-KLAIRE'S POV-
HINDI ako nakatulog no'ng gabing 'yon. Hindi maalis sa isipan ko ang naging usapan namin ni Mang Danny. Malakas ang kutob ko na ipagtatapat na niya sa akin ang bagay na 'yon.
Kinabukasan ay isang masamang balita ang nabalitaan ko. Patay na raw si Mang Danny. Nilason ito ng hindi pa nakikilalang suspect. It was unbelievable dahil nakausap ko pa siya. At masiyadong masakit dahil namatay ito sa loob ng kulungan nang hindi nalilinis ang pangalan niya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong mga oras na 'yon. Tila gumuho ang mundo ko nang makita ang bangkay ni Mang Danny. Pakiramdam ko'y nawala lahat ng pinaglalaban natin. Bakit kailangan niyang mawala? Were doing anything upang mapatunayang wala siyang sala kahit pa pinagpipilitan niyang idiin ang sarili niya sa pagkamatay ni Clarisse.
After what happened, hindi ko inaasahang si Nate ang magiging sandalan ko noong mga oras na 'yon. I j
-CALI'S POV-ISANG linggo na ang nakakalipas at patuloy pa rin sa pag-imbestiga ang kapulisan. Isinalaysay rin ni Klaire ang naging usapan nila ni Mang Danny bago ito pumanaw. Sa tulong ng Tito Oscar ni Dayne ay mas napapadali ang imbestigasyon.Hindi na muna ako nagbubukas ng social media. Hindi ko alam pero takot akong hawakan ang cellphone ko.Narito kami ngayon sa mansyon ni Dad. Dito ko na mas piniling manirahan dahil ang gusto ni Dad ay mabantayan niya ako lalo na't patuloy pa rin sa pag-imbestiga ang mga pulis.Nakakatuwa lang dahil malaya nang nakakadalaw si Dayne dito sa mansyon. Kung minsan pa ay magkasama sina Dad at Dayne na umalis sa pag-imbestiga sa kaso nina Clarisse at Mang Danny. Kung titignan ay magkasundong magkasundo talaga sila."Ito, oh!"Inabot sa akin ni Klaire ang hawak niyang chichirya na kinuha niya galing sa kusina. Umupo naman ito
-CALI'S POV-GUSTO kong lapitan si Dayne. Usto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi niya kailangang umiyak at masaktan.Nang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Patrick ay mabilis na pinunasan ni Dayne ang kaniyang luha bago sila harapin ni Patrick."Magandang gabi po, Tito Martin," magalang niyang pagbati kay Dad bago ibaling ang atensyon niya kay Dayne. "Dayne? Nandito ka rin pala.""Siya ang tumutulong sa akin sa pag-embistiga sa kaso ni Clarisse," si Dad ang sumagot.Napawi naman ang pagtataka sa mukha ni Patrick."Cali, mag-usap tayo." Isang baritonong boses ang aking narinig.Wala akong nagawa nang tawagin ako ni Dad. Bago umalis ay tinignan ko muna si Dayne at nakita ko ang pilit na ngiti at pagtango nito."Uhm, Cali. . ." tawag sa akin ni Patrick. "I know your Daddy is shocked
-CALI'S POV- ANG sabi nila, kung ano raw ang sinasabi at tinitibok ng puso mo, iyon daw ang sundin mo. Pero bakit ang hirap? Bakit sa huli, parating mayroong nasasaktan? Alam kong kasalanan ko ang lahat. Ang t*nga ko dahil hindi ko nilinaw ang tungkol sa amin ni Dayne noong una pa lang. Ang t*nga ko dahil sinaktan ko si Patrick. "Aray. . ." d***g ni Dayne. Kasalukuyan kong ginagamot ang natamo nitong sugat mula sa pagkakasuntok ni Patrick sa kaniya. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa paggagamot sa kaniya. Walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil hindi maalis sa isipan ko ang nangyari. "Cali. . ." Hinawakan nito ang kamay kong ginagamit sa pagdampi ng bulak sa labi nito. Napaiwas ako ng tingin nang pilit nitong binabasa ang aking mga mata. "Cali. . . I'm sorry. . ." sambit niya.
