"Hindi ka naman nagsabi na may boyfriend ka na pala. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Barbie eh hindi namin malalaman na kayo na pala nung gwapong mama na tricycle driver." Siniko ako ni Pariah at tinaasan ng kilay sabay inom sa coke nito. Binisita niya ako sa bahay dahil nabo-bored na raw ito kahihintay ng result sa board exam."Wala ka talagang balak sabihin sa amin? Pasalamat ka at busy kami sa mga buhay namin kundi ay naibalik na namin sa iyo ang mga kakulitan mo noon sa amin."Iningusan ko ang mga ito habang nagtititingin ako sa Internet sa maaring aplayan na trabaho. Kailangan ko ng maghanap para pagkatapos ng graduation ay largo na kaagad ako."Uy, claim claim ka agad dyan. Hindi ko siya jowa. Nililigawan pa lang ako ni Pierce at hindi ko pa siya sinasagot.""Pero may balak ka?" tanong ni Barbie. "Mata mo pa lang halatang tinamaan ka na eh. Sa wakas! Nahagip ka na rin ng love virus, Xylca! Akala ko habambuhay ka na lang na maglalaro eh."Umayos ako ng upo sa sahig at dinama an
Tanghali na kami nagising dalawa kaya bumili na lang kami ng pagkain sa labas. Habang naliligo si Pierce ay inihahanda ko naman ang mesa na naudlot nga lang ng may kumatok sa pinto."Sandali lang!" sigaw ko at inayos ang suot na t-shirt ni Pierce bago binuksan ang pinto na hindi ko na sana ginawa.Parang natuka ng ahas na tumitig ako sa mukha ng ina na disgustong pinasadahan ako ng tingin. Sakto namang lumabas si Pierce mula sa banyo na naka-towel lang."Ah, kaya pala ang lakas ng loob mong hindi umuwi ng bahay dahil nakikipag-live in ka na sa kung kani-kaninong lalake. Kung saan-saan kita hinanap! Kung hindi sinabi sa akin ng kaibigan mo kung nasaan ka ay hindi kita makikita! Nagpapakangkang ka na pala sa kung sinu-sino Xylca! Ano kang klaseng babae? Nagsasama na kayo kahit wala pa kayong basbas ng kasal? Kahit kailan talaga ay wala ka ng ibinigay sa akin kundi kahihiyan. Ang taas-taas ng pangarap mo tapos sa isang tambay ka rin pala babagsak?"Napakurap ako sa magkahalong hiya lalo
Hindi ko na halos matandaan kung paano kaagad ako nakarating sa ospital. Ni hindi ko na nga maalala kung nakapag-bra ba ako basta ang alam ko lang ay nanginginig na pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa public ospital.Pagdating ko roon ay halos kakaasikaso lang kay Pierce at nang makita ko siyang walang malay, duguan, at nakatubo ay doon pa tumulo ang luha ko. Nasa hallway lang si Pierce dahil sa dami ng mga na-admit na pasyente. Malala ang lagay nito. Ayon sa mga nakausap kong kapitbahay na sinamahan ako sa ospital ay paranghimala na raw na hindi nagkalasog-lasog ang katawan nito. Mukha raw kasing tulala si Pierce habang tumatawid kaya hindi agad nito naiwasan ang truck na ilang ulit na raw bumusina."Kaano-ano mo ang pasyente? Kapatid?" tanong ng doktor sa akin nang hanapin ang guardian ni Pierce.Umiling ako habang nagpupunas ng luha. "Hindi po, doc. K-Kaibigan po ako ni Pierce. Kamusta na po siya doc? Bat hindi pa po siya nagigising?""Magigising din ang pasyente mayamaya. Ka
Five years after.Tumugtog ang bridal choir habang mahinang naglalakad ang napakagandang bride patungo sa matikas na groom na naghihintay sa altar.Namasa ang mga mata ko habang tinitingnan ang pagrampa ng bride.Sa wakas ay may nagwagi rin sa amin pagdating sa pag-ibig. Pinunasan ko ang uhog at luha saka binigyan ng tissue si Myca na kanina pa rin umiiyak. Sinulyapan ko ang mga kaibigan. Sina Pariah at Barbie ay naiiyak na rin maliban kay Sheki na walang emosyon sa mukha.Sa buong ceremony ay umiiyak lang talaga kami kaya nang matapos na ang lahat pati ang picture taking ay mugto na ang aming mga mata. Dumiretso rin kaagad kami sa powder room para mag-retouch bago humarap uli sa kamera. Mabait ang asawa ni Dean na si Daphne at bagay na bagay silang dalawa. "Dean, una mong buksan ang regalo ko sa inyo ha bago ang bakbakan para sure ka na may laban," sabi ko sa kaibigan nang lumapit sa amin ang newlyweds nang reception na. Pabirong tinuktukan ako sa ulo ni Dean. "Sira ka talaga kahit
"Xylca, alam mo bang nasa Pilipinas na si Pierce?"Nabitawan ko ang binabasang dokumento ng bagong biling commercial lot. Parang hinigop lahat ng lakas ko sa nabasang text message mula kay Barbie. Umahon ako sa swivel chair at nanginginig ang mga kamay na mabilis na tinawagan ang kaibigan. "Barbs, totoo ba?" bungad ko agad pagsagot nito."Ang bilis a. Oo. Nagpunta siya rito sa kompanya. Kaibigan pala ng mokong na amo ko. Small world talaga. Kinumusta nga ako kanina. Nabigla nga ako dahil kilala pa pala niya ako. Akala ko kasi ano... Iyon na nga, kakauwi lang niya noong isang linggo. Limang taon din pala siyang nasa US 'no."Dumagundong sa galak ang puso ko. "Barbs, nandiyan pa ba siya?""Oo, nasa taas pa. Bakit? Punta ka rito?"Inabot ko ang bag at agad na lumabas ng opisina. "Oo, papunta na ako.""Wait Xylca. May kasa—"Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil pinatay ko na ang tawag at agad na nagbilin sa secretary. Mabilis kong pinasibad ang kotse papunta sa pinagtatrabahuang te
"O, bat 'di mo pa magawang lapitan? Sige na, Xylca. Puntahan mo na si Pierce.""Sandali lang. Kabado iyong tao e. Chill ka lang muna. Kanina pa ako natatae dito. Parang sisirit na lang bigla ang ihi ko Barbielat."Siniko niya ako habang nakalagay ang kamay sa mukha para takpan ito. "No worries. Marami akong dalang tissue. Tutulungan kitang punasan ang puwet mo. Sa ngayon ay puntahan mo na siya at mukhang kanina ka pa iyan hinihintay."Gaya ng pangako ni Jacques, gumawa ito ng paraan para makausap ko si Pierce. Sinabi niya sa akin na may kikitain daw ito na prospective buyer sa isang restaurant. Kilala raw nito si Pierce. Maagang dumadating ito kaya may chance akong makausap ito kahit sandali. Ito na rin daw ang bahalang mag-set up pa sa akin kapag hindi umubra."Heto na. Heto na. Tatayo na. Wait Barbs, halata bang namumutla ako? Sobrang kabado ko ba talaga? Hindi ba ako mabaho?" Inamoy ko ang sarili pati ang hininga. "Nakakahiya naman kung hanggang ngayon ay dugyutin pa rin ako. Umase
"Good morning!" masiglang bati ko sa mukha ni Pierce nang pagbuksan niya ako ng pinto.Nakakunot-noong pinasadahan niya ng tingin ang suot kong uniform ng isang cleaning company."Why are you dressed like that?"Umikot ako sa harapan nito at ngumisi. "Maglilinis ako ng bahay mo. May tinawagan kang cleaning shop kaya andito na ako."Akong papasok na ako sa loob pero hinawakan niya ako sa balikat para pigilan."Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Xylca."Nginitian ko siya saka itinaas ang mga hawak na mga gamit. Itinuro ko ang van saka inilabas ang ID. "Hindi rin ako nagbibiro. Relax ka lang. Legit ako. Suma-sideline talaga ako sa shop na iyan pangdagdag-income."Lingid sa kaalaman nito ay si Jacques mismo ang nagbigay ng tip sa akin. Kilala nito ang may-ari kaya agad niya akong naipasok.Hinayaan na niya akong pumasok sa loob. Nahuli ko pa ang ginawa nitong pagsulyap sa malaking bag sa likod ko na maingat na inilapag ko sa gilid saka binuksan at inilabas ang mga nilutong pagkain."Pierc
Sa pangalawang araw ay naging dakilang server naman ako. May party na inorganisa ang kompanya nila Barbie na ginanap sa hotel ng pamilya ni Myca kaya siyempre invited si Pierce at kung nasaan si Pierce, ginagawa ko rin ang lahat para andun din sa tabi nito. At siyempre, ginamit ko na naman ang koneksiyon ko. Inayos ko muna ang suot na white uniform bago nilapitan ang lalake na nag-iisa sa table nito. Nakangiting inilapag ko ang baso sa harap nito."Tubig, sir. Baka nauuhaw ka na. Ubos na kasi ang laman ng baso mo." Inginuso ko ang baso nitong wala ng laman.Gulat na nilingon niya ako at napahawak sa sentido."You're here again," ani nito na parang nawalan na agad ng pasensya. "What are you now?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Are you into roleplaying these days?""Ano ka ba. Rumaraket lang. Gipit sa buhay. Mataas ang presyo ng mga bilihin at mahina ang benta kaya kailangang kumayod." Kinindatan ko siya bago binuksan ang wine sa table at lagyan ang kopita nito."I did not
Hindi pa man namin nabubuksan ang ilaw ay atat na isinandal ako ni Pierce sa pader at sinakop ang mga labi ko. Idinikit ko ang katawan nito at kinagat ang labi nito para makapasok ang dila at paglaruin sa dila nito. Napaungol si Pierce sa ginawa ko at ikiniskis ang katigasan sa hita ko.Nagmamadaling hinubad nito ang barong at isinunod ang inner shirt saka mabilis akong binalikan at pinatagilid para hubarin ang suot kong gown. Dama ko ang init sa bawat dantay ng daliri nito sa balat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagnanasa sa bawat hagod nito sa dibdib ko na natatakpan na lang ng bra na wala na halos itinago.“Let’s turn on the lights. I wanna see you,” ani nito sa malat na boses.Pagbaha ng ilaw ay wala na itong inaksayang oras. Binuhat niya ako at idineposito sa kama at agad na kinubabawan at sinimulang hubarin ang bra ko. Naghahabol sa hininga na dumapo sa tiyan ko ang hintuturo nito na pumadausdos pababa hanggang sa makarating sa ibabaw ng panty ko.Kagat ang labi na iginalaw nito iy
Napili naming venue sa kasal ang private island na pagmamay-ari ng Herrera clan. Beach wedding ang gusto ko na mas nagmukhang garden wedding sa dami ng bulaklak. Imbitado ang lahat ng mga kapamilya namin at mga kaibigan. Kahit kakaunti lang ang nagpunta sa side ni Pierce ay masaya pa rin ito lalo na at ang kapatid nitong si Jasper ang tumayong best man samantalang si Missy naman ang maid of honor ko. Pinadalhan din namin ng invitation si Marga pero magalang itong tumanggi. Ang huling balita ko na lang dito ay tumulak ito papunta sa Europe. “Finally! You are getting married too!” Niyakap at hinalikan ako ni Myca na sumugod sa mansion kasama ang mga kaibigan. Pinasadahan niya ako ng tingin. “You have always been so beautiful Xylc but you look more especially glowing now. Congratulations.”“Salamat, Myca.” “O ‘di ba? Sabi ko naman sa iyo bruha, effective ang operation amuin si Fafa Pierce mo,” ani ni Pariah na sunod na yumakap sa akin.“Kaya nga e. Hindi na niya nakaya ang kamandag
"Wyn, nak, tumawag na ba ang papa mo? Ang sabi niya ay pauwi na siya. Tawagan mo nga uli," utos ko rito habang nasa harap ng salamin at nagme-make up.Susunduin niya kami para sa weekly dinner namin sa labas. Alas-sais pa nito sinabing nakalabas na ito ng office pero mag-a-alas siyete na ay wala pa rin ito. Hindi naman traffic ayon sa app na pinagtanungan ko.Naroon naman ang pamilyar na pagbundol ng kaba sa dibdib ko na pilit kong iwinaksi. "Ma, kaka-text lang ni papa. Basahin ko ha. Xylc my goddess, magpahatid na lang kayo kay manong sa resto. Need to reroute due to traffic. Love you. Mwah mwah," basa nito na puno pa ng feelings.Naglagay na ako ng lipstick. "Ganun ba. Replayan mo. Sabihin mo na ok.""Ok lang ang sasabihin ko ma? Walang mwah mwah?"Tinawanan ko si Wyn saka tumayo para tingnan ang sarili sa salamin."Sige, lagyan mo ng mwah mwah. Damihan mo. Mga sampu.""Okay po."Nang makontento sa ayos ay hinila ko na ang kamay ng anak palabas. Naghihintay na ang driver na binuksa
Ilang beses akong huminga nang malalim habang binabaybay namin ang kalsada papunta sa ospital. Bawat segundong dumadaan ay pasakit sa akin. Makailang beses akong pinangapusan ng hininga pero lumaban ako. Kailangan kong makita si Pierce. Kailangang makita ko siyang buhay.Hindi pa man nakaka-park ang kotse ay binuksan ko na ang pinto at lumabas. Sa entrance pa lang ay nakaramdam na ako ng pagkaliyo. Butil-butil ng pawis ang gumiti sa noo ko. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam kong putlang-putla na ako. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan, ang pakiramdam na parang sinasakal ako habang hinahanap ko noon ang katawan ni Pierce. Nakakasuka sa kaba. Tandang-tanda ko pa ang mukha nito noon. Ang putla nito na parang wala ng buhay. Ayoko na iyong maranasan. Hindi ko kaya.Sinubukan kong humakbang uli pero labis ang panginginig ng tuhod ko kaya sumandal muna ako sa pader at ipinikit ang mata. Habol ang hininga na pilit kong pinayapa ang sarili. “Okay lang po ba kayo, ma’am?” tano
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Ikaw ba naman ang madaling-araw na lubayan sa kakakadyot kung hindi ka rin ba tanghaliin ng gising. Iniunat ko ang katawan at napangiwi sa sakit. Para akong binugbog, iyong masarap na klase ng bugbog. Feeling ko nga ay namaga talaga ang lips ng kipay ko sa sobrang gigil nito kagabi. “Ang mokong na iyon. Sinulit talaga.” Pati boses ko ay malat sa kakasigaw at kakaungol. Parang lumantak siya ng sangkaterbang energy drink sa ginawa nito sa akin kagabi. Ito lahat ang tumrabaho. Nakahiga lang ako doon habang kung anu-anong posisyon ang itinuturo niya sa akin. Biniro ko pa nga na baka inubos nito lahat ng porno sa ilang taon na wala itong partner. Tumanggi naman ito. Minsan lang daw. Nagbabasa raw ito nang madalas. Isinuot ko ang roba at kinuha ang cellphone. Message kaagad ni Pierce ang binasa ko.“I cooked something for you. Eat and rest well, Xylc. Thank you so much for last night. I love you.”“Luh, parang tanga,” nangingiting wika ko at paulit-
Buong hapunan ay dama ko ang tensiyon sa aming dalawa ni Pierce. Iniiwasan naming magkadikit dahil baka hindi namin makontrol ang sarili. Gusto na nga naming hilahin ang oras para makatulog na si Wyn. Si Pierce na ang nagpatulog kay Wyn. Ako ay tumalilis na sa kwarto para maligo. Muntik pa akong mapasigaw nang paglabas ko sa banyo ay agad akong hilahin ni Pierce para isandal sa pader. Wala na itong sinayang na oras. Gigil na sinakop niya ang mga labi ko at iniangkla ang hita ko sa bewang nito. Ipinulupot ko ang mga kamay sa leeg nito bago pumikit at ibinuka ang bibig para papasukin ang dila nito na agad naglumikot sa loob. Bumaba ang halik nito sa tenga pababa sa leeg ko at mahinang kinagat ang balat doon. Hindi pa ito nakontento at sinipsip pa ito para mag-iwan ng kiss mark. Marahas na hinaplos at nilamas niya ang puwet ko.Napaungol ako sa sensasyon lalo na nang ikiskis niya sa tiyan ko ang katigasan nito. Hinihingal na tinitigan niya ako habang dahan-dahang hinihila ang tali ng
Lunes ng umaga ay natagpuan ko ang sarili na nasa harap ng opisina ni Pierce dala ang mga nilutong pagkain para sa tanghalian nito. Nagtanong-tanong ako sa mga may-asawa ng mga kaibigan kung paano sila bumabawi sa mga partner nila at ito na nga ang naging payo nila sa akin.“Bisitahin mo sa office tapos dalhan mo ng pagkain,” sabi ni Pariah nang tawagan ko siya. “Iyon lang? Sure ka bang gagana ito? Effective ba ito kay Owen?” tukoy ko sa asawa nito.“Naman! Kahit sardinas at noodles pa ang dalhin ko sa kaniya, inuubos niya.”“Eh kasi naman, patay na patay sa iyo iyang lalaki mo.”“Wow kung makapagsalita o! Parang hindi hinabol-habol ni piercing eyes!”Sunod ko namang tinawagan si Myca para humingi ng tips. “After you visit him in the office to feed and fatten him, give him a blowjob when he comes home. That will surely make him so relaxed and happy.”Namula ang mukha ko. “Blowjob? Teka, hindi ko pa napag-aaralan iyan. Baka sumabit lang sa ngipin ko ang bulbol niya.”Tumawa si Myca s
“Ma, why are you only telling me this now?”Nahinto ako sa pagpasok sa silid nang marinig ang iritableng tono ni Pierce. Tatawagan ko na sana siya para sabihin na aalis na kami dahil tapos na kaming mag-ayos ni Wyn. Pagkatapos ng hapunan sa bahay ay ito naman ang nag-aya ng dinner kasabay ang buong pamilya nito.Natuwa ako dahil patunay iyon na unti-unti nang naayos kahit papaano ang relasyon nito sa pamilya nito. Alam ko kung gaano kasalimuot ang kwento ng buhay nito. Minsan niya rin itong nakwento sa akin at mas naintindihan ko pa ang komplikadong sitwasyon nila nang magkausap ako ng mama nito tungkol sa dahilan kung bakit biglang naglayas si Pierce. “Ma, how can I tell Xylc and Wyn that? They’re expecting to have dinner with you and the rest of the family. Ako ang ang-aya sa kanila kasi akala ko na okay na. Sabi mo okay na ‘di ba? Ang sabi nila pupunta sila? But why would they suddenly cancel it?”Ramdam ko ang frustration sa boses nito at kung hindi ko lang alam na si Pierce ito
“Ahm Pierce?" Kumatok ako sa bukas na pinto. Mula sa pagkakasubsob sa harap ng sangkaterbang papeles ay nag-angat ito ng tingin sa akin.Kinuyumos ng awa ang dibdib ko pagkakita sa pagod nitong mukha.Kanina pa ako nag-aalala rito. Pagkauwi galing sa office ay dito ito agad nagkulong sa home office. Nag-aalala ako dahil hindi ito kumain ng hapunan. Kape lang ang laman ng tiyan nito. Tinanong ko ang sekretarya nito pero wala raw kinain si Pierce sa buong maghapon. Nagka-aberya daw sa project kaya inaayos nito agad. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ito bumaba kaya inakyat ko na."Xylc, why?""Busy ka pa ng bonggang-bongga?" Nag-aalinlangan akong pumasok dahil baka hindi makaistorbo lang ako. Hinubad nito ang salamin at sumandal sa swivel chair. Pinatay rin nito ang laptop at ibinuka ang braso sa akin."Not that busy anymore. Come here.""Yown."Kinuha ko ang tray na may pagkain na nasa sahig sa labas at pumasok."Kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom."Inayos ko an