Mahinang tumawa si Nollace at hinawakan ang mukha ni Daisie. “Hindi na masama, alerto ka.”Tinulak niya palayo si Nollace at umupo.Lumiwanag ang kwarto at nawala ang kadiliman.Nakasuot ng itim na damit si Nollace at may manipis na jacket. Siguro ay mahangin sa labas dahil magulo ang buhok niya. Mukhang pagod ang gwapo niyang mukha Biglang hinawakan ni Daisie ang mukha niya. “Pumayat ka.”Hinawakan niya ang kamay ni Daisie at hinaplos ang palad niya. “Kasi sobrang miss na kita.”Binawi ni Daisie ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. “Kalokohan.”Humiga siya sa tabi ni Daisie at niyakap siya habang ang boses niya ay nagmumula sa taas ng ulo nito. “Narinig ko na nagti-train ka kasama si Cameron.”Natigil siya at humarap. “Pumunta ka ba dahil doon?”Tiningnan siya ni Nollace at tinanong, “Dahil sa ano?”Kinagat ni Daisie ang labi niya. “Usapan tungkol sa amin.”Tumawa si Nollace na gumulat kay Daisie. “Bakit ka tumatawa?”Tumagilid siya at pinatong ang ulo niya sa kaniyang k
Kinamot ni Daisie ang pisngi niya at nahihiyang nagpaliwanag, “Uh… Siguro dahil wala namang dapat ikaselos.”‘Naka home run siya kagabi. Sobra naman na kung magseselos pa siya.’Humalukipkip si Cameron at mukhang hindi masaya. “Hindi nakakatuwa yon. Iniisip ko pa lang maging karibal niya.”Ngumiti si Daisie nang walang sinasabi na kahit ano.Samantala, nakatingin si Waylon sa courtyard kasama si Nollace at mukhang kalmado ang ekspresyon niya. “Mukhang wala kang pakialam na malapit si Daisie kay Cameron.”Nag-iwas ng tingin si Nollace at tumawa. “Maliit na bagay.”Bahagyang naningkit si Waylon. “Mukhang alam mo na?”Lumingon si Nollace para tingnan si Waylon. “Anong ibig mong sabihin diyan?”“Ano sa tingin mo?”Hindi niya na direktang sinagot ang tanong at misteryosong sumagot, nilalayo ang iba mula sa katotohanan—ganito na talaga ang pagkatao ni Waylon.Kung ibang tao yun na hindi maingat at mahilig magsalita, panigurado na laginsilang maloloko.Tumingin si Nollace sa dalawa
Umaktong matapang si Daisie pero mukha pa rin siyang kaibig-ibig.Walang magawa si Nollace.Tumalikod si Daisie at sinabi kay Cameron, “Cam, hindi ba't sinabi mong ilalabas mo ako? Tara na.”Nauna siyang umalis sa eksena at hindi siya tinanggihan ni Cameron.Nang tumingin siya kay Nollace, may yabang sa mukha niya.Walang masabi si Nollace nang ilang saglit.Napagtanto ni Waylon na tinutulungan ni Daisie si Cameron na itago ang pagkatao niya.Mabagal na umaandar ang sasakyan sa dulo ng bayan.Tumingin si Cameron kay Daisie at tumawa. “Salamat.”Bumuntong hininga si Daisie. “Hindi madaling lokohin si Nollace at Waylon. Sa tingin ko nagdududa na sila sa’yo.”Tumingin si Cameron sa labas ng bintana. “Nakita ako ni Wayne na naka pambabae na suot kaya normal para sa kaniya na pagdudahan ako.”Nagulat si Daisie. “Kailan nangyari yon?”Tumawa si Cameron at tumingin sa kaniya. “Ako yung Ms. Torres na binanggit niya nang nakaraang araw.”Naliwanagan bigla si Daisie.Nagkibit-balik
Nang makita na hindi sila gumagalaw, nagalit si Florence. “Anong ginagawa niyo at nakatayo lang kayo!?”Walang magawa ang grupo ng lalaking nakaitim kundi tanggapin yon at atakihin si Cameron.Nang makita na maglalaban na sila, ang iba ay umatras palayo sa takot na madamay.Maraming lalaki ang sumugod kay Cameron. Hindi man lang siya umiwas at hinarap sila mismo. Ang dalawang lalaki sa kaliwa at kanan niya ay hawak niya ang mga pulsuhan. Nag backflip siya, lumapag, at sinipa ang lalaki na tumatakbo palapit sa kaniya mula sa likod.Nang atakihin siya ng isa pang lalaki mula sa likod, umikot siya sa likod ng lalaking nasa sahig, hinawakan ang braso ng lalaki at siniko ang leeg ng lalaki.Nakakagulat ang bilis niya at nangyari ang lahat nang mabilisan.Bumagsak ang pito o walong lalaki na nakaitim na suit sa sahig at napaungol sa sakit.Namutla ang mukha ni Florence. Kinagat niya ang kaniyang pang ibabang labi at lumibot ang paningin niya sa boutique, at nakita niya ang kutsilyo s
Tumawa si Cameron dahil yun mismo ang gusto niya.Kinagabihan, ang mga entertainment venues sa southwest region ay inatake ng mga tauhan na pinangunahan ni Cameron at napilitan na isara ang pinto nila.Sa loob ng villa, maliwanag ang ilaw.Umupo si Fabio sa dining table suot ang kaniyang nightgown, nagsasaya sa kaniyang hapunan.Galit ang mga kasamahan na nasa tabi niya. “Mayabang ang young hei ng Southern. May lakas talaga siya ng loob na dalhin ang mga tauhan hiya sa mga clubhouse natin, sirain yon, at saktan ang mga tauhan natin.”Binaba ni Fabio ang kaniyang kutsilyo at tinidor at pinunasan ang gilid ng kaniyang bibig gamit ang tissue.Sa oras na yon, pumasok si Gail na nagmula sa labas, lumapit sa kaniya at may binulong sa kaniyang tainga.Inangat ni Fabio ang tingin niya at dinura ang tinik ng isda na nasa bibig niya papunta sa plato. “Balaan mo ang bw*sit na si Florence na huwag na gumawa ng gulo sa hinaharap. Kung hindi, wala akong pakialam kung sino siya.”Kinabukasan,
“Oo, huwag mong husgahan ang young master dahil sa size niya sa mukhang babae niyang itsura. Wala siyang awa minsan.”Ang lalaki na nasa sipa sa likuran ay hindi mapigilan na manginig nang bahagya nang maalala niya ang eksena nang nabugbog siya.Nagsimulang mag alala si Daisie kay Waylon.‘Hilingin na lang natin na hindi masyadong pahirapan ni Cameron si Waylon.’Sa loob ng ring, one-on-one na laban yon sa pagitan nilang dalawa.Gusto na agad tapusin yon ni Cameron kaya walang awa siyang naunang gumalaw. Pero, yumuko si Waylon, iniwasan ang suntok niya nang hindi man lang gumagalaw ang paa at hinawakan ang kamay niya.Agad umikot si Cameron, hinawakan ang braso niya at binalibag si Waylon.Nawala sa balanse si Waylon at bumagsak pero agad niyang sinuporta ang palad niya sahig, inangat ang katawan niya, at agad na nakatayo.Pero hindi binigyan ng pagkakataon ni Cameron si Waylon na huminga. Umatake siya nang walang tigil habang dumidepensa lang si Waylon—lahat ng galaw niya at
Huminga nang malalim si Cameron at nagngalit ng ngipin. “Madali siyang nakaalis.”Bumalik si Cameron sa kaniyang kwarto, naligo, at nagpalit ng bagong damit. Nilagay ang pants niyang may dugo sa maduduming damit.Pumasok naman si Mahina. “Nagsimula na ang period mo?”Hindi niya hinahayaan na linisin ng mga katulong ang damit niya o pumasok sa kwarto. Alam ng lahat ng katulong sa bahay na bawal pumunta sa kwarto niya, kaya ang kwarto niya ay nililinis ng butler o kaya ni Mahina, kasama ang damit niya.Palihim lang na dinadala ni Mahina kahit ang period pad ni Cameron.Umupo si Cameron sa kama na may hot water bag sa kaniyang puson. “Tulungan mo akong ilagay ang damit sa washer at huwag mong hayaan na may makakita doon.”Tumango si Mahina pagkatapos ay dinala ang laundry basket.Humiga si Cameron sa kama, hindi siya masaya dahil nahuli siya ng tactic ni Waylon. Hindi siya nag ingat.Samantala, dinala ni Mahina ang basket sa laundry room, binuksan ang pinto ng washer, pagkatapos a
Tumingin si Daisie sa kaniya pagkatapos ay naningkit siya. “Daisie, sinadya mo bang gawin yon?”Nagpanggap siyang walang alam. “Ang alin?”Ngumiti si Waylon. “Natatakot ka ba na may malaman ako?”Umiling si Daisie at nagpatuloy sa pagsisinungaling. “Hindi. May inaalam ka ba?”Tinitigan siya ni Waylon. Alam niyang magaling na aktres ang kapatid niya pero nakikita niya ang totoo.“Daisie, ako ba ang kapatid na sobrang mahal ka?”Ngumiti siya at naglakad sa tabi niya. “Syempre. Ikaw ang pinakamabait sa akin.”Tiningnan siya ni Waylon habang may malaking ngiti at tinanong, “May tinatago ka sa akin, hindi ba?”Umubo si Daisie at nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung may nalalaman na ba si Waylon.Bumuntong hininga siya. “Akala ko pagkakatiwalaan mo ako. Bakit sobrang lapit mo sa ibang lalaki?”Parang sinasabi niya na ‘nanlokoko’ siya.Ngumuso si Daisie. “Huwag mong sabihin yan!”Naningkit si Waylon. “Bakit mo tinatago sa akin?”Sumagot si Daisie, “Hindi naman sa gusto kong i
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa