“Huh?”“Sinabi sa akin ni Dylan na hindi plano ng landlord na iparenta ang lugar kay Nick para mapagpatuloy nito ang martial arts training center doon. Sinabi niya sa akin na nagmakaawa si Nick sa landlord para pumayag ito na rentahan ang lugar pero hindi sinabi sa akin ni Dylan na may deadline ang rental contract na binigay sa kanila ng landlord.”Pinag-isipan ‘yon ni Cameron. “Pero sinabi ng landlord na epektibo lang ang lease para sa 15 years at may 5 years pang natitira. Ibig sabihin na kahit ano pa ang gawing gulo ng training center, matatapos pa rin ang rental contract.”Nag-iwas ng tingin si Wayns mula sa kaniya at mahigpit niyang kinagat ang labi niya at hindi nagsalita.Binalot ni Cameron ang braso niya sa leeg ni Waylon at nilapit ang mukha niya rito. “Hindi umayon ang sinabi ni Dylan sa sinabi ng landlord pero sa tingin ko ay hindi magsisinungaling si Dylan tungkol sa training center.“Bukod pa doon, masayang pinakita sa amin ng landlord ang store at bukod pa doon bago
Paalis na si Cameron sa office nang bigla siyang pinahinto ni Nick. “Saglit lang.”Tumalikod si Cameron at ngumisi. “Napag-isipan mo ba ba? Lilipat ka na?”Binaba ni Nick ang glass sa kamay niya. “Nagtataka ako. Bakit ba gusto mong tulungan ako?”Nagulat nang ilang sandali si Cameron at kalmado siyang sumagot, “Siguro dahil kaibigan na ang turing ko sayo.”Napahinto nang ilang sandali si Nick. “Kaibigan?”“Tama ka. Ikaw, Nick Wickam ay kaibigan ko na. At dahil kaibigan na ang turing ko sayo, natural lang na tulungan kita.”Matapos iyon sabihin, umalis na ng opisina si Cameron.Yumuko si Nick at ngumiti.‘Kaibigan? Ang sarap naman pakinggan ‘yon.’Sa kabilang banda ng lugar…Nakatingin sila Chadwick at Sapphire sa babaeng pula ang buhok habang binibigay nito ang ilang pera sa kanila tapos nagpalitan sila ng tingin. Sa katunayan, nagulat sila sa ginagawa ng babae. “Kunin niyo na. Hindi ko na kayo guguluhin sa susunod, at ito ang pera na ibabalik ko sa inyo.” Inabot ng babaeng
“Pero imposible ‘yan. Isang treasured venture sa kaniya itong martial arts training center!’“Hindi tayo magsasara.” Hindi nagmamadaling sinabi ni Nick, “Pero lilipat tayo.”“Lipat… Lilipat?” Nagulat si Dylan. Tumango si Nick, tumalikod siya para tingnan ang mga trabahador at ngumiti. “Oras na para mag move on tayo at lumipat sa ibang lugar.”“Dahil ba nagreklamo ang mga taong iyon tungkol sa atin? Pero saan naman tayo lilipat? Isang dekada na tayong nandito, tapos ngayon lilipat tayo ng wala man lang kahit anong plano para sa future. At saka, kung talagang aalis tayo sa lugar na ito, makakaya ba nating maghanap ng ibang location na mas maganda sa pwesto natin ngayon?” Hindi nagtagal ay nasampal si Dylan sa mukha ng mga sinabi niya nang makarating sila sa entrance ng bagong store at tumingin sa three-story building na nasa harap nila. Hindi lang iyon mas malaki sa dati nilang training center pero meron pa itong tatlong palapag!“Holy crap, boss! Ang laki ng lugar na ito.” “
‘Hindi ko talaga sila pinagbantaan. Paano ko naman iyon magagawa?’Wala ng sinabi na kahit na ano si Nick. Isang linggo ang nakalipas, opisyal ng inilipat ang training center sa bago nitong lokasyon. Maliban sa private space ni Nick sa third floor, na-furnish na ang first at second floor at handa ng magbukas para sa business. Sa araw na iyon, parehong sinama nila Conroy ta Harold ang kanilang mga tauhan para tumulong sa center. Nagdala rin sila ng ilang gift baskets at flowers at nilagay iyon sa reception counter para i-celebrate ang opening ng training center. Nagsindi rin sila ng mga firecrackers kaya mas naging maganda ang opening ceremony. Patuloy na pinapaalalahanan ni Conroy ang mga tauhan niyang gumalaw at tumulong, sobrang seryoso niyang tingnan. Habang nakatingin sa mga taong naghahakot ng mga gamit papasok, pati ang mga personnel na busy sa store, hindi napigilan ni Cameron na maging masaya sa kung paano ang takbo ng kanilang paglipat.Bigla siyang napatingin sa kot
Nang makita na biglang naging matulungin si Cameron, tinaas ni Waylon ang kilay niya. “Anong meron sayo ngayong araw?”Nilagay ni Cameron ang soup sa harap niya. “Dinner lang ‘yan. Wala namang nangyayari?”Ngumiti si Waylon at tinikman ang soup. “Medyo maalat.”“Maalat?” Tumayo si Cameron. “Uulitin ko na lang.”Hinawakan ni Waylon ang kamay niya at tumingin sa kaniya. “Nagbibiro lang ako. Tikman mo. Hindi naman maalat.”Hindi nagsalita si Cameron.Hinila siya ni Waylon papunta sa maniyang hita at hinaplos ang kaniyang pisngi. “Hindi mo naman kailangan ipilit ang sarili mong gawin ang bagay na hindi kung saan hindi ka naman magaling. Hindi naman kailangan magaling magluto ang asawa ko.”Niyakap siya ni Cameron at nilubog niya ang kaniyang ulo sa leeg ni Waylon.Napahinto si Waylon at hinawakan ang buhok ni Cameron. “Anong problema?”Mahina ang boses ni Cameron na nagsalita, “Ikaw ang nakakita ng store, ‘di ba? Sinungaling.”Nanahimik si Waylon. Hindi niya inamin pero hindi rin
Masaya si Cameron na marinig na maayos ang kalagayan ng kaniyang dad. Niyakap niya si Mahina at sinamahan niya ito sa guest area. “Bakit hindi ka tumawag sa akin para sunduin ka?”“Masyado naman yang hassle. Sinabi mo naman sa akin ang address kaya pumunta na lang ako pero hindi ko alam na lumipat na pala kayo. Buti na lang hindi naman masyadong malayo.”Habang naglalakad sila papunta sa rest area, nakasalubong nila si Dylan na kasama ang ilang estudyante. Nang makita nila na may kasama si Cameron na babae sa rest area, nagulat sila. “Cam, sino ito?” “Oh, ito ang best friend ko sa East Island, siya si Mahina. Sabay kaming lumaki, at halos isa na rin siyang Southern.”Magalang na tumango si Mahina sa kanila. “Hello.”Tahimik lang si Mahina at mahinhin. Maganda rin siya at palakaibigan. Namula ang mga lalaki at naging mabait din sila. “Hello, Mahina.”“Alright, mag-uusap muna kami. Tumakbo na kayo.” Kinaway ni Cameron ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad pupunta sa rest ar
Si Leah at ang dalawa niyang kaibigan ay nasa mall para mag shopping, tumitingin sila sa mga luxury goods. Nang pumunta sila sa shop para sa luxury clothes, nakita niya si Zephir, at isa mg kaibigan niya ang nagtanong, “Oh, ‘di ba si Mr. Gosling ‘yon? Bakit nasa store siya na para sa babae?”Lumapit si Leah. “Bakit ka nandito?”Napahinto si Zephir, tumingin siya kay Leah pero hindi siya sumagot. Lumabas ang babae sa dressing room. “Zeph, maganda ba ‘to?” Nagulat si Leah nang makita niya ang isang babae. Sobrang kahawig nito si Daisie sa height at mukha. Nasaktan ang puso ni Leah pero hindi niya iyon pinakita. “Ito si…”Hindi sumagot si Zephir pero humawak ang babae sa kaniyang braso at ngumiti. “Ako ang girlfriend. Roxy Van Damme ang pangalan ko.” Daisie, Roxy, at Zeph.May naalala si Leah at natawa na lang siya sa sarili niya. Matagal ng naghahanap si Zephir ng ipapalit kay Daisie. Kinuha ni Zephir ang damit na hawak ng babae. “Bayaran na natin ito.”Ngumiti si Roxy. “
