Tumawa ang katulong habang sumasagot, “Bakit naman sobrang mali ang pagkakaintindi mo sa intensyon ni Mr. Southern Sr? Nag-iisa ka lang niyang anak kaya kahit ikasal ka na, anak ka pa rin niya. Bakit ka naman niya hahayaan na lang sa dahil lang nagpakasal ka na?” Sumagot din ang isang katulong, “Tama, kahit na sinasabi nila na daughters and dead fish are no keeping wares, nangyayari lang iyon sa ilang sitwasyon. Mahal na mahal ka ni Mr. Southern Sr. Hindi kailanman mangyayari na hindi ka na niya kikilalanin bilang anak pagtapos mo magpakasal. Laging nakaalalay sa isang babae ang pamilya niya.”Kumunot ang noo ni Cameron.‘Parang sobrang kakaiba talaga ang panaginip na iyon kumpara sa katotohanan. Bakit sobrang sama ni Dad sa panaginip ko? Siguro masyado ko lang ito iniisip at kinabahan ako at natakot.’Nagtinginan ang dalawang katulong at nagawanan. “Ms. Southern, sa tingin naming lahat si Mr. Goldmann ang karapat dapat.”Nagulat si Cameron. “Gusto mo ba yan ipaliwanag?” “Gwapo
Hinaplos ni Cameron ang noo niya at hindi na siya tumingin ng diretso kay Waylon. “Okay, binabawi ko na ang sinabi ko, okay? Hihingi pa ako ng tawad sayo.”Tiningnan siya ni Waylon. “Hindi naman totoo yung sorry mo.”Tumingin si Cameron sa kaniya. “Ano bang gusto mo?”Walang ekspresyon sa ngiti ni Waylon. “Sinabi mo sa harap ng mga katulong na manloloko akong tao. Siguradong masisira ang reputasyon ko dahil doon kaya ‘di ba dapat ikaw ang dapat sisihin?”Sobrang nagulat si Cameron.Sobrang nagulat si Quincy na nakatago sa likod ng pader. Kinamot niya ang mata niya.‘Ayan ba ang kilala kong panganay na anak ng mga Goldmann? Pinaglalaruan niya yung babae.’Si Sunny naman ay hindi makapaniwala. Hindi niya inaasahan na mas maharot pa si Waylon kumpara noong binaba pa siya.May sasabihin sana si Cameron nang may bigla siyang narinig na gumalaw. Lumingon siya at agad napansin na nakikinig sila Quincy at Sunny sa usapan nila ni Waylon.Nagulat ang dalawang tao sa likod ng pader nang
Ibig sabihin may specific template na ang shop na ginagamit nila para kay Waylon. Lahat ng measurements niya at sizes ay iisa lang kaya ang gagawin na lang ng mananahi ay mag gugupit ng tela at diretso na sa production.Binalik ni Cameron ang shirt sa gift box. “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Kinuha ko pa tuloy measurements niya para sa shirt na ito.”Pero lahat naman pala ng measurements niya ay nakarecord na sa system ng shop, hindi na niya kailangan na magbigay pa ng measurement ni Waylon.Tumawa si Daisie. “Hindi ko inaasahan na sobra kang mong pagtutuonan ng pansin ang isang shirt.”“Bayad ko lang naman ito sa kaniya.” Sinara niya ang takip ng gift box, pinasok niya iyon sa gift bag at tumayo siya. “Sige, uuwi na muna ako.”Hinatid ni Daisie si Cameron sa pinto at pinanood ang pag-alis niya. Isasara na sana niya ang pinto pero bigla niyang nakita ang dalawang kotse na nakaparada sa kabilang kalsada at sinundan ang direksyon na pinuntahan ni Cameron. Kumunot ang noo ni
Hawak ni Cameron ang mata niya sa sakit at nag-igting ang panga niya. “Hindi ka sumusunod sa patakaran!”Hinawakan siya ng lalaki sa buhok at ngumisi. “Magaling ka talaga makipaglaban, kaya kailangan namin gumamit ng mga trick. Hindi nakakatuwa, hindi ba? Sarili mo lang ang masisisi mo dahil anak ni Mr. Southern Sr.!”Hindi madilat ni Cameron ang mata niya. Hindi siya naging maingay sa pagharap sa mga masasamang tao na ito.“Sige, Ms. Southern, sumama ka sa amin.” Hinampas siyang lalaki at nawalan siya ng malay. Isinakay niya si Cameron sa sasakyan at mabilis na nagmaneho palayo.Samantala, isang sasakyan ang sumunod habang si Waylon na nasa passenger seat ay sinusubukan na tawagan si Cameron pero walang sumasagot.Nagmaneho si Quincy. “Sa tingin mo ba may nangyari sa kaniya?”Nasabi ni Saydie na magaling si ‘Ms. Southern’ makipaglaban tulad niya. Imposible na may nangyari sa kaniya.Nakatingin si Waylon sa screen at kumunot. “Kahit ang pinakamagaling makipaglaban ay hindi lagin
Tumayo si Donald sa deck habang palapit si Chunky sa kaniya. “Sir.”Kumuha siya ng pakete ng sigarilyo at hinawakan sa pagitan ng daliri niya. “Magpadala ka ng tao na magsasabi kay Sunny na hawak natin ang anak niya. Nasa kamay niya ang desisyon.”Tumango si Chunky...Umupo si Cameron sa kama at may marka mula sa pagkakatali sa kamay niya dahil nagpumiglas siya.Kahit na nawisikan siya ng pepper spray sa kaniyang mata, hindi naman marami ‘yon, kaya hindi siya mabubulag. Mabagal niyang binuksan ang mata niya. Masakit pa rin yon at sensitibo ang mata niya na kahit maliit na liwanag at nakakapagpasakit dito.Pinatunog niya ang kaniyang dila at sumuko sa pagpupumiglas, humiga siya sa kama nang patigilid at tumawa sa sarili niya. “Kapag patuloy akong naglakad sa ilog, mababasa ang paa ko.”May nagbukas ng pinto at pumasok.Nagdala ng pagkain ang tao at bastos magsalita. “Ms. Southern, kumain ka kung gutom ka. Walang magsisilbi sa'yo.”Tumayo si Cameron. Nang masanay na ang mata n
Nagsimulang manginig ang balikat ni Cameron pagkatapos nang matagal na pagkakahawak sa ulo niya.Bago pa makapag-isip ang lalaki, nagsimula siyang tumawa.Kinilabutan ang lalaki, para bang inaasar siya nito kaya hinawakan niya ang buhok ni Cameron at sumigaw, “Anong tinatawatawa mo!?”Idinilat ni Cameron ang mata niya. Namumula ang malamig niyang mata at namamaga ang mata niya. “Hindi nagkakaroon ng masayang katapusan ang mga taong bastos sa akin.”Bago pa niya maintindihan ang sinasabi ni Cameron, nakawala na ito sa kaniyang tali at pinulupot ang lubid sa lalamunan niya nang mahigpit.Sumisipa ang lalaki habang namamaga ang mukha niya at namumula dahil nauubusan na siya ng hininga.Sinakala ng lalaki si Cameron para mapalayo ito pero inikot ni Cameron ang daliri ng lalaki pataas. Bumitaw siya dahil sa sakit pero hinawakan ni Cameron ang braso niya at inikot, binali niya ‘yon.Unti-unting nawalan ng hininga ang lalaki na sinasakal habang nilalagay ni Cameron ang pagkain sa ulo n
“Sigh, ganiyan talaga ang buhay.”Niyakap ng butler si Cameron sa kaniyang balikat at mukhang naaawa. “Sir…”Hindi umiyak si Cameron sa halip ay maputla siya at walang emosyon, parang malamig na katawan.Biglang, nagkaroon siya ng lakas ng loob at tumakbo sa ulan.“Sir!”Pumunta siya kay Sunny sa ulan. Nakayuko siya, iniiwasan ang mata ni Cameron. Hinila niya ang kamay ni Sunny. “Nasaan si Mom?”Hindi siya nagsalita.Inalis ni Cameron ang kamay niya nang tumulo ang luha niya. “Sabi ni Mom na dadalhin niya ang regalo ko pag uwi niya. Bakit hindi pa siya umuuwi? Bakit siya nagsinungaling? Hindi niya na ba ako mahal?”Nanghina ang katawan ni Sunny habang tumutulo ang ulan sa mukha niya at humahali sa kaniyang mga luha. Inabot niya ang regalo na hawak-hawak niya.Kinuha ni Cameron ang regalo at umiyak nang malakas.Lumuhod si Sunny, niyakap siya at namamaos ang boses na sinabing, “Cam, kasalanan ko ‘to. Hindi ko dapat siya hinayaan sa barko. Pasensya na.”Umiyak si Cameron hangg
Ngumiti si Mahina. “Alam kong mangyayari ‘yan.”…Dinilat ni Cameron ang mata niya at agad napagtanto na nakahiga siya sa hospital. Narinig niya ang boses ni Sunny at Mahina.Nang makita nila na gising na siya, agad lumapit si Sunny, mukhang nag-aalala. “Cam, gising ka na.”Ngumiti si Mahina. “Gising ka na rin sa wakas. Tatawagin ko ang doktor!”Pumasok ang doktor at tiningnan siya, pagkatapos ay kinausap si Sunny. “Ayos lang siya. Bukod sa tubig sa baga niya at sinat, ayos lang siya.”Tumango si Sunny. “Salamat.”Umupo si Mahina sa gilid ng kama at tinanong, “Kumusta ang pakiramdam mo?”Tumitig si Cameron sa kisame at hindi sumagot.Inayos ni Sunny ang hawak niya sa kaniyang tungkod. Nakahinga siya nang maluwag pero may naalala siya at bumalik ang galit niya. “Alam mong walang gagawin si Donald sa'yo kahit na kinuha ka niya. Ang kailangan mo lang gawin ay hintayin kaming iligtas ka pero pinili mong kalabanin sila. Kung hindi ka niligtas ni Willie, ililibing sana kita sa halip
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging