Nang nilagpasan siya ni Freyja, hinawakan ni Colton ang braso niya at hinila siya pabalik.Nang mawala siya sa balanse, bumagsak siya sa bisig ni Colton. Sinubukan niyang kumawala sa bisig niya pero hindi siya nito hinayaan.“Ano na namang gusto mo ngayon?”Tinakpan niya ang bibig ni Freyja at iniwas ang ulo niya. “Mag brush ka muna ng ngipin. Pagkatapos, mag-uusap tayo.”Natahimik si Freyja. Tinulak niya palayo si Colton at pumasok sa banyo.Minasahe ni Colton ang sintido niya.‘Akala ba niya iniisip ko na siya ang nagsabi kay Daisie na magsumbong sa mom namin? Ano bang tumatakbo sa isip niya?’Pagkatapos mag brush ni Freyja ng ngipin, lumabas siya ng banyo.Nakatayo si Colton sa harap ng bintana, may kinakausap. Nang makita niya ang repleksyon ni Freyja sa bintana, pinatay niya ang tawag at humarap para tumingin sa kaniya. “Pwede na ba tayo mag-usap?”Nagulat siya. “Anong gusto mong pag-usapan?”Lumapit si Colton sa kaniya. Umatras siya bigla pero inipit siya sa sulok ni C
Pagkatapos ng dalawang araw, sa Goldmann mansion…Nakita ni Nolan ang balita pagkatapos bumalik mula Octavia. Binato niya ang magazine sa mesa at inangat ang ulo niya para tingnan si Colton at Nollace na nakaupo sa harap niya.“Ano bang iniisip niyong dalawa?”Tiningnan ni Colton si Nollace at sinabing, “Tanungin mo siya.”Ngumiti lang si Nollace at walang sinabi.Sumandal si Nolan sa kaniyang upuan at pinag krus ang kaniyang binti. Nagngalit ang ngipin niya at ngumiti. “Nasa headline kayo dahil lang sa isang villa at ngayon parang hotcake ang mga villa sa Taylorton dahil sa inyong dalawa. Mukhang magaling talaga kayong tumulong sa iba para umangat ang business nila.”Gusto ng lahat ng villa mula Taylorton pagkatapos na mag-away si Colton at Nollace sa isang villa doon. Para iyong free advertisement sa Taylorton.Kinuha ni Nollace ang tasa at sinabing, “Huwag ka magalit, Tito Nolan. Dahil may lakas ng loob ang Taylorton na samantalahin ang balita para iangat ang presyo, sa finan
Binaba ni Nollace ang tingin niya at inayos ang kaniyang sleeves. “Posible kaya na tatanggapin mo na si Freyja?”Nanlamig ang mata ni Colton. “Anong ibig mong sabihin?”“Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.” Inangat ni Nollace ang ulo niya at mahiwatig na tumingin kay Colton. “Ang malabo niyong relasyon at ang pagkakaiba niyo ay harang sa kaniya. Ayaw niya maunang humakbang habang ayaw mo rin. Kaya, mas mabuti na tapusin niyo na bago pa mahuli.”Nilagpasan siya ni Nollace at nagpunta sa sasakyan niya. Pinagbuksan siya ni Edison ng pinto.Biglang narinig ang boses ni Colton. “Sa tingin mo ba alam mo ang mga bagay sa pagitan naming dalawa?”Three years ago, siya ang nag-block kay Colton at umiwas sa kaniya. Hindi siya pinaglaruan ng kahit sinuman nang ganoon.Siya ang ayaw aminin ang relasyon nila.Huminto si Nollace sa harap ng sasakyan at sinabi nang hindi lumilingon. “Hindi ko alam ang nangyayari sa inyo pero kilala ko siya. Sa tingin mo ba mali ang iisipin niya kung handa
Mahinang sumagot si Nollace. “Ngayon.”“Pero kailangan ko kumuha ng ilang documentation para ikasal tayo…”Kinuha ni Nollace ang ilang dokumento, at nagulat si Daisie. “Paano mo ‘to nakuha?”Tumawa siya. “Syempre, kagagawan yan ng father-in-law ko.”Nasa Goldmann mansion silang dalawa ni Colton ngayon, pinag-usapan nila ang tungkol sa Taylorton. Sinabihan siya ni Nolan na kakausapin siya ng pribado. Gusto niyang may gawin si Nollace para itali ang sarili niya kay Daisie para malaman ang posisyon niya.At dahil sabutos na yon, sinamantala na ni Nollace ang pagkakataon para makuha ang documents ni Daisie.Hindi inakala ni Daisie na ibibigay ng Dad niya kay Nollace ang documents niya. May naisip siya at nag-iwas ng tingin. “Pero hindi ka pa nga nagpo-propose sa akin.”Kalmado siyang nagpaliwanag, “Ikakasal muna tayo at bibigyan kita ng wedding proposal pagkatapos nito. Nakaplano na lahat.”Kinabahan siya dahil doon. Hindi siya mapakali kapag dumating ang araw na ito.Biglang lu
‘At mula nang umalis si Freyja, umalis si Colton nang hindi kumakain, iniwan niya si Ms. Peterson at sinabi niyang may nangyari at busy siya. Peke yon lahat, ano?‘Umaabot na pala sa ganito ang relasyon ni Colton at Freyja!’Hindi inakala ni Freyja na mahuhuli siya ni Daisie. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya bigla at nahihiyang tumayo. “Daisie, pasensya na, ano—”“Sandali.” Inangat ni Daisie ang kamay niya para patigil siya at huminga nang malalim. “Bigyan mo ako ng ilang minuto. Masyadong maraming impormasyon ang kailangan kong isipin agad. Matagal na ba kayong magka relasyon?”Yumuko si Freyja. “Hindi mo kami maituturing na magkarelasyon.”Tiningnan siya ni Colton. Nagdilim ang mata niya pero nakakatakot ang pagiging kalmado niya.Pagkatapos ng ilang sandali, malamig niyang sinabi, “Freyja, ayaw mong aminin sa harap ni Daisie, ano?”Nanatiling tahimik si Freyja habang kagat ang labi niya.“Mukhang hindi ko kailangan magpaliwanag sa'yo.” Tumalikod siya, nakang
Isang box ng singsing.Agad na hinawakan ni Daisie ang singsing na nasa leeg niya. “Hindi ba't nandito na ang singsing?”“Iba ito.” Huminto si Nollace sa likod niya at ngumiti. “Token of love lang ang singsing three years ago, hindi pa ‘yan official.”Tiningnan siya ni Daisie. “Hindi ba't masyadong malinaw ang pagkakaiba?”Lumapit si Nollace, kinuha ang box ng singsing sa string at lumapit kay Daisie.Hindi mapigilan ni Daisie na kabahan at tumitig sa kaniya.Lumuhod siya sa harap ni Daisie at binuksan ang singsing sa kaniyang kamay. Sa loob ng box ay isang cornflower blue sapphire ring na may pangalan ni Nollace sa surface.“Ms. Vanderbilt, handa ka bang ikasal sa akin nang mahawakan natin ang kamay ng isa't isa habambuhay? Pero mag ingat ka, pagkatapos mong tanggapin ang singsing na ito, wala ka ng pagkakataon na makipag-divorce.”Agad namangha si Daisie at yumuko pero namumula ang mata niya. “Anong klaseng marriage proposal ‘to?”“Will you?”Nilapit niya ang kaniyang kama
Lumubog si Daisie sa tubig sa takot at namula. “Malapit…malapit na ako matapos.”Napangiti si Nollace. “Gusto ko lang ipaalala sa'yo na huwag ka masyado magtagal sa bathtub. Baka mahimatay ka sa init.”Pagkatapos magsalita, binaba niya ang damit ni Daisie. “Nilagay ko ang pajamas mo sa pinto.”Mahinang hum ang naging sagot ni Daisie.Nang mawala ang anino, umahon siya sa bathtub, kinuha ang towel at binalot ang katawan niya doon.Bahagya niyang binuksan ang pinto ng banyo. Maayos na nakatupi ang pajama at nakalagay sa tabi ng pinto.Nagpalit siya ng pajama at lumabas ng banyo. Basa ang buhok niya at ang maputi at namumula niyang balat at bahagyang sumakto sa ice silk na pajama.Sinilip ni Daisie ang ulo niya sa kwarto. Nakaupo si Nollace sa chaise lounge habanag naka dekuwatro, nakatakip ang noo gamit ang isang kamay at tumitingin naman ng magazine ang isa.Nakatutok ang tingin niya sa magazine, ang black ice silk nightgown niya ay maluwag na nakabukas at bahagyang nakabukas an
Pagkatapos ng ilang sandali, naghiwalay na ang dalawa sa isa't isa.Hinaplos ni Nollace ang labi niya. “Oras na para humiga.”Biglang kinabahan si Daisie.‘Posible bang nandito na ang importanteng pangyayari?’Bago pa niya maayos ang iniisip niya, binuhat siya ni Nollace at dinala sa kama. Nang ihiga siya sa kama, mas lalo siyang hindi mapakali.Kinumutan siya ni Nollace, hindi na gumawa pa ng ibang aksyon, humiga sa tabi niya at niyakap siya. “Matulog ka na. Good night.”Blangko na nakatingin si Daisie sa kisame.‘Nang sinabi niyang oras na para humiga, pahinga lang ang tinutukoy niya?’Humarap siya at tinitigan si Nollace.Nakapikit si Nollace at makikita ang pagod sa mukha niya na para bang antok na antok siya.Nakahinga nang maluwag si Daisie.‘Normal lang yon. Nakakapagod talaga ang pag ayos at disenyo sa villa.’Maingat siya na humarap para tingnan nang maayos si Nollace, yumakap sa bisig niya at pinikit ang kaniyang mata.Sa labas ng bintana, makikita ang liwanag ng