Walang ekspresyon na nagkibit-balikat si Nollace, at halos mamatay na si Cecilia dahil sa kasiyahan ni Nollace. “Sobrang proud talaga ako sa sarili ko kasi ang taong makukulong ay hindi naman ako. At para sa ebidensya para ilagay ako dito, sobrang dali lang linisin ng pangalan ko. Nakadepende lang iyon kung gagawin ko ba o hindi.”Ngumisi si Cecilia at nag-igting ang kaniyang labi. “Huwag mo na lokohin ang sarili mo. Nollace Knowles, isa ka na lang down-and-out prince na makukulong sa kulungan, walang ibang makakatulong sayo kundi ako!”Sa oras na iyon, biglang binuksan ng officer ang pinto at pumasok. “Mr. Knowles, pwede ka ng lumabas ngayon.”Biglang nagbago ang ekspresyon ni Cecilia. “Paano ‘yan nangyari!?”‘Siya ang suspect na may pinakamalaking motive, bakit siya papakawalan?’Naningkit ang mata ni Nollace habang iniisip ang biglaang nangyari, narinig niya na nagpatuloy sa pagsasalita ang mga pulis. “Nagbigay ang asawa mo ng strong proof na hindi mo lalasunin si Clover Finlay
‘Kung gagalitin ko siya ulit, sa tingin ko hindi ko na siya masusuyo.’Nag-report si Edison, “Nakakita na ako ng clues. Nagmula rin sa north ang butler ng mga Taylor. Silang dalawa ni Bart Duval ay may parehong pinanggalingan.”Hinawakan ni Nollace ang baba niya at inisip niya ang impormasyon na nakuha nila. “Mula sa north, parang magandang clue ito. Magpadala ka ng tao sa north region para kumpirmhin itong impormasyon. Siya nga pala, ipakalat mo itong balita. Mabuti na malaman ito ng taong iyon.”Tumango si Edison. “Understood.” Nang umalis na si Edison, hinawakan ni Daisie si Nollace. “Nollace, may kinalaman sa mga Taylor ang pagkamatay ni Madam Ames, tama ba?”“Maaaring ganun nga, pero kailangan pa natin ng ebidensya.” Tiningnan ni Nollace si Daisie, tinitigan niya ito at hinawakan sa kamay. Matapos iyon, niyakap niya si Daisie at hinalikan ang ulo nito. “Huwag ka mag-alala. Malakas ang loob kong matatapos din natin itong sitwasyon na ito.”…Bumalik na si Cecilia mula sa pr
Hindi mapakali ang ekspresyon ni Lucius, pero malakas pa rin ang loob niya habang nagsasalita. “Walang kinalaman ang nangyaring iyon kay Cecilia. Ang suspek ang gumamit kay Cecilia. Sigurado akong walang gagawin na kahit na ano si Cecilia para saktan ang royal heir.”“Talaga?” kinuha ni Diana ang teacup mula sa saucer, nakatingin lang siya sa tea. “Kung ito ang sitwasyon, bakit ang anak ko na nag-iimbestiga ng pagkamatay ng housekeeper ay nasisi bilang suspek?” “Your Majesty, marahil lahat ng ginawa ng His Highness ay para ipaghiganti ang kaniyang asawa. Nakita na ng mga guard at pulis sa kulungan ang murderer, at nagpadala pa ang His Highness ng taong maghahanap sa murderer. Pero, napatay na ang murderer nang dumating sila. Nakakapagtaka talaga ang mga aksyon ng His Highness kung titingnan itong nangyari.”“Kung kahina-hinala si Nollace, bakit hindi kahina-hinala si Ms. Taylor?”Nag-iba ang ekspresyon ni Lucius.Tinaas ni Diana ang ulo niya, tinitigan niya si Lucius, at malinaw
Inimbita siya ng matandang lalaki na pumasok. Binigyan ng mainit na tsaa ng asawa ng matandang lalaki si Edison. Sinabi ng matanda sa babae na magpahinga muna siya saka nagtanong, “Anong gusto mong itanong?” “Binaril si Mr. Bart Duval kanina at namatay siya. Nandito ako para mag-imbestiga.”Narinig iyon ng lalaki at nagulat siya. “Ano? Patay na si Bart?”Tumango si Edison. “Narinig ko na kapit-bahay niyo siya dati, kaya gusto kong itanong kung may alam ka ba tungkol sa kaniya. May mga kamag-anak ba siya?”…Nagsimulang bumuhos ang ulan.Matapos ang ilang sandali, nagpaalam na si Edison sa matanda at pumunta na siya sa kaniyang sasakyan. Huminto siya dahil may napansin siyang hindi maganda.Ilang lalaking naka-itim ang lumapit kay Edison habang umuulan.…Nakabukas pa rin ang ilaw sa study sa Taylor Manor. Nakatayo si Lucius sa harap ng bintana, malalim ang kaniyang iniisip. Nagsimulang mag-ring ang phone niya na nasa mesa, kinuha niya ito. May sinabi ang taong nasa kabila
Tumingin si Yorrick sa mga tao. “So, ayos lang ang anak ng asawa ng Kamahalan. Kaya bakit niya pa kailangan na gumanti?”Natahimik ang lahat ng minister. Kung totoo nga ‘yon, walang rason si Nollace na lasunin ang inmate dahil hindi nangyari ang plano niya at nakagawa pa ng panganib.Walang rason si Nollace para maghiganti.Tinigil ni Diana ang katahimikan at nagsalita, “Narinig niyo ‘yon. Kilala ko ang anak ko. Kung gusto ko siyang pagtakpan, bakit ko hahayaan na imbestigahan siya ng mga pulis? Inakusahan ang anak at daughter-in-law ko. Hindi ba dapat ako magsalita?”“Mahalaga ang mga bagay sa bansa pati rin ang bagay tungkol sa pamilya. Kung hindi ko kayang protektahan ang pamilya ko, paano ko pamumunuan ang bansa? Naiipit ako sa lahat ng bahagi. Dapat bang iwan ko ang trono na ito at hayaan kayo na makuha ito?”“Kamahalan, hindi ‘yan ang ibig kong sabihin—”“Hindi ‘yon ang ibig niyong sabihin? Marami kang natanggap na benepisyo mula sa Taylor at sinusubukan niyong kunin ang ka
“Malakas ang ulan kaya hindi ko gaano nakita. Pero base sa galaw nila, sa tingin ko ay mga mersenaryo. Wala silang pakialam sa kaligtasan nila.”Tiningnan ni Nollace ang direksyon ng kwarto at pagkatapos ng ilang sandali, sinabi niya, “Manatili ka rito at bantayan mo siya.”“Yes, Your Highness.”Umalis si Nollace sa hospital, pumasok siya sa sasakyan at hinampas ang steering wheel. Lumabas ang ugat sa likod ng kamay niya. Pero, makakasiguro na siya ngayon.Lahat ng ito ay may kinalaman sa mga Taylor.Ngayong nasa coma si Edison at wala silang ebidensya, walang mahuhuli ang mga pulis para tanungin.Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay habang may ilaw na nagliwanag sa pagitan ng mga daliri niya.…Pagkalipas ng ilang araw, may isang voice recording na inilabas ang anonymous hacker. Ang ‘dealings’ sa pagitan ng Home Minister at ni Lucius ay nailabas at gumulat sa mundo.Kahit na gumastos sila ng malaking pera para pagtakpan ‘yon, nag-print ang mga magazine n
Hindi nagsalita ang minister dahil alam niya…Pero, bago pa ito matapos, nakapasok ang hacker sa security system ng cabinet at nagdulot ng system failure. ‘Ikaw ang sunod’ ang makikita sa kanilang website.Naging alerto ang lahat sa misteryosong hacker, at hindi nagtagal, lumabas ang balita na nakikipagtrabaho ang mga cabinet members sa mga pulis.Akala nila ay sapat na ang paglaglag ng isang tao pero naglabas ulit ang hacker ng isa pang cabinet member pagkatapos nang dalawang araw.Mukhang nakatuon ito sa mga cabinet pero inilalabas talaga nito ang kasunduan sa pagitan ng minister at ng Taylor.Sa cruise, sa isang kwarto…Isinara ni Colton ang laptop at tiningnan si Nollace. “Sa tingin mo ba maaapektuhan nito ang matandang lalaking ‘yon?”Nakatitig si Nollace sa screen habang ang daliri niya ay lumilibot sa bawat key ng keyboard. “Kung hindi, aakuin ng mga minister ang pagbagsak pata sa kaniya. Magiging pain lang lahat na iiwan niya. Kailangan natin gumawa ng ingay at gipitin s
Pagkatapos ng ilang sandali, hindi pinansin ni Cecilia ang sakit ng mukha niya at tinawagam ang mom niya. “Mom, anong nangyari? May nangyari ba kay Dad?”Hindi alam ni Bianca ang gagawin pero sinabi pa rin niya sa kaniyang anak.Nang malaman ni Cecelia ang totoo, makikita ang bakas ng takot sa mata niya. Kung ginawa talaga ng dad niya ang lahat ng bagay na ‘yon, ang pamilya nila… Hindi, hindi ‘yon pwedeng mangyari!Ang estado at kapangyarihan ng Taylor ang tanging mayroon siya. Anong mangyayari kapag nawala sa kaniya ang lahat ng ‘yon?Hindi pwedeng mawala sa kaniya ang lahat nang mayroon siya. Hindi niya kaya!Samantala, binisita ni Nollace si Edison kasama si Daisie.Hindi nagpapakita ng senyales nang pag gising si Edison. Sinabi ng doctor na malala ang natamo niya at himala na lang kapag gumising siya.Tumingin si Daisie kay Nollace na mukhang malungkot at hinawakan ang kaniyang kamay. “Huwag kang mag-alala. Magigising din siya.”Yumuko si Nollace at gumalaw ang labi niya. “