MIKAYTulala. Tuliro. Hindi alam ang gagawin dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa aking labi... pakiramdam ko naiwan yung labi niya sa labi ko. Yung pakiramdam na hinahalikan niya ako ng dahan-dahan kanina tapos isama mo pa yung... ahhhh I kennat the feels talaga! Bakit kasi may padila? Tapos akala mo pa kung aksyon star yung dila niya kung makipag-away ito kanina sa bibig ko... "Huy! Okay ka lang?""Ay mukbang!" gulat na sigaw ko nang biglang nag snap sa harapan ko si Suzy. "Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?" pagmamaktol ko. Humalakhak ito. "Kasalanan ko ba kung magugulatin ka? At anong mukbang ka riyan?"Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ako napaayos ng pagkakaupo. Mas lalong nagharumentado ang puso ko to the point na p'wede na akong mawalan ng malay ngayon. Shucks! I really kennat the feels."W-Wala, parang gusto ko kasing mag mukbang," pagpapalusot ko. Kainis! Bakit ba naman kasi iyon pa ang lumabas sa pasmado kong bibig? Ugh! Pinanliitan niya ako ng ma
MIKAYTahimik lang ako sa loob ng sasakyan, pasimpleng minumura ang buong pagkatao ni Damonyo dahil sa naging trato niya kay Suzy kanina. Ano? Itapon na lang yung inorder niya?"Edi ikaw na ang mayaman," aburidong saad ko sa mahinang tinig saka ko kinuha ang cellphone ko sa aking bag at nag-umpisang mag type ng long message kay Suzy dahil alam kong masama ang loob nito."What did you say?" Sobrang lalim at lamig ng boses niya. "Sabi ko mayaman ka kaya madali lang sa'yo ang mag tapon ng pera," pagtataray ko saka ako umirap. Wala naman na akong narinig pa mula sa kaniya. Malamang masama talaga ang loob ni Susy ngayon, nag effort yung tao na ipaghanda yung order niya tapos sasabihin niya itapon na lang? Gago ba siya? Ah! Dati na pala siyang gago! Alam ko namang bayad na niya iyon eh, pero hindi naman masusukat sa pera yung effort ng tao. Kaimbyerna!Nanatili namang tahimik si Damonyo na as usual wala na naman sa mood. Wala naman akong ginagawang masama pero kung mag inarte siya ngayon
DAMON"Sa lapag ka matutulog." "Huh?" Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang mukha niya. How could she makes such expression so easily? It's weird, but it's kind of cute someone."Grabe ka naman. Ako na nga ang nag sorry kahit ikaw naman ang mali eh." My brows furrowed because of what she said. I saw how her eyes widened as she immediately purse her lips as if she said something she shouldn't. "So you apologize so you could sleep with me on the bed?" "Uy! H-Hindi ah. Grabe ka makapag judge," saad niya habang iwinawagayway niya ang kaniyang kamay. Her tone sounds so defensive, and her smiles look nervous. Nanatili ang mga mata ko sa kaniya samantalang hindi na ito makatingin sa akin ng maayos."Basta matutulog na ako."Mabilis itong sumampa sa kama at saka binalot ang kaniyang sarili sa kumot. There's still pillows between us as a wall. I don't know what's the use of that though. Sa sobrang likot niya matulog ay panigurado naman akong mawawala rin ang mga 'yan mamaya.I
DAMONTitig na titig ako kay Mikael na nanatiling nakatayo at nakayuko sa harap ko, naglalro ang kaniyang daliri sa isa't isa na tila ba isang bata na pinapagalitan. Huminga ako ng malalim bago ko isinandal ang aking likod sa aking kinauupuan. "Now, explain," I said in a plain calm tone. "A patient’s life almost got into the line because of an improper dose. What if something worst happen? How will you going to to face it?" I took a deep breath to calm myself. "Hindi lang ikaw ang mapapahamak dahil sa nangyari, pati ang hospital at maging ang unibersidad na pinapasukan mo." Nanatili itong tahimik. Umayos ako ng pagkakaupo saka nangalumbaba. "Mikael," tawag ko sa pangalan niya. "Explain," dagdag ko habang nakatingin ako sa kaniya ng diretso. I knows she's kind of stupid most of the time, but I also know that she's not that reckless to do such thing. I don't want to judge into conclusions yet knowing that Mikael might really did such thing or not. "Did you really inject 2mg of...
DAMON "I heard about what happened." Hindi ko binalingan ng tingin si Caitlyn na pumasok sa aking opisina. Nanatili ang aking tingin sa monitor kung saan tinitingnan ko ang resulta ng MRI ng pasyente ko. "How could she makes such mistake like that? She's indeed stupid just like what you always say." Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. She smiled at me when our eyes met. I rest my back on my swivel chair. "We still don't have proof if she actually done it, Caitlyn," I said without breaking off our eyes contact. She frowned. "As if she will admit her fault, Dame. Saan ka ba nakakita ng isang tao na umamin sa pagkakamali niya? Well, I guess she's not that stupid at all, because she knows how to get her way out." Huminga ako ng malalim. I stood up from my chair as I walk towards my mini fridge to get some water."Anong pinag-usapan niyo kanina? I saw her getting out eh. Don't tell me you let it slide?" Her tone sounds so annoyed. "Let's not talk about her, Caitlyn,"
MIKAY"I'll just go take a shower. Continue what you're doing and I will check it later."Inilapag niya ang aking laptop sa center table saka ito mabilis na nagtungo papunta sa banyo. Nakabusangot akong umupo sa sofa. Kung hindi lang niya iche-check ang gawa ko hindi ako mag i-stay dito eh. Kaya lang kailangan ko ang braincells niya ngayon sa sitwasyong ito.Itinuon kong muli ang atensyon ko sa ginagawa ko. Wala pa ako sa kalahati kaya naman madugong bakbakan talaga ito sa utak. Hindi nagtagal ay muling tumabi sa akin si Damon, nakasando ito at pajama. Shucks! Nadidistract ako sa pa biceps niya. Gabing-gabi na pero si Damonyo may pa choke me pang drama, hindi tuloy ako makafocus. "Kumain ka na?" tanong ko, para naman kahit papano ay maging kalmado ang feels ko."Hindi pa."Agad na kumunot ang noo ko dahil sa naging sagot niya."Bakit hindi ka pa kumakain?""May iba akong gustong kainin eh."Ngumiti ito ng nakakaloko sa akin saka niya isinandal ang kaniyang likod sa sofa. Yung kamay
MIKAYHanggang ngayon hindi pa rin pumupruseso sa braincells ko ang nangyayari. Date raw? Hindi kaya nananaginip si Damon kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi niya? Hindi siya kinakaya ng bangs ko ah, kumukulot tuloy."Anong date?" takhang tanong ko habang kunot noo akong nakatingin sa kaniya. "Just get dress up, or do you want me to take a bath with me instead?" Agad na nalukot ang aking mukha dahil sa sinabi niya. Habang tumatagal nagiging mahalay ang isang ito. Ibang-iba talaga siya kapag nandito sa bahay, kung sa hospital o sa labas para itong formal na formal na tao na tila ba hindi makabasag ng pinggan. Mukha pa siyang respetado, pero kapag kasama ko siya para siyang bungol na tarantado.Katulad ng sabi ko at wala na rin naman akong magagawa, naghanda na lang ako. Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa kwarto niya dahil hindi ko kayang tiisin ang mga sinasabi niya. Bet niya talaga siguro akong makasabay maligo... charot! "Anak, saan kayo pupunta?" tanong ni Nay Cristy na naglak
MIKAY"Grabe! Ang saya no'n!"Hindi ko maitago ang kasiyahan ko habang pinupunasan ko ang aking pawis. Literal na adventure talaga ang ginawa naming pareho. Lahat ng gusto naming adventure ay sinubukan naming gawin. Ito na ata ang pinaka exciting na experience na naranasan ko sa buong buhay ko. "Here."Kinuha ko mula sa kaniya ang tubig. Habol ko pa rin ang aking hininga dahil sa ginawa kong rock climbing. "Hindi ko mabuksan," saad ko saka muli itong iniabot sa kaniya. "Salamat." Halos maubos ko ang bottled water na iniabot niya sa akin.Grabe ang excitement na nararamdaman ko ngayon. Kahit takot ako sa mga ganitong ganap ay na enjoy ko naman ng sobra. Akala ko nga magpapaka KJ si Damon na itry ang different adventure courses dito eh, pero buti na lang ay gimora naman ito. Humiga ako sa damuhan. Ngayon ay nagpapahinga na muna kami ni Damon sa silong ng isang malaking puno. Sobrang presko pa rito dahil sa mga naglalakihang puno sa pav"Parang gusto ko ang bungee jumping," saad ko.
MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew