Tumingin sa taas si Sunny. “Pansamantala ko ipapahawak sa'yo ang authority ng The Commune.”Nagulat si Nollace pagkatapos ay naningkit. “The Commune? Hindi ba't nasa ilalim yan ng The Serpents’ management?”Kinuha ulit ni Sunny ang tasa niya. “Sa totoo lang, nagbabago na ang The serpents. May pakialam ako sa relasyon namin pero kung tatalikuran nila yon, sisirain ko sila.”Ngumiti si Nollace. “May tiwala ka sa akin?”Bumuntong hininga si Sunny. “Kung gusto mong mawala si Donald, kailangan mo ring tanggalin muna ang The serpents. Ang leader ng The Serpents ay kaibigan ni Fabio Puzo. Alam ko yon pero wala akong magawa. May mga espiya si Puzo sa The Serpents kaya kapag may ginawa ako sa kanila, binigyan ko lang ng pagkakataon si Puzo na ipatalikod sa akin ang The Serpents.”Sinabi ni Nollace, “Pero kung may gawin ako, malalaman nila na ikaw ang nasa likod non at pagdududahan ka nila.”“Huwag ka mag-alala tungkol diyan. Si Neal Beck ay isang bisita na dinala ni Cam. Ginawa ko ang pag
Pinatong ni Daisie ang ulo niya sa kaniyang kamay. “Nasaan kaya si Nolly ngayon…”Naglagay ng pagkain si Waylon sa plato ni Daisie at tumawa. “Kung hindi ako nagkakamali, kasama niya ang Southern ngayon kaya hindi mo kailangan mag alala sa kaniya.”Kinuha niya ang snack at nang kakainin na sana niya yon, isang kaguluhan ang nagmula sa hall.Isang grupo ng maskuladong lalaki ang nakatayo sa hall. Nakasuot sila ng uniporme at mukhang nagmula sila sa East Winston. Mukha silang galit at hindi pumunta na may magandang intensyon.Hinampas ng lalaki ang mesa at tinuro ang water at ang manager. “Gusto ng lady namin na i-book ang restaurant ngayon! Sabihan mo sila na umalis dito!”Habang pilit na ngumingiti, lumapit ang manager sa lalaki at sinabing, “Mr. Estrada, para lang sa kaalaman mo, kailangan mo gumawa ng reservation sa restaurant namin one day advance. Nandito pa ang customer namin, kaya—”Bago pa siya makatapos magsalita, ang lalaking tinawag na Mr. Estrada at hinawakan siya sa
Naging madilim ang mukha ni Manuel. “Ikaw—”“Manuel, sinabi ko na sa'yo na huwag mo na palakihin.”Sa oras na yon, isang maliit na babae ang lumapit at pinatigil si Manuel. Tumabi si Manuel at ang lahat ng tao sa tabi at yumuko. “My lady.”Inangat ni Florence ang ulo niya at nagulat nang tapatan ang tingin ni Waylon. Bukod kay Cameron, wala pa siyang nakitang gwapo na lalaki sa East Island noon.Sa East Island, maituturing na gwapo si Cameron. May androgynous at foxy siyang mukha at mas maganda pa siya kaysa sa mga babae sa isla.Pero, may masamang bahagi kay Cameron—hindi maganda ang ugali niya at laging nakikipag-away sa kaniya. Kung hindi ganoon, gugustuhin niya sanang kausapin ng dad niya si Sunny tungkol sa kasal nila.Pero, hindi na mahalaga si Cameron. Kung tutuusin, mas gusto ng mga babae ang lalaking nasa harap niya kaysa kay Cameron.Habang hawak ang labi niya, tumawa si Florence. “Dahil ayaw mong umalis, bibigyan kita ng pagkakataon na kumain ng almusal kasama ako.”
Lumingon si Waylon kay Daisie at ngumiti. “Huwag kang mag-alala.”Pagkatapos non, tumingin siya sa lalaking nasa harap niya at napagtanto na tinitingnan din siya ni Cameron. Kinausap niya ang mga tao sa gilid niya at bumalik sa private room.Pinulupot ni Daisie ang braso niya kay Waylon at sinabing, “Kuya, busog na ako. Bumalik na tayo sa hotel natin.”Tumango si Waylon.Nang aalis na sana sila sa restaurant, pinatibil sila ng babae na nakaitim at sinabing, “Sandali. Gusto sana kayo makita ni Mr. Cameron.”Nataranta si Daisie dahil hindi niya alam kung ano ang gusto niya sa janula.Hinaplos ni Waylon ang ulo niya para pakalmahin siya at sinabing, “Ayos lang yan.”Habang nakasunod sa babae, pumasok si Waylon at Daisie sa private room. Lumapit ang babae kay Cameron at nag bow. “Sir.”Nakaupo si Cameron sa tabi ng chess plate. Habang naglalaro ng chess piece sa kamay niya, inangat niya ang kaniya mata para tingnan sila at sinabing, “Mula kayo sa labas, ano?”Nang may sasabihin n
Nagulat si Daisie. Doon niya lang napagtanto na ang batang lalaki sa harap niya ay si Cameron.‘Pero ang bata pa niya!’Akala niya ay matanda na si Sunny at ang anak niya ay nasa 30 hanggang 40 years old, dahil sa tawag sa kanila.Inangat ni Cameron ang mata niya at binaba ang kaniyang tasa. “Malakas ang loob niyong dalawa. Sigurado ako na hindi lang kayo ordinaryong businessman dabil sa may tapang kayo na kalabanin ang The Serpents pagkarating niyo pa lang sa East Island.”Habang tinitingnan si Waylon, nagpatuloy siya. “Ang mga businessman na pumupunta sa East Island at kadalasang nakasuot ng mamahaling damit para ipakita ang estado nila. Kapag mas mayaman ang businessman, mas tinatanggap sila sa isla. Kung tutuusin, walang may gustong mawalan ng pagkakataon para makuha ang matabang tupa na pumunta sa kanilang pinto.“Para sa'yo, sir, kahit na mukha kang nakasuot nang walang brand na damit, kung titingnan nang maayos, ang damit mi ay specially-tailored at minsan lang sila sa mark
Tiningnan siya ni Cameron at nanahimik siya.Nagbibigay ng instruction ang butler sa mga katulong nang dumating si Cameron sa courtyard. Tumingin ang butler aa kaniya at nakangiti siyang binati, “Nakabalik ka na, Mr. Southern.”“Nasaan ang dad ko?” tanong niya.“Nasa study room si Mr. Southern Sr. at nakikipag-usap sa bisita niya,” sagot ng butler.“Ibang bisita?” Inangat ni Cameron ang kilay niya. “Mukhang napaparami ang bisita nitong mga nakaraan.”Nagpatuloy ang butler. “Mula sa Metropolis ang bisita na ito. Mukhang gusto nila gumawa ng alyansa kasama si Mr. Southern Sr.”Narinig ni Cameron ang Metropolis mula sa Morwich noon.May makapangyarihan na organisasyon sa North Ancora, at ang leader nila na si Strix ay may reputasyon din sa medical field. Nagretiro lang siya at kinuha ang pangalan na Henry. Hindi lang yon, maganda rin ang relasyon niya sa royal family.Mukhang may gagawin ang organisasyon ng Ora. Kung wala, hindi dapat pupunta ag Metropolis dito para lang makipag a
Yumuko si Daisie. “Alam ko, alam ko. Iiwas na ako sa lahat ng kapahamakan para sa kaligtasan niyo.”Nang biglang may pumasok sa isip niya at napatanong siya, “Tita Saydie, nakakuha ka na ba ng balita tungkol kay Nollace?” Umiling si Saydie. “Sa tingin ko hindi niya ginagamit ang totoo niyang pangalan hangga’t nasa East Island pa siya lalo na’t nandoon din si Donald. Maingat na lalaki si Nollace kaya siguro gumagamit lang siya ng simbolo ngayon.”Siguro nahirapan silang hanapin si Nollace sa ginagamit niyang simbolo. Natahimik si Daisie. Parang may malalim siyang iniisip. …Sa kalayuan mula sa East Islands, namumuo ang hidwaan sa The Commune. Nagalit si Joaqin Serrano nang natanggap niya ang balita. “Anong ibig sabihin nito? Kumuha ang matandang iyon ng kung sinong tagalabas para kunin ang The Commune!?” Teritoryo ng The Serpents ang The Commune. Sa loob ng maraming taon ayaw talaga ni Sunny Southern na ibigay ang kontrol sa teritoryong iyon sa mga The Serpents pero si Sunny
Kinabukasan, hinanap ni Daisie sa Waylon sa kabila ng kwarto niya. Kakatok na na siya nang mapansin niya na hindi naman nakasara nang maayos ang pinto. Sumilip siya sa maliit na butas at nakita si Waylon na nakikipagusap sa lalaki sa harap ng kaniyang bintana. “Sigurado ka na si Neal Beck iyon?” Tumango ang lalaki. “Oo, tiningnan ko pa nang mas malapit. Ang alam lang nila ay parang isa siya sa mga nakilala ni VIP Cameron Southern habang may business siya sa ibang bansa. Importante siyang tao, lalo na’t ginawa rin siyang governor ng The Commune ni Mr. Southern—tradisyonal na teritoryo iyon ng mga The Serpents.”Naningkit ang mata ni Waylon.‘Neal Beck…isang taong inuwi ng mga Southern.’ Kung hindi niya alam na niligtas ni Cameron si Nollace, siguro hindi siya magtataka na isang simbolo lamang ang ‘Neal Beck’.Si Nollace ang Neal na iyon. “Ituloy mo na ang trabaho mo. Tingnan mo kung makakakuha ka pa ng mga impormasyon.”Tumango ang lalaki. “Understood.” Sumandal si Daisie s
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa