Susunduin na sana namin si Wyn nang tumawag si Marga kay Pierce para sabihin na dinaanan nito ang bata at ito na raw ang maghahatid sa bahay. Bilang pasasalamat ay dinulutan ko siya ng pagkain habang naglalaro ang mag-ama sa labas.“Thank you,” ani nito at ininom ang juice na ibinigay ko. Nasa kusina kami at bukas ang pintuan kaya pinanonood namin ang habulan ng dalawa.“Marga, ‘wag mo sanang mamasamain ito pero ‘wag mo sanang basta na lang sunduin sa eskwelahan niya si Wyn. Ayokong sumasama na lang bigla ang anak ko lalo pa at wala kami sa tabi niya. Alam kong nagmamagandang-loob ka lang pero nag-iingat ako sa anak ko. Baka masanay na basta na lang sumama lalo na sa mga estranghero.”Sinulyapan niya ako saglit bago agad na ibinalik ang tingin sa dalawa. “I get your point but I was just really trying to help.”“Na-a-appreciate ko naman pero hindi ko masyadong kailangan sa ngayon. Simula ngayon ay sasabihin ko sa teacher niya na kami na lang dalawa ni Pierce ang dapat na sumusundo kay
Lumabas ako ng silid pagkatapos patulugin si Wyn. Kumuha ako ng isang bote ng beer at mag-isang uminom sa kusina. Patay ang ilaw kaya malaya akong umiyak. Natatakot ako sa maaring isipin ng anak ko sa akin tungkol sa ginawi ko kanina. Mabait sa kaniya si Marga. Baka isipin nito na masamang tao ako, na baka ganon lang kadali sa akin ang saktan ang isang tao.Humagod ang pait at anghang ng alak sa aking lalamunan pero hindi sapat iyon para bumuti ang aking pakiramdam. Takot ako. Takot na takot lalo pa at hindi ko pala naitago sa ibang tao ang sikreto ko. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi alam ang lahat. Ayaw ko silang idamay sa problemang ako rin naman ang pumasok. Nagsunud-sunod na ang paglagok ko sa bote. Ginawa ko na itong tubig habang malalim akong nag-iisip ng solusyon. Pero kahit ano ang gawin kong paghuhunay sa utak ko ay wala pa rin akong mahanap na sagot. Hindi ko na talaga alam kung paano lulusutan ito. Muntik na akong malaglag sa upuan nang biglang bumukas ang pinto backd
“Ma,” bati ko sa ina nang mapagbuksan ko ito ng pinto. Agad kong kinuha ang mga dala nitong malalaking supot ng gulay at dinala sa kusina. Tamang-tama ito para sa lulutuin ko.Kumuha naman ito ng baso at ng maiinom sa ref. “Saan ba si Wyn? Ay! Biyernes pa pala ngayon. May pasok. Gusto ko sanang kunin para pumasyal sa bahay at nang makapaglaro naman sa kaniyang mga pinsan. Ano ba iyang niluluto mo?”“Ginataang munggo. Ihahatid ko na lang mamaya si Wyn sa inyo, ma. Ilang oras lang naman ang klase nila ngayon. May event pa kasi sila sa school. Kakahatid lang ni...”Nagbuntung-hininga ako. Hindi pa nga nila nila na nandito nagkakampo si Pierce ng ilang araw. “Himala at nagluluto ka na ng ginataang munggo,” ani nito na hindi na napansin ang hindi ko pagtapos sa sasabihin. “Akala ko ba hindi ka na kakain niyan. Ayaw na ayaw mo nga iyang niluluto ko noon. Nagtataka nga ako at hindi ka naman dating pihikan sa pagkain.”Nahinto ko ang paghuhugas ng monggo sa lababo sa narinig. Mula ng natang
“Mama! Halika! Sabay ka na sa amin! Ma!”Kumaway lang ako pabalik kay Wyn na tuwang-tuwa na nakasakay sa bumper car kasama si Pierce na sumisigaw din sa akin.“Xylc! Come on! Bump with us! It’s fun here!”“Okay lang ako. Kayo na muna at mukhang nakakahilo! Wyn! Tingin sa camera at smile!”Inakbayan ni Pierce ang anak at dalawa silang nag-pose ng wacky.“Ang cute cute naman ng mag-ama,” rinig kong wika ng isang ginang sa likod. “Mas cute ang daddy niya. Parang afam ang kagwapuhan,” sabi naman ng kasama nitong babae na nakaspaghetti-strap na sando.Siniko ito ng nakatatandang babae sabay nakaw sa akin ng tingin.“O, kalmahan at may asawa.”“Sus, okay lang iyan at hanggang tingin lang naman ako. At sure ka bang kasal? Wala namang singsing.”Nakangiting nagpatuloy na lang ako sa pagkuha ng mga pictures sa dalawa na nagpapa-cute pa rin sa kamera. Nang magsawa sa kakabangga sa kotse ay kinarga na ito ni Pierce para kumain sa paborito nitong bubuyog resto. Imbis na sa waterworld kami pumunt
Sa katahimikan ng gabi ay lumabas ako para tawagan ang kaibigan.“Pearl, ano iyong offer na sinasabi mo?” bungad ko agad. “Ikaw na babae ka, kapag ako niloko mo pa sa pangalawang pagkakataon may kalalagyan ka talaga sa akin. Oo, may nag-offer.”“Hindi nga sabi ‘tsaka kung makapagsalita ka naman, parang hindi ka naman nabayaran noon. Ano na, may investor ba talagang gustong bilhin ang mga apartments at ang formula ng product ko?”“Oo! Dalawang businessman. I-a-arrange ko na ba ang meeting ninyo?”Animo nabunutan ako ng tinik. “Oo naman. Salamat talaga, Pearl ha. Sigurado na ang bonus mo dito. Paki-schedule na lang ang meeting ha.”“Okay. Itatanong ko kung okay ba this Friday. Wala ka bang lakad sa araw na ‘yan?”Naalala ko ang imbitasyon ni Pierce na mag-dinner kami sa labas dahil may sasabihin daw itong mahalaga. Umalis ito agad papunta sa airport pagkatapos niya kaming ihatid sa bahay. Nasa Indonesia ito para sa trabaho. Sa Biyernes pa ito babalik. Nakatango ako pero pwede ko namang
“Pearl, sure ka bang dito talaga makikipag-meeting sa akin ang mga negosyante na sinasabi mo?” tanong ko sa kaibigan habang nakatingala sa motel sa harapan ko. “Hindi ba parang ang sagwa namang dito pa talaga sa motel kami mag-uusap? Pwede naman sa isang resto ‘di ba? Kahit libre ko na.”“Hala, Xylca. Pasensiya na at diyan pa talaga ang lugar na sinabi nila. Mga travelers kasi ito. Nasanay na siguro sa kaswal na set-up. Dalawang bading na into make-up and skincare. Nakiusap silang kung pwede ba daw ay doon na lang gaganapin ang meeting sa suite nila. Sorry ha at hindi na kita nasabihan. Gusto mo tawagan ko sila ngayon para mag-change ng venue?”“Ay, hindi na. Andito na rin kasi ako. Nagtaka lang ako. First time ko kasing maka-encounter nang ganito. Wala rin naman kaming masamang gagawin sa loob. Sige, salamat Pearl.”Inayos ko ang blazer na suot at mahigpit na hinawakan ang bag kung saan nandoon ang laptop na naglalaman ng presentation ko tungkol sa formula ng mga products. May hinan
Pagkatapos ni Pierce na ibaba si Marga sa tapat ng office nito ay pinasibad nito agad ang kotse palayo. Ayaw ko mang pagdaanan pero alam ko ng komprontasyon ang kasunod nito. “Sa bahay na. Nasa kina mama si Wyn. Maya pang gabi siya isosoli sa akin,” untag ko sa katahimikan.Wala akong narinig na kahit ano mang tunog mula rito kaya hinintay ko na lang na makarating kami ng bahay. Pagpasok ko pa lang ay hinawakan na ako ni Pierce sa kamay matapos isara ang main door at inakay patungo sa silid sa taas. Naupo ako sa kama at sinalubong ang mata nito.“Magsalita ka na. Alam kong kanina mo pa ako gustong tanungin. Kanina ka pa may gustong sabihin,” mahinang sabi ko nang hindi pa rin ito tumitinag sa pagkakatayo sa tapat ng nakasaradong pinto. Inihilamos nito ang mga kamay sa mukha. Halata ang pagod sa ekspresyon nito. Bumaba ang tingin ko sa polo nitong may mantsa pa. Ni hindi na nito nagawang palitan iyon. “Xylc, what were you thinking in doing that?” simula nito.“Paano niya nalaman?”
Mag-asawang sampal agad ang ipinatikim ko kay Pearl pagbukas pa lang nito ng pinto sa akin. Hindi pa ako nakontento. Sinugod ko siya ng isa pang sampal. Nagulat ito sandali bago gumanti rin ng sampal sa akin. Nakailag ako kaya sa balikat ko nag-landing ang kamay niya.“Magkano?! Magkano ang ibinayad sa iyo ni Marga para lokohin ako?! Pearl naman! Pinagkatiwalaan kita! Kaibigan kitang gaga ka!” tungayaw ko. Wala na akong pakialam kung bulabugin ko man ng gising ang lahat ng mga kapitbahay nito sa madaling-araw. Inayos nito ang sarili saka tinawanan ako. “Wow, Xylca. Sa tono ng pananalita mo, parang ang linis mo, a. Hoy linta, hindi ka malinis. Manloloko ka rin tulad ko!”“Oo, inaamin ko iyon pero kailanman, hindi ko nagawang manloko ng isang kaibigan. Magkano ang ibinigay sa iyo ni Marga para pumayag kang i-set up ako?”Ngumisi ito. “Pera-pera lang naman ang lahat, Xylca. Ano ba ang ipinagkaiba mo sa akin?”“Wag mong ilihis ang usapan! Magkano nga?!”Tumawa ito saka nailing. “Alam mo,