Kung kaya lang ni Tanner ibalik ang lahat, pero sa kasamaang palad, hindi niya kaya. Samantala, sa Morwich…Nakaupo si Pearl sa kwarto niya sa hospital habang tinatanggal ng doctor ang gauze na nakabalot sa mukha niya, at naglagay ng salamin ang nurse sa harap niya. Tiningnan niya ang pamilyar na mukha na nagkaroon na ng dalawang opera at sobrang namamaga.Sinabi ng doctor sa kaniya, “Ms. Santiago, iwasan niyo muna na kamutin ang mukha niyo sa itong susunod na kalahati ng taon para maging maayos ang recovery. Ngumiti si Pearl. “Salamat “Matapos lumabas ng doctor, tiningnan ni Pearl ang sarili niya sa salamin at ngumiti. Kaya niya ng iwanan ay kalimutan ang nakaraan niya simula ngayon.Tatlong taon ang nakalipas…Binati ng media ng Congratulations ang Soul nang nakaabot to sa six listed companies sa buong bansa. Pangalawa sila sa napakalaking Taylor Jewelry, sila ang second-biggest international brand ng jewelry.Malapit lang ang relasyon ng jewelry industry sa fashion jewe
Huminto ang sasakyan sa labas ng hotel. Pagkatapos nun, nakarating sina Nolan at Maisie sa restaurant. Walang tao sa buong restaurant bukod sa mga waiter ibig sabihin ay may nag-book ng buong restaurant.Naka linya ang mga waiter nang maayos at bumati, “Welcome!”Lumapit si Maisie sa puting table na nakahanda na may nakalagay na malaking bouquet ng black roses. Hindi niya napigilan ang sarili niya at tumawa. Pagkatapos nun, lumingon siya kay Nolan. “Ito yung surprise na hinanda mo sa akin?”Hinila ni Nolan ang upuan para sa kaniya. Nang umupo siya, lumapit si Nolan at sinabing, “Para i-celebrate ang pangarap mo na natupad, Zee.”Lumayo si Nolan at umupo sa harap ni Maisie. Sinabihan niya ang waiter na bigyan sila ng bote ng red wine. Habang nakapangalumbaba, tiningnan siya ni Maisie at ngumiti. “Para maabutan kita pero marami pa akong pagdadaanan.”Kinuha niya ang red wine at binuhos sa decanter.“Pwede mo tawagin na magaling ka kapag nakapasok ka sa top ten.”Inangat ni Maisie
“Huh?” Tiningnan ni Barbara si Maisie.Ngumiti si Maisie at umiling. “Wala.”Kung hindi siya nakunan ng taon na ‘yun, apat na sana ang anak niya ngayon.Baka tadhana niya na ito.Hanggang ngayon, hindi niya ginusto na magkaroon ng pang apat na anak.Sa kabilang banda, sa interview room ng Blackgold Group…Maayos na inaral ng babaeng interviewee ang industry data ng Blackgold Group, at napatango ang tatlong interviewers sa lakas ng loob niya.Tiningnan nila ang profile niya.Cecil Wolfsbane, 29 years old, nagtapos sa isang magandang university sa Stoslo at may master's degree sa architecture. Saktong sakto ang academic background niya.Tumawa ang interviewer at sinabing, “Ito muna ngayong araw, Ms. Wolfsbane. Sasabihan ka namin kapag nakapasok ka.”Ngumiti si Cecil at tumayo. Tumango siya at sinabing, “Salamat.”Pagkatapos nun, kinuha niya ang purse niya at umalis ng interview room nag hindi lumilingon.Sa oras na yun, dumating si Quincy. Napatingin siya sa kaniya, at tumang
Nanginig si Linda at inangat ang ulo niya. Niyakap niya ang binti ng lalaki at nagmakaawa. “Mr. Donovan, hindi… hindi ko gustong tumakbo. Sadyang… sadyang nakakatakot lang talaga ang tao na yun. Ayaw ko siya pagsilbihan. Papatayin… papatayin niya ako!”Hinila ni Mr. Donovan ang buhok niya at sinabing, “Pinili mo ang landas na ‘to, at ngayon sinasabi mo sa akin na ayaw mo siya pagsilbihan?”Sinampal niya si Linda dahilan para mamaga ang mukha niya.Dumura si Mr. Donovan sa sahig at nagpatuloy. “May dalawang pagpipilian ka ngayon. Bibigyan mo ako ng $150,000 o babalik ka doon at hihingi ng tawad sa customer. Kung hindi, papatayin kita. Dito mismo, ngayon mismo.”Tumayo si Linda at lumuhod. “Babayaran… babayaran kita! Babayaran kita!”Ayaw niyang bumalik para harapin ang baliw na customer na yun. Mamamatay siya!“Tatlong araw.” Sinabunutan siya ni Mr. Donovan at pinilit si Linda na tingnan siya sa mga mata. “Kung hindi ko matatanggap ang pera mula sa'yo sa loob ng tatlong araw, dud
“Maisie, sa… Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako sa'yo? Hindi ako nagsisinungaling!” Gulat na sinabi ni Linda. Hindi niya masabi kay Maisie na alam niya ang tungkol doon. Nag-aalala siya na baka hindi siya pahiramin ni Maisie ng pera kung sasabihin niya.“Linda, dapat alam mo na ayaw ko kapag nagsisinungaling ang tao sa akin. Ang taong nakapag sinungaling na ay magsisinungaling ulit para pagtakpan ang dati nila na pagsisinungaling. Kung alam mo kung anong klaseng trabaho bago ka pumirma, dapat lang sa'yo ang nangyayari ngayon. Kung naloko ka, tutulungan kita ayon sa batas para bayaran ang compensation,” kalmadong sabi ni Maisie.Nanghina si Linda nang marinig ang sinabi ni Maisie. “Maisie, hindi mo ba talaga ako papahiramin ng $150,000? Pinsan mo ako! Ano naman sa'yo ang $150,000 sa pamumuhay mo ngayon?”“Pera pa rin ang $150,000.” Naging seryoso ang mukha ni Maisie. “Hindi tumutubo sa puno ang pera. Pinsan nga kita pero hindi ko obligasyon na tulungan ka. Dapat magpasalamat ka na
Tinaas ulit ni Cecile ang bintana at nagmaneho palayo, naiwan si Linda na nakatayo lang sa pwesto niya. Tiningnan niya ang name card sa kaniyang kamay at tinikom ang bibig niya.Kinagabihan, sa Blue Bay villa…Pagkatapos ni Maisie maligo, binalot niya ang sarili niya at ang basa niyang buhok ng towel. Tumayo siya sa harap ng dressing table at kinuha ang face cream niya.Nang dumating si Nolan sa kwarto, binato niya ang jacket sa braso niya sa arm ng kama at patalikod na niyakap si Maisie. Lumapit siya at bumulong sa tainga niya. “Isang surpresa. Ang unang bagay na nakita ko ay napaka gandang eksena.Tiningnan niya si Nolan mula sa salamin at tinanong, “Minsan iniisip ko kung ano ang nasa utak mo.”Tumawa si Nolan. “Anong nasa isip ko? Tungkol lahat sa'yo, Zee.”Naglalagay siya ng cream sa mukha niya ngayon. Lumingon siya, at nang sinubukan niyang punasan ang natitirang cream sa kamay niya sa mukha ni Nolan, iniwasan siya ni Nolan at hinawakan ang kamay niya. Tumawa si Nolan at si
“Ganoon pala.” Tumango ang receptionist at may sinabi sa ibang babae na empleyado.Hindi na nagtaka ang babaeng empleyado kay Linda kaya nilapitan niya si Linda para sabihan. “Kakasimula mo lang magtrabaho. Lahat ng tsaa na nandito ay para sa administration department. Guso ni Ms. Vanderbilt inumin ang Earl Grey, at hindi dapat sobrang mainit ang temperatura.”Tumango si Linda habang tinitingnan ang teapot na binuhusan niya ng powder.Pagkatapos maglagay ng babaeng empleyado ng tubig sa teapot, pinakulo niya ang pot sa induction cooker. Ilang minuto ang lumipas habang hinihintay nila na kumulo ang tubig, at hindi nagsalita si Linda sa takot na mabuko.Nang magsimula na kumulo ang tubig, nilagay ng babaeng empleyado ang tea bag na kinuha niya sa box na nakatabi para kay Maisie sa thermos at binuhusan yun ng tubig.Huminga nang malalim si Linda habang namumuo ang pawis sa sintido niya. Pero kumalma rin siya nang maisip niya ang sinabi sa kaniya ng babae, sinabi niya na hindi nakakam
Pagkatapos sabihin yun, tumayo si Quincy habang nakahalukipkip at nagreklamo, “Hindi na madaling maging personal assistant ng kung sino ngayon. Kailangan ko mag deliver ng pagkain para sa boss ko habang hindi ko inaasikaso ang kumpanya niya. At nababawasan ang sahod ko sa halip na madagdagan…”Walang ekspresyon siyang tiningnan ni Saydie. “Sasabihin ko ang mensahe na ito kay Mr. Goldmann at wala akong kakaligtaan na salita.”“Huwag!” Agad na tumahimik si Quincy at tumingin habang mukhang na-agrabyado ang mukha. “Nagbibiro lang ako, Ma’am. Nagmamakaawa ako sa'yo. Tatlong taon na tayong magka-trabaho ngayon. Pwede bang mamuhay na lang tayo nang tahimik?”Tumigil ang tingin niya sa report at thermos na hawak ni Saydie. “Ano ang mga ‘yan?”Inabot ni Saydie ang report sa kaniya. “Tingnan mo.”Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Quincy nang mabasa niya ang report.Bumalik si Saydie sa opisina at inabot ang resulta ng report kay Maisie. Sinabi rin niya kay Maisie na nakasalubong niya si
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa