Ngumiti si Mr. Peterson at sinabi, “Aralin mo lahat ng makakaya mo dyan. Pag naging pamilyar ka na sa business, ibibigay ko na sayo ang Cloud Capital.”Ngumiti si Giselle at tumingin sa labas ng bintana. “Dad, salamat sa pagpapakilala mo sa akin kay Mr. Goldmann. Masaya ako.”Nahihiya ang boses niya nang sabihin niya ang huling salita.Huminto si Gordon. “Masaya ka?”Nahulaan na niya ang ibig sabihin ng kaniyang anak at ngumiti siya. “Matanda ka na para mag-isip ng isang relasyon at pagpapakasal. Kakausapin ko si Mr. Goldmann sa susunod.”Namula si Giselle. “Salamat, Dad.”Sa filming location…Sinusundan ni Hannah Salvatore si Daisie sinusubukan niyang matuto ng acting sa kaniya.Dati ay galit si Hannah kay Daisie, pero ngayon sumusunod siya kay Daisie na parang naliligaw na kuting. Sobrang laki ng pagkakaibang iyon.“Daisie, salamat sayo nakuha ko pa ang role ni Susan.”Laging tumitingin ng Twitter si Hannah. Ang away sa pagitan nila Mitchell Santos at Susan Hotch ay hindi n
Tiningnan ni Maisie si Freyja na nakaupo sa hindi kalayuan. “Sabi mo papupuntahin mo siya sa bahay para makita ako pero sa tingin ko nakalimutan mo ako.”May biglang naalala Daisie at agad na sinabihan si Freyja na lumapit. “Mom, ito po si Freyja Pruitt.”Kinakabahan si Freyja. “Hello po, Mrs. Goldmann.”Ngumiti si Maisie. “Hindi mo kailangan kabahan. Hindi ako nangangagat. Binanggit ka na sa akin ni Daisie noong nasa Yaramoor siya at sinabi niya na lagi mo siyang tinutulungan. Matagal ko ng gustong makita ka.”Yumuko si Freyja. “Wala po yun.”“Importante yun sa akin.”Nagulat si Freyna at tiningnan ang mata ni Maisie.Tiningnan ni Maisie si Freyja. “Bago pa nagtrabaho si Daisie, lahat ng tao sa bahay ay inaalagaan siya. Nang pumunta sila ni Colton sa ibang bansa para mag-aral, natatakot ako na baka mamanipula siya ng iba tulad ng ginawa ni Lisa.“Pero, malaki ang tinulong mo sa kaniya sa Yaramoor at totoo ang trato mo sa kaniya. Na-appreciate kita.”Ngumiti si Freyja. “Mas na
Alam ni Maisie na mas pupunain ni Colton ang Dad niya, pero alam din niya ang ugali nito. Hindi niya pupunain ang isang tao ng walang dahilan.Nang galit siya kay Lisa, hindi niya ito pinapansin imbes na atakihin niya ito.Pinapakita lang niya na hindi niya pinapansin ang mga taong kinaiinisan niya pero ang mga taong pinupuna niya ay may ibang ibig sabihin.Nakita ni Freyja na nakatitig si Maisie sa kaniya at nilalamig na ang kaniyang katawan. Hindi na siya komportable.Komplikado ang relasyon nila Freyja at Colton, at hindi niya gusto na may makaalam na kahit sino tungkol doon, lalo na ang mga Goldmann.Gusto ni Daisie na tulungan siya pero baka isipin ng mga Goldman na nagsusumbong si Freyja kay Daisie.Ganun din ang iisipin ni Colto . Naisip niya na hindi naman yun ganun kasama.At least ay matatapos ang kanilang komplikadong relasyon para itago na lang niya lahat ng iyon sa puso niya.Sa oras na iyon, biglang nagsalita si Maisie. “Freyja, sumama ka sa amin mag dinner ni Dai
Nahuhulaan na ni Colton ang nangyayari at tumawa siya. “Busy si Daisie sa trabaho niya. Baka maapektuhan ng kasal niya yun.”Biglang nalungkot si Daisie at binaba ang kaniyang kubyertos. “Pwede namang magpakasal ang mga tao sa industriya. Ang pinaka masamang mangyayari ay mawalan ako ng fans pero hindi ako natatakot tungkol doon. Kahit na magpakasal ako, hindi dapat maapektuhan nito ang kahit na ano.”“Oh, bakit hindi pa rin nag-propose sayo si Mr. Knowles? Nagbago na ba ang isip niya?” Nag-igting ang ngipin ni Daisie dahil alam niya na inaatake siya ni Colton dahil sa isinumbong niya.Huminga siya nang malalim at pinilit a ngumiti. “Colton, bakit hindi mo na lang pakialaman ang sarili mong buhay? You incel.”Ngumiti si Colton. “Sinong incel?”“Kung sino yung sumagot ay incel.”Tumayo siya at umakyat sa taas.Walang magawa si Maisie kundi ang umiling. Para silang bata umasta. “Colton, walang magiging mabuting dulot sayo ang pang-iinis mo sa kapatid mo.”Sobrang kaswal ni Colt
Tinaas ni Colton ang kilay niya. “Anong nangyayari?”Tinakpan ni Leonardo ang phone at para siyang kinakabahan. “Mr. Goldmann, sinabi ng realtor na nabenta na ang villa two days ago.”Nagpunta sila Colton at Leonardo sa sales gallery at masaya silang binati ng manager. Matapos niyang malaman bakit sila nandoon, napangiti na lang siya habang humihingi ng tawad.“Mr. Goldmann, sorry. Nangyari ito kasi hindi maayos na nasabihan ang team ko.”Nabenta na ang villa two days ago, at nakalimutan ng realtor na tanggalin ang as matapos na-finalized ng paperwork. Kaya, nagkaroon tayo ng misunderstanding.Ayos lang manghingi ng tawad kung ito ay ibang tao pero itong tao ay ang pangalawang tagapagmana ng mga Goldmann—ang pinakamahirap kalabanin.Umupo si Colton sa coych habang may nagbibigay sa kaniya ng kape. “Sinong bumili?”Nagulat si Leonardo at tumingin sa kaniya.Bibilhin niya kaya yun mula sa buyer?Nahihiyang sinabi na g Manager, “Um… bakit hindi kita tutulungan hanapin?”Kahit na
Inabot ni Edison ang phone kay Nollace.Sinagot ni Nollace ang phone at sinabing, “Mukhang alam mo na ako ‘yon, Colton.”Nagngalit ang ngipin ni Colton bago tinanong, “Mahirap ka na ba ngayon, Nollace? Bakit mo ini-scam ang pera ko?”Tumawa si Nollace at sinabing, “Gusto ko lang makita kung gaano mo kagusto itong villa. Kung tutuusin, hindi mo makukuha ang villa kung hindi sapat ang binayad mo.”Huminga ng malalim si Colton at sinabing, “Madalas na tayo magkikita mula ngayon kaya hindi mo dapat sirain ang pinagsamahan natin baka sakaling kailanganin mo sa future.”Alam ni Nollace kung ano ang sinasabi niya at tumawa. “Sa tingin ko naman wala kang dapat sabihin doon. Tinanong mo ba ang kapatid mo tungkol doon?”“Huwag mong idamay ang kapatid ko dito.”“Ibibigay mo ba itong villa sa iba?”Nagulat si Colton at agad na sumagot, “Wala ka na doon.”“Mukhang hindi na natin kailangan ipagpatuloy ang usapan na ito.”Binaba ni Nollace ang tawag at naiisip niya kung gaano kadilim ang ek
“Akala ko may nangyari. Ang putla mo ngayon, alam mo ba?”“Talaga?” Hinawakan ni Freyja ang mukha niya at natigil siya.‘Maputla ako ngayon? Pero bakit? Dahil ba sa balita? Dahil sa may pakialam ako?’Nilagay ni Daisie ang kamay niya sa noo ni Freyja. “Masama ba ang pakiramdam mo?”Inilayo ni Freyja ang kamay niya at sinabing, “Ayos lang ako, talaga. Baka hindi lang maganda ang tulog ko kagabi.“Nga pala, narinig ko na bibili ang kapatid mo ng villa. Ikakasal na ba siya?”“Tinawagan ko siya.” Humalukipkip si Daisie. “Nagulat ako at inisip ko rin na ikakasal na siya.”Pagkatapos niyang magsalita, bumulong siya, “Well, malabo naman makahanap ng mapapangasawa ang lalaking matalim ang dila.”Nanginginig ang labi ni Freyja habang mabagal niyang sinasabi, “Mukhang bagay ang kapatid mo at si Ms. Peterson. Baka siya ang magiging future sister-in-law mo.”“Si Giselle?” Saglit na nag-isip si Daisie at sinabing, “Totoo naman na mabait at mahinhin si Giselle pero sa tingin ko ay hindi ni
Nang nilagpasan siya ni Freyja, hinawakan ni Colton ang braso niya at hinila siya pabalik.Nang mawala siya sa balanse, bumagsak siya sa bisig ni Colton. Sinubukan niyang kumawala sa bisig niya pero hindi siya nito hinayaan.“Ano na namang gusto mo ngayon?”Tinakpan niya ang bibig ni Freyja at iniwas ang ulo niya. “Mag brush ka muna ng ngipin. Pagkatapos, mag-uusap tayo.”Natahimik si Freyja. Tinulak niya palayo si Colton at pumasok sa banyo.Minasahe ni Colton ang sintido niya.‘Akala ba niya iniisip ko na siya ang nagsabi kay Daisie na magsumbong sa mom namin? Ano bang tumatakbo sa isip niya?’Pagkatapos mag brush ni Freyja ng ngipin, lumabas siya ng banyo.Nakatayo si Colton sa harap ng bintana, may kinakausap. Nang makita niya ang repleksyon ni Freyja sa bintana, pinatay niya ang tawag at humarap para tumingin sa kaniya. “Pwede na ba tayo mag-usap?”Nagulat siya. “Anong gusto mong pag-usapan?”Lumapit si Colton sa kaniya. Umatras siya bigla pero inipit siya sa sulok ni C