“Di ba panganganak lang naman ang alam mong gawin dito sa mundo? Sino ka para isipin na superior ka na sa pamilyang ito dahil lang nanganak ka, at bakit ko naman igugugol ang buhay ko sayo? Inaasahan mo pa na magiging alipin mo ako pag may sakit ka?” Masamang tiningnan ni Gina si Ronald. “Ronald George, mapupunta ka sa impyerno dahil dito!”Tinulak siya ni Ronald at natumba si Gina sa sahig. “Kailan ka pa naging judge ng buhay ko? Kahit mapunta ako sa impyerno o hindi, hindi iyon ang bagay na ikaw ang magdedesisyon. Kung ayaw mo ng ginagawa ko edi pirmahan mo na ngayon ang divorce agreement.”Matapos niya iyon sabihin, hinagis niya ang ilang dokumento kay Gina. “Pwede na maging sayo ang custody ng anak mo pero aalis ka sa bahay na ito ng walang hinihingi na kahit ano. Kung hindi, sisiguraduhin ko na wala ka talagang mapapala sa divorce na ito.”Sinara ni Ronald ang pinto at umalis.Walang ekspresyon na tiningnan ni Gina ang divorce agreement, wala siyang magawa at namumutla siya.
Ngumiti si Waylon. “Naging psychologist siya ni Gina bago mangyari ito kaya malaki ang tiwala ni Gina sa kaniya. Natural lang na hindi niya paghinalaan si Jessie.Naningkit ang mata ni Cameron. “Saglit ko lang naman siyang kinalaban tapos ayun na ang dahilan niya bakit niya ako target at galit na galit pa siya sa akin?”‘Hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman sobrang offensive ang sinabi ko sa kaniya, ‘di ba? Kaya, bakit siya gumagawa ng ganung bagay para masaktan ako?’Hinaplos ng daliri ni Waylon ang buhok ni Cameron. “Hindi ikaw ang target niya. Si Deedee ang target niya. Matagak ng may gusto ang babaeng iyon sa kapatid ko.”Nagulat si Cameron, at agad na nagdilim ang ekspresyon niya.‘May gusto pala si Jessie kay Coleman. Hindi na nakakapagtaka kaya masama ang naging reaksyon niya sa mga sinasabi ko. Mukhang may pagsisisi siyang nararamdaman.’Habang nag-iisip, bigla niyang sinabi, “Wala akong pakialam na sobrang magkamukha kayong magkapatid pero ang dami niyo ring nakukuh
Kinagat ni Gina ang labi niya at nagdesisyon na panoorin ang video.Nilagay ni Leonardo ang phone sa mesa, kinuha iyon ni Gina, pinindot ang video, nanigas ang buong katawan niya nang magsimula ang video. Sobrang gulat ang ekspresyon niya. “Paano nangyari…”Tiningnan niya ang buong clip ng ilang beses habang namumutla ang mukha niya, nagsimulang manginig ang kamay niya.‘Si Jessie pala ang babaeng tinatago sa akin ni Ronald!’Hindi makapaniwala na bumubulong si Gina, “Paano nangyari… paanong naging siya…”‘Si Jessie ang taong pinagkakatiwalaan ko. Kung wala ang mga treatment niya dati baka hindi ko na-survive ang mga madidilim kong araw noon.’ Isang tagapagligtas ang tingin ni Gina kay Jessie. Pumapayag siya sa lahat ng request nito hangga't kaya niyang gawin pero ngayon na nalaman na niya na ang babaeng pinagpalit ng asawa niya sa kaniyang ay ang kaniyang bestfriend, sobrang nagulat siya sa balita, at sobra siyang nasaktan.“Mrs. George, matagal na akong nagtataka. May postpar
Kinuha ni Derrien ang cup ng coffee niya. “Nagtaksil ka sa asawa mo at sinaktan mo siya, lalo na't may severe depression din ang asawa mo. Kung gusto mo talagang mag appeal ng divorce sa korte, baka mas malaki pa ang mawala sayo.”Tumikhim si Ronald at kinuyom ang kamao niya. “Dahil ikaw ang legal representative ng b*tch, bakit mo ako tinutulungan?”Uminom ng kape si Derrien. “Actually, sinabi sa akin ni Ms. Blueman na tulungan kita.”Kumunot ang noo ni Ronald. “Anong relasyon mo kay Jessie?” “Huwag kang magalit.” ngumiti si Derrien. “Wala naman akong kinalaman kay Ms. Blueman pero dahil willing naman siyang tulungan ka sa pamamagitan ng mga koneksyon niya dito sa city, siguradong maraming trabaho ang madadagdag sa gagawin ko.”Si Ronald ang tipo ng lalaking may malinaw na pag-iisip, kaya agad niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Derrien, at mas naging madilim ang ekspresyon niya. “Kung ganyan ang sitwasyon, sinasabi mo na pag dinala ko ang problemang ito sa korte, mas malaki
Nagising si Cameron at naramdaman na may nakayakap sa kaniya mula sa likod.Huminga siya nang malalim, maingat na inalis ang kamay nito at mabagal na lumingon.Si Waylon nga!Nagising siya dahil sa galaw ni Cameron, hinila siya ni Waylon sa bisig nito at binaon ang mukha niya sa leeg ni Cameron. “Huwag kang gumalaw. Matulog ka.”Bumulong si Cameron, “Umayos ka.”Nasa kwarto na siya ni Deedee pero nandito pa rin si Waylon!Kumurba ang labi ni Waylon pero nakapikit pa rin ang mata niya. “Aayos ako kapag nandiyan ka.”Nakita na ni Cameron kung gaano “kakulit” ang lalaki na ‘to pero ayaw niya magising si Deedee.Huminga siya nang malalim at mahina ang boses na sinabing, “Bumalik ka na sa kwarto mo.”Hindi siya pwedeng makita ni Deedee!Dinilat ni Waylon ang mata niya at pinatong ang ulo niya sa kaniyang kamay. “Babalik ka ba kasama ako?”Nasamid si Cameron. Kung hindi dahil sa dilim, makikita ni Waylon kung gaano kapula ang mukha niya. “Asa ka!”Humigpit ang hawak sa kaniya ni
Yumuko si Freyja. “Wala ako gaanong alam pero alam ko na hindi niya talaga tinutulungan si Deedee.”Sinabi ni Cameron, “Hindi nga. Lumapit siya kay Deedee dahil gusto niyang gamitin si Deedee laban sa'yo.”Nagulat si Freyja. “Gamitin si Deedee laban sa akin?”“Oo, si Coleman ang target ni Jessie. Gusto niyang manipulahin si Deedee at utuin siya na saktan ang anak mo, iniisip niya na kapag nawala ang anak mo, mas mamahalin mo siya.”Tinikom ni Freyja ang labi niya.Nang maalala niya ang lahat ng usap-usapan na lumabas nang nakaraan at ang text, lahat ng ‘yon ay parang galing kay Jessie.Bumalik si Colton nang tanghali at nakita na nagdidilig si Freyja ng halaman sa hardin.Kumunot siya, lumapit sa kaniya at binalot ng jacket ang balikat ni Freyja. “Bakit ka nasa labas?”“Wala akong magawa kaya ginawa ko ‘to.” Binaba ni Freyja ang pandilig at humarap kay Colton. “Nga pala, uuwi na si Deedee mamayang gabi.”Nagulat siya at yumuko. “Hindi ba't mananatili siya sa Emperon?”Tinanon
Sa Blackgold…Pumikit si Colron sa couch nang kumatok si Leonardo. Mabagal niyang binuksan ang mata niya. “Pasok.”Binuksan niya ang pinto at pumasok. “Sir, hindi ka ba nakapagpahinga nang maayos kagabi?”Humalukipkip si Colton at sumandal ulit sa couch. Hindi sa hindi siya nakapag pahinga nang maayos—hindi talaga siya nagpahinga. “Anong na nangyayari sa lawyer na si Mr. Golding?”Sinabi ni Leonardo, “Hawak na ni Mr. Golding ang anak ni Mr. George. Nasa villa siya malayo sa bayan.”Tumango si Colton. “Sige.”Tiningnan siya ni Leonardo. “Hindi ka ba magpapahinga?”Hindi siya pwedeng magpahinga dahil gusto niyang parusahan ang mga George. Mahalaga pa ba ‘yon?Hinaplos ni Colton ang buto ng ilong niya at tinanong, “Ano bang gusto ng mga bata?”Nagulat si Leonardo. “Tinatanong mo ako?”Inangat ni Colton ang kilay niya. “May iba ka pa bang nakikita dito?”Kinamot ni Leonardo ang pisngi niya. “Wala akong anak. Paano ko malalaman ang gusto ng mga bata?” Napagtanto niya sino ang tin
Pero handa ba si Ronald na iwan ang lahat nang mayroon siya para sa anak niya? Hindi, hindi niya kaya.Kahit na wala na siyang anak, pwede siyang bigyan ni Jessie.Umalis si Ronald sa school at dumiretso kay Jessie. Nakaupo siya sa dresser niya habang may mask. Nang makita niya si Ronald, kumunot siya. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba natatakot na malaman ng asawa mo?”“Jessie.” Nakatayo siya sa likod nito at tumingin kay Jessie. “Kinuha si Amos.”Natigil si Jessie pagkatapos ay tinakpan niya ang kaniyang moisturizer. “May kumuha sa anak mo?”Kumunot si Ronald. “Hindi ikaw?”Alam ng tao na ‘yon ang pangalan ni Amos, phone number niya at ang pangalan ng asawa niya. Kakilala nila ito.Iniisip niya kung sino ang kukuha ng anak niya. Panigurado na hindi ang tangang babae na ‘yon. Susunduin niya ito mismo. Bukod sa kaniya, ang naiisip niya lang ay si Jessie.Nagulat si Jessie at mabagal na tumayo. “Ronny, anong gusto mong sabihin? Iniisip mo ba na ako ang kumuha sa kaniya?”Hinawakan
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio