“Dahil hindi pa naman stable ang mga Knowles, kailangan niyang ma-engage sayo kasi alam niya kung gaano siya matutulungan ng mga Goldmann.”Kilala ni Daisie si Nollace. “Hindi siya ganyang tipo ng tao—” “Kahit na hindi siya ganun, ang lahat, kahit na ang Dad niya ay ayon ang iniisip.”Nagulat si Daisie sa mga sinabi ni Colton.Nagulat siya, hindi dahil sa naniniwala siya sa paglalarawan ni Colton kay Nollace, na gagamitin niya ang engagement nila para maisaayos ang katayuan ng mga Knowles pero kung paano titingnan ng mga tao ang engagement nila, tulad ng sinabi ni Colton. Hindi na nakakapagtaka kung paano iyon titingnan ng kaniyang ama.Kung gusto gamitin ni Nollace ang status nila para mapatatag ang katayuan nila, bakit niya tatanggihan ang tulong ng hari? Hindi ba mas madali na malagay ang mga Knowles sa mapa kung may tulong ng hari? Gusto mapatunayan ni Nollace na kaya niyang maabot ang pangarap niya ng walang tulong ng kahit na sino.Pero bakit walang nakakaintindi? Siya
Nanginig ang puso ni Daisie, at umiling siya. “Hindi, naniniwala ako—”Umatras si Nollace at dumistansya kay Daisie. May ilaw sa likod ng kaniyang kinatatakutan, lumalabo ang mukha aniya sa ilaw. Hindi malinaw na makita ni Daisie ang ekspresyon niya. “Hindi ko isinasaalang-alang ang lahat.” “Nolly—”“Dumidilim na. Bumalik ka na.” Tumalikod si Nollace at lumapit sa kotse. Malamig siya, at sobrang hindi naging komportable doon si Daisie. Lumapit si Daisie sa kaniya para hawakan siya. “Nolly, naniniwala ako sayo. Ayoko lang na isipin nila na ganun ka.” Sobrang sumakit ang puso ni Nollace. Huminga siya nang malalim at sinabi habang hindi lumilingon, “Wala akong pakialam kung ano ang tingin nila sa akin. May pakialam lang ako kung ganun din ba ang tingin mo sa akin.”“Hindi ganun.” Tumingin si Nollace sa kaniya, at mas maliit siya sa ilalim ng dilim. “Walang kinalaman sa kapangyarihan na meron ang mga Goldmann kung bakit gusto kita pakasalan.”Pinipigilan ni Daisie ang hinga n
Biglang huminto si Waylon bago tingnan ang babaeng tinawag siyang Colton at kumunot ang noo niya. May sasabihin sana ang driver pero pinigilan siya ni Waylon at tumingin sa babae. “Anong gusto mong itanong?” Mapagkukumpara sila ng isang taong kilala na sila pero kung ang tao ay hindi naman malapit sa kanila ay hindi iyon magagawa. Pareho sila ng mukha pero ang personalidad at mga marka sa mukha nila ay madaling makilala.Pareho sila ng boses, pero kung mapapansin ng tao, malalaman nila na may mas malalim siyang boses kaysa kay Colton.Hindi pa nakita ni Freyja silang dalawa, kaya imposible na ipagkumpara ang boses nila. Nasa loob ng kotse si Waylon, kaya mahirap malaman kung sino ba iyon. “Anong nangyari kay Daisie at Nollace?” Naningkit ang mata ni Waylon pero hindi siya sumagot.Humalukipkip si Freyja, “Huwag ka manahimik. Sigurado akong alam mo ang buong detalye. Alam ko kung gaano ka-mahal ni Daisie si Nollace, kaya imposible na ikaw, bilang kapatid niya ay hindi yun a
Oo, nandito na siya.” “Anong problema sa boses mo?” Huminto si Daisie kasi ayaw niyang mag-alala pa ang mom niya. “Huwag ka mag-alala, sipon lang ito.” “Malaki ka na ngayon, dapat alagaan mo ang sarili mo. Paano kita hahayaang magpakasal kung ganyan?” Nang marinig ni Daisie ang ‘kasal’ kinagat niya ang labi niya at pinigilan ang kaniyang luha. “Mom.” Nang marinig ang nanginginig niyang boses, kumunot ang noo ni Maisie. “Umiiyak ka.”“Hindi. Sadyang—” “Daisie, pwede mo sabihin sa akin lahat. Huwag mo sarilihin.” Sa Bassburgh, sa Blackgold…Katatapos lang ng meeting ni Nolan at lumabas na siya ng conference room. Si Quincy na nakatanggap ng tawag ay lumapit kay Nolan. “Sir, kanina pa kayo hinihintay ni Mrs. Goldmann sa office.” Huminto si Nolan at kumunot ang noo niya. “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” Napag-initan pa si Quincy. “Ayokong maabala ang meeting niyo.” Agad na pumunta si Nolan sa opisina niya, binuksan niya ang pinto at nakita si Maisie na naghihinta
May magandang umpisa ang Knowles Group, pero hindi pa iyon stable. Kung magpapakasal si Daisie kay Nollace, iisipin ng mundo na ginamit niya ang mga Goldmann para maging stable ang kumpanya niya.Naniniwala si Maisie kay Nollace kasi nasa kaniya ang kailangan.May naalala siya at tinanong, “Sa tingin mo ba ganun si Nollace?” “Mas mabuti ng maging ligtas kaysa sumugal.” Niyakap siya ni Nolan at pina-upo siya sa kaniyang hita. “Bata pa rin sila, lalo na si Nollace. Kahit na pinupuri ni Yorrick ang kapasidad niya. Kung totoong mahal niya si Daisie, hindi ba mas magiging mabuti pag naabot niya ang tuktok?” Ngumiti si Maisie at kinurot ang baba ni Nolan. “Apo siya ng hari kaya hindi niya kailangan ng tulong natin. Halata naman na mapili lang ang mga Goldmann.” Hinawakan ni Nolan ang kamay niya at tumawa. “Goldmann ka rin. Hindi pwedeng magsalita ka ng masama tungkol sa atin.” Tumikhim si Maisie at binawi ang kamay niya. “Kausapin mo si Nollace. Narinig ko na nahulog si Ms. Livings
“Pero ayaw ko isipin ng ibang tao na ganoon siyang klase ng tao. Gusto ko lang maintindihan siya ng lahat…”Basa ng luha ang mata ni Daisie.Pinunasan ni Waylon ang luha sa gilid ng mata ni Daisie at sinabing, “Ang kulit mo. Sa tingin mo ba may pakialam si Nollace sa iniisip ng ibang tao sa kaniya?”Binuka ni Daisie ang bibig niya at nang may sasabihin na siya, naalala niya ang mga sinabi ni Nollace.‘Ganoon mo rin ba ako nakikita, Daisie?’Ang rason kung bakit siya nagalit ay hindi dahil sa gustong ipagpaliban ni Daisie ang engagement nila. Dahil sa nakita siya ni Daisie sa kung ano ang tingin sa kaniya ng ibang tao.Mahigpit ang hawak ni Daisie sa tinidor ar doon niya lang napagtanto ang rason kung bakit nagalit si Nollace dahil hindi niya talaga napaliwanag ang gusto niyang sabihin nang araw na yon.Inakala niya na pinili ni Daisie na hindi siya paniwalaan dahil may sinabi si Colton sa kaniya.Inangat ni Daisie ang ulo niya. “Waylon, a…”“Tapusin mo muna ang pagkain mo,” Pa
Nang makita na pinapahirapan ni Nollace ang dad niya, hindi napigilan ni Zenovia ang sarili niya at nangialam. “Mr. Knowles, kahit na ayaw mo kaming tulungan, hindi mo kailangan na maging ganito.”Walang sinabi si Nollace.“Zenovia…” May gustong sabihin si Juneau pero pinigilan ulit siya ni Zenovia. “Pinili mo si Daisie kaysa sa akin dahil gusto mo ng tulong mula sa Goldmann, hindi ba? Narinig ko nung nakaraan na sinabi mong hindi ka mae-engage sa kaniya. Dahil sa alam mong hindi madali, hindi ba?”Kinabahan si Juneau. Sinabihan niya ang anak niya na tumigil sa pagsasalita pero hindi siya pinansin nito. “May sinabi ba akong mali? Gusto ng hari na suportahan namin ang Knowles. Kaya gusto niyang ikasal ako kay Nollace. Kahit na hindi kami kasing galing ng Goldmann, mabibigay din naman ang kaya nilang ibigay.”Inangat ni Nollace ang ulo niya at malamig na tiningnan si Zenovia. “Kaya sa opinyon mo, ang kasal ay para makakuha ka ng benepisyo?”“Oo, hindi ko naman tinatanggi.”Lumapit
May napansin si Zenovia at mas lumakas ang loob sa naisip niya. “Well, mukhang tama ako. May problema na kayo agad.”Tumayo si Nollace at walang ekspresyon na sumagot. “Wala siyang kinalaman doon at wala ka ring kinalaman.”Tumalikod siya at sinabing, “Peter, please ihatid mo sila sa pinto.”Pagkatapos non, umakyat siya nang hindi lumilingon.Wala ng sinabi pa si Zenovia at umalis sa Knowles mansion kasama ang dad niya.Samantala, kararating lang ni Daisie sa sasakyan. Bago pa masimulan ng driver ang engine, lumapit si Zenovia sa sasakyan at kumatok sa bintana.Binaba ni Daisie ang bintana pero walang sinabi.Sumandal si Zenovia sa bintana at sinabi habang may ngiti. “Ms. Vanderbilt, pwede ba kita makausap?”Tiningnan siya ni Daisie at tinanong, “Anong gusto mong sabihin?”“Pasensya sa aksyon ko nung una dahil hindi ko alam kung sino ka pero hindi ako titigil.” Tiningnan siya ni Zenovia sa mata at nagpatuloy. “Totoo na galing ka sa mayamang pamilya pero sa kasamaang palad, isa
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa