Tumalikod si Cameron at sinabi sa mga tao na nasa likod niya, “Sa susunod, kapag may produkto mula sa supplier na ito sa port natin, apat na laki ang import fee ang babayaran nila Kung hindi nila gustong bayaran yon, sabihin niyo sa kanilang umalis at dalhin ang produkto nila palayo sa port natin. Naiintindihan niyo ba ako?”Tumango ang tao na nasa likod niya. “Yes, sir.”Tumingin si Cameron sa staff at nilagay ang kamay niya sa balikat nito. Nanginig siya mula ulo hanggang paa at hindi sinubukang magsalita. “Kausapin mo ang may-ari ng East Gate Clubhouse. Sabihin mo sa kaniya na kung wala siyang utak, isara na niya ang club sa madaling panahon.”Umalis na siya kasama ang mga tauhan niya.Pagbalik sa sasakyan, pakiramdam ni Mahina na may mali. “Mr. Southern, halata naman na pinaglaruan ni Mr. Puzo ang may-ari ng East Gate Clubhouse, pero bakit sinabi mo yung sinabi mo kanina?”Minasahe ni Cameron ang sintido niya. “Sa tingin mo ba walang isip ang may-ari ng East Gate Clubhouse? B
Nag-flip back si Cameron sa hangin, hinawakan ang pamalo para harangin ang palo, sinipa ang hita niya at agad binali ang braso niya.Sumigaw ang lalaki sa sakit at hindi na makagalaw.Tinulak siya palayo ni Cameron, mabilis na hinampas ang pamalo sa kamay niya at tiningnan ang mga lalaki na palapit sa kaniya. “Ano pang hinihintay niyo? Sugurin niyo na ako!”Sumugod sa kaniya ang grupo ng mga lalaki.Naglakad sa gilid si Cameron, lumipat sa kabila ng taong nasa harapan, hinarang ang atake niya gamit ang kaniyang kamay na may brass kunckle, at hinampas ang bakal na pamalo sa mga tao. Yumuko siya, iniwasan ang palihim na atake, at tumama ang bakal na nasa kamay niya sa hita at braso ng kalaban. At maririnig ang pagkabasag ng buto, bumagsak ang mga lalaki sa sahig.Dalawa silang nakikipaglaban sa grupo ng masasamang tao, at lahat nang malala ang natamo na lalaking naka itim ay nasa sahig at hindi na makatayo. Sa oras na yon, naging walang awa ang ekspresyon ng leader at kinuha niya
Nagulat si Waylon pagkatapos ay bigla siyang tumawa. “Inuutusan mo ba ako?”Nandoon lang siya para makita kung ano ang nangyayari at tumulong pero ngayon ay inuutusan na siya.Binuksan ni Cameron ang pinto ng sasakyan at ngumiti. “Nandito ka naman niya at tumulong. Bakit hindi ka manatili sa ibang detalye? Dali, hindi mo ba nakikita na ang daming dugo?”Natahimik si Mahina. Parang ang tunog ni Cameron ay hindi dahil sa kaniya ang mga dugo na yon.Bumuntong hininga si Waylon at tinulungan si Mahina na isakay ang lalaki sa sasakyan. Pagkatapos ay inutusan siya ni Cameron na ilayo siya at nag utos ng ibang tao para linisin ang lugar.Tinali ni Cameron ang lalaki at umupo sa backseat ng sasakyan ni Waylon, kaswal na ginawang driver ito. “Tara na.”Tumawa si Waylon, sinimulan ang sasakyan at nagmaneho palayo.Naglakad si Waylon at Cameron sa Southern manor at lumapit ang butler na karirinig lang ang balita, mukhang nag-aalala. “Sir, narinig ko na sinabi ni Mahina na may sumubok na i-
“Kung hindi ka nagdala ng sapat na pera, ayos lang.” Kinuha niya ang kusot na cheque at nilagay sa harap ni Waylon. “May bangko kami sa isla.”Ngumisi si Daisie dahil nakita niya kung paano ginagawa ni Cameron ang lahat para makakuha ng pera sa bulsa ng kapatid niya.Hinawakan ni Waylon ang cheque gamit ang dalawa niyang daliri. “Sigurado ka ba?”Tumango si Cameron.Tumigil ang pagtibok ng puso ni Daisie at naaawang tumingin kay Cameron.Kuripot si Colton at walang nakakakuha ng pera sa kaniya. Sa kabilang banda, kailangan ni Waylon ng magbabayad sa kaniya nang sampung beses kapag kumuha ng pera sa kaniya.Mukhang matalinong tao si Cameron kaya bakit iisipin niya na bibigyan siya agad ni Waylon ng pera?Nang tanghali, bumalik agad si Sunny. Nalaman niya na may umatake kay Cameron at nagpadala na ng yao para malaman kung sino ang mga umatake.Kahit alam niya na hindi harap-harapang magpapadala ng tao si Fabio sa teritoryo ng Southern Clan para patayin si Cameron.Sinabi sa kan
