Nabusog si Daisie at ibinaba na ang kubyertos niya. “Nolly, may pakialam ka ba sa sinasabi ng mga tao sa online?”Tumingin si Nollace at hinawakan ang mukha niya pagkatapos nang ilang sandaling pagtigil. “Wala kasi ako ang nasa tabi mo.”Nabuo ang mga espekulasyon na ‘yon.Mukhang bahagyang dismayado si Daisie.Hinihiling niyang mailabas sa publiko ang mga bagay kahit na malaman ni Donald. Mas mabuti yon dahil magagawa nila ang lahat ni Nollace kaysa sa pagtago sa kaniya tuwing may problema na dumadating.Lumapit si Nollace sa kaniya dahil parang napansin niya ang emosyon ni Daisie at nilagay ang kamay sa ulo niya. “Magkakaroon tayo ng pagkakataon na maging public. Kapag nangyari ‘yon, ipapaalam mo sa buong mundo na ako ang lalaki na nasa likod ni Ms. Best Actress.”Tumingin si Daisie sa liwanag ng mata ni Nollace at nakita ang sarili niya doon. “Haharapin mo ba si Donald?”Hindi siya nagsalita.Nag-iwas ng tingin si Daisie. “Sabi ko na nga ba. May rason sa likod ng candlelight
Pagkatapos umalis ni Nollace sa Bassburgh, bumalik si Daisie sa Goldmann mansion.Malungkot sa Taylorton kapag wala si Nollace doon. Mag-isa lang siya at bukod pa doon, nag-aalala siya nang lubos sa kaniya.Napansin ni Freyja na maraming iniisip si Daisie kaya umupo siya sa tabi niya. “Hindi hahayaan ni Nollace na may mangyari sa kaniya. Matalino siyang tao kaya sigurado akong may kumpiyansa siya.”Kinuha ni Daisie ang kape at uminom bago sinabing. “Sa tingin niya ba kaya niyang gawin lahat?”Ngumisi si Freyja. “Hindi siya nabigong gawin ang lahat ng gusto niya. Alam mo ‘yan.”Nakatikom ang labi ni Daisie at hindi sumagot.Sa oras na yon, nakatanggap ng tawag si Freyja. May sinabi ang nasa kabilang linya dahilan para magbago ang ekspresyon niya at mapatayo. “Ano? Nawawala si Deedee?Magkasamang pumunta si Daisie at Freyja sa Seaview Villa. Nilibot na ng nanny ang bawat sulok ng bahay pero hindi niya mahanap si Deedee.Lumabas si Freyja sa sasakyan at hinawakan ang balikat ng n
Agad lumapit si Colton para saluhin si Freyja at maiwasan na bumagsak siya.Mahigpit siyang kumunot. “Deedee, bakit mo tinulak ang tita mo?”Natakot si Deedee sa galit na tingin ni Colton. Umatras siya kaunti at kinagat ang labi niya para pigilan ang sarili niya na umiyak.Huminga nang malalim si Freyja at nilapitan ulit si Deedee. Hininaan niya ang kaniyang boses at sinabing, “Deedee, pasensya na. Hindi ko dapat nilakasan ang boses ko. Sobrang nag-alala lang ako sa'yo.”Tinulak ni Deedee ang kamay niya at umiyak, “Ayaw sa'kin ng magulang ko at ngayon ayaw mo na rin sa'kin.”Nagulat si Freyja. “Deedee, hindi ko sinabi na ayaw ko sa'yo—”“Sinungaling! Narinig ko ang lahat ng sinabi mo nung gabi! Papaalisin mo ako!” Umupo si Deedee sa sahig at umiyak nang malakas.Tumigil sa pagtibok ang puso ni Freyja at nanikip ang dibdib niya.Hindi niya inakala na maririnig ni Deedee ang lahat ng sinabi niya noong gabi na yon. Kaya naisip niya na ayaw na sa kaniya at iiwan na siya. Pero aya
Pilit na ngumiti si Freyja at sinabing, “Tulog na siya ngayon.”“Anong problema ni Colton? Bakit bigla siyang umalis? Nag-away ba kayo?” tanong ni Daisie.Nakatikom ang labi ni Freyja. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Daisie.Totoo ba nag-aaway sila pero ang tanong, bakit siya nag-aalala sa pagbabago ni Colton?Maingat na tinaning ni Daisie, “Nga pala, bakit sinabi ni Deedee na ayaw mo na sa kaniya? Ano bang nangyari?”Sinabi ni Freyja kay Daisie na gusto niyang ibalik si Deedee sa Pruitt pero akala ni Deedee na ayaw na sa kaniya ni Freyja. Siguro, gusto lang manatili ni Deedee kay Freyja pero naisip niya na mas ikabubuti ni Deedee kapag pinadala niya pauwi doon. Siguro kailangan niya rin isipin ang nararamdaman ni Deedee? Hindi niya alam ang tungkol doon.“Selfish ba ako?” tanong ni Freyja.Natahimik sandali si Daisie bago sumagot, “Hindi, syempre, hindi ka selfish. Ginawa mo ang lahat para alagaan siya.”Hindi sumagot si Freyja.Nang paalis si Daisie sa Se
Nagulat si Daisie.Sa sobrang lapit ni Zephir ay mabibilang ni Daisie ang pilikmata niya. Malamig ang daliri niya sa balat niya at kahit na pinupunasan niya ang sabaw sa sulok ng labi ni Daisie, pakiramdam niya ay hinahaplos niya ang kaniyang girlfriend.Kung nangyari ito noon, iisipin ni Daisie na ginawa niya yon para sa kabaitan o inaalagaan niya lang nakababata niyang kapatid. Pero, pakiramdam niya ay iba ito ngayon.Dahil siguro sa nakakapaso ang hininga niya sa kaniyang balat. Kinuha ni Daisie ang tissue paper palayo sa kamay ni Zephir at lumayo. “Ayos lang, Zephir. Kaya ko ‘to gawin.”Walang sinabi si Zephir. Ngumiti lang siya.Pagkatapos nila kumain, umalis sila sa restaurant.Huminto ang sasakyan ni Zephir sa harap ni Daisie. Pero, hindi siya nag maneho kahit nakasakay na si Daisie. Habang nag-iisip siya kung ano ang ginagawa ni Zephir, biglang itong lumapit sa kaniya at nagulat siya.Kusa niyang nilaga ang kamay niya sa balikat ni Zephir para itulak siya palayo at sinab
Nakatikom ang labi ni Freyja at walang sinabi na kahit ano.Ang totoo, wala itong kinalaman sa mga bagay na nangyari ngayong araw.Nag-squat si Colton sa harap niya at nilapit ang pisngi niya sa tiyan ni Freyja. Habang pinapakinggan ang galaw sa loob, tumawa siya. “Kaya bang gumalaw ng isang buwan na embryo sa loob?”Nagulat si Freyja. Ito ang unang pagkakataon na makita niya ang ganitong side ni Colton. Maingat siya at yumuko siya para tingnan si Colton. Pagkatapos, mahinahon niyang sinabi, “Isang buwan pa lang. Kaya hindi pa makakagalaw ang baby natin.”Inangat ni Colton ang tingin niya kay Freyja. “Nahihilo ka ba nitong mga nakaraan?”Umiling si Freyja. “Hindi na pagkatapos kong uminom ng gamot.”Mahina niyang hinaplos ang tiyan ni Freyja at sinabing, “Kumuha na rin tayo ng marriage certificate, Freyja.”Nagulat si Freyja. Akala niya ay namali ng rinig ang tainga niya habang tinatanong, “Anong sinabi mo!?”Nakatitig siya kay Freyja habang dinidiin ang mga salita na lumalabas
Binaba ni Colton ang dokumento at tinapik ang desk. “Kumusta siya?”Sumagot ang therapist. “Base sa obserbasyon at test ko sa mga nagdaang araw, masyado nga siyang sensitibo. Siguro ay dahil sa pagpapalaki sa kaniya na introvert at mababa ang tiwala sa sarili. Pakiramdam niya lagi mag-isa siya kaya gusto niyang nakadikit sa mga gusto niyang tao.”Kumunot si Colton at malalim ang iniisip. Pagkatapos ng ilang sandali, tinanong niya, “Pwede ba kitang tanungin?”“Sure,” sagot ng therapist.“Kaya bang saktan ng 4-year-old na bata ang tao na mahal siya? Tulad ng pagiging dahilan para makunan siya?”Kahit na mali ang pagkaintindi ni Deedee sa usapan nila nang gabing yon, kahit na galit siya sa kanila, bakit niya itutulak ang tiyan ni Freyja?Nagsimula siyang mag ingat kay Deedee pagkatapos makita ang ginawa niya nung araw na yon.Hindi niya pinakita yon dahil ayaw niyang ilagay sa mahirap na posisyon si Freyja. Kung tutuusin, si Freyja ang nagpalaki kay Deedee mula nang ipinanganak ito
Kung noon ito, bakit magkakaroon ng pakialam si Colton?Sa loob niya, puno ng halo halong pakiramdam ang puso ni Freyja at hindi niya yon maintindihan. Sa kabila, si Deedee na umaasa at gusto lang siyang makasama. Sa kabila naman, ang ama ng anak niya at ang lalaking mahal niya.“Bakit nakatayo ka sa pinto?” Bumalik siya sa reyalidad dahil sa boses.Nagkatinginan sila ni Colton, nagdalawang isip siya sandali at pumasok sa study. “Anong sinabi sa'yo ng therapist?”“Wala naman siya gaanong sinabi.” Nilayo ni Colton ang mga dokumento. Nang may maalala, idinagdag niya, “Maghahanap ako ng bata na pupunta dito para samahan siya bukas. Kahit na mas matanda yon sa kaniya nang kaunti, magkakasundo naman siguro sila.”Nagulat si Freyja at mukhang may napagtanto.Noong nasa Yaramoor siya, bukod kay Freyja, gusto lang kasama ni Deedee ay ang nanny. Kapag sa kaibigan, gusto lang niya kalaro ang apo ng nanny pero hindi sila magkalaro buong araw. Iniisip niya na ayaw ni Deedee sa mga bata na ka