Siyempre, kapag dumating na sa partikular na edad ang mga lalaki at gusto pa rin nila magmukhang fit, kailangan nila ng matinding disiplina sa sarili. Yung mga lalaking malalaki ang tiyan ay nakukuha yun dahil sa madalas na pag-inom, walang stress sa pagtatrabaho at hindi nagwo-work out. Dagdag pa dun, mas mahilig sila sa mamantikang pagkain, kaya naman tumataba sila.Sinamahan nila si Kenendy bago umalis. Lumakad si Ryleigh papunta sa kotse at biglang sinabi, “Sa tingin mo, bakit hindi nagpakasal si Tito Kennedy?”Binuksan ni Maisie ang pinto. “Paano ko malalaman?”Pumasok si Ryleigh sa kotse at sumakay sa passenger seat, sinuot ang seatbelt at sinabing, “Kung nagpakasal si Tita Samantha sa isang katulad ni Tito Kennedy, siguradong magiging sobrang saya niya.”Lumingon sa kaniya si Maisie at tumawa. “Alalahanin mo muna ang sarili mo.”Napatahimik si Ryleigh.Nang umandar ang kotse, isang kotse ang biglang bumangga sa likuran nila. Umalog ang sasakyan nila, dahilan para bumalik s
Walang sinagot si Maisie.Napansin ni Nolan na baka natakot niya si Maisie, kaya pinakalma niya ang sarili at sinabing, “Tinakot mo ako.”“Pfft!” Hindi napigilan ni Ryleigh ang sarili at tumawa. “Mr. Goldmann, pwede niyo bang tingnan ang paligid? Nandito ang mga doktor at pasyente. Pwede bang isipin niyo ang nararamdaman nila?”“Bakit ko sila iisipin ngayong nandito ang misis ko?” Sagot ni Nolan.Saka niya binuhat si Maisie, nagulat naman si Maisie. “Anong ginagawa mo, Nolan?”Nagngingitngit na sumagot si Nolan. “Dadalhin kita sa isang proper examination. Hindi ako kumbinsido sa mga doktor dito.”Inirapan ni Ryleigh si Nolan at ginaya ang pagsasalita nito. “Dadalhin kita sa mas proper examination. Hindi ako kumbinsido sa mga doktor dito. Oh, parang awa mo na, nasusuka ako.”Ipinasailalim ni Nolan si Maisie sa isang physical examination. Kahit na walang ibang injuries si Maisie, dalawang araw pa rin siyang pinanatili ni Nolan sa ospital.Habang buhat-buhat siya nito papunta sa i
Hindi na gumalaw pa si Ryleigh. Seryosong minamasahe ni Louis ang ankle niya, at ikinagulat niya yun.Para sa kaniya ay parang hindi ang tunay na Louis ang Louis na nasa harapan niya ngayon. Habang inaalala ang kakaibang behavior patterns nito, huminga siya nang malalim nang may ideyang lumitaw sa isipan niya. Noong una, gagamit sana siya ng euphemistic approach, pero tumakas na sa mga labi niya ang mga salita bago pa man niya mapagtanto. “Wala ka naman crush sa akin, tama ba?”Natigilan si Louis, at naging awkward ang katahimikan sa ward.Hiniling ni Ryleigh na mapatay niya ang sarili sa pagkagat niya ng dila niya ngayon. Nang hahanap na sana siya ng rason para iligtas ang sarili niya sa nakakailang na sitwasyon, tiningnan siya ni Louis at sinabing, “Anong iniisip mo?”Tila kalmado siya habang patuloy sa pagsasalita nang malinaw, “Fiancée kita. Papakasalan mo ako balang-araw, hindi ba normal na alagaan kita?”Sumagot si Ryleigh. “Oh, I see.”Binitawan ni Louis ang paa ni Ryleigh
Tiningnan ni Eugene ang dokumento sa desk, at mayroong mga natuyong mantsa ng dugo sa papel. Pinirmahan na ni Samantha ang pangalan niya, pero hindi pa siya pumipirma.Nilukot niya at ginawang bola ang divorce paper at saka suminghal, “Gusto mong makipag-divorce sa akin, Samantha? Hindi pwede! Hindi ako papayag. Kapag iniwan mo ako, wala ng matitira sa iyo…”Sa ospital…Nagbabalat ng mansanas si Colton para kay Maisie. Mayroong dismayadong ekspresyon sa mukha niya habang sinasabi, “Hindi ako makapaniwalang mao-ospital pa kayo ngayong ang tanda niyo na.”Masayang kinakain ni Maisie ang mansanas na bigay ng anak. Nagdesisyon siyang patawarin ito sa pang-aasar sa kaniya at sumagot, “Hindi ko sinadyang ma-ospital. Ang dad mo ang gustong magpa-ospital ako.”“Mommy, sa susunod na linggo na ang parents’ meeting. Sigurado ba kayong sasama kayo kay Daddy?”Nagulat si Maisie. Pinantayan niya ang nagdududang tingin ni Colton at nagtanong, “Bakit hindi?”Nagkibit-balikat si Colton. “Well, s
’Trinahidor ako ng lalaking yun!?’Nagulat si Mrs. Hannigan. “Zee, anong ginawa mo?”Sinigawan siya ni Nathaniel, “Nagbayad ng tao ang magaling mong anak para maging drunk driver at banggain ang isang tao. Pagod na ba siyang mabuhay, o gusto niya bang makulong?”Nagulat si Mrs. Hannigan nang marinig ang sinabi ni Nathaniel. Tiningnan niya si Maizie at hindi makapaniwalang magagawa yun ng anak niya.‘Nagbayad ng tao ang anak ko para maging drunk driver at banggain ang ibang tao? Paano yun nangyari?’Pinilit na umiyak ni Maizie at nagpaliwanag, “Hindi, Dad. Hindi ko yun ginawa. Mayroon nag-frame sa akin—”“Nag-frame sa iyo?” Pagputol ni Nathaniel. Dinuro niya ito at sinigawan, “Sinasabi mo bang pinagbibintangan ka lang ni Mr. Goldmann? Nasa police station ngayon ang lalaking yun, at inamin niya ang lahat. Sinabi niyang ikaw ang nagbayad sa kaniya, at gusto ni Mr. Goldmann na magbigay ako ng makatwirang solusyon. Sigurado akong alam mo ang nangyayari sa pamilya natin, tama? At gusto
Hindi nagtagal, isang staff member mula sa front desk ang nagdala sa kaniya ng isang spare laptop. Pagkatapos silang palabasin ni Nolan, binuksan niya ang laptop at nag-search ulit sa Google. Katulad ng inaasahan niya, nakakuha siya ng mas maraming impormasyon sa ibang laptop!Pinindot niya ang isa sa mga search results na may title na “Patay na ba ang misis ni Mr. Goldmann?” at huminga nang malalim. Tiningnan niya ang salitang “aksidente” at hindi niya alam kung pipindutin niya ba yun o hindi.Nang napadaan si Quincy sa front desk, isang receptionist ang nagsabi sa kaniya na humingi ng laptop sa kanila si Nolan. Tila naguguluhan ang staff member nang magtanong, “Hindi ba’t may computer naman sa loob ng opisina ni Mr. Goldmann?”Mayroon biglang naalala si Quincy at mabilis na bumalik sa opisina ni Nolan. Binuksan niya ang pinto. “Mr. Goldmann!”Gayunpaman, walang tao sa opisina, at nakabukas ang laptop na nasa desk.Lumapit si Quincy sa laptop, at huminto sa pagtibok ang puso niya
Walang kinalaman sa aming dalawa ni Ryleigh ang alitan nina Barbara at Katrina, pero sinama niya pa rin kami ni Ryleigh. Hindi niya maintindihan kung gusto lang siyang kausapin ni Barba tungkol sa mga nangyari sa kanila ni Katrina.‘Hindi, baka hindi niya talaga gustong idamay si Ryleigh. Sinama lang niya ito para sumama ako dahil malapit ako kay Ryleigh. Sinabi lang sa akin ni Barbara ang mga sikreto niya pagkaalis ni Ryleigh, ibig sabihin ay ayaw niyang malaman yun ni Ryleigh.”Sandaling pinagmasdan ni Barbara si Maisie, saka yumuko at tumawa. “Alam kong matalino ka.”Saka siya umamin, “Tama ka, gusto kong pigilan si Katrina gamit si Mrs. Boucher, kaya sinadya kong iparinig kay Mrs. Boucher ang ilang tsismis at nagpunta sa auction venue dahil lang gusto kong makita yun mismo ng mga mata ko.”Gumalaw ang mga mata ni Maisie. “Tinulungan mo ako sa insidente na may kinalaman kay Mr. Ludwig, at sinadya mo rin sabihin sa akin ang tungkol sa inyo ni Katrina. Matagal mo ng alam na hindi
Hindi niya inaasahan ang pagtawag ni Quincy. Tinanong siya nito kung binisita siya ni Nolan sa ospital.Nag-isip sandali si Maisie at sumagot, “Hindi ko siya nakita ngayong araw, at nakalabas na ako ng ospital. Anong problema?”Sandaling nag-alinlangan si Quincy. “Biglang inalam kanina ni Mr. Goldmann ang nangyari three years ago, kanina pa siya umalis. Hindi pa siya bumabalik sa kumpanya.”Tumayo sa tapat ng bintana si Maisie, nakakunot ang noo. “Inimbestigahan ni Nolan ang nangyari three years ago?”“Opo, tungkol sa aksidente, hindi ko alam kung may naalala si Mr. Goldmann at kung yun ang dahilan kung bakit niya inalam ang nangyari. Buong maghapon na siyang wala sa Blackgold. Kaya akala ko ay kasama niyo siya.”Matagal na natahimik si Maisie.Ilang beses na tinawagan ni Maisie si Nolan, pero walang sumasagot. Gabi na pero hindi pa rin ito umuuwi.Nagpadala na rin ng mga tao si Quincy sa mga lugar na madalas puntahan ni Nolan, pero wala silang nakita.Nakaupo sa loob ng kotse
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell