BAKA MABANGGA MO KUTING
"Hindi, abala siya sa pag-aaral, at magkaiba kami ng oras, kaya sina Mama at Papa na lang ang tinatawagan niya."Minsan, kapag tumatawag si Harvey, palihim niya itong sinasagot kaya hindi nalalaman ni Hugo. Hindi na nag-usisa pa si Hugo at tumango na lang. "Umiikot ka muna sa bakuran ng ilang beses, tapos iparada mo sa may fountain."Luminga-linga si Hillary at tinanong ang asawa, "Honey, walang handbrake ang kotse mo?""Huwag mo nang gamitin ang handbrake ngayon. Sa susunod, papalagyan kita."Muli siyang nag-utos, "Simulan mo na."Kinabahan si Hillary at muli niyang pinindot ang busina, tapos binitawan ang preno, hinayaang umusad ng kusa ang sasakyan, at unti-unting inapakan ang silinyador.Dahil sa sunod-sunod na busina sa bakuran, nagising si Mr. Joaquin.Lumabas siya at nakita ang apo sa sala. "Ano 'yung ingay sa labas?""Tinuturuan po ni Tito si Tita magmaneho."Napabuntong-hininga si Mr. Joaquin, "Sobrang wala na talaga siyang magawa. Pati mamahaling sasakyan, gusto niya pang pag
Pangalawang beses nang kinabit ni Hugo ang kanyang seatbelt. Umikot ang sasakyan sa harap ng bakuran ng tatlong beses at tumigil sa may fountain. Ibinuwelta ni Hillary ang sasakyan sa kabilang direksyon.Sumigaw si Hugo, "Ihinto mo ang sasakyan."Agad namang huminto ito at muling napasubsob ang kanyang katawan sa unahan. Buti na lang at nailigtas siya ng seatbelt. Itinuro ni Hugo ang tamang direksyon sa rotonda sa kanyang asawa, at muling pinaandar ni Hillary ang sasakyan."Ihinto mo ulit ang sasakyan."Muli na namang nailigtas ng seatbelt si Hugo sa ikalawang pagkakataon."Hillary, huwag kang magmamaneho sa gitna ng kalsada. Dapat nasa isang gilid ka lang."Makalipas ang sampung minuto. Sumigaw ulit si Hugo, "Ihinto mo ang sasakyan!"Muli, seatbelt na naman ang tumulong sa kanya. Pangatlong beses na. Medyo sumakit na ang dibdib niya dahil sa sunod-sunod na pagbangga.Umubo siya ng dalawang beses at tinanong ang kanyang asawa, "Anong naramdaman mo habang nagmamaneho ka kanina?""Yung k
Nang marinig ni Jackson ang pagpasok ng mag-asawa, agad siyang tumahimik. Nang makita ang mag-asawa, maayos siyang umupo.Sa kabilang banda, pumasok ang mag-asawa na pareho ang kamay na marumi."Ano'ng nangyari sa mga kamay ninyo? Bakit ganyan ka-dumi? Naglaro ba kayo sa putikan?" tanong ni Mr. Joaquin.Umiling si Hillary at sumagot, "Naghukay ako ng libingan para sa patay na bulaklak."Tinuro ni Jackson ang kamay ni Hugo at nagtanong, “Eh bakit pati ang kamay ni Tito marumi rin?"Alam niyang hindi kailanman hahawak ng lupa ang marangal at malinis niyang tiyuhin. Lalong hindi ito maghuhukay ng libingan para sa bulaklak.Pinaliwanag ni Hillary, "Siya ang naghukay ng butas, ako naman ang naglibing."Nanlaki ang mga mata nina Mr. Joaquin at Jackson. Halos hindi sila makapaniwala sa narinig."Si Hugo, naghukay ng lupa?” Bulyaw ni Mr. Joaquin.Hindi maintindihan ni Hillary kung bakit ganoon na lang ang gulat ng lahat. Tumango siya at nagsabi, "Oo, bakit, nakagugulat ba?"Hindi na hinayaang
Biglang tumayo si Hillary at kinuha ang kutsara para lagyan ng maraming ulam ang plato ng asawa niya. “Isda, manok at baboy, at hindi ko na alam kung anong karne pa 'to... lahat 'yan, ilalagay ko sa’yo! Para kumain ka nang marami, tumaba ka, at lumakas lalo!” Parang tuloy-tuloy na bugso ng salita ang pagkakasabi ni Hillary, diretsong lumabas sa bibig niya.Pagkatapos niyang magsalita, hindi niya alam na pinagtatawanan na siya ng mga tao sa paligid.Nilagay ni Hillary ang plato sa harapan ng asawa niya na punong-puno ng tinatawag niyang pagmamahal.“Sino ba kasi ang nagsabing ikaw lang ang pwedeng magsandok at magsubo sa akin? Ako rin, magsasandok para sa'yo, kainin mo 'yan.” sabi ni Hillary sa asawa niya.Ngumiti si Hugo at sinabi, “Kasi pinakain lang kita kanina.”Namutla ang mukha ni Hillary sa inis, “Eh kung ako ang magpakain sa’yo, wala na akong kamay para sa sarili kong pagkain!”Pagkasabi niya noon, biglang humagalpak ng tawa si Jenny na katabi niya. Tumawa rin si Hugo.Nagbiro
Sa wakas, makalipas ang isang oras. Si Mr. Joaquin ay matagumpay na naka-add kina Hillary at Jackson sa social app gamit ang sarili niyang kakayahan. Nagpadala rin siya ng paanyaya sa tatlo pang tao pero wala pa siyang natatanggap na sagot."Ayos na ba lahat?" tanong ni Mr. Joaquin.Tumango si Hillary. "Oo, Dad. Pwede mo na kaming i-add lahat sa isang group at gumawa ng group chat para sa pamilya natin.""Sige!" Sagot ni Mr. Joaquin habang patuloy na nilalaro ang kanyang cellphone."Nag-steak ba kayo kagabi? Saan? Kumusta naman?" tanong ni Mr. Joaquin habang tinitingnan ang mga post ng kanyang manugang.Matapos ang romantikong hapunan nina Hillary at Hugo Gavinski kagabi, nag-post si Hillary ng mga larawan sa kanyang circle of friends. Nang makita ito ni Mr. Joaquin habang nag-i-scroll, ginaya niya si Jackson at nag-like din siya.Sa oras na iyon, nakita ni Hugo ang request na gusto siyang i-add bilang kaibigan. Naningkit ang mata niyang makita ang profile picture ng ama na nakangiti a
Agad na nagtago si Hillary sa ilalim ng kumot, parang pagong na itinatago ang ulo. Pakiramdam ni Hugo, sobrang marupok ng asawa niya. Konting galaw lang, natitinag agad.Kung palagi niya itong hahayaan sa ganitong kahihiyan, baka hindi niya ito makaharap ng maayos kailanman. Habang nag-iisip si Hugo kung ano ang dapat gawin, biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa tea table.Lumapit siya at sinagot ito habang nasa kwarto."Hello, si Hugo Gavinski ito.""Oo, pwede ako.""Pupunta ako ngayon. Ilan ang babae?""Sige, ayusin muna natin sa ganitong paraan. Nandiyan ako sa loob ng kalahating oras."Pagkatapos noon, ibinaba na ni Hugo ang tawag. Napatingin siya sa kama, kung saan ang maliit na asawa niya ay biglang lumabas mula sa ilalim ng kumot nang marinig ang salitang "babae."Ngayon, nakatitig ito sa kanya na parang may kasalanan siya, puno ng paghuhusga ang tingin."Saan ka pupunta?" Deretsahang tanong ni Hillary.Ang tono ng kanyang pagtatanong ay malayo sa mahiyain niyang u
“Bakit hindi ka nag-ayos?” “Wala ako sa mood para mag-ayos.” Hinila niya si Jackson at nagmadaling lumabas.Si Mr. Joaquin ay abala pa rin sa paggamit ng bagong d******d niyang social media account habang nasa sofa sa sala. Binusisi niya ang buong post ni Hillary mula umpisa hanggang dulo. Pagkatapos ay binuksan niya naman ang account ng apo niya at inisa-isa rin ito mula dulo pabalik sa simula.Nag-like siya, nag-comment, at nag-send pa ng mga emoticons. Parang nasa sarili siyang mundo ng kasiyahan habang ang apo at manugang niya ay halos mabaliw na sa pag-aalala.Nagmaneho si Jackson papunta sa kumpanya ni Hugo, pero laking gulat nila nang malamang wala ito roon.“Saan ba madalas pumunta si Hugo?”Hindi naglakas-loob ang taga front desk na ipaalam kung saan pupunta ang boss niya. Kung malaman man niya, baka isipin ng iba na hindi maganda ang intensyon niya. “Kailangan niyo pong itanong ‘yan kay Chief Secretary o kay Assistant Lyle.”“Pakibigay ang telepono, tatawagan ko siya ngayon.
Sa kaloob-looban niya, hindi talaga siya tinamad maghanap, kundi natatakot siyang baka talaga niya itong matagpuan. Nang kumatok siya kanina, may narinig siyang boses sa loob kaya siya'y nanginig sa galit. Paano kung totoo ngang nasa hotel ang asawa niya?Kaya huminto na si Hillary sa paghahanap. Wala nang nagawa si Jackson kundi ang ihatid siya pauwi.Pagkauwi nila, agad silang sinalubong ni Jenny. "Hillary, kanina pa kita hinahanap."Walang gana si Hillary nang tanungin, "Ate, may kailangan ka ba sa akin?""Wala naman. Si Hugo lang ang nagsabi na baka mabagot ka dito sa bahay, kaya pinapakiusap niya na samahan kitang mag-shopping." Para kay Hillary, si Jenny ay parang kalahating ina at kalahating hipag sa paraan ng pag-aalaga nito.Tiningnan ni Jenny ang suot na palda ni Hillary, "Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?"Umiling lang si Hillary at mahina ang boses, "Inaantok lang po. Aakyat po muna ako."Pagkatapos no'n, umakyat na si Hillary sa taas na parang lutang. Pagdating sa kwart
Maagang-maaga pa lang ay nakasuot na ng sportswear sina Jackson at Hugo habang tumatakbo sa oval sa loob ng kanilang bakuran."Alis ako ng ilang araw. Ikaw na muna ang bahala sa mga gawain sa paaralan. Kapag sumibat ka pa ulit, pagbalik mo, babaliin ko mga binti mo." Pananakot ni Hugo.Napalunok ng laway si Jackson na agad nangako, “Promise!”Muling nagsalita si Hugo, "I -report mo rin sa akin araw-araw kung anong ginagawa ni Hillary.""Ayoko. Gusto mo pa akong maging espiya sa tabi niya."Pagkasabi pa lang nito, tinapik agad ni Hugo ang likod ng ulo ng pamangkin niya."Sinasabi ko sa'yo, bantayan mo siya!"Napangiwi si Jackson habang hawak ang batok niya, "Hindi na kailangan bantayan ng asawa mo. Mas okay pa ngang siya ang magbantay sa akin.""Wala ka talagang silbi.” Panunukso ni Hugo.Makalipas ang ilang ikot, umuwi na silang dalawa.Nagising si Hillary at naka-pajama pang hinanap ang asawa niya sa buong bahay."Nasaan ang asawa ko?"Sumagot ang kasambahay, "Nasa likod mo po."Pagha
Tinakpan ng makakapal na ulap ang luha ng buwan. Tahimik na nag-upo ang mag-aama sa loob ng mahabang oras bago sila naghiwa-hiwalay.Pagbalik ni Hugo sa kwarto, nakita niya ang kanyang pusa na nakahiga sa kama—mainit tulad ng araw, at muli siyang nakaramdam ng pagiging konektado. Ang pamilya na nabuo niya kasama si Hillary ang siyang nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng saya at kapanatagan.Bumalik siya sa kanyang pwesto, marahang inangat ang ulo ng babae, at inakbayan ito. Masyado na itong antok at hindi na namalayang muli siyang hinalikan nito.Sa panaginip niya, ibinuka niya ang kanyang bibig at kinagat ang labi ng asawa niya."Mm, ang sarap~" Biglang ungol ni Hillary.Nagitla si Hugo at bahagyang natawa. "Ano na namang pagkain ang napanaginipan mo?"Sa panaginip ni Hillary, tinawag niya ang asawa, "Asawa ko... hmm, ang sarap mo.."Muling natawa si Hugo at mahina niyang sinabi, "Ibig sabihin, napanaginipan mong kinakain mo ang asawa mo."Napailing si Hugo na hinalikan ng pisnge nito
Kumatok si Hugo sa pinto. "Dad, labas ka muna sandali."Masama ang timpla ni Mr. Joaquin at sumagot, "Tulog pa ako.""Bibigyan kita ng limang minuto, pumunta ka sa opisina ko." Pagkasabi nito, umalis na si Hugo.Napamura si Mr. Joaquin, “Panira naman ‘to si Hugo."Pero, makalipas ang limang minuto, nagtungo rin siya sa opisina ng kanyang bunsong anak na may masamang mukha. "Ano bang problema?"Nasa loob din si Harry, nakaupo sa opisina ng kapatid niya.Isinara ni Hugo ang pinto, umupo siya sa gilid at seryosong sinabi sa kanyang ama at kuya, "Nakita ko yata si Amelia."Pagkasabi ni Hugo, napansin ni Mr. Joaquin ang bigat ng sinabi ng anak, kaya pala pinatawag sila sa opisina.Nang marinig ang sensitibong pangalan, agad na nanlamig ang paligid. Hindi agad nakapagsalita si Mr. Joaquin. Nakaramdam siya ng isang matinding kaba na hindi niya maipaliwanag kung takot ba ito o tuwa.Tinanong siya ni Harry, "Sigurado ka bang hindi ka lang namalik-mata? Labinlimang taon na ang lumipas, baka hind
Ang mga reklamo ni Hillary ay nauwi sa mga impit na ungol.Wala nang matakbuhan ang kanyang dila sa bibig, at dahil sa halik ay nawalan siya ng ulirat, hindi na niya napansin na may dalawang malalaking kamay na dahan-dahang pumapasok sa kanyang bewang.Hanggang sa dahan-dahang umakyat ang mga kamay na iyon.Napakislot si Hillary at mabilis na itinulak ang kamay ng kanyang asawa mula sa kanyang katawan. “Mmm, mahal, ikaw talaga.”Lasing na lasing si Hugo sa halik kaya halos ipadapa niya ang kanyang misis sa mesa at tuksuhin ito sa ilalim niya. Isang halik lang, muntik nang mauwi sa kung ano pa.Pagbalik nila sa kwarto, dumiretso si Hugo sa banyo para maligo. Samantalang si Hillary ay gumulong sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot.Napapikit si Hugo habang tumatagaktak ang tubig sa kanyang mukha. Noong binata pa siya, wala siyang interes sa ganoong bagay. Pero ngayon na may asawa na siya, nag-iba na ang takbo ng kanyang utak. Dati, ayaw niya ng laman. Ngayon, gustong-gusto niya.Parang
"Hillary, huwag ka nang pupunta sa lugar kung saan kayo nagpunta kahapon."Kagat-labing hindi sumagot si Hillary.Sabi ni Hugo, "Pagkatapos ng klase, manatili ka na lang sa bahay at maghintay sa akin na umuwi.”Tahimik lang si Hillary.Ang dali lang para sa asawa niyang sabihin na manatili siya sa bahay eh lakwatsera siyang babae. Kahit saan-saan nalang din siya napapadpad at naglilibot sa mga hindi alam na lugar, tsaka paborito niyang libangan ang billiards pero paminsan-minsan lang siya na maglaro kapag magkasama sila ni Jackson.Sa loob ng kwarto, nagkwento naman si Hugo ng matagal tungkol sa masasamang epekto ng billiards at iba pang competitions. Nagkunwari si Hillary na nakikinig. Pero sa loob-loob niya, iniisip lang niya na gusto lang siyang ilayo ng asawa sa kanyang mga libangan at ilihis ang atensyon niya rito."Hillary, ano ang sinabi ko kanina?"Napatulala si Hillary na hinypnotize ng sarili niya. Patay! Hindi niya alam na may pa-quiz pala! Wala siyang narinig!Kita ni Hugo
Bumalik si Hugo noong hapon. Nakauwi na rin mula sa paaralan sina Hillary at Jackson.Pagkakita kay Hugo na dumating, agad na tumakbo si Hillary papalapit sa kanya. “Asawa ko, andito ka na.”Nakita ni Hugo ang pag-iingat sa kilos ng asawa, kaya niyakap niya ito saglit.Pagkatapos, agad niyang binitiwan si Hillary at sinabi, “Behave ka muna, may aasikasuhin lang ako.”Lumapit naman si Hugo kay Jackson na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa cellphone. Nang marinig ang tawag ng tiyuhin, itinapon niya ang sandalan, tumayo, at sumunod kay Hugo paakyat sa study room.“Uncle, kung paparusahan mo ako, sabihin mo na agad para hindi ako kabahan.”Halos kusa nang pumasok si Jackson sa "kulungan" para parusahan. “Hindi ko alam kung ano ang pinaggagagawa mo, pero sinasabi ko na ngayon pa lang, kapag may nangyari kay Hillary, ikaw ang sisingilin ko. Huwag na huwag kang babalik sa gano’ng klaseng lugar.”“Rinig mo ba ako?” tanong ni Hugo, seryoso ang tono.Hindi sumagot si Jackson. Dahil kung sasang
