Hindi tumanggi si Waylon sa sinabi niya. “Gising na ako mula nang pumasok ka.”Nagulat si Cameron. “So, nagpapanggap ka lang na tulog mula kanina?”Tumawa siya. “Kung hindi ako nagpanggap na tulog, paano ko malalaman kung ano ang gagawin mo?”Galit na galit si Cameron at lumalabas na ang ugat niya sa noo. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ni Waylon. Huminga siya nang malalim, nilagay sa bewang ang kamay niya at sinabing, “Noong una, gusto kita bigyan ng shirt pero dahil pinaglaruan mo ako, sa tingin ko ay ayaw ko na bilhan ka ng damit.”Inangat niya ang kaniyang kilay. “Ayaw ko rin naman na bilhan mo ako ng bagong damitm Pero dahil gusto mo…”Bumaba siya sa kama at tumayo habang nakabukas ang mga bisig. “Sukatin mo na ang lahat ng gusto mo.”Nagulat si Cameron. Nag-iwas siya ng tingin at sinabing, “Ayaw ko.”Hinila ni Waylon ang kamay niya at bago pa man siya makabalik sa huwisyo niya, inilagay na niya ang braso niya sa bewang ni Waylon. Malapit siya kay Waylon at nagulat siy
Lumingon si Donald sa kaniya. “May tao bang nagtatago kay Fabio?”Yumuko si Chunky. “Hindi ko alam kung kung nalaman na ba ni Fabio ang plano natin. Natanggal na sa radar lahat ng taong pinadala natin na magbabantay sa kaniya.”Pinikit ni Donald ang mata niya, at nag-iba ang ekspresyon niya. “Sobrang desperado na niya at naging tanga pa dahil plano niyang makipag trabaho sa Southern Clan.”Binuksan niya ang mata niya at tumingin kay Chunky. “Dahil pinili naman ni Fabio na hindi makisama, hindi natin kailangan na hayaan pang mabuhay siya. Ang pagkawala niya ang tanging paraan para tuluyan ko ng masakop ang lugar niya.Sumagot si Chunky, “Kung ganun ay ipapagawa ko na agad ito ngayon.”…Pumunta si Cameron sa The Commune nang tanghali, nagulat ang mga tao sa The Commune nang makita siyang nakasuot ng pambabae. Lalo na't, unang beses nilang nakita si Cameron na nakasuot ng pambabae.“Mr— Ms. Southern.”Hindi pa sanay ang lahat sa biglaang pagbabago ng kaniyang pagkakakilanlan.Tu
Sumigaw si Fabio. “F*ck!”Pinalibutan ng mga lalaking naka-itim ang kotse at may hawak na mga baril. “Fabio Puso, tapos na ang oras mo.”Nang mapansin na hindi sumagot si Fabio, isa sa kanila ang dahan-dahan na naglakad palapit sa kotse kung saan mabilis na tumakbo si Fabio paalis. Nagulat ang lalaki, mabilis siyang nag-react, isang malakas na baril ang narinig sa paligid pero hindi tumama ang bala.Nakuha ang baril ng lalaking naka-itim, nawalan siya ng balanse dahil malakas siyang sinipa ni Fabio at natumba siya sa sahig.Nang makita iyon ng ilang lalaki, agad nilang binaril si Fabio.Bumalik si Fabio sa tabi ng kotse para iwasan ang mga bala. Nasugat ang kamay niya dahil sa basag na salamin, lumabas ang dugo sa laman niyang nasugat. Doon bilang gumulong sa taas ng kotse ang lalaking naka-itim at pinadapa si Fabio.Nang babarilin na sana niya si Fabio, may biglang sumigaw, “Sh*t! May tao dito!”Biglang nawala sa focus ang lalaki at sinipa siya ni Fabio. Kinuha ni Fabio ang bar
Nawala sa sarili si Fabio at hindi matagal siyang hindi nakapagsalita.…Nang 7:00 p.m. na, bumalik na si Cameron. Nakaupo si Sunny sa sala habang umiinom ng tsaa, at tingnan ang taong pumasok sa bahay. “Saan ka nagpunta buong umaga?” Huminto si Cameron sa harap ng hagdan at sumagot, “Pumunta ako sa The Commune.” Naningkit ang mata ni Sunny at tiningnan si Cameron. “Bakit ka pumunta kaninang umaga sa kwarto ni Willy?” “Paano mo nalaman?”‘Mukhang hindi naman madaldal na tao si Wayne. Baka may nakakita sa akin na isa sa mga katulong.’Tumawa si Sunny. “Ikaw na isang dalaga ay talagang pumunta sa kwarto ng isang lalaki. Sabihin mo sa akin ang totoo, may pinaplano ka ba sa kaniya?” “Huwag mo ako pagbintangan, hindi ko yun ginawa.” “Edi anong ginawa mo sa kwarto niya?” “Sinusukat ko lang ang size niya.” Biglang nawala ang mahigpit na kapit ni Sunny sa teacup, at nalaglag ang lid sa mesa. Matapos ang ilang sandali, gulat siyang nagtatanong. “Ano… ang eksaktong bagay na
Kinuha ni Waylon ang bathrobe niya sa cabinet, dahan-dahan na sinuot iyon at ngumiti. “Mr. Southern, pangalawang beses mo na itong pagpasok sa kwarto ko.” Nagsinungaling si Cameron habang may seryosong ekspresyon, “Kumatok ako sa pinto pero hindi ka sumagot.” Sinuot ni Waylon ang belt niya. “Baka hindi nga ako nakasagot pero pumasok ka na lang agad?” May naisip si Cameron, tinaas niya ang ulo niya at tumingin kay Waylon. “Parang bahay ko ito. Kahit na pumasok ako sa kwarto mo, wala kang karapatan na magsabi ng kahit ano tungkol doon. At saka, kahit na makita kitang nakahubad, wala namang mawawala sayo.”Biglang napahinto si Waylon, tinaas niya ang tingin niya at agad na tumawa. “Gusto mo talaga akong makita na nakahubad?” “Hindi, ayoko ko.” “Kaninang umaga nga hinawakan mo ang buong katawan ko, at ngayon gusto mo naman akong makita na nakahubad. Kahit anong isipin ko, parang ang dami ng nawala sa akin.” “Tama na ang kalokohan—”“Willy.” Maririnig ang boses ni Sunny sa lab
Matalino naman si Cameron pero minsan ay naguguluhan din siya. Pero, pag dating sa file-and-death situations, lagi siyang kalmado at seryosong tao pero parang mabilis siyang nawawala sa sarili niya pag nasa harap niya si Waylon. Inunat ni Waylon ang kamay niya, gamit ang daliri niya ay inipit sa tainga ang mga hibla ng buhok ni Cameron na nakatakip sa mukha niya, bahagyang naningkit ang mata niya. “Buti ka pa, ang himbing na ng tulog.”…May araw na suminag sa bintana, mula sa mga gap ng kurtina, at direktang tumapat a couch. Dahan-dahang binuksan ni Cameron ang mata niya, may naalala siya at mabilis na tumayo. Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa kaniya, tumingin siya sa paligid at biglang naalala ang dahilan ng pagbisita niya kay Waylon kagabi. Halata naman na hindi lang sa nakatulog siya sa kwarto ni Waylon kundi nakalimutan niya ri ang dapat niyang sabihin dito. Lumapit si Cameron sa pinto at binuksan iyon, at doon nakita niya ang dalawang katulong na dumaan at gulat na
Nanatili silang dalawa sa private room hanggang tanghali bago sila umalis. Hinatid na ni Waylon si Quincy sa hotel. Sa hotel lobby, nang makasalubong nila si Saydie, nagliwanag ang mata ni Quincy, tumakbo siya palapit habang may malaking ngiti at balak na yakapin si Saydie. “Baby!” Inunat ni Saydie ang kamay niya at pipigilan si Quincy sa paglapit, “Sino nagsabi sayong tawagin mo ako sa pangalan ko dito?” Sobrang nalungkot ang ekspresyon ni Quincy. “Ang tagal na kitang hindi nakikita, bakit hindi mo ako payakapin kahit saglit lang?” Hinawakan ni Saydie ang kaniyang kwelyo. “Bakit hindi mo ako sinabihan bago ka pumunta sa East Islands?” ‘Wala ring nagsabi sa akin na kasama pala siya sa team na pinadala ng mga Goldmann dito.’Pinilit na ngumiti ni Quincy. “Nag-aalala ako sayo.” “Mag-alala ka muna sa sarili, bata. Wala akong oras dito para protektahan ka.”Masayang ngumiti si Quincy at hinawakan ang kamay ni Saydie. Huwag ka mag-alala. Baka hindi pa ako magaling pagdating sa
Hinawakan ni Cameron ang kubyertos niya at nagsimulang kumain habang nilapag naman ni Sunny ang kaniyang kutsara. “Aalis na si Willy. Anong nararamdaman mo doon?” Napahinto ng ilang sandali si Cameron, yumuko siya at nagpatuloy sa pagkain. “Anong inaasahan mong iisipin ko? Mananatili ba siya dito dahil lang sa gusto kong mag-stay siya?” Nagliwanag ang mata ni Sunny. “Paano ka naman nakakasiguro na hindi niya yun gagawin? Baka mag-stay siya rito kung sasabihin mo lang ang hiling mo.” Biglang nagulat si Cameron. Tinaas niya ang ulo niya at tiningnan nang ilang sandali si Sunny. “Dad, hindi ko talaga maintindihan ang sinabi mo. Bakit hindi mo direktang sabihin sa akin? Gusto ko rin ito tanungin sayo. Gusto mo ba siya maging anak?” Hindi alam ni Sunny ano ang sasabihin niya. Sobrang kumuyom ang kaniyang kamao at malapit na niyang buksan ang ulo ni Cameron para tingnan ano ang problema sa utak niya. Pinakalma ni Sunny ang sarili niya at mahinahong sinabi, “Tama ka. Gusto ko nga