Share

Kabanata 19

MIKAY

"So please, introduce yourself."

Huminga ako ng malalim. Kabado bente na talaga ako. Naiihi na ako na ewan, at for sure yung mukha ay hindi na rin talaga maipinta. Si Damonyo ay nakaupo sa may gitna. May dark awra ito at mukhang hindi ito dapat kantihin. Dati-rati sa TV ko lang nakikita ang mga Doctors na ito, ngayon ay nasa mismong harapan ko na sila.

Napalunok ako. "H-Hello po." Grabe ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko talaga kinakaya ang sitwasyon ko ngayon. I can't na talaga. Muli akong napalunok. "P'wede pong tagalog?" tanong ko dahil hindi ata keri ng braincells ko ang mag english ngayon.

Tumawa sila na para bang isang biro ang sinabi ko. Hindi ako nagpapatawa. Nakuha ni Damonyo ang atensyon ko nang mag 'ahem' ito, dahilan kaya napatigil ang mga kapwa niya Doctor.

"Proceed," malamig na turan ni Damonyo.

Kakampi ko ba siya ngayon?

"Ako po si Mikael Mendoza, 27 years old. Nakatira sa..."

"Miss Mendoza, you don't need to complete it, now tell us more about yourself,"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status