Sandaling nag-alinlangan si Quincy bago nagawang makapagsalita. “Well, walang nangyari sa kaniya. Ang teacher niya kasi…. B-binugbog niya ang teacher niya.”Huminga nang malalim si Maisie at lumingon kay Nolan. “Narinig mo yan? Anak mo yun. Anong gagawin mo tungkol dito?”Tumikhim si Nolan at tumango. “Oo, kasalanan ko. Paparusahan ko siya mamaya.”Nang makarating sina Maisie at Nolan sa school, pinapagalitan sina Colton at Daisie sa opisina ng school.Walang sugat si Colton. Sa halip, nalaman nilang may pasa sa mukha ang middle-aged teacher na binugbog nito, at mayroon din marka ng kagat sa likod ng kamay nito.Nang makita ni Daisie si Maisie, tumakbo siya palapit at nakasimagot na nagsalita, “Mommy!”Niyakap niya nang mahigpit si Daisie at nag-aalalang nagtanong, “Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nangyari sa inyong dalawa ni Colton?”Sigurado siyang hindi basta-basta mananakit ng teacher sina Colton at Daisie. Siguradong mayroong dahilan o hindi pagkakaintindihan.Nan
Walang ekspresyon ang itsura ni Nolan, ngunit matalim at nakamamatay ang emosyon na bumubugso sa ilalim ng mga mata niya. “Dinampi mo ba ang mga daliri mo sa anak ko?”“H…Hindi. Hindi lang ito pagkakaintindihan, sir. Gusto ko lang bigyan ng extra lessons si Daisie. Sadyang medyo sobra lang ang batang yan.” Sinubukan ipagtanggol ni Hunter ang sarili.Madilim ang mga mata ni Nolan, at wala siyang sinasabi habang tinititigan si Hunter, pero sapat na yun para kilabutan si Hunter.Malamig na suminghal si Colton. “Malinaw na binubully niyo si Daisie!”Pinakalma ni Hunter ang sarili. “Colton, sinisiraan mo ako sa sinasabi mo, teacher mo ako!”Pagkatapos subukan ni Hunter ang lahat para ipagtanggol ang sarili, si Maisie na nananahimik ay biglang tumawa. “Sa tingin ko ay hindi ito pagkakaintindihan.”Sinubukan ni Hunter na pagtakpan ang sarili. “Madam, kailangan niyo ng ebidensya kapag sinabi niyo yan.”“Hindi sa wala akong ebidensya. Hindi ba’t nakita na kita sa back garden noong nakara
‘Pinangako niya man na maingat na iimbestigahan ang insidente, pero kung hindi dumating si Joe ngayon, alam kong hahanap siya ng paraan para pagtakpan ulit ang nangyari.’Matagal na itong napansin ni Nolan, pero tumayo na siya dahil nangako na sa kaniya ang principal. “Kung ganoon, hihintayin ko na mabigyan ako ng maayos na sagot ng school.”Yumuko ang principal at tumango, basa na ang kaniyang damit sa pawis. “Huwag kayong mag-alala, Mr. Goldmann. Pagkatapos nito ay aasikasuhin ko yun agad.”Nagpa-iwan si Nolan para pag-usapan ang insidente habang nauna namang nilabas ni Maisie ang mga bata sa principal’s office.Walang tigil ang reklamo ni Colton tungkol sa teacher, kaya hinipo ni Maisie ang ulo nito. “Masayang-masaya si mommy na naprotektahan mo ang kapatid mo, pero hindi tamang gawain ang saktan mo ang teacher mo.”Pagkasabi nito, lumapit siya, tinitigan ang bata, at pinitik ang noo nito. “At hindi mo lang siya sinaktan, pero pinakalat mo ang insidente sa buong school. Alam na
Nagulat si Ryleigh nang malaman na hindi na nagpa-practice ng medicine si Joe at naging isa ng English teacher. “Nagbago siya ng career path?”Pinaikot ni Maisie ang hawak na pen. “Kamakailan ko lang din nalaman.”Sumandal si Ryleigh sa couch, “Matagal na simula ng huli kong makausap si Joe. Bakit hindi tayo maghanda ng date at oras para magkita-kita tayong tatlo?”Tumingin sa kaniya si Ryleigh. “Kung ganoon, kailangan muna nating ayusin ang isyu mo. Hindi ba’t nabanggit mo na may bagong ebidensya na nahanap si Louis?”Pagkasabi nito, kinuha ni Ryleigh ang unan at niyakap ito. “Oo, may nahanap siya.”Pinatong ni Maisie ang baba sa kaniyang kamay at napangiti. “Kung ganoon, kailangan ipakita mo sa kaniya na nagpapasalamat ka. Ikot siya nang ikot at nag-iimbestiga para sa iyo, kaya sa totoo lang, hindi ako maniniwala kapag may nagsabi na wala siyang nararamdaman para sa iyo.”Kakaiba ang ekspresyon ni Ryleigh. “May nararamdaman ba siya sa akin? Joke ba yan?”‘Bakit ako magugustuha
Maulan nang sumunod na raw.Umiihip ang malamig na hangin ng autumn sa mga bintana ng sasakyan habang tumutulo ang mga patak ng ulan sa mahamog na bintana, dahilan para lumabo ang tanawin sa labas.Nakaparada ang sasakyan sa labas ng hospital entrance, at lumabas ng sasakyan si Maisie dala ang payong bago ito buksan. “Tito Kennedy.”“Pasensya na at inabala kita na sunduin ako ngayong maulan ang panahon.” Kinuha ni Kennedy ang payong sa kamay ni Maisie.“Maliit na bagay lang ito.” Tiningnan ni Maisie ang kaniyang relo. “Nagpa-reserve na ako ng private room sa isang restaurant para sa inyo, at baka nandun na si Tita Samantha.”Tumango si Kennedy at sumakay na sa kotse.Nang makarating sila sa restaurant, dinala sila ng waiter sa private room at pinagbuksan sila ng pinto. Nakaupo na doon si Samantha at naghihintay sa kanila.Lumapit si Maisie. “Tita Samantha, pasensya na at pinaghintay namin kayo.”Dahan-dahang tumayo si Samantha at nakangiting sumagot. “Madulas ang kalsada ngayon
Tiningnan ni Eugene si Kennedy na nakaupo sa tabi ni Samantha, at saka nang-insulto, “Oh, sa tingin mo ay mayroong ibang lalaki na tatanggap sa iyo pagkatapos ng divorce mo?”Nagbago ang ekspresyon ni Kennedy nang marinig ang bastos na komento ni Eugene. “Mr. Boucher, kahit na ex-wife niyo si Ms. Green, ang insultuhin siya ay hindi gawain ng isang lalaki. Ganito ba ang pagpapalaki sa iyo ng mga Boucher?”Nainis si Eugene sa sarcasm ni Kennedy. “Sino ka sa tingin mo? Bakit mo ako hinuhusgahan?”Alam na ni Samantha ang ugali ni Eugene at nag-aalala na baka talagang sugurin nito si Kennedy. “Eugene Boucher, kung ang balak mo ay gumawa ng gulo, lumabas ka na at sa ibang lugar mo yan gawin.”“Oh, pinagtatanggol mo na siya ngayon?”Hindi sumuko si Eugene. Lumapit siya kay Kennedy at kinwelyuhan ito. “Kung gusto mong ipagtanggol ang babaeng yan, kailangan mo munang makita kung anong kakayahan ang mayroon ka.”Hindi natinag si Kennedy habang nakatitig kay Eugene. “Sinasabi mo bang gusto
Huminga nang malalim si Eugene. Hindi na makakabuti sa kaniya ngayon ang mag padalos-dalos lalo na't nandito na si Helios. "Hindi naman ako naghahanap ng gulo sa kanila.""Eh bakit mo dinala itong mga tao rito?" Tinuro ni Francisco ang mga bodyguards. "Anong ginagawa niyong mga sira-ulo kayo? Bitawan mo siya! Walang gagalaw sa inyo sa kwartong ito!"Nahihiya ang ekspresyon ng mga bodyguards na nakatingin kay Eugene. Naiinip na iwinagayway ni Eugene ang kamay niya, sinasabi sa kanila na umatras.Masamang tiningnan ni Eugene si Francisco, at madilim ang ekspresyon niya. "Ikaw, sumama ka sa akin."Nakahalukipkip si Francisco at mukhang magrereklamo na siya tungkol sa ginagawa ng kaniyang tatay. "Talagang sasama ako sayo. Sasabihin ko kay lolo lahat ng nangyari ngayon." "Ikaw…"Hindi siya pinansin ni Francisco at naglakad sa tabi ni Helios. "Bro, iiwan ko muna si mom sayo."Tumango si Helios.Tumingin si Francisco kay Maisie at kumaway siya ng may ngiti nang naglakad siya
Sa nursing home…Tumulo ang ilang patak ng tubig na mula sa halaman na nasa windowsill. Nakaupo si Anthony sa couch, tinitingnan ang photo album at sobrang nalulungkot.Nagkasakit ang anak niya at matagal ng coma. Isang dekada na niya itong binabantayan at wala na siyang ideya kung gaano ito tatagal.Nakatayo si Louis sa labas ng pinto at kumatok, na naging dahilan para ibaba ni Anthony ang photo album. "Sino ka? Tanong niya na namamaos ang boses."Ako si Louis Lucas.""Mr. Lucas? Naguguluhan si Anthony. "Bakit niyo naman ako pupuntahan, Mr. Lucas?"Tumingin si Louis sa taong nakahiga sa kama at nagpaliwanag. "Mayroon akong kasama na pumunta ngayon dito."Hindi naintindihan ni Anthony ang ibig sabihin niya kaya tumayo lang siya at tiningnan si Louis na inuutusan ang mga bodyguard niya na ipasok ang tao.Matando iyon na mga 60s na hindi naman niya kilala.Tinanong ni Anthony, "Siya si?"Sumagot si Louis, "Dati siyang security guard ng University of Northway, pero nag
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,