“Siguro ay hindi pa nasasabi ng may-ari ng East Gate kay Fabuo na nakuha ang alak nila. Ngayong gabi nang 8:00 p.m., Nasa southwest port ang supplier ng Parkin. Kung makakapunta tayo doon bago mag 8:00 p.m. at magpanggap na mula sa Parkin, magagawa nating kunin ang barko para mapunta sa port natin. Kukunin natin ang shipment natin sa southwest port at ipalit sa kanila.”Naisip ni Mahina na delikado yon. “Sigurado ka bang gagana yan?”“Bayad lang ang iniisip ng supplier. Ang gagawin lang nila ay padaungun ang barko sa dock, ihatid ang shipment at tapos na sila.”Kinuha ni Cameron ang towel, umalis sa tub at binalot yon sa basa niyang katawan. “Nagsimulang kunin ni Fabio ang mga supplier kaya hindi alam ng mga delivery guy ang mga tao mula sa Parkin. Kapag nagpadala tayo ng taong hindi pa nila nakita, maniniwala sila basta mapatunayan natin na galing tayo sa Parkin.”Samantala, sa Serrano residence…Nang malaman ni Florence na hindi nagawa ng grupo ng lalaki na patayin si Cameron, g
Binuksan ng bodyguard ang pinto ng clubhouse para sa kaniya. Wala pang tao doon. Walang ibang customer kundi mga staff lang.Lumapit ang server. “Pasensya na, ma'am. Hindi kami bukas ngayong araw.”Mapang-akit na nilaro ni Cameron ang buhok niya dahilan para magulat ang server. “Hindi ako nandito bilang customer. Nandito ako para makita ang may-ari. Please pakisabihan siya.”May pumunta para sabihan siya at si Mr. Peralta na nag-aalala tungkol sa nakuhang crates ng alak at naging alerto nang marinig na may naghahanap sa kaniya. “Sino?”“Babae siya.”Nagulat si Collin at nakahinga nang maluwag. Kahit sino ay matutuwa basta hindi ito ang Southern.Naghihintay si Cameron sa private room at nagulat si Collin nang pumasok siya.Sobrang ganda ng nakaupong babae sa couch at imposible na makalimutan ang mukha niya. Lahat ay namamangha sa ganda niya kaya nang makakita siya nang ganoon kaganda, hindi niya maalis ang tingin niya.Lahat ng magandang babae sa mundo ay makakatanggap ng speci
Ngumisi ang pulang labi ni Cameron. “Kaaway ng kaaway ko. Sigurado akong ayaw mong maapektuhan ang pera mo dahil sa Southern Clan, hindi ba?”Nagdalawang-isip si Collin pero nadala siya.Tumawag si Cameron at ilang bodyguard ang dumating dala ang ilang crates ng alak. Nilagay nila yon sa mesa at binuksan ang isa.Kinuha ni Cameron ang bote ng red wine. “Gusto mo bang tingnan?”Kinuha yon ni Collin at nagulat siya. “Ito ay…”Lumaki ang ngiti ni Cameron. “Ang alak na binili mo. Sa totoo lang, may ilang spy si Ms. Serrano sa Southern Port at malaki ang naitulong nila.”Hindi naisip ni Collin na ang taong tutulong sa kaniya ay si Florence.Inangat ni Cameron ang kilay niya. “Ano sa tingin mo?’“Great, perfect.” May naisip siya pagkatapos ay natigil ang mukha niya. “Pero paano ka magpapaliwanag sa Southern Clan?”Pinaikot niya ang kaniyang buhok sa kaniyang daliri. “Nagpalit kami ng magandang kalidad ng alak sa counterfeit na alak. Hindi nila malalaman.”Natuwa si Collin tungkol s
Nang makarating ang sasakyan sa Southern mansion, halos lahat ng maid ay tulog na.Binuksan ni Mahina ang pinto para kay Cameron at agad na pumunta ito sa courtyard pagkatapos makalabas ng sasakyan.Pero, hindi niya inakala na may makakasalubong siya.Madilim ang ilaw sa paligid at ang ilaw mula sa bahay ang nagbigay sa kaniya ng pagkakataon para makita ang tao na nasa harap niya. Tumigil sa pagtibok ang puso ni Cameron at natigil siya.Habang nakatingin sa magarbong babae na may makapal na makeup, natahimik si Waylon.Tinakpan ni Cameron ang mukha niya gamit ang kaniyang kamay at napuno ng pawis ang palaf niya.Nakalimutan niya na nasa bahay nila si Waylon.“M—” Nang makita ni Mahina si Waylon, halos lumabas ang kaluluwa niya sa gulat. Lumapit siya at tinakpan ng jacket si Cameron. “Miss, ito si Mr. Goldmann. Kaibigan siya ni Mr. Southern.”Kumunot si Waylon. Tumingin siya sa kalahating nakatakip na mukha ng babae at tumawa. “Kailan pa nagkaroon ng babaeng anak si Mr. Southern