It’s been seven years. Ang bilis ng panahon, napapailing na lang si Celeste dahil pitong taon na pala ang lumipas para bang kumurap lang siya ng pitong beses sa sobrang bilis ng paglipas ng panahon.
“You can’t be serious, binayaran ka ng Celestial Elagance ng kalahating bilyon para maging designer nila? Saan sila nanguha ng ganun kalaking pera kung palubog na ang kompanya?” hindi makapaniwalang saad ni Sarah.
Maging si Celeste ay nagtataka kung saan nanggaling ang malaking pera na ipambabayad sa kaniya ng kompanya.
“Huwag mong sabihin na babalik ka ng Pilipinas para lang tanggapin ang offer nila sayo. Girl, move on! Pinaalis ka nila diba? Tapos babalik ka pa?” wika pa rin ni Sarah. Pinaikot ni Celeste ang wine na nasa wine glass niya bago niya iyun ininom.
“Alam mo naman kung ano talaga ang plano ko una pa lang diba? Papalubog na ang kompanya kaya ito na ang pagkakataon ko para mabawi sa kanila ang kompanya ni mommy.”
“Hindi ka ba malulugi niyan? Kapag kinuha mo sa kanila ang kompanya paniguradong mababa/on ka sa utang. Malaki na ang utang ng Celestial sa bangko.” Hindi gusto ni Sarah ang desisyon ng kaibigan niya lalo na at alam niyang masasaktan lang si Celeste kapag bumalik siya ng Pilipinas.
“Pero nalaman kong nabayaran lahat ng utang nila. Hindi ko alam kung paano at kung saan nila kinukuha ang malaking perang inilalabas nila pero wala na akong pakialam dun dahil ang gusto ko lang ay mabawi ang kompanya ni mommy sa kamay ni Elloise at ni Hannah.” Desidido na talaga niyang saad.
“Kuyaaa!” natigil ang pag-uusap ni Sarah at ni Celeste ng marinig na naman nila ang malakas na sigaw ni Luna kaya sabay silang napatingin sa kwarto ng mga bata.
“Please read it to me again,” utos ni Luna sa kuya niya. Sa lakas ng boses ni Luna mukhang pati kapitbahay nila ay narinig ang malakas niyang mga sigaw.
“You’re not listening to me, just play with your Barbie and I will read my books. I’m done reading a story for you, Luna and then you’re listening. I’m done!” sigaw din ni Maxwell. Maya-maya ay narinig na nila ang malakas na iyak ni Luna kaya pinuntahan na ni Celeste ang mga anak niya.
“What is happening here?” tanong ni Celeste sa mga anak niya.
“Kuya doesn't want to read a story for me." umiiyak na sumbong ni Luna.
“I am reading her a story but she’s not listening, Mom. She is just playing with her barbie doll.” Asik naman ni Maxwell sa mommy niya. Bahagyang lumuhod si Celeste para mapantayan niya ang mga anak niya.
Tahimik namang nagbabasa ng libro sa sulok si Zachary, ang panganay sa triplets niya.
“Luna baby, if you want your kuya to read a story for you please focus on him so you will understand the story and if you want to play then let your kuya read a story peacefuly, hmmmf? Please don’t shout at him. He’s still your kuya.” Napanguso naman si Luna pero tumango rin at narealize ang pagkakamali niya.
Parehong hinalikan ni Celeste ang dalawa niyang anak na nagtatalo. Sinong mag-aakala na sa isang gabi lang ay magkakaroon siya ng triplet. Dalawang lalaki at isang babae.
“Mom, is it true that we’re going home to your birth country?” tanong ni Zachary na nasa sulok. Pareho namang nagulat na tumingin si Luna at Maxwell sa kanilang ina.
“Really mom?” paninigurado nila.
“Hmm, yes. So, be ready okay?” sagot niya naman. Masyadong matatalino ang mga anak niya kaya hindi siya makakapagtago ng lihim sa kanila.
Dumating na ang araw ng flight nila. Naging maayos naman ang paglanding nila sa Pilipinas. Blangko lang ang mukha ni Celeste habang tinitingnan ang paligid niya. Pitong taon na pala ang lumipas pero wala pa ring pinagbago ang bansang pinanggalingan niya. Katulad pa rin ng dati mainit pa rin at traffic.
“Didiretso ka ba kaagad sa kompanya niyo?” tanong ni Sarah habang nakatingin sa ipad niya.
“Yeah, dapat nga nung nakaraang araw pa eh. Ayaw ko naman na isipin nilang masyado akong nagpapa-VIP.”
“Alam ba nila na ikaw at si Mia Moda ay iisa?” aniya, sikat na designer sa France si Mia Moda at iyun ang screen name ni Celeste.
“Well, it’s a surprise for them.” Bahagya namang tumawa si Sarah dahil natutuwa siya sa plano ng kaibigan niya kahit na tutol ito noong una.
“I love that,” kindat niyang saad. Tiningnan ni Celeste ang tatlo niyang anak na mahimbing ng natutulog. Paniguradong pagod pa rin sila sa mahaba nilang byahe.
Nang makarating sila sa bahay na nakuha ni Celeste para rentahan ay ipinasok niya na sa kwarto ang mga bata para makapagpahinga at mas maging komportable sila.
“Ikaw na muna ang bahala sa kanila Sarah. Babalik din ako mamaya.” Tumango naman si Sarah. Kinuha na ni Celeste ang bag at susi ng kotse saka siya umalis. Hindi na siya nagpahinga dahil nasabi niya na sa secretary ni Hannah na darating siya ngayon para makipagkita.
Naglalakad na si Celeste sa lobby ng kompanya at napapakunot na lang ng noo dahil binabati siya ng lahat ng mga empleyadong nakakasalubong niya.
“Good afternoon, ma’am,” bati na naman sa kaniya. Nagtataka siya kung kilala ba siya ng mga empleyado ng kompanya kung hindi naman siya naipakilala dati.
“They know me?” tanong niya sa sarili niya. Imposible rin na kilala siya bilang si Mia Moda gayung wala pang nakakaalam ng totoong mukha niya kahit na ang bansang pinanggalingan niya.
“Nagpalit ba ng fashion ngayon si ma’am? Infairness ha, bagay niya.” narinig niya ang usap-usapan ng mga empleyadong nakakasalubong niya. Alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito dahil sa kaniya sila nakatingin.
Naguguluhan na talaga siya sa nangyayari. Ni minsan hindi rin siya nakapagtrabaho sa kompanya dahil kagagraduate pa lang niya noong umalis siya ng bansa kaya nakakapagtaka na kilala siya ng mga empleyado ng kompanya.
Ipinakilala ba siya ng kaniyang ama bilang anak niya? Inaasahan ba nila ang pagdating niya ngayong araw? Pero imposible yun dahil pitong taon siyang walang kontak sa ama niya.
Samantala naman, kanina pa naghihintay si Hannah sa office niya para sa pagdating ni Mia Moda.
“Ang sabi mo ay darating siya ngayon diba? Nasaan na ba siya?!” naiinip niya ng tanong sa secretary niya.
“Baka ma’am dumiretso pa sa hotel niya. Kalalanding pa lang po ng eroplanong sinakyan niya.” nakayukong sagot ng secretary ni Hannah. Naiinis na siya dahil noong isang araw pa siya naghihintay sa designer na binayaran nila para maging designer ng kompanya nila.
“Hindi pwedeng masayang ang perang ibinayad natin sa kaniya. Naibigay na ba sa kaniya ang pera?” nawawalang pasensyang tanong ni Hannah.
“Ang alam ko po yes ma’am, ang nagsend po ng pera ay si Carter.”
“Aish! Dapat pinapunta niyo muna siya rito bago niyo sinend. Paano kung itinakbo niya na yung pera?! Hindi talaga kayo nag-iisip!” sigaw niya na naman. Yumuko na lang ang secretary niya dahil mas mabuti na lang manahimik kesa magdahilan ka kung ikaw pa rin ang magiging mali.
Ginulo ni Hannah ang buhok niya at inis na lumabas ng office niya.
Samantala naman muling nilingon ni Celeste ang empleyadong bumati sa kaniya. Ang creepy na talaga ng nangyayari dahil kung batiin siya ng mga empleyado ng kompanya ay para bang kilalang kilala na siya ng lahat.
Pagkabukas ng elevator ay para bang huminto ang takbo ng mundo. Pareho silang nagulat sa nakikita nila sa harapan ngayon.
Nagsalubong ang mga kilay ni Celeste. Paanong nangyaring may babae siyang kamukhang-kamukha sa kompanya nila. Para silang pinagbiyak na bunga dahil wala kang makikitang difference sa mukha nila. Kung meron mang pagkakaiba sa physical nila, yun ay ang tangkad. Mas matangkad si Celeste kesa sa babaeng nasa harapan niya ngayon.
“Who are you?” tanong ni Celeste sa babaeng kamukha niya. Lumabas naman ang babae mula sa elevator at hinila si Celeste papunta sa lugar na walang makakakita sa kanila.
“I’m asking you, who are the hell are you?” tila nauubos na naman ang pasensya ni Celeste. Kung titingnan mo silang dalawa mapagkakamalan mo silang kambal.
“Nagbalik ka na, Celeste.” Wika ng babaeng nasa harapan ni Celeste. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Celeste dahil hindi man niya kilala ang babaeng nasa harapan niya hindi niya naman makakalimutan ang boses na kinasusuklaman niya.
“Hannah?” aniya pero napailing din siya dahil imposibleng si Hannah ang babaeng kamukha niya. Hindi yun pwedeng mangyari at ano naman sana ang dahilan ni Hannah para gayahin ang mukha ni Celeste.
Ito ba ang dahilan kung bakit binabati siya ng mga empleyadong nakakasalubong niya dahil may babae siyang kamukha sa kompanya.
Iniwas ni Hannah ang paningin niya kay Celeste.
“Anong ginagawa mo rito? Matagal ka ng umalis kaya bakit nagbalik ka pa rin?!” galit na sigaw ni Hannah sa kaniya. Hilaw na tumawa si Celeste, hindi nga siya pwedeng magkamali dahil ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay ang kapatid niyang si Hannah.
Matalim ang tingin ni Celeste kay Hannah.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Hannah? You are copying me, since when?” hindi sumagot si Hannah, hindi niya inaasahan na nakabalik na pala sa bansa ang kapatid niya.
“Answer me, Hannah!” halos maputol ang mga ugat ni Celeste sa leeg niya sa tindi ng galit niya. Kalalapag niya lang sa bansa pero galit na naman ang namumuo sa puso niya. Galit siyang umalis ng bahay nila tapos galit pa rin siya sa pagbabalik niya?
“Why do you care anyway?! My body, my rules! Gagawin ko kung anong gusto kong gawin sa sarili kong katawan!” tumawa si Celeste na para bang isang baliw. Hindi niya lubos maisip na gagayahin siya ni Hannah. Matatanggap niya pa kung gayahin man ni Hannah ang pananamit niya, ang style niya, agawin sa kaniya ang kompanya pero ang gayahin din maging ang mukha niya? Ibang level na yun!
“Are you obsessed with me? The hell wrong with you! Inagaw mo na sa akin lahat, huwag mong sabihin na pati buong pagkatao ko ay inangkin mo na rin? Nagpakilala ka ba bilang ako? Damn it, Hannah! Ano bang iniisip mo?!” ramdam na ramdam mo ang galit ni Celeste.
Sa sitwayson nila ngayon mapagkakamalan silang kambal.
“Hindi ko ginamit ang pangalan mo, hindi ko inangkin ang pagkatao mo! Kilala nila ako bilang si Hannah Marquez sa kompanya kaya huwag kang mag-alala dahil ginaya ko man ang mukha mo hindi ko nanakawin sayo ang pagkatao mo. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Pinalayas ka na ni Daddy diba? Bakit ka pa nagbalik?!”
“Iniisip niyo ba na hindi na ako babalik? Kaya ba nagparetoke ka ng mukha katulad ng sa’kin? Bumalik man ako o hindi wala ka pa ring Karapatan na gayahin ang itsura ko Hannah.” Tinaasan ni Hannah ng kilay si Celeste.
“May karapatan ako, legal na ang pagpaparetoke ngayon kaya gagawin ko kung anong gusto ko sa katawan ko. Umalis ka na lang Celeste bago mo ipahiya ang pamilya natin.” Hilaw na tumawa si Celeste. Siya pa ngayon ang magbibigay ng kahihiyan sa pamilya nila?
“Hindi ba dapat ikaw ang mahiya? I am the original, Hannah. Kahit na pareho tayo ng itsura ako pa rin ang original at hindi mo na mababago na anak ka lang sa labas ni daddy. Remember what I said before I left? Kahit anong gawin mo hindi mo matatakpan ang tunay na pagkatao mo.”
“Anak man ako sa labas ni daddy pero ikaw yung mukhang anak sa labas sa ating dalawa, Celeste.” Isang malakas na sampal ang lumipad sa pisngi ni Hannah na ikinagulat niya.
Sasampalin niya rin sana si Celeste ng makita niya kung sino ang taong nasa likod nila. Nagkunwari siyang nasaktan at ang galit niyang mukha kanina ay para ng anghel ngayon.
“What is happening here? Hannah, you okay?” tanong ni Maximus na kararating lang at nakita ang ginawa ni Celeste. Nilapitan ni Maximus si Hannah at tiningnan ang babaeng kaaway niya. Nagsalubong ang mga kilay ni Maximus dahil dalawang Hannah ang nakikita niya ngayon.
Napakunot din ng noo si Celeste ng makita kung sino ang lalaking kasama ni Hannah ngayon.
“Mr. Lim,” wika ni Celeste. Iniangkla naman ni Hannah ang kamay niya sa braso ni Maximus at nagpaawa effect.
“Hayaan na lang natin siya Max, let’s go.” Gusto na ni Hannah na umalis na sila ni Maximus pero hindi gumalaw si Maximus dahil mariin siyang nakatingin kay Celeste.Nagtataka si Celeste kung paanong nagkaroon ng relasyon si Hannah kay Mr. Lim lalo na at kilalang pihikan sa babae si Mr. Lim.