“Nelly…” Lumabas si Anthony at hinanap ang anak dahil nag-aalala na siya. Nang makita niya itong nakatayo sa pinto ng lounge, nakahinga siya nang maluwag. “Nandito ka pala.”“Dad,” Tinago ni Naomi ang mga kamay sa likuran niya, “M…may nakita akong kaibigan, kaya nakipag-kwentuhan muna ako.”Napabuntong-hininga na lang si Anthony. “Huwag mong kalimutan na sabihan ako sa susunod. Kung hindi, mag-aalala ako.”“I’m sorry, Dad. Hindi ko na kakalimutan yan sa susunod.” Yumuko siya. Kasalanan nga niyang pinag-alala niya ang ama.Walang tinanong sa kaniya si Anthony, at umuwi lang sila pagkatapos ng banquet.Bumalik si Naomi sa kwarto niya, sinara ang pinto at sumandal sa likod nito. Binuksan niya ang palad niya na nababalot sa gasa. Nagsimula ulit kumabog ang puso niya nang maalala niya ang eksena kanina.‘Mukhang nahulog na ako!’...“Balita ko ay tumalon mula sa hospital room ang karelasyon ni Mr. Hannigan. Grabe!”“Ang tinutukoy mo ba ay si Mr. Hannigan na tumakas sa saril
Biglang naawa si Lucy kay Naomi.‘Hindi naman istrikto ang pagpapalaki sa kaniya, tama?‘Hindi siya pwedeng makipag-usap sa iba, kaya nasa bahay lang siya na para bang mga babae noong Victorian era?‘Hindi na nakapagtataka kung bakit walang Twitter o Instagram account si Naomi. Tinuruan ko pa siya kung paano gumawa. Paanong hindi ako maaawa sa isang taong hindi pwedeng gumamit ng internet?’Mayroon siya biglang naalala. “Oh naku! Nilagay ko ba siya sa kapahamakan?”Kumunot ang noo ni Maisie. “Anong kapahamakan?”‘N-naisip kong maganda naman si Naomi, kaya sayang at wala siyang boyfriend. Kaya, naisip ko silang ipagpareha ni Mr. Boucher. At saka, akala ko may gusto rin si Naomi kay Mr. Boucher, paano kung…”Tumigil sandali si Maisie. “Sinong Mr. Boucher ang tinutukoy mo?”Yumuko si Lucy at bumulong. “Ang second heir ng mga Boucher.”Hindi mapigilan ni Lucy na sabihin kay Maisie ang nangyari habang wala siya. Pinaalalahanan niya pa si Naomi pagkatapos niyang malaman na ang lalak
Ngumiti si Tanner. “Kaya kong linawin ang tsismis na kumakalat sa internet para kay Pearl.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Mrs. Santiago, at naging istrikto ang kaniyang boses. “Kahit na wala kang gawin, inosente pa rin ang anak namin.”“Pero may maniniwala ba?”Nagawang patahimikin ni Tanner si Mrs. Santiago gamit lang ang isang tanong.Namutla ang mukha ni Mrs. Santiago, “Anong ibig mong sabihin?”Kalmadong sumagot si Tanner, “Namatay pa rin si Sandy, pero akala nila ay may kinalaman si Pearl sa pagkamatay niya. Sinabi sa akin ni Pearl na nakunan siya dahil kay Pearl—”“Kalokohan!” Hinampas ni Mrs. Santiago ang mesa, tumayo at umangal, “Tanner Hannigan, wala akong pakialam kung anong layunin mo sa pagpunta mo dito, pero walang kinalaman ang anak ko sa babaeng yun. Huwag mong isipin na pwede mong ilagay ang sisi sa balikat ng anak ko dahil sa babaeng yun.”“May pakialam ba ang publiko sa kung anong totoo? Gusto lang nila ng resulta.” Binagalan ni Tanner ang pagsasal
“Patay na si Sandy ngayon.” Nilapitan ni Tanner si Pearl na may magulong emosyon na makikita sa kaniyang mata. “Ano sa tingin mo kung ikaw na lang ang pumalit sa pwesto niya simula ngayon?”Nanginig ang balikat ni Pearl, at tumutulo sa pisngi niya ang mga luha. “Anong ginawa ko para mangyari sa akin?”“Tama, wala ka namang ginawa. Pwede mo yang isisi sa katotohanan na hindi na tayo mapaghihiwalay sa ngayon.” Hinawakan siya ni Tanner sa leeg at hinila siya palapit, namumula ang mata niya. “ Kung hindi ka dumating sa buhay ko siguro mas magiging mas maayos ang lahat. Kung wala ka, hindi sana kami humantong sa ganitong sitwasyon ni Sandy, at hindi niya rin pinili na magpakamatay.”Habang tinitingnan ang pumapatak na luha sa sulok ng mga mata ni Pearl, tinulak siya palayo ni Tanner at tumalikod sa kaniya. “Sa puntong ito, kahit na hindi ito ang tamang gawin, kailangan na lang natin ituloy kung ano yung na-umpisahan natin kasi nagkamali na man na tayo ng desisyon una pa lang. Pearl Santi
Nakatayo lang si Barbara at nakatingin kay Helios hanggang sa matapos ang tawag. Tinanong niya, “Pumayag ba siyang sumama?”Nilagay ni Helios ang phone niya sa mesa, nag-unat, at niyakap si Barbara. “Pumayag naman siya, pero pupusta ako na magagalit nang sobra yun pag nalaman niya na plano nating gumawa ng blind date para sa kaniya.”Inayos ni Barbara ang collar niya. “Sabi ni Zee aabot daw sa 90% ang chance nung babae na mapalapit kay Francisco.”“Ganun ba siya ka-sigurado?” Bahagyang naningkit ang mata ni Helios, at parang nagtataka na siya sino ang babaeng tinutukoy ni Maisie.Inangat ni Barbara ang ulo ni Helios, pinatingin niya ito sa kaniya, at bahagyang natawa. “Malalaman mo rin naman, ‘di ba?”…Noong araw na ng outing, dinala nila Nolan at Maisie ang dalawang bata sa labas ng bayan para makahanap na ng pwesto sa lugar bago pa dumating ang iba nilang kasama. Sa wakas ay nakapili rin sila ng may magandang paligid na sobrang bagay para sa camping.Sobrang babaw ng tubig s
Pinakilala ni Barbara si Francisco sa dalawang bata. “Itong gwapong lalaki na ito ay pinsan ng ninong niyo.” “Oh!” nakatulala na tumango ang dalawang bata at magalang na binati si Francisco. “Hello, tito, masaya po kami na makita kayo.”Tiningnan sila ni Francisco.‘Siguro anak sila nila Maisie at Nolan, ‘di ba? Magkamukha sila.’Tiningnan ni Barbara si Helios. “Tulungan ko mula sila doon.”Tumango si Helios. “Okay.”Naglakad si Barbara sa campsite kasama ang dalawang bata habang tinitingnan naman si Francisco ang lugar at nakahalukipkip. “Bakit nakakaramdam ako na parang na-trick niyo ako na pumunta dito?”Napatingin sa baba si Helios, ngumiti, at nilagay ang kamay niya sa balikat ni Francisco. “Dahil nandito ka naman na, hindi naman maganda na hindi mo ito sulitin, ‘di ba?”Pinatunog ni Francisco ang kaniyang dila at muling tiningnan ang camp. Bahagya siyang nagulat ng may nakita siya.Naka-squat si Naomi sa tabi ni Maisie at inaasikaso ang barbecue kasama siya. Nilagyan ni
Nilagyan ni Helios ang sarili niyang baso ng red wine. “Tama si Barbara. Buntis ka, at yung asawa mo na ang gagawa lahat ng kailangan mo. Kaya hayaan mo na si Ms. Topaz. Meron namang mag-aalaga sa kaniya para sayo.”Kumunot ang noo ni Ryleigh.‘Anong nangyayari? Ano naman kung buntis ako? Nag-aalala lang ako na bala awkward ito kay Naomi o baka nahihiya siya. Kaya sinabi ko na umupo na lang sa tabi ko.’Parang naintindihan na ni Louis ang nais ipahiwatig nila Helios at Barbara, kaya tiningnan niya sila Francisco at Naomi, at binalot ang kaniyang kamay kay Ryleigh, naka-upo pa rin sa tabi niya. “Tama si Helios.”Mahinang siniko ni Ryleigh ang bewang niya.Kinuha ni Maisie ang wine bottle at dahan-dahang naglagay ng wine. “Kailangan mo ba ng mag-aalaga kay Naomi? Si Naomi lang ang nag-iisang designer ng Soul Jewelry, kaya talagang aalagaan ko siya.”Naisip ni Ryleigh na may punto ang sinabi ni Masie kaya tumigil na rin siya sa pag-aalala. Tinikom ni Naomi ang labi niya.‘Nakaupo a
Nakumpleto ni Louis ang 50 beses na one-hand push-ups. Nang mga sumunod na laro, nakuha ulit ng tatlo pang beses ni Louis ang Joker card, binigay ito ng dalawang beses ni Maisie, at si Helios naman ang nakakuha.Nagngalit ang ngipin ni Barbara. “Hindi ako naniniwalang palagi ka na lang swerte, Francisco.” Nakahalukipkip si Francisco at mahinahong sinabi, “Jeez, ang boring naman ng larong ‘to. Hindi ko man lang na-experience yung mismong laro.”Si Nolan ang susunod namimigay ng cards. Nang ipakita na ang mga cards, napahinto ang ngiti ni Francisco dahil nasa kamay ni Naomi ang Joker. Hindi rin inaasahan ni Naomi na makukuha niya ang card na yun, kaya mas lalo siyang natakot. “Sorry, hindi…”‘Totoo nga na karma is a bi*tch.’Tiningnan ni Barbara si Francisco, na nakangiti pa kanina—kitang-kita ng mata ni Barbara ang kayabangan niya. “Talaga nga naman, patas pa rin ang Panginoon sa lahat. Hindi ba sinabi mo na hindi ka pa nagkaroon ng pagkakataon makalaro? Anong pakiramdam ngayon?
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa