DAMONSimula nang makabalik kami ay mas lalo akong naging abala sa trabaho, gabi na kung makauwi ako o di kaya naman ay madaling araw na, minsan nadadatnan ko pa ang aking asawa na naghihintay sa akin pero ngayon nadadatnan ko na lang siyang tulog.Marahan akong tumabi sa kaniya pagkatapos kong magshower."Oh nandito ka na pala," antok na antok na saad niya.Inihiga ko siya sa aking braso."Hi Wife."Humalik ako sa kaniyang noo saka siya mas inilapit sa akin. Wala naman na akong narinig pa mula sa kaniya. Hindi ko sana tatanggapin ang alok sa akin dahil ang gusto ko na lang sa ngayon ay mag focus sa aking mag-ina, kaya lang nakiusap sa akin sila lolo, they can't just give the hospital to someone they are not blood related to, that's why I was left with no choice. At first, I asked Adam to take part of it, but he's too busy with his own life."I love you, Wife. Good night."Muli ko siyang hinalikan sa noo hanggang sa makatulog na rin ako.Kinabukasan, nagising ako na wala na ang aking
MIKAY"Kaya po ba malungkot si Papa?""Opo."Ipinaliwanag ko sa kaniya ang nasaksihan niya nang lumabas silang mag-ama. Alam ko naman na may tanong sa kaniyang isip ngayon, kaya mabuti lang din na alam niya ang tungkol doon. Bata pa siya, oo, pero alam ko na kahit papaano ay may karapatan siyang malaman ang tungkol dito."Kawawa naman po pala si Papa. Huwag ka pong mag-alala, Moma, poprotektahan ko po si Papa."Napangiti ako dahil sa sinabi niya."I should be the one protecting you."Parehong nabaling ang tingin namin kay Damon na pumasok sa kwarto ni Dal. Lumapit siya sa amin at saka humiga sa kama."Papa, syempre pinoprotektahan mo na kami ni Moma, edi dapat may poprotekta rin sa iyo at mag-aalaga.""But it's my responsibility to protect you.""Papa, bilang anak mo, responsibilidad ko rin po iyon."Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikinig sa kanilang dalawa. "Baby, your responsibility for now is to play and have fun, enjoy your days being a kid.""Papa, na e-enjoy ko naman po.
MIKAYMay nadagdag na naman sa oa gang. Hindi ko maiwasan ang pagtaas ng aking kilay habang pinapanood si Damon. Kanina pa ito hindi mapakali. Nandito kasi kami ngayon sa hospital para magpacheck-up, simula nang malaman niyang buntis ako ay kulang na lang tumira kami rito sa hospital."Umupo ka nga. Nahihilo na ako sa iyo eh," paninita ko sa kaniya."Papa, naka isang daan ka na pong lakad," saad namin ni DalMabilis na tumabi sa amin si Damon ma mukhang mas kabado pa kesa sa akin. Sa ngayon ay naghihintay kami ng resulta ng aking tests dito sa opisina niya. Apaka oa niya talaga. "Kumalma ka nga Damon," muling sita ko sa kaniya.Nang may kumatok sa pintuan ay agad niya itong binuksan. Niluwa naman no'n si Doc Faye, ang aking OB. Ang sabi ko sa kaniya kanina, doon na lamang sa opisina ni Doc Faye kami maghintay, pero sobrang laking abala ng gago."Hi," nakangiti bati niya sa amin. "Here's the results, Doc."Kinuha agad ni Damon ang papel."Everything is normal, Doc. As of now we can't
MIKAYLumipas ang tatlong buwan, pa oa na nang pa oa si Damon lalo na noong malaman niyang triplets ang magiging anak namin. Jusko naman. Yung isa nga nahirapan na akong i-iri ito pa kayong tatlo, tapos puro lalaki pa."Wife, just stay sitted. Just rest, you're making me worry."Wala pa nga akong ginagawa ay nag w-worry na raw ang gago."Nakatayo lang ako siraulo.""Wife, yun nga eh. Paano na lang kung bigla kang bumagsak riyan? Paano kung madulas ka? Paano kung...""Isang pang paano mo, sasamain ka sa akin."Jusko. Nagsasawa na ako sa kaartehan niya. Kulang na lang pati ata paghinga ko ay bantayan niya."Bakit ba kasi nandito ka? Wala ka bang pasok? Akala ko ba may lecture ka ngayon?""Later, Wife, for now, I'll take care of you."Napapairap na lang talaga ako."Damon, kaya kong maglakad, kaya ko pa ngang tumakbo eh.""Wife, I'm just making you safe."Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili dahil konti na lang ay tatamaan na siya sa akin. Hinayaan ko na lang siya sa
MIKAY"Nasa loob po siya," saad ng kaniyang secretary nang makita niya ako.May dala akong pagkain para sa kaniya, dahil alam ko naman na baka hindi na naman siya makakain ng maayos. Habang patagal nang patagal ay pabusy siya nang pabusy."Wife."Agad itong tumayo nang makita niya ako. Lumapit siya sa akin upang ako'y yakapin at hagkan sa labi."Nagdala ako ng foods."Ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong paper bag."The best ka talaga. Kaya mahal na mahal kita eh." Muli niya akong hinalikan. "Sus! Nang uto ka pa." Inalalayan niya akong umupo bago siya tumabi sa akin."Nakasalubong ko pala si Caitlyn sa labas," saad ko.Alam kong isang linggo na nang muli siyang magtrabaho rito, sa totoo lang maayos na rin iyon, hindi naman p'wedeng lagi na lang namin siyang iwasan. Kung may gawin man siyang masama, ready to fight ako. "Tsk. Don't mind her. If she talks to you, just pass her by."At mas dumoble na nga ang inis niya kay Caitlyn."Hubby, isipin mo na lang na nakakatulong ka sa kaniy
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha