansin ni Hugo na masaya ito kanina, pero matapos niyang itanong ang huling tanong, tila nabawasan ang kasiyahan nito at naghanap na lang ng dahilan para lumayo. Nagtaka siya—may mali ba siyang nasabi? Pumasok si Hillary sa banyo at tumingin sa sarili sa salamin. Napabuntong-hininga siya, ramdam ang lungkot sa kanyang dibdib. Sa
"Hoy! Kawawa si Jackson, ang dalawang kinatatakutang demonyo sa buhay niya ay kasal na pala. Niloko ka nila na pamangkin ka nila. Pagkatapos nito, bugbog ka na mula sa magkabilang panig," sabi ni Jeah habang natatawa at nanonood ng eksena. Itinuro ni Jackson si Jeah, "Jeah,akala ko ba magkakampai tayo Jeah?!" Mabilis uminit ang ulo ni Jeah kaya kinuha niya ang kanyang bag at pinukpok ito sa ulo ni Jackson. "Paano ka makipag-usap sa nakatatanda sa’yo? Ako pa rin ang kapatid ng tiyahin mo, kaya dapat tawagin mo akong tita!" Natahimik si Jackson. Masakit na ang ulo niya matapos siyang tamaan ng dalawang beses. Sa campus naman ay usap-usapan pa rin ang issue ni Hillary dahil sa mga larawan niya noon na hindi pa siya marunong mag-ayos pero maraming humanga sa kanya dahil naging totoo siya. Hindi siya kailanman nagpagawa. At ang mga nanira sa kanya ay napahiya.At simula noong nahuli si Hillary na hinahatid ng mamahaling sasakyan, mas lalo siyang sinamba ng lahat dahil sa pinagmulan niy
Muli namang tumanggi si Jenny, "Hayaan mo na kung magkakulubot ako. Sa edad na ito, sino ba ang wala kahit kaunting kulubot sa mukha? Kapag umabot ka sa edad ko, baka mas marami ka pang kulubot kaysa sa akin." Napangiti si Vanessa nang pilit, saka muling nagtanong nang pamilyar, "Kahit hindi mo ako makita, dapat mong bisitahin si Jackson. Narinig kong may event sa paaralan nila. Sinabi ng kapatid ko sa akin na si Jackson ang napiling image ambassador." Sumagot si Jenny, "Nakikita ko ang anak ko araw-araw. Sinabi niya sa akin na hindi siya sasali sa pagiging image ambassador na sinasabi mo. Makakaabala lang iyon sa pag-aaral niya. Kung interesado ka roon, ikaw na lang ang pumunta at manood." "Ate, bakit parang iniiwasan mo ako nitong mga nakaraang araw?" Pinipigilan ni Jenny ang inis niya tuwing sasagot sa mga tawag ni Vanessa. Alam niyang ginagamit lang siya at nandidiri na siyang makita ito. Kaya hindi siya kailanman tumanggap ng imbitasyon nito, pero mukhang iniisip ni Vanessa na
Hindi alam ni Hillary kung kailan tumaas ang kanyang estado sa pamilya Gavinski. Mahabang weekend iyon, at bihirang nasa bahay si Hugo kasama ang kanyang pamilya. Alam ng lahat na may kasama siya, ngunit ang taong iyon ay hindi naman ito gaanong pinapansin. Nang tanghali ng araw na iyon, pinapaypay ni Hillary ang sarili, "Asawa ko, ang init, paano ka nagpapalamig?" Narinig ito ni Hugo at inakala niyang gusto nitong lumabas upang magpalamig, kaya nagtanong siya, "Bibilhan ba kita ng beach resort?" Napangisi si Hillary, "Hindi naman kailangang bumili ng villa~ Pero… pwede mong bilhin ang iba pa." Nakita ni Hugo ang matamis na ngiti ni Hillary, at hindi niya napansin na nadadala na siya ng kanyang kakyutan. Sa ilalim ng kanyang ngiti, walang pag-aalinlangang pumayag si Hugo sa hiling nito. Kahit nang nasa daan na sila, nakangiti pa rin si Hugo habang minamasdan ang tanawin sa magkabilang gilid ng kalsada. Napatingin sa kanya ang asawa niyang nasa passenger seat, "Asawa ko, ano ang i
Ang katotohanan ay lumabas na. Nagbalik ang banayad na ekspresyon ni Hugo. "Hillary, may iba ka pa bang maliliit na kapatid sa paaralan?" Umiling si Hillary. "Sapat na ang isa. Hindi ko kayang alagaan ang mas marami pa." Nakahinga nang maluwag si Hugo. "Oo nga, mahirap ang pamamahala. Sapat na ang si Jackson lang ang alagaan mo." Sumang-ayon si Hillary sa sinabi ng kanyang asawa. "Asawa ko, hindi ko agad sinabi sa iyo noon dahil natatakot akong baka pagalitan mo ako kapag nalaman mong inaasar ko ang pamangkin mo." "Pinagalitan ba kita?" Umiling si Hillary. Tiningnan niya ang gilid ng mukha ng kanyang asawa at naakit siya sa itsura nito. "Hindi, nasa panig kita." Lumingon si Hugo, at agad niyang nakita ang paghanga sa mga mata ng kanyang asawa. Nahihiyang lumayo si Hillary. Biglang natahimik ang loob ng sasakyan. May banayad na ngiti sa labi ni Hugo habang nagmamaneho, samantalang si Hillary ay namumula ang pisngi dahil sa hiya. Pagkauwi nila, nawala rin ang hiya ni Hillary.
Maagang-maaga pa lang ay nakasuot na ng sportswear sina Jackson at Hugo habang tumatakbo sa oval sa loob ng kanilang bakuran."Alis ako ng ilang araw. Ikaw na muna ang bahala sa mga gawain sa paaralan. Kapag sumibat ka pa ulit, pagbalik mo, babaliin ko mga binti mo." Pananakot ni Hugo.Napalunok ng laway si Jackson na agad nangako, “Promise!”Muling nagsalita si Hugo, "I -report mo rin sa akin araw-araw kung anong ginagawa ni Hillary.""Ayoko. Gusto mo pa akong maging espiya sa tabi niya."Pagkasabi pa lang nito, tinapik agad ni Hugo ang likod ng ulo ng pamangkin niya."Sinasabi ko sa'yo, bantayan mo siya!"Napangiwi si Jackson habang hawak ang batok niya, "Hindi na kailangan bantayan ng asawa mo. Mas okay pa ngang siya ang magbantay sa akin.""Wala ka talagang silbi.” Panunukso ni Hugo.Makalipas ang ilang ikot, umuwi na silang dalawa.Nagising si Hillary at naka-pajama pang hinanap ang asawa niya sa buong bahay."Nasaan ang asawa ko?"Sumagot ang kasambahay, "Nasa likod mo po."Pagha
Tinakpan ng makakapal na ulap ang luha ng buwan. Tahimik na nag-upo ang mag-aama sa loob ng mahabang oras bago sila naghiwa-hiwalay.Pagbalik ni Hugo sa kwarto, nakita niya ang kanyang pusa na nakahiga sa kama—mainit tulad ng araw, at muli siyang nakaramdam ng pagiging konektado. Ang pamilya na nabuo niya kasama si Hillary ang siyang nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng saya at kapanatagan.Bumalik siya sa kanyang pwesto, marahang inangat ang ulo ng babae, at inakbayan ito. Masyado na itong antok at hindi na namalayang muli siyang hinalikan nito.Sa panaginip niya, ibinuka niya ang kanyang bibig at kinagat ang labi ng asawa niya."Mm, ang sarap~" Biglang ungol ni Hillary.Nagitla si Hugo at bahagyang natawa. "Ano na namang pagkain ang napanaginipan mo?"Sa panaginip ni Hillary, tinawag niya ang asawa, "Asawa ko... hmm, ang sarap mo.."Muling natawa si Hugo at mahina niyang sinabi, "Ibig sabihin, napanaginipan mong kinakain mo ang asawa mo."Napailing si Hugo na hinalikan ng pisnge nito
Kumatok si Hugo sa pinto. "Dad, labas ka muna sandali."Masama ang timpla ni Mr. Joaquin at sumagot, "Tulog pa ako.""Bibigyan kita ng limang minuto, pumunta ka sa opisina ko." Pagkasabi nito, umalis na si Hugo.Napamura si Mr. Joaquin, “Panira naman ‘to si Hugo."Pero, makalipas ang limang minuto, nagtungo rin siya sa opisina ng kanyang bunsong anak na may masamang mukha. "Ano bang problema?"Nasa loob din si Harry, nakaupo sa opisina ng kapatid niya.Isinara ni Hugo ang pinto, umupo siya sa gilid at seryosong sinabi sa kanyang ama at kuya, "Nakita ko yata si Amelia."Pagkasabi ni Hugo, napansin ni Mr. Joaquin ang bigat ng sinabi ng anak, kaya pala pinatawag sila sa opisina.Nang marinig ang sensitibong pangalan, agad na nanlamig ang paligid. Hindi agad nakapagsalita si Mr. Joaquin. Nakaramdam siya ng isang matinding kaba na hindi niya maipaliwanag kung takot ba ito o tuwa.Tinanong siya ni Harry, "Sigurado ka bang hindi ka lang namalik-mata? Labinlimang taon na ang lumipas, baka hind
Ang mga reklamo ni Hillary ay nauwi sa mga impit na ungol.Wala nang matakbuhan ang kanyang dila sa bibig, at dahil sa halik ay nawalan siya ng ulirat, hindi na niya napansin na may dalawang malalaking kamay na dahan-dahang pumapasok sa kanyang bewang.Hanggang sa dahan-dahang umakyat ang mga kamay na iyon.Napakislot si Hillary at mabilis na itinulak ang kamay ng kanyang asawa mula sa kanyang katawan. “Mmm, mahal, ikaw talaga.”Lasing na lasing si Hugo sa halik kaya halos ipadapa niya ang kanyang misis sa mesa at tuksuhin ito sa ilalim niya. Isang halik lang, muntik nang mauwi sa kung ano pa.Pagbalik nila sa kwarto, dumiretso si Hugo sa banyo para maligo. Samantalang si Hillary ay gumulong sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot.Napapikit si Hugo habang tumatagaktak ang tubig sa kanyang mukha. Noong binata pa siya, wala siyang interes sa ganoong bagay. Pero ngayon na may asawa na siya, nag-iba na ang takbo ng kanyang utak. Dati, ayaw niya ng laman. Ngayon, gustong-gusto niya.Parang
"Hillary, huwag ka nang pupunta sa lugar kung saan kayo nagpunta kahapon."Kagat-labing hindi sumagot si Hillary.Sabi ni Hugo, "Pagkatapos ng klase, manatili ka na lang sa bahay at maghintay sa akin na umuwi.”Tahimik lang si Hillary.Ang dali lang para sa asawa niyang sabihin na manatili siya sa bahay eh lakwatsera siyang babae. Kahit saan-saan nalang din siya napapadpad at naglilibot sa mga hindi alam na lugar, tsaka paborito niyang libangan ang billiards pero paminsan-minsan lang siya na maglaro kapag magkasama sila ni Jackson.Sa loob ng kwarto, nagkwento naman si Hugo ng matagal tungkol sa masasamang epekto ng billiards at iba pang competitions. Nagkunwari si Hillary na nakikinig. Pero sa loob-loob niya, iniisip lang niya na gusto lang siyang ilayo ng asawa sa kanyang mga libangan at ilihis ang atensyon niya rito."Hillary, ano ang sinabi ko kanina?"Napatulala si Hillary na hinypnotize ng sarili niya. Patay! Hindi niya alam na may pa-quiz pala! Wala siyang narinig!Kita ni Hugo
Bumalik si Hugo noong hapon. Nakauwi na rin mula sa paaralan sina Hillary at Jackson.Pagkakita kay Hugo na dumating, agad na tumakbo si Hillary papalapit sa kanya. “Asawa ko, andito ka na.”Nakita ni Hugo ang pag-iingat sa kilos ng asawa, kaya niyakap niya ito saglit.Pagkatapos, agad niyang binitiwan si Hillary at sinabi, “Behave ka muna, may aasikasuhin lang ako.”Lumapit naman si Hugo kay Jackson na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa cellphone. Nang marinig ang tawag ng tiyuhin, itinapon niya ang sandalan, tumayo, at sumunod kay Hugo paakyat sa study room.“Uncle, kung paparusahan mo ako, sabihin mo na agad para hindi ako kabahan.”Halos kusa nang pumasok si Jackson sa "kulungan" para parusahan. “Hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa mo, pero sinasabi ko na ngayon pa lang, kapag may nangyari kay Hillary, ikaw ang sisingilin ko. Huwag na huwag kang babalik sa gano’ng klaseng lugar.”“Rinig mo ba ako?” tanong ni Hugo, seryoso ang tono.Hindi sumagot si Jackson. Dahil kung sasang
