"Ikaw…""Gusto ng mga lalaki ang mahinhin at kamahal-mahal na babae. Ang tulad mong palaaway malamang hindi makakakuha ng lalaking makakakita ng mabuti sayo. Nang sabihin iyon, kinutya ni Maisie si Ryleigh. "Kung hindi ka anak ng mga Hill, ang pamilyang laging may koneksyon sa lahat ng kasal ng mga Lucas, hindi magiging malas si Mr. Lucas na pakasalan ka."Biglang nagdilim ang ekspresyon ni Ryleigh. Tinaas niya ang kamay niya at sasampalin na dapat si Maizie.Hinanda ni Maizie ang pisngi niya, hinihintay ang sampal niya ng walang takot.Pero, naharang ang kamay ni Ryleigh bago pa siya makasampal. Hinila ni Louis si Ryleigh sa likod niya at tiningnan siya. "Hindi ka ba nahihiya na makipag-away sa kanya sa harap ng maraming tao?"Lahat ng tao sa paligid nila ay nakatingin sa pwesto nila na parang naghihintay ng susunod na mangyayari. Kung nasampal siya, malamang may kukuha ng litrato at ikakalat ito online.Pero hindi kumalma si Ryleigh at inalis ang kamay niya sa pagkaka
Biglang nanlamig ang pisngi ni Ryleigh. Sa takot niya umatras siya, tumalikod, at tumakbo.Kinakabahan pa rin siya nung nakarating siya sa opisina ni Maisie. Umupo agad siya sa couch nang makarating siya dahil sa nanghihina niyang tuhod.Lumabas si Maisie sa workshop, nakita kung gaano kabalisa si Ryleigh, at ngumiti. "Anong nangyari dito?"Tumayo agad si Ryleigh at nilagay ang kape sa na para sa kaniya sa lamesa. "Di…dinala ko 'to para sayo."Pumunta si Maisie sa lamesa para kunin ang kape at hindi niya mapigilang isipin na nanginginig si Ryleigh habang nagsasalita. "Anong nangyari? Bakit sobrang takot ka?""Wala naman. Sadyang… nagkasalubong lang kami ni Maizie Hannigan nung umalis ako para bumili ng kape, at muntik na akong makipagtalo sa kaniya."Kinuha ni Maisie ang kape, naglakad papunta sa mesa, at umupo. "Yun na yun?"Napatikom ng labi di Ryleigh. "Oo.""Eh parang namumula ka?""Sobrang init!" Agad na sagot ni Ryleigh.Napansin ni Maisie ang nagpapanggap niy
Gayunpaman, maraming netizens ang naniniwalang hindi yun plagiarism. Kahit na pareho ang design, meron pa rin itong mga personal touches, kaya hindi masasabing plagiarism ang kasong ito. Tinanong pa nila ang grupo ng mga taong naniniwalang isa itong plagiarism para alamin kung bakit nila naisip yun.Marahil ay napagtanto ng mga top executives ng Passion Jewelry na hindi lang sa hindi gumana ang plano nilang pigilan ang paglago ng kompetisyon nila, bagkus ay tinulungan pa nila ito. Sa huli, gusto nilang alisin ang article sa Google Trends.Pero hindi nila inaasahang hindi nila yun maaalis dahil may isang mayamang taong komokontrol sa pag-trending ng news article. At nang subukan nilang doblehin ang presyo na inalok ng kabilang partido, dinoble naman ng ibang partido ang kasalukuyan nilang alok. Ang laki na ng perang ginagastos nila para lang bawiin ang ginawa nila.Umupo si Maisie sa harap ng computer at tiningnan ang Twitter account ng company nang dumating si Kennedy. “Zee, sumuko
"Hindi ko yun kayang gawin." Namamaos ang boses ni Nolan. At saka niya agresibong hinalikan si Maisie habang mas lalong umiinit ang sandali.Siguro ay patapos na ang autumn, naging malamig ang temperatura ng paligid dahil sa pag-ulan nang malakas kagabi, at natatakpan ng mga dilaw at nalagas na dahon ang lupa, na humalo sa mga putik.Hinatid nina Maisie at Nolan ang dalawa nilang anak sa private elementary school, at nang papunta na sila sa Soul Jewelry, sobrang inaantok si Maisie kaya sumandal siya kay Nolan at nakatulog.Lumingon si Nolan, tinitigan si Maisie, at tinaas niya ang kamay niya para ayusin ang buhok na naka-kalat sa noo ni Maisie. "Inaantok ka pa rin?""Oo," inosenteng reklamo ni Maisie, "At kasalanan mo ito."Tumawa si Nolan at lumapit sa tainga niya. "'Hindi ba’t kasalanan mo yun?"Inangat ni Maisie ng ulo niya, pinatong ang baba niya sa balikat ni Nolan, tiningnan siya. "Hindi naman kita pinayagang mag dalawang beses nung gabing yun."Sigurado na, si Nola
#Sumuka ako nang malaman ko kung paano ang sistema sa loob ng Soul Jewelry.#Tumingin si Kennedy kay Maisie. "Zee, bumaba ng 10% ngayon ang sales ng Soul Jewelry, at nakatanggap na rin kami ng mga tawag para i-cancel at i-refund ang mga order nila."Gumalaw ang mata ni Maisie. "Mukhang pinipilit nilang sumuko tayo.""Ano ang plano mong gawin?" Alam ni Kennedy na may dahilan si Maisie para hindi sabihin ang pagkakakilanlan niya, at mas mabuti ng may iba pang paraan.Binalik ni Maisie ang tablet at kinuha ang kaniyang phone. "Pinipilit pa rin ng Passion Jewelry na aminin kong nanggaya ako para protektahan ang Soul Jewelry, kaya sa tingin ko oras na para gumanti ako."Ngayon na umiinit na ang usapan tungkol sa plagiarism sa Internet at marami na ang nakakaalam, may isa pang trending na hashtag, ito ay #PassionJewelryPekengProdukto, ay lumabas sa Google at Twitter.Lumabas ang lihim ng Passion Jewelry sa pagbebenta ng mga lumang gemstones sa mataas na halaga para lokohin ang ka
Ngumiti si Quincy pero wala siyang sinabi. Nasa ospital si Nathaniel dahil sa sobrang galit. Marahil ngayon ay si Nolan na ang may-ari ng Passion Jewelry.Marahil siya na ang pinakamasama nilang bangungot.Sa Boucher manor…May sinabi ang Butler kay Helios nang dumaan siya sa hall. Nagpatuloy siyang maglakad papuntang study na kalmado ang ekspresyon, kumatok siya, at pumasok. “Dad, hanap mo raw ako?”Binaba ni Yael ang dyaryo ay tinanggal ang salimin niya. “Ikaw ba ang nagsabi kay Nolan na kalabanin ang mga Hannigan?”Kalmado lang ang ekspresyon ni Helios. “Gusto niyo ba talaga ni lolo na pakasalan ko ang anak ni Nathaniel?”“Lagpas ka na ng 30 ngayon, at wala ka ng masyadong oras.” Kinuha ni Yael ang kape at uminom. “Nang pinilit mong pumasok sa entertainment industry, pinayagan ka namin ng lolo mo. Pag-isipan mo na dapat ang pagpapakasal.”“Pwede ko yun pag-isipan” Lumapit si Helios sa mesa at nilagay ang palad niya doon, “Pero hindi kay Maizie.”Naningkit si Yael. Hi
Hinila ni Ryleigh ang kamay ni Maisie at lumapit sa mesa. "Asawa siya ni Nolan Goldmann!"Nagulat ang dalawang babae.Dinala ng server ang pagkain habang pinapakilala ni Ryleigh Maisie sa dalawang babae. Si Jenny Weiner ang babaeng mukhang matapang na mayroong dreadlocks sa kaniyang leopard-printed na jacket.Hindi bagay ang pangalan ni Jenny sa pagkatao niya. Ang tatay niya na si Jack Foxx ay isang kilalang tao sa Royal Law Firm.Ang babae naman na balingkinitan ay si Barbara Chase. Ang mga Chase, katulad ng mga Boucher, ay nasa politika. Isang retired na lower-level official si Mr. Chase na dating nagtatrabaho sa tatay ni Helios.Walang nakakaalam sa background ni Jenny at Barbara maliban kay Ryleigh.Ngumiti si Maisie. "Nakakaaliw ang buhay niyo."Kumuha ng ilang pagkain si Barbara. "Ikaw 'tong may nakakaaliw na buhay. Nagulat kaming dalawa ni Jenny."Tumingin si Jenny sa kaniya. "Halos nasa kamay mo na ang Passion Jewelry. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang lalaki na
Sumandal si Maisie kay Nolan habang nakapulupot ang braso niya sa kaniyang leeg. "Sinusubukan na kitang pasayahin ngayon."Kinagat ni Nolan ang gilid ng labi ni Maisie at tinanggal ang butones ng kaniyang damit gamit ang isa niyang kamay. "Hindi masyadong taos-puso."Hinubad ni Maisie ang damit ni Nolan. "Mababaw na lalaking nagseselos kasi nag dinner ako kasama ang mga kaibigan ko."Binuhat siya ni Nolan, humakbang, at ibinaba siya sa higaan. "Kinakahiya mo ba ako?"Nawala siya bigla sa katinuan. "Hindi…""Ayaw mo ako ipakita sa mundo?"Napatigil si Maisie, diretsong nakatingin sa malamig at malalim niya na mga mata. Napansin niyang sa oras na yun ay bumalik na ang pre-memory loss ni Nolan.Binawi ni Nolan ang kamay niya at tumayo nang maayos. "Gusto mo talagang ilihim lang ang relasyon natin?"Hindi dahil sa hindi niya iniisip—may pakialam siya. Parang hindi alam ng mga tao ang tungkol sa kasal nila. Siya ang lalaki sa likod ni Maisie.Nadurog ang puso ni Maisie, at
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging