Talagang kilala ang pangalan na Nolan Goldmann sa ibang bansa. Siya ang emperor ng Zlokova’s business circle at nasa listahan din siya ng pinakamayamang tao sa mundo. Hindi lang sa may relasyon ang mga Goldmann sa royal family ng Stoslo, pero ang kasalukuyang presidente ay dating kaklase rin ni Mr. Goldmann. At ang leader ng mga Hathaways ay may relasyon din sa mga Goldmann. Habang ang asawa naman niya na si Mrs. Goldmann ay ang apo ng mga de Armas, ang global luxury brand’s jewelry designer, at ang goddaughter ng Metropolis leader na si Strix. Kaya, kung pag-uusapan ang yaman at kapangyarihan, walang-wala ang mga Livingston kumpara sa mga Goldmann.“Sinabi pa ng anak ng Livingston na ang anak ng mga Goldmann ay may lowly status. Hindi ba malakas na sampal ito sa mukha niya?” Nakinig si Zenovia sa usapan ng mga tao, at namutla ang mukha niya dahil sa hiya. “Paano nangyari yun!?” ‘Kung totoong anak siya ng mga Goldmann, lahat ng mga sinabi ko kanina ay talagang babalik sa akin,
Nilamon ni Daisie ang isang slice ng pizza, kinuha ang can ng coke, ininom iyon, at dumighay. “Talagang mas masarap ang chicken nuggets at pizza pag may kasamang coke!”Hindi mapigilang tumawa ni Nollace. “Hindi ka talaga pumipili ng kinakain mo pag may gusto kang kainin, huh?” Tiningnan ni Daisie si Nollace na hindi masyadong kumain. “Sabi ng Lola ko sa akin dapat daw maging masaya tayo at kuntento. Mas mabuti ng may makain kaysa naman wala. Sinusubukan mo bang sabihin sa akin na mapili ka sa pagkain?” Tinitigan siya ni Nollace at bahagyang tinaas ang kilay niya. “Kuntento na ako pag pinapanood kitang kumain.”Huminto si Daisie, at matapos ang ilang sandali, kinuha niya ang bowl ng dumplings, inabot niya kay Nollace, at dahan-dahang sinabi, “Ayaw mo ng pagkaing mataas ang calories, kaya dapat itong dumplings na lang ang kainin mo. Huwag kang umalis ngayong gabi at sabihin sa mga tao na ginutom kita.” Ang gustong kainin ni Daisie ay fried chicken nuggets at pizza. Pero alam ni
Kumalat ang balita sa iba’t ibang social platforms, at naging trending ito.Sa katunayan, nag-comment ang mga nakatira sa Haniston na pinahiya ni Zenovia ang sarili niya at ang kaniyang bansa. Hindi lang siya isang taong mapagmataas kundi isang tao rin na mababa ang tingin sa iba.Sa kabaliktaran, nakuha ni Daisie ang maraming fans at nakakuha ng maraming papuri dahil sobrang mapagkumbaba niya at hindi pinagmayabang ang kaniyang pagkakakilanlan. Sa oras na iyon, isang private jet ang lumilipad sa altitude na 32,000 feet na nagmula sa St. Petersburg Airlines sa Stoslo.Isang teenager ang nakaupo sa leather seat at nagbabasa ng magazine, at may masasarap na pagkain at wine sa mesa. Malaki at napakakomportable ng cabin, at talagang nag-enjoy siya doon.Lumapit ang flight attendant sa kaniya at magalang na nag-report, “Sir, papasok na po ang plane sa Yaramoor’s airspace sa susunod na sampung minuto. Inaasahan na magkaroon ng gulo sa pagbaba. Kaya, para sa kaligtasan, aalisin muna nam
Ngumiti si Daisie sa kaniya, binalot niya ang kamay niya kay Waylon. “Waylon, bakit hindi mo agad sinabi na pupunta ka pala dito para bumisita?” Nilagay ni Waylon ang cup sa mesa at tumingin sa kaniya. “Nakikipag-date ka na ba kay Nollace?” Nagulat si Daisie at agad na tumingin kay Colton.Humalukipkip si Colton at tumingin kay Daisie pero wala siyang sinabi na kahit ano.“Well, oo.” Kinamot ni Daisie ang pisngi niya at yumuko. Matapos niya sumagot sa tanong na iyon, agad siyang nagpaliwanag, “Waylon, sobrang naging mabilis ang mga nangyari, kaya wala akong oras na masabi sayo ang tungkol doon.” Tinaas ni Waylon ang kamay niya at hinawi ang buhok ni Daisie. “Nagtatanong lang ako, bakit ka kinakabahan?” “Hindi ako kinakabahan!”Hindi niya mapigilang tumawa. “Oh, talaga? Nakita kita na kinakabahan at parang natatakot na baka magalit ako sayo.” Tinikom ni Daisie ang labi niya.“Ayos lang yun. Malaki ka na at may sarili ka ng isip. Kaya bakit mo naman naisip na may karapatan
“Dahil hindi pa naman stable ang mga Knowles, kailangan niyang ma-engage sayo kasi alam niya kung gaano siya matutulungan ng mga Goldmann.”Kilala ni Daisie si Nollace. “Hindi siya ganyang tipo ng tao—” “Kahit na hindi siya ganun, ang lahat, kahit na ang Dad niya ay ayon ang iniisip.”Nagulat si Daisie sa mga sinabi ni Colton.Nagulat siya, hindi dahil sa naniniwala siya sa paglalarawan ni Colton kay Nollace, na gagamitin niya ang engagement nila para maisaayos ang katayuan ng mga Knowles pero kung paano titingnan ng mga tao ang engagement nila, tulad ng sinabi ni Colton. Hindi na nakakapagtaka kung paano iyon titingnan ng kaniyang ama.Kung gusto gamitin ni Nollace ang status nila para mapatatag ang katayuan nila, bakit niya tatanggihan ang tulong ng hari? Hindi ba mas madali na malagay ang mga Knowles sa mapa kung may tulong ng hari? Gusto mapatunayan ni Nollace na kaya niyang maabot ang pangarap niya ng walang tulong ng kahit na sino.Pero bakit walang nakakaintindi? Siya
Nanginig ang puso ni Daisie, at umiling siya. “Hindi, naniniwala ako—”Umatras si Nollace at dumistansya kay Daisie. May ilaw sa likod ng kaniyang kinatatakutan, lumalabo ang mukha aniya sa ilaw. Hindi malinaw na makita ni Daisie ang ekspresyon niya. “Hindi ko isinasaalang-alang ang lahat.” “Nolly—”“Dumidilim na. Bumalik ka na.” Tumalikod si Nollace at lumapit sa kotse. Malamig siya, at sobrang hindi naging komportable doon si Daisie. Lumapit si Daisie sa kaniya para hawakan siya. “Nolly, naniniwala ako sayo. Ayoko lang na isipin nila na ganun ka.” Sobrang sumakit ang puso ni Nollace. Huminga siya nang malalim at sinabi habang hindi lumilingon, “Wala akong pakialam kung ano ang tingin nila sa akin. May pakialam lang ako kung ganun din ba ang tingin mo sa akin.”“Hindi ganun.” Tumingin si Nollace sa kaniya, at mas maliit siya sa ilalim ng dilim. “Walang kinalaman sa kapangyarihan na meron ang mga Goldmann kung bakit gusto kita pakasalan.”Pinipigilan ni Daisie ang hinga n
Biglang huminto si Waylon bago tingnan ang babaeng tinawag siyang Colton at kumunot ang noo niya. May sasabihin sana ang driver pero pinigilan siya ni Waylon at tumingin sa babae. “Anong gusto mong itanong?” Mapagkukumpara sila ng isang taong kilala na sila pero kung ang tao ay hindi naman malapit sa kanila ay hindi iyon magagawa. Pareho sila ng mukha pero ang personalidad at mga marka sa mukha nila ay madaling makilala.Pareho sila ng boses, pero kung mapapansin ng tao, malalaman nila na may mas malalim siyang boses kaysa kay Colton.Hindi pa nakita ni Freyja silang dalawa, kaya imposible na ipagkumpara ang boses nila. Nasa loob ng kotse si Waylon, kaya mahirap malaman kung sino ba iyon. “Anong nangyari kay Daisie at Nollace?” Naningkit ang mata ni Waylon pero hindi siya sumagot.Humalukipkip si Freyja, “Huwag ka manahimik. Sigurado akong alam mo ang buong detalye. Alam ko kung gaano ka-mahal ni Daisie si Nollace, kaya imposible na ikaw, bilang kapatid niya ay hindi yun a
Oo, nandito na siya.” “Anong problema sa boses mo?” Huminto si Daisie kasi ayaw niyang mag-alala pa ang mom niya. “Huwag ka mag-alala, sipon lang ito.” “Malaki ka na ngayon, dapat alagaan mo ang sarili mo. Paano kita hahayaang magpakasal kung ganyan?” Nang marinig ni Daisie ang ‘kasal’ kinagat niya ang labi niya at pinigilan ang kaniyang luha. “Mom.” Nang marinig ang nanginginig niyang boses, kumunot ang noo ni Maisie. “Umiiyak ka.”“Hindi. Sadyang—” “Daisie, pwede mo sabihin sa akin lahat. Huwag mo sarilihin.” Sa Bassburgh, sa Blackgold…Katatapos lang ng meeting ni Nolan at lumabas na siya ng conference room. Si Quincy na nakatanggap ng tawag ay lumapit kay Nolan. “Sir, kanina pa kayo hinihintay ni Mrs. Goldmann sa office.” Huminto si Nolan at kumunot ang noo niya. “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” Napag-initan pa si Quincy. “Ayokong maabala ang meeting niyo.” Agad na pumunta si Nolan sa opisina niya, binuksan niya ang pinto at nakita si Maisie na naghihinta
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa