MIKAY"El, kanina pa talaga tingin nang tingin sa'yo yung doktor, mukhang type ka ata," ani Trina na mukhang kanina pa tinitingnan si Adam.Simula nang dumating kami rito hindi pa kami nakapag-usap, wala rin naman kasi kaming pag-uusapan, at saka siguro awkward para sa kaniya na kausapin ako dahil nga ilang taon na rin ang nakakalipas."Uy gagi! Tumingin na naman! Feeling ko talaga na love at first sight siya sa iyo."Walang emosyong tiningnan ko si Trina pagkakwa'y napailing na lang ako saka muling ibinalik ang atensyon ko sa pag-aayos ko ng mga gamot na ipapamahagi namin sa mga tao."Mikay."Nakuha ng isang pamilyar na tinig ang atensyon ko. Binalingan ko ito ng tingin. Pareho silang nakangiti sa akin na para bang sobrang saya nilang makita ako."Kilala mo ba?" tanong ni Trina sa mahinang tinig."P'wede ka ba naming yakapin?" pagkakwa'y tanong ni Juday na mukhang konti na lang ay iiyak na."Kaya nga. P'wede ba? Kanina pa kami kating-kati eh," ani Tina na tipid na ngumiti sa akin.Hu
MIKAY"El, alam mo simula nang matapos ka sa medical mission mo na iyan hindi na naalis ang pagbubuntong hininga mo. May nangyari ba?"Huminga ako ng malalim at hindi pinansin ang sinabi ni Rita sa halip ay itinuloy ko na lang ang ginagawa kong paghiwa ng gulay para sa panghapunan namin ni Dal. Umuwi na rin si Lolo nang makauwi ako, gusto nga sana niyang isama si Dal kaya lang hindi na ako pumayag dahil ayokong makita ng anak ko ang buhay doon sa amin. Ayokong magulo ang tahimik niyang buhay dahil lang sa pamilya namin."El, akala ko ba kaibigan mo ako?" Muli akong napabuntong hininga. "O ayan ka na naman," paninita niya sa akin. "Ano ba kasing meron?""Nagkita kami ng mga kaibigan ko sa medical mission. Hindi naman sinabi sa akin ni Lolo na kasama pala ssa medical mission ang mga taga M.Y." Huminga ako ng malalim.Wala naman kaso sa akin na nagkita kami kaya lang hindi ko alam itong nararamdaman ko, nababahala ako na ewan. Pitong taon na hindi ako nagpakita sa kanila,ni wala silang
MIKAYPatuloy pa rin ako sa pagbagsak ang aking luha habang hinihintay na matapos ang operasyon ni Dal. Sobrang tanga ko. Ni hindi ko man lang nalaman o napansin ang sakit ng anak ko. Ang bata pa niya para maoperahan ng ganito. Kasalanan ko ito."El!"Humahangos na lumapit sa akin si Rita, nang makalapit siya ay agad ko siyang niyakap."Anong nangyari?""Nasa operating room siya ngayon, ruptured appendix. Kumalat ang infection sa tiyan niya kaya kailangan niya ng agarang operasyon."Napasubsob na lang ako sa aking palad habang patuloy pa ring umiiyak. Hindi ko akalain na nangyayari ito ngayon. Kanina lang naman ay okay pa siya eh, ang sarap nga ng kuwentuhan naming dalawa. Malusog naman siya at kumakain ng maayos."Adam!" Mabilis akong lumapit kay Adam nang makita ko siyang lumabas ng operating room. "Kumusta ang anak ko? Okay na ba siya? Adam sabihin mo sa akin na maayos siya. Parang-awa mo na," saad ko habang patuloy pa rin ang pag bagsak ng aking luha."The operation is successful.
MIKAY Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito? Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya, tingin na punong-puno ng galit. "Let's go."I was back into reality when Adam hold my hand to guide me down. Huminga ako ng malalim. I already expected this to happen kaya lang hindi ko naman akalain na agad-agad ay magkikita kaming dalawa. Buhay pa pala siya. Inalalayan ako ni Adam na bumaba mula sa chopper."Ako na ang bahala rito," ani Rita na tila ba alam na niya ang gagawin.Hindi ko naman gustong itago si Dal, kaya lang sa buhay na meron ako sa lugar na ito sobrang gulo at ayokong idamay ang anak ko sa gulong iyon. Lalo pa ngayon na nandito si Damon. Hindi ko na muling nilingon pa ang lugar kung saan ko siya nakita kanina, para saan pa? Wala na siya sa buhay ko, at gano'n din ako sa kaniya.Iginiya kami nila Lolo sa kwarto kung saan mamalagi si Dal, pero bago iyon ay chineck na muna nila ang anak kong hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Sabi ni Adam sa akin, matagumpay naman ang
MIKAY"I can be your Daddy if you want," nakangiting saad ni Adam saka nito hinaplos ang buhok ng aking anak."Talaga po? Moma, p'wede po?"Nakangiti sa akin si Dal na para bang nakikiusap ito na pumayag ako.Huminga ako ng malalim. "Dal, hindi p'wede.""Moma talaga. KJ."Ayoko naman kasing paasahin ang anak ko. Ayokong ibigay sa kaniya ang saglit na kasiyahan lang. Alam ko naman na nangungulila siya sa aruga ng ama, at kahit hindi niya iyon sabihin sa akin, kitang-kita ko iyon sa kaniya. Naalala ko na naman kung paano kami nag-usap tungkol sa ama niya."Moma, inaaway na naman po ako ni Ceci, wala raw po akong dadi. Putok sa buho raw po ako. Ano po yung putok sa buho?" Sa tuwing ganito ang usapan naming dalawa nanghihina ako ng sobra. Lumapit ako sa kaniya."Anong sabi ko sa iyo sa tuwing sinasabihan ka ng kung ano-ano?""Huwag pong pansinin kasi totoo."Kitang-kita ko kung paano gumuhit ang lungkot sa kaniyang mga mata. Tila may kung ano namang pumiga ng aking dibdib dahil sa naging
DAMONI was busy taking my round when I saw a little girl sitting on the wheelchair, staring at the flowers at the garden alone. She is wearing a pink bucket hat and pink sweater. Parang ngayon ko lang siya nakita. Is she new here? I don't know what got into me to approach her."Hi," nakangiting bati ko sa kaniya.Nakuha ko naman agad ang atensyon niya. Mas lalo akong napangiti nang magsalubong ang aming mga mata. Hindi ko alam kung bati tila bumilis ang tibok ng aking puso."Can I seat beside you?" I ask, still wearing a smile. "Anong pangalan mo?"Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na tila ba pinag-iisipan niya pa kung sasagutin niya ang aking tanong. She looks very innocent. Her eyes are so calm. There's something in her that I couldn't grasp or explain at all. Para bang sobrang tagal ko na siyang kakilala kahit ngayon ko lang naman talaga siyang nakita."Sabi ni Moma, huwag daw akong makikipag-usap sa stranger."Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang kani
MIKAY"Babalik din ako," saad ni Rita.Kakatawag lang ng ama niya at pinapauwi siya dahil may sakit daw si Tope. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya dahil may anak din siyang kailangan niyang alagaan. "Ano ka ba, ang mas mahalaga ngayon ay maalagaan mo naman si Tope. At saka lalabas na rin naman si Dal, do'n muna kami sa bahay ni Lolo.""Pasensiya ka na ah.""Ano ka ba, para kang tanga. Okay nga lang di ba? Huwag kang mag-alala, meron naman akong mga kasama.""Ano ang ipapaliwanag mo sa kanila kapag nakita nila si Dal?"Huminga ako ng malalim. "Ipapakilala ko na siya sa kanila."Napag-isipan ko na bakit ko ba tinatago ang anak ko sa mga pamilya at kaibigan ko? Bakit kailangan ko siyang itago, eh wala naman kaming ginagawang masama ng anak ko. Kung may isang tao man na dapat huwag makaalam sa anak ko ay si Damon lang iyon wala ng iba, at kung sakalin malaman man niya, buong tapang ko siyang haharapin at ipapamukha ko sa kaniya na wala siyang karapatan kahit na mag-asawa pa rin k
MIKAYIlang araw na ang nakakalipas simula nang mag-usap kami ni Damon, at simula no'ng araw na iyon hindi na rin niya ako muling ginulo o nilapitan pa. Sorry? Sa tingin niya ba matatapos na lang ang lahat sa sorry niya? Sa tingin niya kapag nag sorry siya matatanggal no'n ang sakit na ibinibigay niya sa akin? Hindi!"Moma, kailan po tayo uuwi?"Ilang araw na rin kaming namamalagi rito sa bahay ni Lolo, may personal doctor din si Dal na kung saan ay araw-araw siyang chinecheck."Okay naman na po ako. Nakakapag lakad na nga po ako eh."Gusto kasing makasiguro ni Lolo na walang anumang naging problema sa operasyon ni Dal kaya naman nakiusap siya sa akin na manatili muna kami ng kahit na isang buwan lang dito para matingnan lang ng maayos ang anak ko."Konti na lang. Naboboring ka na ba rito?"Natawa ako nang tumango ito."Gusto mong mamasyal?""P'wede na po?""Oo naman."Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa naging sagot ko."Yes! May big mall po akong nakita rito, Moma. Sas
MIKAYNagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nagalit at nagpatawad.Muntikang sumuko ngunit lumaban upang maabot ang gusto.Natakot ngunit sumugal ulit.Ilan lang iyan sa mga natutunan ko sa buhay... sa buhay pag-ibig. Sobrang hirap magtiwala lalo pa't nasaktan ka na. Sobrang hirap sumugal lalo pa't minsan ay natalo ka na. Sobrang hirap magmahal lalo pa't minsan ka ng naloko. Sobrang hirap makahanap ng taong mananatili sa buhay mo... ngunit nakahanap ako. Nahanap ko si Damon at nahanap niya rin ako.Ang pagmamahalan man namin ay nag-umpisa sa arrange marriage, ngunit alam namin na magtatapos ito sa totoohang pagmamahalan. Dati naman ang gusto ko lang sa buhay ay yumaman, wala sa isip ko ang mag-asawa dahil sabi ko... hindi naman ako marunong mag-alaga, sarili ko nga hindi ko maalagaan, ibang tao pa kaya? Pero akalain mo iyon... sobrang mapang-asar talaga ang tadhana kasi nagawa niyang ibahin ang isip at puso ko. Si Damon? Sobrang sungit niya. Lahat na ata ng kasungitan sa mundo ay
MIKAY4 years later..."Moma!"Nagising ako sa sigaw ni Dal na akala mo may gulo na namang nangyayari."Moma!"Kahit ayoko pa sanang bumangon dahil antok na antok at pagod na pagod pa ako, kumakatok na sa pintuan si Dal. Bumungon ako at pinulit ang aking mga damit. Maaga na namang umalis ang lalaking iyon, at hindi man lang niya ako ginising. Mabilis akong nagpalit, at hindi na ako naghilamos pa.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay agad nagsumbong sa akin si Dal na akala mo stress na stress na naman sa nangyayari. Puting puti ang buhok niya maging ang mukha nito. "Moma, nakakainis po! Kanina ko pa po sila pinipigilan na huwag maglaro sa kitchen, pero hindi po sila nakikinig."Huminga ako ng malalim. Sumunod naman ako kay Dal na patuloy na nagsusumbong sa akin."Sabi ko ako na lang ang mag b-bake, pero ayaw po nilang magpaawat. Pati nga po si Yaya ay nastress na."Nabaling ang tingin ko sa tatlo na nakasilip sa may veranda."Labas," maotoridad na saad ko.Hindi ko naman napigila
MIKAYHindi madali ang lahat ng pinagdaanan namin. Paulit-ulit kaming sinubok. Paulit-ulit kaming nasaktan, natakot, at umiyak. Ni hindi ko talaga lubos maisip kung paano namin nagawang lampasan at harapin ang lahat ng iyon."I love you, Wife."Sobrang sarap sa pakiramdam na sa tuwing paggising mo sa umga katabi mo ang lalaking nagbigay sa iyo ng pag-asa. Yung gigising ka sa umaga at agad niyang ipaparamdam sa iyo na ikaw ang pinakamagandang nangyayari sa buhay niya."I love you more, Hubby."Buong akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong pagmamahal, na hindi darating sa buhay ko ang ganitong klaseng pag-ibig. Sino ba kasing mag-aakala na ang tatanga-tangang ako makakabinggit ng isang matalinong tao na iintindi sa lahat ng kabobohan ko?Si Damon ang nagturo sa akin na kahit na anong pagsubok ang dumating, kailangang harapin iyon ng walang takot."Moma, lalabas na po ba sila baby?"Si Dal ang isa rin sa nagpatatag at nagpatibay sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hin
MIKAYHalos hindi ko na alam kung saan ako tutungo nang makarating kami sa hospital. Nakaalalay lang sa akin ang mga kaibigan ko na nagpunta kanina sa bahay ni Lolo nang malaman nila ang nangyayari."Kaya wala talaga akong tiwala sa higad na iyon eh!""Makita ko lang talaga siya ako na ang papatay sa kaniya!"Habang sila ay galit na galit, ako naman ay sobrang nag-aalala. Nang makita ko si Damon na nakaupo sa labas ng operating room hinanap ko agad si Dal... nasaan siya? Ramdam ko na ang pag init ng mata ko at paghaharumentado ng puso ko.Nakuha na namin ang atensyon ni Damon. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nababalot ng dugo. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nakangiti siya sa akin, pero kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata."Nasaan si D-Dal?" nanginginig na tanong ko. "She's fine. She's inside the emergency room right now...""Moma!"Agad na hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. Bumuhos na ang aking luha. Tumatakbo palapit sa amin si Dal. Lu
MIKAYPara akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko, agad na bumuhos ang aking luha. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na tila ba kakawala na ito sa akin. Kanina pa kausap ng Damon ang mga pulis, kalmado ito ngunit ramdam ko ang galit niya maging ang pag-aalala nito."Do everything you can."Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung paano ito nangyari... pakiramdam ko ay sobrang sama kong ina para pabayaan ang anak ko. Kung sana naging mas maaga lang ako ay hindi ito mangyayari."Wife, stop crying. Mahahahanap natin siya."Kahit gaano ako kalmahin ni Damon ay hindi ito umeepekto sa akin. "Kasalanan ko ito."Muling nag init ang aking mga mata. "No it's not your fault." Inilapit niya ako sa kaniya saka hinalikan sa noo. Gabi na ngunit wala pa rin kaming balita sa anak namin. Ang sabi ng teacher kanina ay may sumundo raw sa kaniya, nakita na rin namin ang CCTV ngunit hindi masyadong kita kung sino ang kumuha sa anak namin, sumakay sila sa black na kotse na ng tingnan
MIKAYLumipas ang ilang linggo walang paramdam si Caitlyn, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot ako kasi unusual ito eh. Hindi kasi siya iyong tipo ng tao na bigla na lang hindi magpaparamdam. Nang malaman ni Damon na nakipagkita nga ako sa kaniya at nakita niya rin na namumula ang pisngi ko, galit na galit siya."Moma, may star po ako."Tinatanong ko naman si Dal kung pumapasok si Demi, ang sagot naman niya sa akin ay oo. "Wow very good naman ang baby ko.""Stem Moma, mana ako kay Papa."Pinanliitan ko siya ng mata."Syempre pati po sa inyo."Humagikgik pa ito. Agad napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang siko niya. "Ano ang nangyari rito?" May sugat kasi sa siko niya at halatang ngayon lang ito nangyari. "Ah ito po ba Moma? Nadapa po. Naglalaro po kasi kami kanina," saad niya nang hindi tumitingin sa aking mga mata. "Dal, sabihin mo ang totoo." "Moma, iyon po ang totoo."Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili siyang nakayuko."Moma, mag s-shower na po ako."Ma
MIKAYSinabi sa akin ni Damon ang tungkol kay Caitlyn. Hindi ko akalain na nagawa niyang magsinungaling ng gano'n para lamang makuha niya ang gusto niya. I did give her a chance, but she choose to waste it."I really can't believe her."Kanina pa nagmamaktol si Damon na tila ba isang bata. Siguro gano'n na talaga siya at hindi iyon magbabago pa. Nakakainis lang dahil buong akala ko ay nasa matinong pag-iisip na siya, pero mukhang mas lumala pa ata ang pagiging siraulo niya."Hayaan mo na, at least ngayon alam na natin na plinano niya ang lahat."Hinawakan ko ang kamay niya."Buti na lang hanggang maaga pa ay nalaman na natin ang intensyon niya at hindi na siya gumawa pa ng mas malala." Nag release na rin ng statement si Damon tungkol sa litrato at video na kumakalat, sabi ko naman sa kaniya kung ano man ang maungkat haharapin namin iyong dalawa. Hindi naman ako papayag na siya lang ang aako ng lahat ng ito, gaya ng sabi ko hati kami."Moma!" Nakuha ni Dal ang atensyon namin, may ha
MIKAYKapag chismis talaga ang usapan, sobrang bilis nitong kumalat na akala mo isa itong virus. Kalat na kalat pa rin ang mga pictures at videos online lalo na yung halikang nangyari sa kanilang dalawa kahit na tatlong araw na ang nakakalipas. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya kaya lang sa mga mata ng iba, alam kong iba ang tingin nila."You should fix this as soon as possible, Damon."Nandito kami ngayon sa bahay ni Lolo, at meron din ang loli ni Damon, at as usual sinasabon na naman nila si Damon."Lo, wala naman pong kasalanan si Damon sa nangyari. At saka, kung bibigyan natin ng malisya ang nangyari mas lalo lang itong lalala. At saka kiss lang naman iyon...""Kahit kiss man iyon o hindi, wala akong pakealam. Nababasa mo ba ang mga articles tungkol sa kanila? Can be a happy family? Sweet family?"Hinilot ni Lolo ang sentido niya. "Tama si Nico. Kahit alam ng lahat na kayo naman talaga, hindi pa rin natin maiiwasan na iba ang sabihin ng media makakuha lang sila ng magandang s
MIKAYHindi ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Damon at Caitlyn. Seryosong-seryoso kasi silang nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin, pagkakwa'y ngumingiti si Caitlyn kapag sasagot si Damon sa kaniya."Lapitan mo! Tanggalin mo yung mata," ani Juday na hindi ko namalayan ang pagdating.Nandito ako ngayon sa event na ginawa ng hospital, para officially ipakilala sa lahat si Damon, ang bagong chairman ng hospital. "Alam mo, todo ang pag-aaligid ng linta na iyan sa asawa mo. Jusko! Ako na iyong naiimbyerna talaga," ani Tina na umirap pa ng bongga.Huminga ako ng malalim."Nag-uusap lang naman sila," saad ko. "Nag-uusap? Eh tingnan mo yung linta, kulang na lang dumikit siya sa asawa mo. May nag-uusap ba na lapit nang lapit ng boobs?" Mas naging iritable silang dalawa."O yung kamay niya! Tingnan mo tingnan mo. Wala ka bang gagawin? Hindi ka ba lalapit sa kanila?"Maliban kay Caitlyn, may iba pa naman silang kausap, at alam kong importante ang pinag-uusapan nila ngayon, ew