MIKAYMaaga akong nagising. Dahan-dahan akong bumaba sa kama upang hindi ko magising si Damon na mahimbing na natutulog. Hindi naman na siya ganoon kainit nang hawakan ko ang kaniyang noo. Madalas niyang sabihin sa akin na nagsisisi siya sa mga nangyari sa aming dalawa. Maging ako nagsisisi, nagsisisi ako na hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol kay Dal, edi sana nakagisnan ng anak ko ang kaniyang ama.Hindi ko alam kung bakit umabot kami sa ganito, maayos naman kaming dalawa kahit na madalas kaming mag-away, pero sa isang iglap bigla na lang nagbago ang lahat. Ipinaliwanag naman niya sa akin, sinabi rin ni lolo ang mga nangyari noon na inilihim niya sa akin... pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Bakit hanggang ngayon galit pa rin ang nararamdaman ko sa kaniya?Marahas akong napabuntong bago ako lumabas sa kwarto. Chineck ko na muna si Dal sa aming kwarto, natutulog pa rin ito. Bumaba ako at tinungo ang kusina para makapaghanda ng almusal namin.Hindi nagtagal ay nagising na
MIKAYIlang araw na ang nakakalipas simula nang magkasakit siya. Pero mukhang sumobra naman ata siya ngayon.Hindi ko maiwasang mapakunot noo nang makita ko ang mesa na akala mo may magarbong salo-salo. May rosas at kandila sa gitna. Ang mga pagkain na nakahanda at tila ba niluto pa ng magaling na chef."Wow! May birthday po ba?" tanong ng anak ko na talaga namang namamangha sa kaniyang nakikita ngayon.Nagtaas pa lalo ang kilay ko nang bigla sumulpot si Damon na akala mo dadalo sa isang dinner date. Formal na formal ito."Ano namang pakulo mo?" bugnot na tanong ko.Hindi na talaga maipinta pa ang mukha ko lalo na bang biglang may kinuha siyang pink rose sa kaniyang suit, ngiting ngiti siya sa akin na akala mo nasisiraan na ng balik."Ayiee! Papa ah!" ani Dal na mukhang natutuwa sa kaniyang nakikita. Ang ngiti niya ay abot na ata sa langit."For you Wife."Iniabot niya sa akin ang rosas, wala naman akong choice para kunin ito mula sa kaniya dahil nakatingin sa amin si Dal. Ayoko naman
MIKAY"Anak, sigurado ka ba talagang ayaw mong sumama sa amin?" tanong ko sa anak ko na todo pa rin ang pagkakangiti.Umiling siya. "Moma, date niyo iyon ni Papa. At saka po kasama ko naman po si Ninang. Mag enjoy po kayo at huwag niyo akong isipin," aniya na mas lalong lumawak pa ang pagkakangiti niya.Nag book kasi ng five days vacation si Damon, ewan ko ba sa kaniya kung bakit gano'n katagal ang naisip niya. Napapailing na nga lang ako sa ginawa niya eh.Inakbayan ako ni Damon kaya naman nakuha niya ang atensyon ko. Simula nang makapag-usap kami, mas lalo siyang naging feeling close sa akin. Aaminin ko, sinusubukan ko pa ring ibalik ang lahat... yung dating kami, kaya lang madalas nauubos niya pasensiya ko eh."Love, magiging okay lang ang anak natin dito, kaya huwag ka ng mag-alala riyan."Pinanliitan ko siya ng mga mata dahil sa sinabi niya. May feelings pa rin ako na awkward, kaya lang isinasantabi ko ito para sa pamilyang gusto naming buoin para sa anak namin."Moma, bawal mo a
MIKAYHindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko. Nandito kami ngayon sa isang restaurant kung saan kitang-kita ko mula sa aming kinauupuan ang dagat. Sobrang ganda ng paligid. Ang malamig na hangin na tumatama sa aking balat ay sobrang sarap sa pakiramdam.Hindi lang kami ang tao sa restaurant, mukhang lahat ata ng mga mayayamang tao ay narito ngayon. Ang iba ay nakikita ko lang sa T.V noon, at hindi ko akalain na kung ano sila sa T.V ay mas malala pa sa personal."Grabe! Ang gwapo ni Thad," wala sa sariling saad ko, ni hindi na sumagi sa isip ko kung maririnig ba ako ni Damon o hindi."Tsk," rinig kong saad niya."Kilala mo ba personally si Thad?"Hindi ko na napigilan pang magtanong sa kaniya. Kita ko naman sa mga mata niya na hindi siya natutuwa. "Tinatanong ko lang," saad ko."Not really. But he's a womanizer. I'm better than him."Agad na nagtaas ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Masyado naman siyang defensive, sinasabi ko lang naman eh."Okay," iyan na lang ang nasabi ko d
MIKAYRamdam ko ang init sa aking pisngi habang inaalala ko ang nangyayari sa amin kagabi. "Good morning, Wife," halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niya akong niyakap mula sa aking likuran. Humalik pa ito sa aking leeg na nagbigay na naman sa akin ng kakaibang pakiramdam. Shootangina! Malandi na ba ako sa lagay na ito? Pakipot pa ako noong una na ayaw ko sa kaniya, tapos... ugh! Hindi naman ako lasing kagabi, pero ewan ko, bigla akong nawala sa katinuhan nang hagkan niya ang aking mga labi. "How's your sleep?"Mukhang good pa sa morning ang gising ng lalaking ito ah. Sa kaniya, mukhang wala lang sa kaniya ang nangyari samantalang ako? Feeling ko maging apektado ang aking sistema dahil sa nangyari. "Okay lang."Kung kaya niyang maging kalmado, syempre kaya ko rin dapat. Tapos na iyon eh, hindi ko na iyon mababalikan pa para pigilan... at hindi iyon isang katangahan, dahil ginusto ko ang nangyari. Nagpadala ako sa tukso."Naghanda na ako ng pagkain. Umupo ka na roon at ihahanda
MIKAY"Damon, hindi ka ba naiinitan? Siksik ka nang siksik sa akin."Halos itulak ko na siya palayo sa akin pero ang gago akala mo linta kung makadikit."I want to feel you so close to me."Napamake face na lang ako dahil sa sinabi niya."Kulang na lang mamatay ako sa suffocation dahil sa ginagawa mo eh," pagmamaktol ko. "Lumayo ka nga ng konti. Naiinitan na ako."In an instant biglang nagliwanag ang kaniyang mga mata."Naiinitan ka? Gusto mo mas painitin kita?"Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang pumaimbabaw sa akin. Napakurap pa ako ng ilang ulit dahil hindi ko akalain ang naging bilis ng paggalaw niya.Simula nang dumating kami sa villa niya, hindi na nawala ang ganitong eksena naming dalawa. Ewan ko ba, sa halip na magpakipot muna ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko."Damon, pagod ako. Ang dami nating ginawa kanina."Pagkatapos kasi naming mag horse back riding kanina ay nag water activities din kami."I know. Kaya nga pinipigilan ko ang sarili ko."Pinanliitan ko siya n
MIKAYOne week later..."Moma! Moma!"Kumakaripas na tumatakbo palapit sa akin ang aking anak habang may hawak itong papel."Moma! Moma! Tingnan mo!"Kinuha ko ang papel na iniabot niya sa akin. Napakurap pa ako ng ilang ulit dahil sa nakikita ko."With super highest honor ako Moma! Yey!"Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko, kulang na nga ata ay mapunit ang aking labi dahil sa aking pagkakangiti."Moma, proud po ba kayo sa akin?"Bahagya akong bumaba upang mapantayan ko siya."Sino na nga ulit ang mama mo?"Ngumiti siya ng malawak."Kayo po. Hehe."Niyakap ko siya ng mahigpit."Proud na proud talaga ako sa iyo. Nagmana ka talaga sa akin.""Hindi ba sa akin?" Pareho kaming napatingin ni Dal sa nagsalita. Si Damon, habang bitbit niya ang crib ng mga labahan na syempre lalabhan niya mamaya. "Para wala pong away, sa inyo na lang pong dalawa. Hehe.""What do you want, Baby?" tanong ni Damon. "Dapat may prize ka for being the highest in your class. Gusto mo bang mag mall tayo? You
MIKAYThree months later...Sa loob ng tatlong buwan, naging maayos ang samahan namin ni Damon. Mas lalo kaming naging bukas sa isa't isa."Okay na ba kayo?" paninigurado ko.Ngayon ay uuwi kami sa amin, tutal naman ay bakasyon na nila Dal."Moma, okay na po ako. Si Papa hindi pa," ani Dal na kalalabas lang ng kwarto."Ano bang ginagawa niya sa loob?"Iyon talaga, dinaig niya pa ang babae sa bagal niyang gumalaw. Pumasok ako sa kwarto upang pagalitan si Damon pero nadatnan ko siyang palabas ng banyo."Hindi ka pa pala nakaayos?" taas kilay na tanong ko.Ngumiti ito ng malawak. "Sorry Wife."Napailing na lang ako saka ko tinungo ang cabinet para pilian siya ng kaniyang susuotin, ngunit ang gago yumapos na naman sa akin."Wife, p'wedeng paisa?" bulong nito sa aking tenga."Damon, tantanan mo ako. Kanina pa naghihintay ang chopper na sasakyan natin... Damon!" may diing saad ko nang mabilis niyang naipasok ang kamay niya sa suot kong pants.Tumawa ito nang mahina."I can't stop myself, Lo
MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew