Mahina itong sumagot, "Ikaw yun. Ikaw ang nag utos sa amin na gawin yon!""Hindi! Hindi ako yun! Hindi ko yun ginawa! Nagsisinungaling ka!"Napakunot ang noo Titus sa naging reaksyon ni Rowena. Nagduda siya kay Rowena at kaunting nandilim ang mukha niya.Nang makita ang reaksyon ni Titus, hinawakan ni Rowena ang braso nito at nagpatuloy. "Huwag ka maniwala ka sa kaniya, lolo! Nagsisinungaling siya! Mahal na mahal ko si Nolan, kaya paano ko siya magagawang saktan?"Malamig na sumingit si Nolan, "Kung hindi ikaw, edi sino?"Napahawak si Rowena sa dibdib niya habang namumula ang mata habang nagpapaliwanag, "Nolan, alam kong alam mo kung gaano kita kamahal. Kung may sasaktan man ako, hindi ikaw yun! Baka ang mga de Arma ang may gawa nito!"Matapos non, hinampas niya ang higaan at sumigaw, "Sino ka? Bakit ka nagsisinungaling, at bakit mo ko binabaliktad?"Agad siyang hinila ni Quincy. Galit at kinabahan si Rowena ngayon, pero nagpapanggap siyang naakusahan lang sa masamang ga
Nang sinabi sa kaniya ni Nolan na mayroong plano, akala niya ay ibubunyag na nito ang mga ginawa ni Rowena sa harap ni Titus. Pero, may nakita na pala itong tauhan ni Rowena at gumawa lang ng palabas?Ngumisi si Quincy at sumagot, "Ms. Vanderbilt, hindi naman kami ang mismong gumawa ng palabas. Mayroon talagang nang-ambush sa amin ni Mr. Goldmann habang pauwi kami. Umuulan nun, at madulas ang kalsada. Kung hindi dahil sa galing kong magmaneho, kami ang nasa ospital ngayon. Hindi naman sila sobrang na-injure, kaya dinala namin sila sa police station. Pagkatapos, napagdesisyonan namin ni Mr. Goldmann na sumabay sa agos at humanap ng gaganap sa palabas.”"Talaga ba?" tumingin si Maisie kay Nolan. "Pero tauhan talaga yun ni Rowena?"'Hindi ba't mahal ni Rowena si Nolan? Bakit niya gagawin yun?'Nakangiti si Nolan habang nakatingin kay Maisie at sumagot, "Umamin na yung mga taong nasa police station. Inutusan silang ituro ang mga de Arma para sisihin."Naalala ni Maisie kung paano
Ang init na hatid ng abs ni Nolan ang nagpapula ng pisngi ni Maisie."Patuyuin mo muna buhok mo."Ngumiti si Nolan. "Matutuyo rin yan mamaya."Binaba ni Nolan ang ulo niya para halikan ang labi ni Maisie. Dumulas ang sleeping gown ni Maisie sa kaniyang katawan nang ipulupot niya ang braso niya sa leeg ni Nolan. Parehas silang humiga sa kama, at isa na naman itong mahaba at mainit na gabi.Humina na rin ang patak ng ulan sa labas, at ang mga patak nito ay unti-unting dumudulas sa bintana.Kinaumagahan, makikita na ang liwanag sa hiwa ng kurtina at umabot ito sa higaan.Nagising si Maisie dahil sa kaniyang phone.Kinapa niya ang higaan para hanapin ang phone niya. Nang makita niya ito, sinagot niya ang tawag at sinabing, "Yes!""Ako 'to."‘Huh?’Bumangon si Maisie at tiningnan kung sino ang tumawag. Isang unknown number, pero kilala niya kung sino 'yun. "Anong maitutulong ko sayo, Mr. Lucas?""Gusto ka makita ni lolo. 8:00 am sa SS Restaurant," sabi ni Louis.Sand
Binaba ni Maisie ang tingin niya at sinabing, "Kahit na muntik na mamatay ang great-grandfather ni Nolan sa kamay ng tatay ninyo, nakaganti na kayo gamit ang nanay niya, hindi ba? Wala na silang utang sa inyo, kaya bakit hindi niyo na lang kalimutan lahat?"Wala namang nagawang mabuti ang dalawang pagkakamali nila. Bakit kailangan ipasa sa ibang henerasyon ang galit nila?Nagdilim ang mukha ni Hernandez. "Wala na silang utang sa akin?"Seryoso ang mukha nito at kalmadong sinabi, "Hindi ko sila mapapatawad. Isa pa, hindi mo naman alam kung ano ang ginawa nila sa atin nang taong yun."Walang sinabi si Maisie. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang kamay na nasa hita niya.Sa sandaling iyon, tumalikod si Hernandez at inangat ang pants niya. Hindi malakas na binti ang nakita ni Maisie. Sa halip, isang prosthetic leg.Natulala si Maisie."Kita mo na? Pinutol ni Patrick ang binti ko para pilitin ang tatay ko na umalis sa government," sabi ni Hernandez, puno ng galit ang boses niya
Isa mang babala o banta ang mga sinabi ni Hernandez, hindi 'yun sapat para matakot si Maisie.Nakangiti niyang sinabi, "Huwag ka mag-alala, Sir Hernandez. Kahit maging kaaway pa ni Nolan ang buong mundo, hindi ako kasali dun."Ayaw ni Maisie manatili para kumain, kaya naman nagpaalam na siya sa dalawa at lumabas ng restaurant, nang makasalubong niya si Rowena at Titus.Parang walang pakialam si Rowena sa nangyari kagabi at malamig na nakatingin kay Maisie habang nakangising. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, Ms. Vanderbilt. May kinita ka ba rito para kumain?"Napatikom ang labi ni Maisie at ngumiti. "Oo, tapos na akong kumain, kaya mauuna na kong umalis."'Nandito si Titus, kaya hindi ko kayang depensahan ang sarili ko kapag lumabas si Louis at Hernandez at paniguradong palalakihin yun ni Rowena.'Magalang siyang tumango kay Titus at aalis na sana, pero hinawakan ni Rowena ang braso niya. "Bakit naman nagmamadali umalis? Nandito kami ni Lolo para mag-brunch. Bilang gr
"Sige." Itinaas ni Titus ang kamay niya para patigilin si Maisie sa pagpapaliwanag nito habang madilim ang mga mata niya. "Tandaan mo lang ang sinabi mo."Tumalikod na si Tutus at pumasok sa restaurant.Nang makita ni Rowena ang panlulumo sa mga mata ni Maisie, masaya niya itong nilapitan. "Maisie, pabor pa rin sa akin si Lolo, kaya naman huwag mo na sayangin ang oras mo."Tiningnan siya ni Maisie at tumawa. "Yeah, Ms. Summers. Gumagawa ka lagi ng hindi pagkakasundo para mahalin ka lalo ni lolo. Dahil gusto mo naman manatili sa nga Goldmann, bakit hindi mo gawing Rowena Goldmann 'yang pangalan mo para maging magkapatid kayo ni Nolan?"Nagbago ang ekspresyon ni Rowena, nagngitngit siya ng ngipin. "Maisie Vanderbilt, huwag ka masiyadong makampante."Binangga niya ang balikat ni Maisie at agad na sumunod kay Titus.Lumabas si Maisie sa SS Tower at nakita si Cherie na nakaupo na sa sasakyan, hinihintay siya. Pumasok siya roon at malakas na isinara ang pinto.Nakita ni Cherie
Alam ni Maisie na kapag nagpatuloy ito, ang kislap ng pagnanasa sa loob ni Nolan ay magiging isang malaking sunog.Kahit na wala namang tao sa kumpanya, hindi siya sigurado sa kung kailan darating si Kennedy, kaya agad niyang iniba ang usapan. "Nga pala, nahanap niyo na ba kung sino ang pino-protektahan nung lalaki?"Itinaas ni Nolan ang ulo niya, naging madilim ang mata nito at sinabing, "Galing sa training camp.""Sa training camp, posible kayang…""Kilala mo ang taong yun." Ibinaba ni Nolan ang ulo niya at hinalikan ang leeg ni Maisie.Inilagay ni Maisie ang kamay niya sa balikat ni Maisie at hindi niya mapigilan humigpit ang hawak doon. "Kaparehas ba ni Cherie at ng iba pa yung rank ng taong yun— Mmmh.""Huh?" Huminto si Nolan sa ginagawa niya na patang sinasadya niya ito at tumingin sa namumulang pisngi ni Maisie.Kinagat ni Maisie ang labi niya, nahihiyang umiwas ng tingin, at sinabing, "Pwede bang sumagot ka nang maayos!?"Ngumisi siya. "Huwag ka masyado maingay
Bumukas ang ilaw sa loob ng kwarto.Naningkit ang mata ng lalaki at maiging tumingin kay Quincy, na pumasok na may dalang laptop."Wala… wala kayong mapapala sa akin." Kahit na mamamatay na siya sa gutom, tinutupad niya pa rin ang pangako niya.Sumagot si Quincy, "Hindi ako pumunta rito para makakuha ng impormasyon sayo."Nagulat ang lalaki, pero hindi na siya nagsalita sa sobrang pagod.Humila ng upuan si Quincy, umupo roon, at nilapag ang dala niyang mineral water. "Hindi na mahalaga kung magbibigay ka ng impormasyon. Sa huli, may iba pa namang magsasalita kahit na wala kang maibibigay sa amin."Tiningnan ng lalaki ang bote ng tubig, at lalo pa siyang namutla. Pakiramdam niya ay isa siyang isda na mamamatay na sa uhaw sa isang disyerto. Sa sobrang tindi ng kagustuhan niyang makuha ang bote ng tubig, sumasakit na ang lalamunan niya kapag lumulunok siya ng laway.Binuksan ni Quincy ang laptop at itinapat ang screen sa lalaki. "Iniisip ko kung kasing tigas mo rin ang tao n