Nahiya si Cameron at iniwas ang kaniyang mukha. “Babae ako. Anong mali na suotin ko ang pambabae kong damit kapag walang tao?”Tumawa si Daisie. “Kung ganoon suotin mo na. Hihintayin kita sa labas.”Lumabas siya sa kaniyang dressing room, hindi niya nakalimutan na isilip ang ulo niya sa kwarto para sumilip. “Gusto ko na makita ka sa pambabae na damit.”Isinara ni Cameron ang pinto. “Labas.”Pagkatapos ng labinlimang minuto, nagpalit si Cameron ng damit at lumabas ng dressing room.Nakasuot siya ng maluwag, mahaba, manipis na long-sleeved blouse at denim shorts. Mahaba ang hem ng blouse para takpan ang pants, makikita ang mahaba at makinis niyang legs, nakasuot siya ng laced mid-tube na medyas at puting sneakers, mukhang kaswal ang buong itsura.Lumapit si Daisie sa kaniya at tumingin nang malapitan. “Akala ko alam mo lang mag pares ng damit panlalaki.”Hinila ni Cameron patalikod ang buhok niya. “Ayos lang ba?”Inangat ni Daisie ang ulo niya at tumango habang nakahawak sa baba
Nagulat si Mateo. “Spy ba si Ms. Gail Leroy?”Isang assassin si Gail na nagtatago sa mga tauhan ni Huntley. Kilala siya ng mga Korean Underground forces bilang Black Widow. Ang babaeng kilala bilang mabagsik. Usap-usapan na nasa death row siya ng mga nakakulong, hinihintay na mapatay. Si Huntley ang kumuha ng tao sa sistema para palitan si Gail ng ibang babaeng nakakulong sa execution at palihim siyang pinalaya.Mukhang malinis at dalisay si Huntley at kaya niyang kumuha ng koneksyon sa mga politiko dahil si Gail ang gumagawa ng dumi sa sarili niyang kamay.Inangat ni Waylon ang tingin niya at ngumisi. “May nakuha ako para maagaw ang pagkatao ni Gail.”Nagulat si Mateo. “Paano ang totoong Ms. Leroy?”Naningkit si Waylon habang nakatitig sa tsaa niya. “Sabihin na lang natin na hindi siya makakapunta ngayon.”Huminga nang malalim.‘Sino ba ang foreigner na ito? Nagawa niyang palitan si Gail at ilagay sa tabi ni Fabio?’Pero, dahil walang nakakaalam kay Gail bukod kay Huntley, kay
Nginuya ni Daisie ang straw. “Hindi siya kulang sa pera. At saka, mabait si Waylon kaya wala siyang pakialam sa pera.”Tumitig si Cameron sa street kung saan naglalakad ang mga tao. “Hindi pa ako nakapag relax ulit nang ganito.”Tumingin siya kay Cameron at alam niya na kalag nagpapanggap si Cameron bilang young master ng Southern Clan, hindi siya relax at malaya katulad ngayon. Kung tutuusin, nakatingin sa kaniya ang lahat bilang tagapagmana ng Southern Clan. “Masaya naman magpahinga ng isang araw at maging totoo sa sarili mo.”“Pero hindi ko pa nagagawa ang gusto kong gawin.”Nagtaka si Daisie. “Ano yon?”Seryosong sumagot si Cameron. “Bumisita sa casino.”Dinala ni Cameron si Daisie sa Palermo. Ang casino ang pinakamalaking entertainment spot na maibibigay ng East Island at pagmamay-ari ng city council. Kaya naman, nandoon din ang tao mula sa Southern Clan at sa teritoryo ni Fabio bukod sa mga foreign gambler.Papasok na sana si Cameron sa lobby nang kabado siyang pinigilan n
Pinaalis niya ang mga taong nakikipaglaro kay Cameron at umupo sa harap niya. Kinakabahan na tumingin si Daisie kay Cameron na tumingin din naman sa kaniya na parang sinasabing kumalma siya. Malakas ang loob niya.Binalasa ng dealer ang mga cards. Kinuha ni Cameron ang card niya at tiningnan iyon.Ngumiti ang blonde na lalaki at parang malakas ang loob niya. “Patingin ng cards mo, sugar.”Binaba ni Cameron ang cards niya at umabot iyon ng pito.Ngumisi ang lalaki at binuksan ang kaniya. Flush iyon. Tiningnan ni Cameron ang cards niya at naningkit ang kaniyang mata.Tumawa ang lalaki. “Sorry, sugar. Parang nasa tabi ko ang swerte ngayon.” Nasa lalaki ang best cards, straights o flushes, sa susunod na tatlong round. Natatalo na si Cameron.Naisip ni Daisie na parang may kakaiba. Kahit gaano ka-swerte ang isang tao, imposible pa rin na ganoon siya kagaling.Tumayo ang blonde na lalaki, lumapit siya kay Cameron, nilagay niya ang kamay sa mesa at tiningnan si Cameron. “Sugar, tal
Kinakabahan si Andrei. “Hindi, hindi mo pwede—”“Manloloko ka at nagnakaw ka nang maraming pera. Makukuha rin yan ng mga debtors sayo. At saka nga pala…” Galit na galit si Cameron at mas lumakas pa ang loob niya. “Sinusuportahan ako ni Donald. Kahit si Fabio ay kailangan muna lumuhod sa kaniya.” Naningkit ang mata ni Waylon dahil alam niya ang sinusubukan gawin ni Cameron. Nawalan ang mga lalaki ng pera dahil sa panloloko ni Andrei at nainis sila na wala man lang silang nagawa kay Andrei. Ngayon na nabunyag na siya ni Cameron, lumapit silang lahat at binugbog si Andrei. Kahit ang sarili niyang mga tauhan ay hindi nakalaban.Lumapit si Daisie kay Cameron. “Kinakabahan ako kanina. Akala ko natalo ka talaga.” Kinaway ni Cameron ang kamay niya. “Hindi naman ako nandito para magsugal. Pumunta ako para hulihin siya.”Naiinis siya na patay na si Manuel at sinusubukan na gumanti sa kanila.Alam niya na nanloloko si Andrei sa The Palermo pero alam ng lahat kung sino siya kaya hindi si
Walang masabi si Cameron tungkol doon.Hinawakan niya ang ilong niya at tumikhim. “Sige, mag-iingat na ako sa susunod para hindi magalit ang asawa niya sa akin.”Pumunta siya sa bakuran kasama si Waylon. Nang makita niya na dumaan ang katulong, hinawakan niya ang kamay ni Waylon at nagtago sa likod niya.Nagulat si Waylon nang makita na nakahawak si Cameron sa kamay niya.Ngumiti ang katulong. “Welcome back, Mr. Goldmann.”Magalang na tumango si Waylon.Napansin ng katulong na may tao sa likod ni Waylon. “Ito ay si?”Ngumiti si Waylon. “Siya ay”Kinurot siya ni Cameron sa kamay, nahirapan siya huminga at tiningnan siya ni Waylon. “Ms. Torres.”Kapapasok lang ng butler at ni Sunny. Nang makita ni Sunny ang babae sa likod ni Waylon, akala niya may ibang babae na ang nakaagaw sa future son-in-law niya.Kumunot ang noo niya. “Willy, sino yan?”Nakilala ng butler si Cameron mula sa suot niya pero dahil nandoon ang katulong, hindi siya nagsalita. Ngumiti si Waylon. “Hindi mo siy
Biglang naintindihan ng ilang lalaki, at may biglang nagbiro. “Akala ko sabi mo nagdamit siya ng pambabae.”“Sigurado akong magiging maganda siya kung babae siya. May pambabae kasi siyang mukha.”“‘Di ba, Mr. Goldmann?”May ‘scandal’ si Waylon kasama si Cameron, kaya tinanong niya ano ang naiisip niya. Tiningnan ni Waylon ang mukha ni Cameron at huminto siya, ngumiti siya. “Kaya nga.”Tumawa ang ilang lalaki.Tumingin si Waylon sa kanila. “Sa tingin mo ba talaga kaya niyo iyon matanggap kung babae talaga siya?”Napahinto si Cameron. Anong iniisip niya?Nagulat sila ng ilang sandali. “Sa tingin ko sobrang nakakatakot iyon kung babae siya.”Isang lalaki ang sumagot. “Bakit naman magiging nakakatakot? Hindi ba mas mabuti iyon? Mas gusto ko ang mahinhin na babae. Gaano katagal mo makakaya tiisin ang torture niya?”Siguro tinutukoy nila kung paano sila kalabanin ni Cameron sa training, biglang naintindihan ng lalaki. “Tama. Mas magiging madali ng training session natin kung ang a
Tinaas ni Cameron ang kilay niya. Isipin mo kasi, nag hire ng mga killers si Manuel sa Skull Club para mapatay siya, at ang katotohanan pa lang na nakakuha siya doon ay nagpapakita na agad na kasabwat din si Donald.Nagtago si Donald sa likod ni Manuel at ginamit siya bilang pain. Magkakaroon sana ng problema ang Southern Clan sa mga Serpents, at kung sino man ang manalo sa huli, magkakaroon ng benepisyo si Fabio doon. Pero, si Donald ang totoong magwawagi.Pag hawak na ni Manuel ang The Serpents at pag nakaya niyang mapabagsak ang Southern Clan, magkakaroon na ng kapangyarihan si Donald kay Fabio sa pamamagitan ni Manuel. Makukuha niya rin ang mga tauhan ni Fabio dahil sa kapangyarihan na binigay ni Fabio kay Manuel. Ang kailangan lang niya gawin ay magtago sa likod, wala siyang gagawin, hayaan lang niyang si Manuel ang gumawa ng trabaho para makuha niya ang kapangyarihan. Parang magiging loyal si Manuel kay Fabio pero si Donald ang tunay niyang master.Magandang plano iyon para
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa
Ngumiti si Waylon at sinabi, “Oo, pero maaga pa naman.” Humiga si Daisie sa hita ni Nollace at tumingin siya sa langit. Matapos ang ilang sandali, sabi niya, “Ulan ba yung naramdaman ko?” Tumingin ang lahat sa kaniya.Huminga nang malalim si Colton. “Huwag mong i-jinx.” Tumingin si Freyja sa langit, kahit na maliwanag ang langit na nakikita nila, may maiitim na ulap malapit sa mga bundok. “Baka makulimlim lang ngayon.” Malapit na mag tanghali pero wala pa ring araw. Baka nga makulimlim lang pero walang ulan. Nagsalita si Cameron, “Wala namang sinabi sa weather report na uulan ngayon. Sa tingin ko hindi naman uulan.”Depende na lang kung mali pala ang weather report! Matapos ang ilang sandali, naramdaman ni Nollace na may tumulo sa mukha niya. Hinawakan niya iyon. “Umuulan nga.” Umupo si Cameron. “Ano?”Nahihiyang ngumiti si Daisie. “Naisip ko lang naman na uulan pero ngayon…” ‘Jinxing!’Lahat sila ay nagsimula ng mag-pack ng mga pagkain pati ang grill at mga mats ay
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu