MIKAY"Anong sabi ni lolo?" muling tanong ko kay Damonyo na kasama ko ngayon sa loob ng sasakyan dahil nga may dinner na naman kasama ang buong pamilya. Hindi na natapos-tapos ang dinner eh.Si Damonyo ngayon ang nagmamaneho dahil nga naka break sila Tay Kanor at Nay Cristy."Oy! Anong sinabi niya?" pangungulit ko sa kanya habang niyuyugyog ko pa ang braso nito."Dang! I'm driving. Stupid," singhal nito sa akin.Napabusangot naman ako. Sungit talaga."Eh ano nga kasing sinabi...." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang masamang tingin na ang ibinaling niya sa akin.Halos malukot naman ang mukha ko dahil sa pagkakabusangot. Nagtatanong lang naman kasi ako dahil kanina pa ako kabado. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas at ibinababa ang bintana, ipinatong ko ang aking baba rito habang ineenjoy ang malamig na ihip ng hangin, pero hindi rin ito nagtagal dahil literal na panira ng kasiyahan si Damonyo dahil isinara niya ito."Paano na lang kung maipit ang ulo ko?" singhal
MIKAYHindi ko maiwasang magutom at matakam dahil sa sobrang dami ng pagkaing nakahanda sa malaking mesa. Buong akala ko, yung pagkain namin sa seaside kanina ay dinner na iyon, hindi pala. Ilang beses ba dapat kumain ang mayayamang kagaya nila? Mukhang wala ata talaga silang tigil sa pag kain dahil nga may pera rin naman silang pambili ng mga pagkain."May birthday po ba?" tanong ko kay Tata Pilo na siyang nag-aayos ng hapag-kainan, may kasama namin si Tata Pilo kaya lang nasa kusina ito. Hindi ko maiwasang maglaway dahil sa sobrang daming pagkain."Walang may birthday, Anak," ani Tata Pilo na bahagya pang tumawa."Kung wala naman pong may birthday, bakit sobrang daming pagkain? Ganito talaga mag dinner ang mayayaman?" tanong ko na siyang muling ikinatawa niya. "Hindi mo ba alam na ngayong ang ikalawang buwan niyo bilang mag-asawa?"Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Tata Pilo. Ikalawang buwan? Grabe! Dalawang buwan ko na palang tinitiis ang isang 'yon. "So sampung buwan na lan
MIKAY"Awww!" daing ko habang hawak-hawak ko ang aking ulo na akala mo naman mabibitak na sa sobrang sakit nito.Napadami ba ako ng inom kagabi? Eh wine lang naman ang ininom ko ah. Halos gapangin ko ang daan patungo sa banyo, ngunit napahinto ako ng bahagya nang bumukas ito at bumungad sa harap ko si Damonyo na palabas ng banyo, nakatapis ito ng tuwalya, half naked kaya kitang-kita ko ang pandesal niya... nagpupunas ito ng buhok habang ang ibang tubig sa katawan niya ay bumababa hanggang sa... napalunok ako at ramdam ko agad ang pamumula ng pisngi ko. Nasa langit na ba ako? Almusal ko na ba ito? O ito na ang sagot sa hangover ko? Shucks! I can't naman this."You're drooling," saad nito kaya agad ko namang pinunasan ang gilid ng labi ko bago ako umayos ng pagkakatayo."Hindi ah," wika ko saka ako umirap. "Tabi nga." Bahagya ko pa siyang tinulak para makapasok ako sa loob ng banyo akmang isasara ko na ang pintuan nang bigla akong may narealize. "Teka! Anong ginagawa mo rito sa kwarto k
MIKAYIto na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw kung saan matutupad na ang matagal ko ng hinihintay! Sa wakas! Mapapasok ko na bilang interns ang M.Y hospital. Ha! Dugo't pawis ang ipinuhunan ko rito. Siguro humanga sila sa draw a blood ko kaya kinuha nila ako. Sabi nila ibibigay daw nila sa amin ang results ng interview namin kaya naman excited na akong makita ang grades ko."Kinakabahan na ako. Sana naman magkakagrupo tayo," ani Juday na halata sa mukha niya na kabado ito.Ako? Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko, kabado ako, oo, pero mas nangingibabaw sa akin ang excitement. Alam ko naman na hindi ito magiging madali lalo pa't maaari kong makabangga si Damonyo, pero gagawin ko ang lahat para mairaos ang tatlong buwan na internship ko sa hospital na ito. Ngayon pa ba ako susuko? Hindi no!"Sana lang talaga hindi ako mapunta kay Doc Damon. Super strict pa naman daw niya, at saka maraming intern ang umiiyak at bumabagsak dahil sa kanya. Gwapo at crush ko siya pero talo-talo mu
MIKAYNang makauwi ako sa bahay ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa dahil sa sobrang pagod. Grabeng lala pala sa emergency room, hindi nauubusan ng pasyente. Hindi ko alam na sa buong araw ay gano'n karami ang mga pasyente, ibang klase. Dinaig ko pa ang nakisabak sa gyera. Sobrang sakit ng buo kong katawan na akala mo nabugbog ako."Oh hija, nandito ka na pala. Kumusta ang unang araw mo sa hospital?" tanong ni Nanay Cristy na as usual hindi nawala ang pagkakangiti niya sa akin. "Nay, hindi po ata hospital ang napuntahan ko," pagmamaktol ko saka ako marahas na bumuntong hininga.Grabe talaga, first day ko pa lang pero pakiramdam ko nilayasan na ako ng kaluluwa ko dahil sa pagod. Tapos may isang pasyente kanina sa ER na ayaw magpahawak sa kahit na sino at panay pa ang pagmumura nito... takot ko na lang talaga kanina. Buti na lang din talaga hindi ko na nakita si Damonyo kanina, kaya medyo payapa ang buhay ko. Pero hanggang ngayon hindi pa nasasagot ang tanong namin ni VJ kung
MIKAYKanina pa ako palinga-linga sa paligid nagbabakasakali ako na makita ko sina Juday at Tina. Wala kasi si VJ ngayon kaya naman wala akong kasamang kumain, si Nurse Yen naman ay mukhang mamaya pa kakain dahil busy pa rin ito. "Gutom na ako," pagmamaktol ko.Nagbabakasakali rin ako na makita si Adam kaya lang mukhang missing in action siya, kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ito sumasagot."Bahala na nga. Kakain na lang ako mag-isa," sagot ko.Kesa naman magutom ako lalo, edi kakain na lang ako mag-isa.Nang marating ko ang cafeteria, hindi naman karamihan ang mga tao kaya naman nakakuha agad ako ng pagkain. Ang maganda rito sa cafeteria ay walang bayad ang pagkain, kahit ata ilang beses kang kakain dito ay okay lang. May mga pasyente ring kumakain dito. Hindi ko talaga akalain na isa ako sa may-ari ng hospital na ito, sobrang napakaimposible naman kasi iyon.Inilapag ko ang aking pagkain sa mesa saka ako muling nagtungo sa counter para makahingi ng tubig, pagbalik ko sa puw
DAMON"Damon apo, kumusta si Mikay?" tanong ni lolo nang makapasok ito sa aking opisina.Lahat na sila ay laging ang babaeng iyon ang bukambibig. Even my parents are always asking me about her. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay alam ko ang mga nangyayari sa babaeng iyon."She's doing fine, Lolo. You don't need to continuously check her," I said as I shifted my eyes to the result of my patient. "Wala ka bang napapansin sa kanya nitong nakaraang araw?"Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa tanong ni lolo. "Like does she in pain these past few days? Or is she acting weird?"She's always weird though. "Just get into the point lolo. Is there something wrong?" I asked in annoyed tone.He heaved a deep sigh. He looks bothered into something. "I'm just a little bit worried. There's a CCTV footage that was being sent to my office."My brows furrowed because of what he said. Worried?"What CCTV footage?" I asked, puzzled.Don't tell me it's about that stupid woman again? Damn it! Wala n
MIKAY"Anong nangyari sa labi mo? Parang nilapa ng kung sino," pambungad na saad sa akin ni Tina nang makita niya ako na nakatambay sa lobby area. Bahagya pang nag-init ang pisngi ko dahil sa tanong niya. Nilapa ng demonyo. Walang hiyang iyon! Ang lakas talaga ng loob niyang halikan ako. Mukhang nauntog ata ng malala ang ulo niya kaya nawala siya sa katinuan kanina. Hay!Umupo siya sa tapat ko. Hinawakan ko ang labi ko na pakiramdam ko nabura na dahil sa lintik na manyak na iyon. Ugh! Nakakagigil! Dinaig niya pa ang bampira kung makasipsip eh. Akala mo pa nagkakape siya kung makahigop ng malala. "Yuck!" bulalas ko saka ako umiling ng ilang ulit. Hindi talaga maatim ng sistema ko ang ginawa niya. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako. Jusko! Paano ko na siya haharapin ngayon nang hindi iyon sumasagi sa isip ko... teka! Bakit naman sana ako apektado? Tch! Erase!"Anong yuck ka riyan? Ano ba kasing nangyari sa labi mo? May nakain ka bang kung ano?" muling tanong niya. "O baka nam
MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew