MIKAYKanina pa ako palinga-linga sa paligid nagbabakasakali ako na makita ko sina Juday at Tina. Wala kasi si VJ ngayon kaya naman wala akong kasamang kumain, si Nurse Yen naman ay mukhang mamaya pa kakain dahil busy pa rin ito. "Gutom na ako," pagmamaktol ko.Nagbabakasakali rin ako na makita si Adam kaya lang mukhang missing in action siya, kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ito sumasagot."Bahala na nga. Kakain na lang ako mag-isa," sagot ko.Kesa naman magutom ako lalo, edi kakain na lang ako mag-isa.Nang marating ko ang cafeteria, hindi naman karamihan ang mga tao kaya naman nakakuha agad ako ng pagkain. Ang maganda rito sa cafeteria ay walang bayad ang pagkain, kahit ata ilang beses kang kakain dito ay okay lang. May mga pasyente ring kumakain dito. Hindi ko talaga akalain na isa ako sa may-ari ng hospital na ito, sobrang napakaimposible naman kasi iyon.Inilapag ko ang aking pagkain sa mesa saka ako muling nagtungo sa counter para makahingi ng tubig, pagbalik ko sa puw
DAMON"Damon apo, kumusta si Mikay?" tanong ni lolo nang makapasok ito sa aking opisina.Lahat na sila ay laging ang babaeng iyon ang bukambibig. Even my parents are always asking me about her. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay alam ko ang mga nangyayari sa babaeng iyon."She's doing fine, Lolo. You don't need to continuously check her," I said as I shifted my eyes to the result of my patient. "Wala ka bang napapansin sa kanya nitong nakaraang araw?"Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa tanong ni lolo. "Like does she in pain these past few days? Or is she acting weird?"She's always weird though. "Just get into the point lolo. Is there something wrong?" I asked in annoyed tone.He heaved a deep sigh. He looks bothered into something. "I'm just a little bit worried. There's a CCTV footage that was being sent to my office."My brows furrowed because of what he said. Worried?"What CCTV footage?" I asked, puzzled.Don't tell me it's about that stupid woman again? Damn it! Wala n
MIKAY"Anong nangyari sa labi mo? Parang nilapa ng kung sino," pambungad na saad sa akin ni Tina nang makita niya ako na nakatambay sa lobby area. Bahagya pang nag-init ang pisngi ko dahil sa tanong niya. Nilapa ng demonyo. Walang hiyang iyon! Ang lakas talaga ng loob niyang halikan ako. Mukhang nauntog ata ng malala ang ulo niya kaya nawala siya sa katinuan kanina. Hay!Umupo siya sa tapat ko. Hinawakan ko ang labi ko na pakiramdam ko nabura na dahil sa lintik na manyak na iyon. Ugh! Nakakagigil! Dinaig niya pa ang bampira kung makasipsip eh. Akala mo pa nagkakape siya kung makahigop ng malala. "Yuck!" bulalas ko saka ako umiling ng ilang ulit. Hindi talaga maatim ng sistema ko ang ginawa niya. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako. Jusko! Paano ko na siya haharapin ngayon nang hindi iyon sumasagi sa isip ko... teka! Bakit naman sana ako apektado? Tch! Erase!"Anong yuck ka riyan? Ano ba kasing nangyari sa labi mo? May nakain ka bang kung ano?" muling tanong niya. "O baka nam
DAMON"Oh Mikay, ayos ka lang ba?" tanong ni Nay Cristy sa babaeng bobo na mukhang hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Lumapit ito sa kanya para matignan kung may sakit ito. "Naku! Ang init mo, huwag ka na kayang pumasok?" Nanatili ang tingin ko sa kanya. I let my index finger plays with my lower lip. What the hell happened to this stupid woman?"Hindi po p'wede, may midterms po kasi kami ngayon," wika nito sa isang garalgal na tinig. She coughs. "Ang arte mo! Hindi ako virus," singhal niya sa akin dahil bahagya akong lumayo sa kanya. She coughs again.I scoffs. When she suddenly sound like she's fine. I shrug my head. Her cough doesn't sound good."Pero anak, hindi na p'wedeng pumasok ka ng ganiyan, paano kung may mangyaring masama sa'yo? Ang taas pa naman ng lagnat mo.""Pero Nay Cristy...""Why bother yourself to take the exam when you know to yourself that you can't even pass it," I said in a sarcastic tone. She glared at me. "Pake mo ba? Ikaw ba ang mag e-exam? Nay Cristy oh,
MIKAY"Her laboratory results are clear and good, and you don't need to worry about it. Though she has a intractable migraine, it is a severe migraine, so she really need to stay at the hospital for a while for a further tests too," paliwanag ng Doctor sa amin. "Salamat po Doc," ani Papa na nanatili sa tabi ko."Intern Mikael, magpagaling ka okay? Don't worry, you are safe to me."Nginitian ko si Doc Des dahil sa sinabi niya, hindi nagtagal ay umalis na rin ito.Hindi si Damonyo ang nagdala sa akin sa hospital, tumawag pa ito kay Papa kanina. Wala rin siya ngayon dito sa kwarto ko, as if naman na magiging present siya. Tanging si Papa lang ang kasama ko ngayon dahil si mama ay abala sa karinderya at si Ruby naman ang my duty. Alam ko namang may iniinda ring sakit si Papa kaya lang pinili niya pa rin na samahan ako."Adam," bulalas ni Papa nang makita niya si Adam.Napangiti agad ako nang makita ko si Adam. Ang gwapo niya talaga sa tuwing nakasuot siya ng hospital suit. "I saw your n
MIKAYIlang araw akong nanatili sa hospital, at sa ilang araw na iyon hindi ko man lang ulit nakita si Papa. Ni wala akong kaibigan na dumalaw sa akin. Hindi ko alam, pero tingin ko pinagbawalan sila ni Damonyo. Maging si Adam ay hindi rin nakadalaw sa akin."Welcome back, Mikay!"Masayang bati ni Nay Cristy sa akin nang makita niya ako. Yumakap pa ito sa akin. "Pasensya ka na at hindi man lang ako nakadalawa ah?""Okay lang po. Hindi ka rin naman po makakapasok sa kwarto ko dahil bawal at utos ng isang taong walang puso at makasarili," may diing saad ko saka ko binalingan ng tingin si Damonyo na nanatiling tahimik.Nakita ko rin ang pagsulyap ni Nay Cristy sa kanya."Akyat na po ako sa taas. Pagod po kasi ako," saad ko. Hindi ko na siya hinintay pang maglakad. Dumiretsto ako sa kwarto ko.Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Nadampot ng kamay ko ang unan at niyakap ito. "Walang puso," sambit ko saka ko mariing ipinikit ang aking mga mata.
MIKAY"Ikaw na!""Anong, ako? Ikaw!""Gagi! Ikaw na kasi!""Bahala ka riyan!"Nakatingin ako sa mga interns na nagtuturuan kung sino ang mga bibigay ng report kay Damonyo na mukhang mainit na naman ang ulo. Kanina lang kasi may pinagalitan siyang residente. Halos dumagundong ang buong floor ng neurology department eh. Grabe talaga siya. "Ilang araw ng walang tulog si Doc Damon, buti at nakakaya niya pa rin na gampanan ang duty niya.""Kaya nga! Alam niyo ba na katatapos lang ng operation niya kanina? Halos anim na oras din iyon.""Ilang araw na siyang nakaduty, simula ata nung nagkaroon siya ng private patient." Private patient? Sino kaya iyon? "Ah! Oo nga 'no?"Nakuha naman nila Nurse Yen ang atensyon ko. Tch. Masyado kasi siyang pabibo. Bahala siya sa buhay niya. Hindi rin siya umuuwi sa bahay niya eh. "Intern Mikael." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Bahagyang nagtaas ang kilay ko nang makita ko ang kapwa ko interns na galing sa ibang school na nagtatalo kanina kung s
MIKAY"Kumusta Mikael. Naramdaman mo ba ang bagsik niya?" tanong agad sa akin ni Nurse Yen nang makita niya ako."Nairaos ko po," saad ko. Kahit na talagang maayos namin ang naging trato sa akin ni Damonyo kanina... maliban lang talaga sa pinaramdam niya sa aking kakaiba. Kasi naman eh!"Oh bakit parang namumula ka ata?" tanong ni Nurse Yen."P-Po?" Hinawakan ko ang mukha ko. "Mainit lang po."Shucks! Bakit naman ako namumula? Mukhang malandi na ata talaga ako. Jusmiyo naman! Para akong mababaliw sa nararamdaman ko ngayon. Hindi mawala sa isip ko ang sitwasyon namin kanina... sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin... nakangiti pa siya... parang... para siyang... "Anghel," wala sa sariling sambit. "Anghel? Sinong anghel? Si Doc Damon? Baka anghel na may sungay kamo." Napatingin ako sa nagsalita. Si Nurse Uly na laging napapagalitan ni Damon. Tch. "Crush mo 'no?" pagkakwa'y pagbibiro nito. "Hoy hindi ah," tanggi ko agad. Mamaya biglang kumalat ang chismis eh, malintikan na naman ak