HUGO NAMAN DI MARUNONG MAG PICTURE HMP GALIT TULOY ANG PUSA AHAHAH
Maya-maya, tumayo si Hugo, hinawakan ang kamay niya, at lumabas ng tindahan na may hawak na rosas. "Ang tugtugin dito sa western resto ay nakakaantok. Mahal, pwede mo ba akong dalhin sa paborito kong resto sa susunod? Mas gusto ko ang ambiance doon." Pumayag si Hugo. “Sure.”Pagdating nila sa bahay, agad na napansin ni Mr. Joaquin ang hawak na rosas ng kanyang anak. "Oh, hindi masama! Mukhang lumaki ka na at natuto nang bumili ng rosas para kay Hillary. Sa wakas, naging matalino ka rin." "Ano? Dad, ako ang bumili ng rosas para sa asawa ko!" Sabat ni Hillary."Ano?" Napatingin si Mr. Joaquin kay Hugo. "Hinayaan mong ang asawa mo ang bumili ng bulaklak para sa'yo? Wala ka bang hiya?!" Hinila ni Hillary ang braso ng kanyang asawa habang yumuko upang palitan ang kanyang tsinelas. "Dad, si Hugo naman ang gumastos sa date namin. Kung ikukumpara, mas nakinabang pa rin ako." "Kaya pala ang sinasabi mong romantic date ay kasama ang tiyuhin ko," sabi ni Jackson sabay tawa. Tumango si Hill
Nakarating si Hugo sa kanilang silid at nakita ang kanyang asawa na nakaupo sa sofa, hawak ang isang aklat nang baliktad. Pinayuhan niya ito nang mahinahon, "Mahal, baliktad ang libro mo." Napatingin si Hillary at napagtanto niyang baliktad nga. Dali-dali niyang itinama ang libro, ngunit kahit anong tingin niya, wala naman talaga siyang binabasa. Samantala, naghanap-hanap si Hugo sa paligid ng kwarto at sa wakas ay nakakita siya ng angkop na bote kung saan niya ilalagay ang mga rosas. Iniwan ni Hillary ang kanyang libro at lumapit upang tulungan ang asawa. Dahil babae siya, mas may mata siya para sa kagandahan. Mas naging maayos at maganda ang ayos ng mga bulaklak sa kanyang kamay kumpara sa ginawa ni Hugo. Nakatayo lang si Hugo sa gilid, pinapanood ang maliit na kamay ng kanyang asawa habang inaayos ang bouquet at pinupungusan ang mga tangkay. "Narinig mo ba ang pinag-uusapan namin kanina sa sala?" Nagpa-cute si Hillary, tumiklop ang kanyang bibig, at tumango. "Honey, gusto mo ba
Malalim ang kahulugan ng mga sinabi ni Hillary. “Ipinangalan mo sa akin ang university, kaya ako ang punong-guro kaya hindi ko pwedeng saktan ang mga student. Kung malaman ito ng media, tiyak na pupunahin nila ako sa kanilang mga artikulo. Habang binabatikos nila ako, matutuklasan nilang ang asawa ko ay si Hugo Gavinski, isang kilalang negosyante. Pagkatapos, sasabihin nila na wala akong matinong asal, at ikaw naman ay ini-spoil ako.” Naging interesado si Hugo sa mga sinabi ng kanyang asawa. Mahinang bulong niya, “Hindi, kapag nalaman ng media na ako ang nasa likod mo, tiyak na ang mga pumupuna sa’yo ay biglang pupuri sa’yo.” “Bakit naman?” Tanong ni Hugo, “Ako ang asawa mo. Sino ang maglalakas-loob na magsalita laban sa’yo? Hahayaan ko ba sila?” Napanganga si Hillary. Bakit parang napakalamig at nakakatakot ng kanyang asawa? Pero... ang lakas ng dating niya.“Honey, hindi mo dapat gawin ’yan. Dapat kang maging mabuting tao. Huwag mong gamitin ang yaman at kapangyarihan mo para pil
Tumayo si Hillary mula sa pagkakaupo sa kandungan ng kanyang asawa, mahigpit na hawak ang hintuturo nito. Magkasabay silang lumabas ng silid. "Ang asawa ni Sir Hugo ay sobrang malambing. Tuwing hindi niya nakikita si Sir Hugo, hinahanap niya ito kahit saan," bulong ng dalawang kasambahay habang nag-uusap sa may hagdanan. "Tama, noong nakaraang beses na nagising siya at wala si Hugo dahil nasa trabaho, naglibot siya sa buong bahay at tinanong ang lahat kung nasaan ito. Nang malaman niyang nasa opisina ito, agad siyang pumunta roon para hanapin siya." "Kanina nga lang, mag-aalmusal na sana siya pero nang marinig niyang nasa studyroom si Hugo, agad siyang bumalik sa taas para puntahan ito." "Kapag bagong kasal talaga, dikit na dikit sa isa't isa. Hindi makahiwalay si Hillary kay Hugo, parang anino na palaging nasa tabi nito." Narinig ng mag-asawa ang mga bulungan ng mga kasambahay habang bumababa sila ng hagdan. Habang patuloy sa pakikinig, lalong lumaki ang pisngi ni Hillary sa pag
Naalala ni Hillary ang malungkot niyang karanasan noong siya'y nag-practice magmaneho, kaya sinubukan niyang kausapin muli ang asawa niya.“Honey, kapag ako ang nagmaneho, may mamamatay talaga.” “Eh 'di sabay tayong mamatay.” Sabi ni Hugo.Hindi nakapagsalita si Hillary sa sobrang inis dahil sa biro ng asawa niya.Pagkatapos kumain, isinama ni Hugo si Hillary palabas. Ibinigay niya ang susi ng kotse sa kamay ng asawa, “Sakay ka na.”“Honey, palitan mo ng mas murang kotse,” sabi ni Hillary. “Okay lang sa akin kung makabangga ako ng mumurahing sasakyan. Ang importante, kaya ko bayaran.”Sagot ni Hugo, “Wala tayong murang kotse sa bahay, kaya gamitin mo na lang 'tong sasakyan na 'to.”Napatingin si Hillary sa mga luxury cars sa parking area na hindi kalayuan, halatang nadismaya. Pati pala pag mayaman ang napangasawa mo, may problema rin. Halimbawa, wala siyang makitang luma o sirang sasakyan para pagpraktisan lang. Ang lahat ng sasakyan ay milyon ang halaga.“Hon, kapag nabangga ko 'to,
"Hindi, abala siya sa pag-aaral, at magkaiba kami ng oras, kaya sina Mama at Papa na lang ang tinatawagan niya."Minsan, kapag tumatawag si Harvey, palihim niya itong sinasagot kaya hindi nalalaman ni Hugo. Hindi na nag-usisa pa si Hugo at tumango na lang. "Umiikot ka muna sa bakuran ng ilang beses, tapos iparada mo sa may fountain."Luminga-linga si Hillary at tinanong ang asawa, "Honey, walang handbrake ang kotse mo?""Huwag mo nang gamitin ang handbrake ngayon. Sa susunod, papalagyan kita."Muli siyang nag-utos, "Simulan mo na."Kinabahan si Hillary at muli niyang pinindot ang busina, tapos binitawan ang preno, hinayaang umusad ng kusa ang sasakyan, at unti-unting inapakan ang silinyador.Dahil sa sunod-sunod na busina sa bakuran, nagising si Mr. Joaquin.Lumabas siya at nakita ang apo sa sala. "Ano 'yung ingay sa labas?""Tinuturuan po ni Tito si Tita magmaneho."Napabuntong-hininga si Mr. Joaquin, "Sobrang wala na talaga siyang magawa. Pati mamahaling sasakyan, gusto niya pang pag
Pangalawang beses nang kinabit ni Hugo ang kanyang seatbelt. Umikot ang sasakyan sa harap ng bakuran ng tatlong beses at tumigil sa may fountain. Ibinuwelta ni Hillary ang sasakyan sa kabilang direksyon.Sumigaw si Hugo, "Ihinto mo ang sasakyan."Agad namang huminto ito at muling napasubsob ang kanyang katawan sa unahan. Buti na lang at nailigtas siya ng seatbelt. Itinuro ni Hugo ang tamang direksyon sa rotonda sa kanyang asawa, at muling pinaandar ni Hillary ang sasakyan."Ihinto mo ulit ang sasakyan."Muli na namang nailigtas ng seatbelt si Hugo sa ikalawang pagkakataon."Hillary, huwag kang magmamaneho sa gitna ng kalsada. Dapat nasa isang gilid ka lang."Makalipas ang sampung minuto. Sumigaw ulit si Hugo, "Ihinto mo ang sasakyan!"Muli, seatbelt na naman ang tumulong sa kanya. Pangatlong beses na. Medyo sumakit na ang dibdib niya dahil sa sunod-sunod na pagbangga.Umubo siya ng dalawang beses at tinanong ang kanyang asawa, "Anong naramdaman mo habang nagmamaneho ka kanina?""Yung k
