Sinendan siya ng text message ni Ryleigh. Malinaw na sinabi sa kaniya ng tatlong paslit ang sikreto—iyon ang dahilan kung bakit niya nalaman na balak magpalipas ng gabi rito ni Nolan!Naramdaman niya ang expectations sa message ni Rayleigh, sinagot niya ito, "Anong nariyan sa madumi mong utak? sa couch lang siya pwedeng matulog ang mga Dbag."Pinatay niya ang kaniyang cell phone.'Ang magagawa ko lang ay iwasan siya hanggang maaari!'Isang matangkad na anino ang lumapit sa dulo ng kama sa kalagitnaan ng gabi. Dahan-dahan itong naupo at pinagmasdan ang babaeng mahimbing na natutuloy sa kama. Tinukod niya ang mga kamay sa kama at hinalikan ang mga labi nito."Umm…" Kumurap ang mga talukap ni Maisie, at dahan-dahan niyang inangat ang mga kamay, "Ugh, tumigil ka!'Tila ungol ang lumabas sa kaniyang pagpupumiglas. Napakunot rin siya ng noo na para bang iniistorbo nito ang tulog niya.Tinitigan ni Nolan ang natutulog na itsura ni Maisie, makikita ang lambot sa kaniyang mga mata
Si Maisie na balak sanang maupo sa harapang passenger seat ay hindi alam ang sasabihin.Pagka-upo niya sa likurang passenger seat, tiningnan siya ni Quincy at nginitian siya nang malawak. "Good morning, Mrs. Goldmann."Nagngalit ang mga ipin ni Maisie. "Mrs. Goldmann mo mukha mo—Drive!"Madudugtungan niya sana ang masama niyang sasabihin kung hindi lang dahil sa presensya ni Colton.Sumimangot si Quincy'Mainitin ang ulo ni Ms. Vanderbilt. Maraming titiisin si Mr. Goldmann sa hinaharap.'Lumingon si Nolan para tingnan siya.Matagal ng maganda ang fashion sense ni Maisie. Nakasuot siya ng professional suit, pero nagawa niyang mailabas ang isang kakaiba at fashionable style nito.Monotonous man magsuot ng pure black at basic blouse sa isang buttonless black pattern suit, pero ang blue-black gradient at ang irregular na lace split skirt ay malinaw ang contrast sa burgundy heels niya.Hindi lang nito hindi pinagmukhang monotonous ang buong look, mas naging fashionable din
Naiiritang niluwagan ni Nolan ang kaniyang neck tie.'Nagpapakita iyon ng pagiging malapit? malinaw naman na ayaw niyang malapit sa akin.'Pero hindi na bale. Unti-unti siyang sasanayin sa konsepto ng pagiging malapit sa akin kapag lumipat na sila ng mga bata sa Goldmann mansion bukas!'…Hindi na pinahiya pa nu Stephen si Willow simula nang ma-ospital ito dahil sa paglalaslas. Ganoon pa man, nang maalala ang dalawang sampal na natanggap niya sa kaniyang ama, sinisisi pa rin ni Willow si Maisie."Willie, Willie!" Nagmamadaling pumasok si Leila sa ward at masayang ngumiti. "Trending na, trending na ngayon!""Anong trending ngayon?" Kinagat ni Willow ang kuko sa kaniyang hinlalaki, masama pa rin ang loob."Oh, ang mga jewels na disenyo ni designer Freddy para sa Vaenna ay viral sa internet!""Ano!?" Nagulat si Willow.'Viral na sila?'“Yes, your father has answered several calls asking for collaboration!”'Oo, sumagot ng ilang tawag ang tatay mo para sa mga gusto ng co
"Mom, ginagawa ito ni Willie para sa mga Vanderbilts."Alam ng lahat na mas mahalaga kay Madam Vanderbilt ang apong lalaki. Kung hindi lang sa katotohanang walang anak na lalaki si Stephen, hindi mag-aabala si Madam Vanderbilt sa mag-ina.Mayroong dalawang anak na lalaki si Madam Vanderbilt, isa si Stephen, at ang isa ay si Yorick.Si Yorick ang nakatatandang kapatid ni Stephen na nakatira sa ancestral mansion ng mga Vanderbilts dahil nabigyan niya ng apong lalaki si Mr. Vanderbilt Sr.Sa simula pa lang ay mas pinapaburan na ni Madam Vanderbilt ang kaniyang panganay na anak. Kung hindi lang dahil sa improvement na pinapakita ni Vaenna ngayon, hindi personal na pupunta si Madam Vanderbilt sa Bassburgh."Hmph, maaaring maganda nga ito para sa mga Vanderbilts pero hindi pa rin siya lalaki. Anak, anuman ang mangyari, ang family business ay dapat mamana ng isang lalaki. Ang anak mong ito ay mag-aasawa rin at magiging anak ng ibang pamilya sa oras na magpakasal siya sa isang lalaki
“Monopolyo ng Taylor Jewelry ang supply chain ng black opal at tanzanite, kaya sa Taylor Jewelry lang tayo pwedeng pumunta para sa supply. Narinig ko lang na sobrang taas ng offer sa Taylor.”“Okay lang iyon. Hindi isyu ang pera sa boss ng kumpanyang ito,” Sabi ni Maisie sabay abot ng listahan kay Xander.Nagulat si Xander. “Pagbabayarin mo si Mr. Goldmann?”Kahit na sa Blackgold Group sila nagtatrabaho, maituturing lang silang independent studio na affiliated sa kumpanya.Tiningnan siya ni Maisie. “Wala akong pera.”Pinasa ni Xander ang listahan kay Quincy, at pagkatapos itong makita ng huli. “Para sa dalawang raw stone materials, kailangan natin si Mr. Goldmann…”Habang nagsasalita, napako ang tingin niya sa rough gemstones supplier ng Taylor Jewelry, at napatulala siya.‘Doble ang singil ng supplier ng Taylor Jewelry kumpara sa ibang kumpanya, pero hindi sila nagbibiro sa mataas nilang presyo.‘Ang Black opal ay isang uri ng batong opa, pero ang black opal ang pinaka
Pumasok sa manor si Maisie at narinig ang masayang ingay na nagmumula sa living room.Si Willow na nakaupo sa tabi ni Madam Vanderbilt ay mukhang nagulat nang makita si Maisie. Tumayo siya at ngumiti. “Bumalik ka na Zee?”Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ni Madam Vanderbilt si Maisie. “Matagal na kitang hindi nakita. Medyo kamukha mo na si Marina ngayon.”Nagdala si Leila at ilang kasambahay ng pagkain sa hapag-kainan at sumigaw, “Mom, handa na ang hapunan.”Marahang tumayo si Madam Vanderbilt sa tulong ni Willow at saka sinabi kay Maisie nang sabayan siya nitong maglakad, “Halika, kumain tayo bilang isang pamilya.”‘Isang pamilya?’ kumibot ang mga pilikmata ni Maisie, at bahagyang kumurba ang kaniyang mga labi.Bukod sa mag-ina, hindi niya nakita ang ama niya sa hapag-kainan.Habang nakatingin sa bakanteng upuan habang papa-upo siya. “Bakit wala si Dad dito?”“Hindi siya nagugutom. Mauna na muna tayong kumain.” Nagkusa si Madam Vanderbilt na bigyan ng side dishes si
“Oh? Pumunta na rito si Mr. Goldmann dati?” Hindi maitago ni Madam Vanderbilt ang kaniyang saya.Si Mr. Goldmann ng Bassburgh, lahat ng nasa Coralia ay kilala siya.Isa ng kasabihan na makakamit ng sinuman ang karangyaan at kayamanan na hinihiling nila sa buhay na ito kung mapapalapit sila sa mga Goldmann.Pinilit na ngumiti ni Leila at nagpaliwanag, “Mom, matagal nang nangyari iyon. Busy na masiyado si Mr. Goldmann sa trabaho ngayon, kaya imposibleng pumunta siya rito.”“Paano niyo malalaman kung hindi siya makakapunta kung hindi mo siya tatawagan?” Ngumisi si Maisie.Puno ng galit ang tingin ni Leila sa kaniya. “Zee, huwag kang gumawa ng gulo.”‘Hindi ko dapat hayaang sirain ng bruhang ito ang plano ko!’Nang makitang sobrang kinakabahan sina Leila at Willow, sigurado si Maisie na natatakot ang mga ito na baka tawagan nga talaga niya si Nolan at masira niya ang pagpapanggap nila na sisira sa imahe nila sa harapan ni Madam Vanderbilt.Nakatanggap ng text message si Mais
“Mommy!”Sinunggaban ni Daisie ang ina at tumingala, nakangiti pati ang kaniyang mga mata. “Mommy, Mommy, kay Daddy na tayo titira sa susunod, hindi ba?”Sinulyapan ni Maisie ang lalaking nasa tabi niya at walang sinabi. ‘Hindi ko iyon kusang gagawin!’Lumapit si Nolan at kinarga si Daisie. “Oo, kasama niyo na si Daddy sa susunod.”Nang makitang humihiyaw sa tuwa ang tatlong bata, si Maisie na nakatayo sa gilid ay kumunot ang noo, humalukipkip at umiwas ng tingin.Gayunpaman, hindi pa niya nakitang ganito kasaya ang mga anak niya.Si Mr. Cheshire na nasa tabi ni Quincy ay hindi inaasahan ang pangyayari.‘Hindi lang nagkaroon ng tatlong anak ang young master pero inuwi niya rin ang nanay ng mga bata rito. Akala ko ay si Ms. Vanderbilt ang magiging future mistress ng mga Goldmann.‘Kamangha-mangha ito!’Lumingon siya kay Quincy at sinabing, “Siya ba talaga ang magiging young lady natin?”Tiningnan siya ni Quincy. “Nagsilang pa si Ms. Vanderbilt ng mga bata para sa pamilya, si