-DAYNE'S POV-HINDI ko na mabilang kung ilang araw ko na bang pinupuntahan nang palihim sa mansiyon nila. Pero hindi ko siya palaging naaabutan o nakikita. Kulang na lang ay matulog ako sa labas ng mansyon nila para lang makita ulit siya.Pero siguro nga ay tama si Cali. Kaya siguro hindi ko siya maabutan o makita dahil mismong tadhana na ang naglalayo sa amin. Noong mismong gabi na humiling sa akin si Cali, alam kong hindi ko kakayanin iyon. Pero nirerespeto ko siya dahil mahal mo siya. Alam kong hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon naming ito, kundi pati na rin siya.Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Cali na lumabas mula sa mansyon nila. Ilang segundo lang ay diniligan nito ang mga halaman sa garden nila.Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang napakaamo nitong mukha. I coudn't help but love her even more at habang magkalayo kami, I am afraid that she'll find someone be
-DAYNE'S POV-"CALI was pregnant when you left her!"Halos mabaliw ako dahil sa paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang iyon!Nakunan si Cali noong iwanan ko siya? Anong klase akong tao? Akala ko noon, masamang tao lang ako. Hindi ko akalaing mas higit pa pala ako roon! Ni hindi ko inalam kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya noong mga oras na iniwan ko siya. At ang lakas pa ng loob kong magpakita at bumalik sa kaniya.Habang nagmamaneho, ay tinawagan ko si Nathan. I want to know more about what happened to Cali."Dayne?""Are you busy?" I asked."Kakarating ko lang galing interview, eh. Bakit?""See me at the bar.""Ano? Bakit? Hindi tayo talo, dude!"Napasama ang tingin ko."Gusto ko lang magtanong tungkol kay Cali," I explained.
-CALI'S POV-HATING gabi na ngunit hindi pa rin ako makatulog. Magpapahangin sana ako ngunit nakita ko si Dayne na kausap ni Klaire.Agad akong nagtago sa likod ng aking binatana nang biglang itong tumingin sa gawi ko. Napalunok ako nang ilang ulit. Anong ginagawa niya rito ng ganitong oras? Isa pa, anong pinag-uusapan nilang dalawa?Mayamaya lamang ay umalis na si Dayne at pumasok na si Klaire sa loob. Dahan-dahan akong bumaba. Gusto kong itanong kay Klaire kung anong ginawa ni Dayne rito. Ngunit agad din akong nagtago nang marinig ko ang usapan nina Nathan at Klaire."Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero bigla na lang niya akong tinanong kung nagkaroon ba sila ng anak ni Cali.""What? What did you say?!""Eh, 'di sinabi ko ang totoo.""Oh my God, Nathan! Baka magalit si Cali!""Makinig ka sa akin, Klaire
-CALI'S POV-NGAYON lang yata ako nagising nang may ngiti sa aking labi. Masaya akong maayos na kami ni Patrick. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.Ilang minuto ang pinalipas ko nang magpasya akong bumaba na. Agad kong hinanap sina Klaire at Nate upang ibalita sa kanila ang pagkakaayos namin ni Patrick. Ngunit nailibot ko na yata ang buong mansiyon ay hindi ko pa rin sila mahanap."Manang, sina Klaire at Nate po?" tanong ko nang makita ko si Manang."Hindi pa rin po sila umuuwi magmula kahapon, Ma'am, eh."Tumango ako. "Gano'n po ba?""Opo, Ma'am. Ipaghahanda ko na po ba kayo ng umagahan ninyo, Ma'am?"Umiling ako."Huwag na po, Manang. May pupuntahan din po kasi ako.""Pero, Ma'am, delikado po sa labas. Baka mapagalitan po ako ni Sir Martin kung malaman niyang aalis kayo."
-CALI'S POV-"CHEERS!"Sabay-sabay naming itinaas ang beer in can na hawak namin at nag-toss."So double celebration tayo ngayon! Ang pagiging successful ng movie ni Nate at ang tuluyang pag-aayos nina Dayne at Cali!" masayang wika ni Klaire at saka ininom ang hawak nitong beer in can."Ate Jeca, isang order pa nga po ulit ng sisig!" sigaw ni Nate na agad namang sinunod ng tindera."I can't believe na pwede pa lang uminom dito," hindi makapaniwalang saad ni Dayne."Lahat pwedeng gawin dito! Kaya't magpasalamat na lang kayo sa akin dahil nakahanap na tayo ng tambayan natin! Tuwing gabi nga lang." Sabay halakhak nito."Tambayan nga pero masikip at mainit naman. Pwede naman akong magpatayo ng sarili nating—""Dayne..." I cut him off. Napangiti naman siya nang hawakan ko ang kamay niya."Yes, Ca