Isang inuman lang ni Leah ang laman ng glass at naglagay ulit siya ng bago.Gustong sumayaw ng dalawa niyang kaibigan at sinubukan nilang yayain si Leah pero tumanggi ito. “Hindi, kayo na lang.”“Hintayin mo na lang kami dito.” Pumunta na sila sa dance floor.Ininom ni Leah ang lahat ng beer sa bar top at nag-order pa siya ng ilang bote, at patuloy na uminom para wala na siyang maramdaman. Pero, kahit pa gaano pa karami ang kaniyang inumin, naiisip pa rin niya si Zephir. Masakit ang puso niya. Nahirapan si Leah na pumunta sa ladies’ room at nagsuka siya nang makarating siya sa banyo. Tapos umiyak na siya nang umiyak. Ilang sandali siyang nanatili doon bago lumabas kahit sira na ang kaniyang makeup. Pinilit niya ang kaniyang sarili na makabalik sa kaniyang upuan nang may bigla siyang nakasalubong na dalawang lalaking lasing, natumba siya sa sahig.Sobrang nahihilo na siya at hindi na niya kayang tumayo.Tumingin ang dalawang lalaki sa kaniya, napansin nilang lasing siya, kaya
Tumigil si Cameron sa panggugulo kay Waylon.Umupo siya nang maayos at ibinigay ang kaniyang balikat para sandalan ni Waylon dahil hindi mahimbing ang tulog nito.Nang makarating sila sa villa, gigisingin na sana ng driver at ng bodyguard si Waylon pero agad silang pinatihim ni Cameron gamit ang daliri sa kaniyang labi.Hindi na ginising ng driver at ng bodyguard si Waylon sa huli.Nanatili si Cameron sa kaniya sa sasakyan, at walang nakakaalam bago nagising si Waylon at nakita na nakatulog na rin si Cameron habang nakatigilid ang ulo.Nagising si Cameron nang hahawakan na siya ni Waylon. “Akala ko hanggang gabi ka na matutulog.”Ngumiti si Waylon. “Bakit hindi mo ako ginising?”Hinaplos ni Cameron ang nangangalay niyang balikat. “Ayaw kitang guluhin.”Naunang lumabas si Waylon sa sasakyan.Agad na binuhat ni Waylon si Cameron nang lumabas itl at dinala papasok sa bahay.“Willy, ginawan kita ng Eurasian food…” Sa hindi inaasahan, nandoon si Evelyn sa villa at ginamit ang kusi
Yumuko si Waylon at marami ang sumasagi sa kaniyang isipan.Nagsalin si Louis ng tsaa. “Normal lang ‘yon sa tao kapag tumatanda. Natural lang na humina ang katawan nila habang tumatagal.”Tumayo si Waylon. “Dadalhin ko si Cameron sa taas para ipakilala siya.”Tumango si Louis.Nang makarating sila sa kwarto ni Hernandez at binuksan ang pinto, nakita nila si Hernandez na nakasandal sa kama at nagbabasa ng dyaryo habang may band-aid sa likod ng kamay na para bang katatapos ng kaniyang IV Injection.“Lolo, nandito si Wayne para bisitahin ka.” lumapit si Louis sa kama.Inangat ni Hernandez ang ulo niya at isinara ang dyaryo at hindi kasing lakas noon ang boses niya ngayon. “Wayne.”Umupo si Waylon sa kama. “Great-grandpa, dinala ko ang great-granddaughter-in-law niyo para makita ka.”Tumango si Hernandez. “Alam ko na nag asawa na kayong tatlo at bumuo ng sarili niyong pamilya. Masaya ako sa balitang ‘yon. Pero, sa tingin ko ay hindi na ako makakadalo sa wedding ceremony at banquet