Nang marinig ni Jackson ang pagpasok ng mag-asawa, agad siyang tumahimik. Nang makita ang mag-asawa, maayos siyang umupo.Sa kabilang banda, pumasok ang mag-asawa na pareho ang kamay na marumi."Ano'ng nangyari sa mga kamay ninyo? Bakit ganyan ka-dumi? Naglaro ba kayo sa putikan?" tanong ni Mr. Joaquin.Umiling si Hillary at sumagot, "Naghukay ako ng libingan para sa patay na bulaklak."Tinuro ni Jackson ang kamay ni Hugo at nagtanong, “Eh bakit pati ang kamay ni Tito marumi rin?"Alam niyang hindi kailanman hahawak ng lupa ang marangal at malinis niyang tiyuhin. Lalong hindi ito maghuhukay ng libingan para sa bulaklak.Pinaliwanag ni Hillary, "Siya ang naghukay ng butas, ako naman ang naglibing."Nanlaki ang mga mata nina Mr. Joaquin at Jackson. Halos hindi sila makapaniwala sa narinig."Si Hugo, naghukay ng lupa?” Bulyaw ni Mr. Joaquin.Hindi maintindihan ni Hillary kung bakit ganoon na lang ang gulat ng lahat. Tumango siya at nagsabi, "Oo, bakit, nakagugulat ba?"Hindi na hinayaang
Maagang-maaga pa lang ay nakasuot na ng sportswear sina Jackson at Hugo habang tumatakbo sa oval sa loob ng kanilang bakuran."Alis ako ng ilang araw. Ikaw na muna ang bahala sa mga gawain sa paaralan. Kapag sumibat ka pa ulit, pagbalik mo, babaliin ko mga binti mo." Pananakot ni Hugo.Napalunok ng laway si Jackson na agad nangako, “Promise!”Muling nagsalita si Hugo, "I -report mo rin sa akin araw-araw kung anong ginagawa ni Hillary.""Ayoko. Gusto mo pa akong maging espiya sa tabi niya."Pagkasabi pa lang nito, tinapik agad ni Hugo ang likod ng ulo ng pamangkin niya."Sinasabi ko sa'yo, bantayan mo siya!"Napangiwi si Jackson habang hawak ang batok niya, "Hindi na kailangan bantayan ng asawa mo. Mas okay pa ngang siya ang magbantay sa akin.""Wala ka talagang silbi.” Panunukso ni Hugo.Makalipas ang ilang ikot, umuwi na silang dalawa.Nagising si Hillary at naka-pajama pang hinanap ang asawa niya sa buong bahay."Nasaan ang asawa ko?"Sumagot ang kasambahay, "Nasa likod mo po."Pagha
Tinakpan ng makakapal na ulap ang luha ng buwan. Tahimik na nag-upo ang mag-aama sa loob ng mahabang oras bago sila naghiwa-hiwalay.Pagbalik ni Hugo sa kwarto, nakita niya ang kanyang pusa na nakahiga sa kama—mainit tulad ng araw, at muli siyang nakaramdam ng pagiging konektado. Ang pamilya na nabuo niya kasama si Hillary ang siyang nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng saya at kapanatagan.Bumalik siya sa kanyang pwesto, marahang inangat ang ulo ng babae, at inakbayan ito. Masyado na itong antok at hindi na namalayang muli siyang hinalikan nito.Sa panaginip niya, ibinuka niya ang kanyang bibig at kinagat ang labi ng asawa niya."Mm, ang sarap~" Biglang ungol ni Hillary.Nagitla si Hugo at bahagyang natawa. "Ano na namang pagkain ang napanaginipan mo?"Sa panaginip ni Hillary, tinawag niya ang asawa, "Asawa ko... hmm, ang sarap mo.."Muling natawa si Hugo at mahina niyang sinabi, "Ibig sabihin, napanaginipan mong kinakain mo ang asawa mo."Napailing si Hugo na hinalikan ng pisnge nito
Kumatok si Hugo sa pinto. "Dad, labas ka muna sandali."Masama ang timpla ni Mr. Joaquin at sumagot, "Tulog pa ako.""Bibigyan kita ng limang minuto, pumunta ka sa opisina ko." Pagkasabi nito, umalis na si Hugo.Napamura si Mr. Joaquin, “Panira naman ‘to si Hugo."Pero, makalipas ang limang minuto, nagtungo rin siya sa opisina ng kanyang bunsong anak na may masamang mukha. "Ano bang problema?"Nasa loob din si Harry, nakaupo sa opisina ng kapatid niya.Isinara ni Hugo ang pinto, umupo siya sa gilid at seryosong sinabi sa kanyang ama at kuya, "Nakita ko yata si Amelia."Pagkasabi ni Hugo, napansin ni Mr. Joaquin ang bigat ng sinabi ng anak, kaya pala pinatawag sila sa opisina.Nang marinig ang sensitibong pangalan, agad na nanlamig ang paligid. Hindi agad nakapagsalita si Mr. Joaquin. Nakaramdam siya ng isang matinding kaba na hindi niya maipaliwanag kung takot ba ito o tuwa.Tinanong siya ni Harry, "Sigurado ka bang hindi ka lang namalik-mata? Labinlimang taon na ang lumipas, baka hind
Ang mga reklamo ni Hillary ay nauwi sa mga impit na ungol.Wala nang matakbuhan ang kanyang dila sa bibig, at dahil sa halik ay nawalan siya ng ulirat, hindi na niya napansin na may dalawang malalaking kamay na dahan-dahang pumapasok sa kanyang bewang.Hanggang sa dahan-dahang umakyat ang mga kamay na iyon.Napakislot si Hillary at mabilis na itinulak ang kamay ng kanyang asawa mula sa kanyang katawan. “Mmm, mahal, ikaw talaga.”Lasing na lasing si Hugo sa halik kaya halos ipadapa niya ang kanyang misis sa mesa at tuksuhin ito sa ilalim niya. Isang halik lang, muntik nang mauwi sa kung ano pa.Pagbalik nila sa kwarto, dumiretso si Hugo sa banyo para maligo. Samantalang si Hillary ay gumulong sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot.Napapikit si Hugo habang tumatagaktak ang tubig sa kanyang mukha. Noong binata pa siya, wala siyang interes sa ganoong bagay. Pero ngayon na may asawa na siya, nag-iba na ang takbo ng kanyang utak. Dati, ayaw niya ng laman. Ngayon, gustong-gusto niya.Parang
"Hillary, huwag ka nang pupunta sa lugar kung saan kayo nagpunta kahapon."Kagat-labing hindi sumagot si Hillary.Sabi ni Hugo, "Pagkatapos ng klase, manatili ka na lang sa bahay at maghintay sa akin na umuwi.”Tahimik lang si Hillary.Ang dali lang para sa asawa niyang sabihin na manatili siya sa bahay eh lakwatsera siyang babae. Kahit saan-saan nalang din siya napapadpad at naglilibot sa mga hindi alam na lugar, tsaka paborito niyang libangan ang billiards pero paminsan-minsan lang siya na maglaro kapag magkasama sila ni Jackson.Sa loob ng kwarto, nagkwento naman si Hugo ng matagal tungkol sa masasamang epekto ng billiards at iba pang competitions. Nagkunwari si Hillary na nakikinig. Pero sa loob-loob niya, iniisip lang niya na gusto lang siyang ilayo ng asawa sa kanyang mga libangan at ilihis ang atensyon niya rito."Hillary, ano ang sinabi ko kanina?"Napatulala si Hillary na hinypnotize ng sarili niya. Patay! Hindi niya alam na may pa-quiz pala! Wala siyang narinig!Kita ni Hugo
Bumalik si Hugo noong hapon. Nakauwi na rin mula sa paaralan sina Hillary at Jackson.Pagkakita kay Hugo na dumating, agad na tumakbo si Hillary papalapit sa kanya. “Asawa ko, andito ka na.”Nakita ni Hugo ang pag-iingat sa kilos ng asawa, kaya niyakap niya ito saglit.Pagkatapos, agad niyang binitiwan si Hillary at sinabi, “Behave ka muna, may aasikasuhin lang ako.”Lumapit naman si Hugo kay Jackson na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa cellphone. Nang marinig ang tawag ng tiyuhin, itinapon niya ang sandalan, tumayo, at sumunod kay Hugo paakyat sa study room.“Uncle, kung paparusahan mo ako, sabihin mo na agad para hindi ako kabahan.”Halos kusa nang pumasok si Jackson sa "kulungan" para parusahan. “Hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa mo, pero sinasabi ko na ngayon pa lang, kapag may nangyari kay Hillary, ikaw ang sisingilin ko. Huwag na huwag kang babalik sa gano’ng klaseng lugar.”“Rinig mo ba ako?” tanong ni Hugo, seryoso ang tono.Hindi sumagot si Jackson. Dahil kung sasang