“Hillary, magpaliwanag ka ngayon sa akin!”Galit na sigaw ni Hugo habang nakatayo sa harap ng kanyang asawa. Mula nang ikasal sila, hindi naging maayos agad ang pagsasama nila. Ngunit kalaunan, si Hillary ay parang batang inalagaan at pinahalagahan ni Hugo. Kaya't nang bigla niya itong sigawan, ikinagulat iyon ng lahat.Nasa loob sila ng opisina ni Hugo sa mansyon. Nakatayo si Hillary sa gitna ng silid, at doon na siya napaiyak. Tumulo ang luha niya at hindi siya tumigil sa paghikbi. Para siyang batang pinagalitan ng magulang, at hindi niya alam ang gagawin.Paulit-ulit niyang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang manggas ng suot niya.Nainis si Hugo sa sarili. Napakuyom siya ng kamao at padabog na lumapit sa kanyang umiiyak na asawa. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.“Hillary, sabihin mo na sa akin kung bakit ka nakipaglaro sa mga siraulong lalaki doon?” mariin niyang sambit.Hindi na halos makita ni Hillary ang paligid dahil sa luha. Hindi na niya alam kung anong isasagot.
Habang si Hugo ay balisa na mabilis na nagmamaneho, hinahanap ang kanyang nawawalang asawa. Tinawagan niya ang kanyang biyenan upang alamin kung nasaan ang kanyang asawa. Nang malaman nina Harold at Lucille na nawawala ang kanilang anak na si Hillary, agad nilang tinawagan si Jeah, ngunit walang sumasagot."Hugo, hindi ko makontak si Hillary, Jackson, at Jeah. Paano kung tawagan na natin ang pulis?" mungkahi ni Lucille.Nakapagitan si Hugo. Binaba niya ang tawag sa kanyang mga biyenan at tinawagan si Denmark, isang kaibigan na kilala sa pagiging madaldal. "Denmark, nawawala na naman ang asawa ko. Kailangan ko ng tulong mo para hanapin siya."Hindi nagtagal, naging aktibo muli ang grupo ng limang magkakaibigan. Desperadong tinawag ni Johanson si Hugo sa group chat, "Hugo, may problema ba kayo ng asawa mo? Bakit siya nawawala tuwing kailan lang? Hindi ba't kamakailan lang ay nagpadala kayo ng rosas para ipakita ang pagmamahalan ninyo?"Alam din ni Dave ang tungkol sa pagkawala ng asawa n
“Pasensiya ka na kung naiinggit ka. May asawa ako, eh. Wala akong magagawa ro’n. Kung naiinggit ka sa pagmamahal na natatanggap ko, kapag natalo ka mamaya, hahanap ako ng lalaking maglalagay ng love mark sa leeg mo para hindi ka na malungkot.”Tahimik ang paligid matapos bigkasin ni Hillary ang mga salitang iyon. Parang lumamig ang hangin sa loob ng venue. Ang mga tagahanga ni Dexter na kanina’y todo hiyaw, ngayon ay natigilan, napaatras, habang ang ilan ay napanganga sa tapang ng sinabi ni Hillary.Natural na bagay sa mundo na ang babae ay may asawa, at walang masama ro’n. Pero ang suhestiyon ni Hillary na dapat maghanap ng asawa ang kalaban ay isang insulto sa tinatawag na dragon master na si Dexter. Hindi nagpigil si Hillary sa pagkamuhi niya—bumanat siya agad. Nilait siya kanina, kaya huwag siyang sisihin kung may kagat ang mga salita niya ngayon.Kung sumasapol si Hillary, palaging sa puso. Para siyang kutsilyong dumudulas sa kalamnan—hindi siya marunong magpakahinahon sa salita.