Tahimik na sinimsim ni Cameron ang tsaa niya na para bang wala siyang kinalaman doon pero naririnig na nadudurog ang puso ng babae.Seryosong sumagot si Waylon, “Hindi ako magbibito tungkol sa kasal ko, kaya syempre, seryoso ako ngayon.”“Pero… Pero sinabi mo na hindi ka agad ikakasal at imposible na makita mo pa si Mrs. Right!”‘Sinabi niya ‘yon sa akin bago siya umalis.’Nang oras na yon, umamin si Evelyn kay Waylon at niligawan ito pero tinanggihan siya ni Waylon. Kaya naman, tinanong niya ito tungkol sa babae na gusto niya.Sinabi nito na hindi pa dumarating ang babae na nagugustuhan niya at baka wala na siyang pagkakataon na makita pa ito.Matagal na siyang nahulog sa kaniya, at napaka manhid nito pagdating sa romantic na bagay at pare-pareho niyang trinato ang mga babae na nasa paligid niya.Pero inakala niya na may pagkakataon siya dahil iilan lang ang babae na nasa paligid nito at dahil kilala na niya si Waylon mula ng college. Kaya naman, basta walang ibang babae ang du
Gumalaw ang gilid ng labi ni Cameron. Sumandal siya sa upuan at hindi na nagsalita.‘Salamat sa Diyos at hindi ako nagising. Nakaiwas ako sa nakakahiyang pangyayari.”Nang dumating ang sasakyan sa villa, binuksan ng mga bodyguard ang pinto para sa kanila at sabay na lumabas si Waylon at Cameron sa sasakyan.Tumingin siya sa parang resort na villa sa harap niya na mayroon pang private na swimming pool.“Mr. Goldmann.”Isang matangkad na kayumanggi na lalaki ang lumabas sa villa at niyakap si Waylon habang nakangiti. “Bumalik ka na. Nasaan na ang batang ‘yon, si Morrison? Hindi mo ba siya kasamang bumalik?”Tinapik siya si Waylon sa balikat. “Hindi pa siya gaanong nagsasaya sa Zlokova kaya ayaw pa niyang bumalik.”Tiningnan ng lalaki si Camera. “Ito ba ang…”Pinakilala ni Waylon si Cameron sa kaniya, “Siya ang misis ko.”Nagulat ang lalaki. “Narinig ko kay Morrison na nakahanap ka ng babae pero hindi ako makapaniwala doon. Ikinasal ka na pala habang nasa Zlokova ka?”Dinala ni
Napagtanto ni Roxy ang lalaki na nasa harap ng grupo. “Hindi ba't siya ang lalaki sa cafe nung nakaraang araw?”“Oo.” Tumingin si Leah kay Roxy. “Kami na ng panahon na yon. Nagpanggap lang siya na hindi ako kilala para ibunyag ang coffee shower performance mo.” Nagbago agad ang ekspresyon ni Roxy.Binalot ni Morrison ang braso niya sa balikat ni Leah, agad na sumabay sa pagpapanggap. “Yo, kaibigan mo sila?”“Classmates.”“Oh, mga kaklase mo. Hey guys, kumusta kayo?” Binati ni Morrison ang lahat habang nakangiti.Sumagot ang nga classmates ni Leah sa pagbagi niya, mas masaya siyang trinato kumpara sa trato nila kay Roxy.Tiningnan ni Morrison si Zephir at Roxy. “Oh, pamilyar ang dalawang ito. Nakita ko na kayo noon.”Nagdilim ang paningin ni Zephir. “Oo.”Hindi nagsalita si Roxy sa takot na ilabas ni Morrison ang nangyari noong nakaraang araw pero ayaw niyang tanggapin ang pagkatalo at tinanong, “Mister, boyfriend ka ba talaga ni Ms. Younge?”Agad na nandiri ang ekspresyon ni
‘Di ba may gusto siya kay Zephir, sobrang gusto niya si Zephir at mamatay siya pag wala ito ‘di ba? Siguro ang tanga naman niya kung nahulog agad siya sa ibang tao kaya paano naman siya nagbago agad ng gusto?‘Siguro sobrang nahihiya siyang aminin, kaya nagbibigay na lang diya ng excuse para ibahin na lang ang usapan.’ “Sa tingin mo ba nagloloko ako?“Hindi naman ako ang tipo ng taong mahilig magbiro.” Nilabas ni Leah ang kaniyang phone, nag-scroll siya sa contact list, hinanap niya ang number, at nilagay ang phone sa kaniyang tainga. ‘Please sumagot ka! Bigyan mo naman ako ng konting respeto!”Matapos ang ilang sandali, may sumagot na ng tawag at inaantok na bumati. “Hello?” Pumunta sa gilid si Leah at nakangiti na sinabi, lumingon siya sa mga kaklase niya na may kakaibang ekspresyon. “Honey, kagigising mo lang ba?” Nang marinig ng nasa kabilang linya ang salitang “honey”, agad na nawala ang antok niya. Agad siyang tumayo, tiningnan ang ID caller sa screen, at nakita na isa
“Di ba sobrang close ang pamilya mo sa pamilya ni Zephir? Hindi mo talaga alam ang tungkol dito?”Hindi sumagot si Leah at nakatingin lang siya kala Roxy at Zephir na naglalakad palapit sa kanila. Nakita rin ni Roxy si Keab at agad na binalot ang kamay niya kay Zephir na para bang pinapakita niya na sa kaniya lang si Zephir. “Ms. Younge, what a coincidence.”Tiningnan ni Zephir si Leah pero wala siyang sinabi.“Yeah, what a coincidence.” Tumango lang si Leah bilang respeto. Kinuha niya ang wine glass niya at uminom na para bang ayaw niya ng makipag-usap pa kay Roxy. Ilan sa mga kaklase nila ang hindi napigilan na maramdaman na parang may kakaiba sa interaksyon nilang tatlo.Isa sa mga kaklase nila ang tumingin kay Zephir at tinanong, “Zephir, girlfriend mo ba siya?”Hindi sumagot si Zephir pero agad naman na sinagot ni Roxy ang tanong. “Oo, medyo matagal na rin kaming dating ni Zephir.”‘Zeph...’Kilala ng lahat ng kaklase nilang nandoon si Daisie Vanderbilt ng mga Goldmann,
Tumawa si Cameron at tinanong, “Pareho ba kayo ng school dati ni Ms. Younge?” “Oo, lahat kami pareho ng school.” Maayos na nilagay ni Waylon ng steak sa plato bago nilagay sa mesa. “Anong problema? Nagseselos ka ba sa kaniya? Kaklase ko lang naman siya.”“Hindi ako nagseselos. Nagtataka lang.”Lumabas ng kusina si Cameron at nilagay ang baso ng gatas sa mesa. Hinila niya ng upuan at umupo. “Hindi ko na nakausap ang mga kaklase ko. Parang ang dami niyo namang kaklase.”Umupo na si Waylon at tinanong, “Bakit?”Sabi ni Cameron, “Kasi military school ang pinasukan ko sa Southern Eurasia. Lahat ng kaklase ko ay lalaki. May kakilala ang dad ko sa school kaya binigyan nila ako ng dorm ba ako lang mag-isa.“Nang dumating ako dito, lahat sila ay walang tiwala sa akin at palihim nila akong binubully dahil akala nila isa akong masamang tao na may hindi magandang background. Hindi naman ako ang tipo ng taong hahayaan na ma-bully na lang ako, kaya gumanti ako sa kanila at binugbog ko silang
Nilapag ni Nolan ang hawak niya at sinabi, “Dad, linisin muna natin ang puntod ni mom. Tingnan mo itong mga tumutubong damo.”Tumango si Nicholas. Nagsuot siya ng gloves at nagsimulang maglinis ng mga dahon at damo sa paligid ng puntod. Tumulong din si Maisie sa kanila.Halos umabor sila ng kalahating oras para malinis ang mga dahon sa puntod. Naglagay ng bagong bouquet ng white roses si Nicholas sa puntod at basket ng prutas na paboritong kainin ni Natasha bago siya namatay.Nagdesisyon sila Nolan at Daisie na bigyan muna ng privacy si Nicholas kasama ang asawa niya. Lumabas silang dalawa sa sementeryo at tumingin sa paligid. “Laging si mom ang iniisip ni Dad sa mga nagdaang taon matapos niyang mamatay. Siguro mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.”Niyakap ni Nolan si Maisie. “May maganda silang relasyon sa naalala ko. Sabi pa nga ng grandfather ko, weakness ng dad ko si mom, at natalo siya sa isang babae tulad ng great-grandfather ko.”Tumawa si Maisie. “Well, kusa pa rin