“Hillary, magpaliwanag ka ngayon sa akin!”Galit na sigaw ni Hugo habang nakatayo sa harap ng kanyang asawa. Mula nang ikasal sila, hindi naging maayos agad ang pagsasama nila. Ngunit kalaunan, si Hillary ay parang batang inalagaan at pinahalagahan ni Hugo. Kaya't nang bigla niya itong sigawan, ikinagulat iyon ng lahat.Nasa loob sila ng opisina ni Hugo sa mansyon. Nakatayo si Hillary sa gitna ng silid, at doon na siya napaiyak. Tumulo ang luha niya at hindi siya tumigil sa paghikbi. Para siyang batang pinagalitan ng magulang, at hindi niya alam ang gagawin.Paulit-ulit niyang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang manggas ng suot niya.Nainis si Hugo sa sarili. Napakuyom siya ng kamao at padabog na lumapit sa kanyang umiiyak na asawa. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.“Hillary, sabihin mo na sa akin kung bakit ka nakipaglaro sa mga siraulong lalaki doon?” mariin niyang sambit.Hindi na halos makita ni Hillary ang paligid dahil sa luha. Hindi na niya alam kung anong isasagot.
Habang si Hugo ay balisa na mabilis na nagmamaneho, hinahanap ang kanyang nawawalang asawa. Tinawagan niya ang kanyang biyenan upang alamin kung nasaan ang kanyang asawa. Nang malaman nina Harold at Lucille na nawawala ang kanilang anak na si Hillary, agad nilang tinawagan si Jeah, ngunit walang sumasagot."Hugo, hindi ko makontak si Hillary, Jackson, at Jeah. Paano kung tawagan na natin ang pulis?" mungkahi ni Lucille.Nakapagitan si Hugo. Binaba niya ang tawag sa kanyang mga biyenan at tinawagan si Denmark, isang kaibigan na kilala sa pagiging madaldal. "Denmark, nawawala na naman ang asawa ko. Kailangan ko ng tulong mo para hanapin siya."Hindi nagtagal, naging aktibo muli ang grupo ng limang magkakaibigan. Desperadong tinawag ni Johanson si Hugo sa group chat, "Hugo, may problema ba kayo ng asawa mo? Bakit siya nawawala tuwing kailan lang? Hindi ba't kamakailan lang ay nagpadala kayo ng rosas para ipakita ang pagmamahalan ninyo?"Alam din ni Dave ang tungkol sa pagkawala ng asawa n
“Pasensiya ka na kung naiinggit ka. May asawa ako, eh. Wala akong magagawa ro’n. Kung naiinggit ka sa pagmamahal na natatanggap ko, kapag natalo ka mamaya, hahanap ako ng lalaking maglalagay ng love mark sa leeg mo para hindi ka na malungkot.”Tahimik ang paligid matapos bigkasin ni Hillary ang mga salitang iyon. Parang lumamig ang hangin sa loob ng venue. Ang mga tagahanga ni Dexter na kanina’y todo hiyaw, ngayon ay natigilan, napaatras, habang ang ilan ay napanganga sa tapang ng sinabi ni Hillary.Natural na bagay sa mundo na ang babae ay may asawa, at walang masama ro’n. Pero ang suhestiyon ni Hillary na dapat maghanap ng asawa ang kalaban ay isang insulto sa tinatawag na dragon master na si Dexter. Hindi nagpigil si Hillary sa pagkamuhi niya—bumanat siya agad. Nilait siya kanina, kaya huwag siyang sisihin kung may kagat ang mga salita niya ngayon.Kung sumasapol si Hillary, palaging sa puso. Para siyang kutsilyong dumudulas sa kalamnan—hindi siya marunong magpakahinahon sa salita.