Share

Kabanata 2180

Hindi tumanggi si Waylon sa sinabi niya. “Gising na ako mula nang pumasok ka.”

Nagulat si Cameron. “So, nagpapanggap ka lang na tulog mula kanina?”

Tumawa siya. “Kung hindi ako nagpanggap na tulog, paano ko malalaman kung ano ang gagawin mo?”

Galit na galit si Cameron at lumalabas na ang ugat niya sa noo. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ni Waylon. Huminga siya nang malalim, nilagay sa bewang ang kamay niya at sinabing, “Noong una, gusto kita bigyan ng shirt pero dahil pinaglaruan mo ako, sa tingin ko ay ayaw ko na bilhan ka ng damit.”

Inangat niya ang kaniyang kilay. “Ayaw ko rin naman na bilhan mo ako ng bagong damitm Pero dahil gusto mo…”

Bumaba siya sa kama at tumayo habang nakabukas ang mga bisig. “Sukatin mo na ang lahat ng gusto mo.”

Nagulat si Cameron. Nag-iwas siya ng tingin at sinabing, “Ayaw ko.”

Hinila ni Waylon ang kamay niya at bago pa man siya makabalik sa huwisyo niya, inilagay na niya ang braso niya sa bewang ni Waylon. Malapit siya kay Waylon at nagulat siy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status