“Hillary, magpaliwanag ka ngayon sa akin!”Galit na sigaw ni Hugo habang nakatayo sa harap ng kanyang asawa. Mula nang ikasal sila, hindi naging maayos agad ang pagsasama nila. Ngunit kalaunan, si Hillary ay parang batang inalagaan at pinahalagahan ni Hugo. Kaya't nang bigla niya itong sigawan, ikinagulat iyon ng lahat.Nasa loob sila ng opisina ni Hugo sa mansyon. Nakatayo si Hillary sa gitna ng silid, at doon na siya napaiyak. Tumulo ang luha niya at hindi siya tumigil sa paghikbi. Para siyang batang pinagalitan ng magulang, at hindi niya alam ang gagawin.Paulit-ulit niyang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang manggas ng suot niya.Nainis si Hugo sa sarili. Napakuyom siya ng kamao at padabog na lumapit sa kanyang umiiyak na asawa. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.“Hillary, sabihin mo na sa akin kung bakit ka nakipaglaro sa mga siraulong lalaki doon?” mariin niyang sambit.Hindi na halos makita ni Hillary ang paligid dahil sa luha. Hindi na niya alam kung anong isasagot.
Habang si Hugo ay balisa na mabilis na nagmamaneho, hinahanap ang kanyang nawawalang asawa. Tinawagan niya ang kanyang biyenan upang alamin kung nasaan ang kanyang asawa. Nang malaman nina Harold at Lucille na nawawala ang kanilang anak na si Hillary, agad nilang tinawagan si Jeah, ngunit walang sumasagot."Hugo, hindi ko makontak si Hillary, Jackson, at Jeah. Paano kung tawagan na natin ang pulis?" mungkahi ni Lucille.Nakapagitan si Hugo. Binaba niya ang tawag sa kanyang mga biyenan at tinawagan si Denmark, isang kaibigan na kilala sa pagiging madaldal. "Denmark, nawawala na naman ang asawa ko. Kailangan ko ng tulong mo para hanapin siya."Hindi nagtagal, naging aktibo muli ang grupo ng limang magkakaibigan. Desperadong tinawag ni Johanson si Hugo sa group chat, "Hugo, may problema ba kayo ng asawa mo? Bakit siya nawawala tuwing kailan lang? Hindi ba't kamakailan lang ay nagpadala kayo ng rosas para ipakita ang pagmamahalan ninyo?"Alam din ni Dave ang tungkol sa pagkawala ng asawa n
“Pasensiya ka na kung naiinggit ka. May asawa ako, eh. Wala akong magagawa ro’n. Kung naiinggit ka sa pagmamahal na natatanggap ko, kapag natalo ka mamaya, hahanap ako ng lalaking maglalagay ng love mark sa leeg mo para hindi ka na malungkot.”Tahimik ang paligid matapos bigkasin ni Hillary ang mga salitang iyon. Parang lumamig ang hangin sa loob ng venue. Ang mga tagahanga ni Dexter na kanina’y todo hiyaw, ngayon ay natigilan, napaatras, habang ang ilan ay napanganga sa tapang ng sinabi ni Hillary.Natural na bagay sa mundo na ang babae ay may asawa, at walang masama ro’n. Pero ang suhestiyon ni Hillary na dapat maghanap ng asawa ang kalaban ay isang insulto sa tinatawag na dragon master na si Dexter. Hindi nagpigil si Hillary sa pagkamuhi niya—bumanat siya agad. Nilait siya kanina, kaya huwag siyang sisihin kung may kagat ang mga salita niya ngayon.Kung sumasapol si Hillary, palaging sa puso. Para siyang kutsilyong dumudulas sa kalamnan—hindi siya marunong magpakahinahon sa salita.