-CALI'S POV-
NGAYON lang yata ako nagising nang may ngiti sa aking labi. Masaya akong maayos na kami ni Patrick. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Ilang minuto ang pinalipas ko nang magpasya akong bumaba na. Agad kong hinanap sina Klaire at Nate upang ibalita sa kanila ang pagkakaayos namin ni Patrick. Ngunit nailibot ko na yata ang buong mansiyon ay hindi ko pa rin sila mahanap.
"Manang, sina Klaire at Nate po?" tanong ko nang makita ko si Manang.
"Hindi pa rin po sila umuuwi magmula kahapon, Ma'am, eh."
Tumango ako. "Gano'n po ba?"
"Opo, Ma'am. Ipaghahanda ko na po ba kayo ng umagahan ninyo, Ma'am?"
Umiling ako.
"Huwag na po, Manang. May pupuntahan din po kasi ako."
"Pero, Ma'am, delikado po sa labas. Baka mapagalitan po ako ni Sir Martin kung malaman niyang aalis kayo."
-CALI'S POV-"CHEERS!"Sabay-sabay naming itinaas ang beer in can na hawak namin at nag-toss."So double celebration tayo ngayon! Ang pagiging successful ng movie ni Nate at ang tuluyang pag-aayos nina Dayne at Cali!" masayang wika ni Klaire at saka ininom ang hawak nitong beer in can."Ate Jeca, isang order pa nga po ulit ng sisig!" sigaw ni Nate na agad namang sinunod ng tindera."I can't believe na pwede pa lang uminom dito," hindi makapaniwalang saad ni Dayne."Lahat pwedeng gawin dito! Kaya't magpasalamat na lang kayo sa akin dahil nakahanap na tayo ng tambayan natin! Tuwing gabi nga lang." Sabay halakhak nito."Tambayan nga pero masikip at mainit naman. Pwede naman akong magpatayo ng sarili nating—""Dayne..." I cut him off. Napangiti naman siya nang hawakan ko ang kamay niya."Yes, Ca
-CALI'S POV-"MATATANDAANG itinampok sa balita ang hindi inaasahang pagkamatay ni Clarisse at nitong taon lamang ay lumabas ang nangngangalang Danny, ang driver ni Clarisse noon na nagsasabing siya ang pumatay sa aktres ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ito dahil sa pagkakalason. Ngayon naman ay pinasok ng isang lalaki ang aktres na si Calista Fuentes, ang kakambal ni Clarisse Sarmiento sa kanilang mansiyon kagabi lamang. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang lalaking ito at patuloy na sumasailalim sa imbestigasyon."Napawi ang atensyon ko sa news nang patayin ito ni Klaire."Alam kong nasa state of shock ka pa rin, Cali. You need to rest your mind."I deeply sighed. Tama si Klaire. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang takot. Hindi maalis sa akin ang pangamba na baka may kasamahan pa ang lalaking iyon at balikan ako."Grabe na talaga ang nangyayari. I re
-DAYNE'S POV- NILAPAG ko ang bulaklak sa may puntod at sinindihan ang kandilang kulay puti. Pilit akong ngumiti. “Malapit na nating mapalitan ang pangalan mo, Clarisse. Malapit na ring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon.” I wiped my teary eyes then continue. “I’m sorry if it’s too late, Clarisse. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Sorry kung hindi kita naprotektahan nung gabing ‘yon.” -FLASHBACK- “Sir, nandito na po si Ma’am Clarisse.” Napangiti ako nang marinig ko iyon. I’m currently in the rooftop, waiting for Clarisse. Inayos ko ang lugar na ito para sa aming dalawa, for the most important happening in our lives. Napatayo ako nang makita ko siya. She’s wearing black slightly off shoulder dress. Walang pinagbago. Napakaganda pa rin niya sa paningin ko. &
-KLAIRE'S POV- "AKALA ko ba ay may mall show kayo?" tanong ko kay Nate na kalalabas lang. Nakapambahay pa rin kasi ito hanggang ngayon. Kasalukuyan kaming narito sa may garden area. Pagkagising ko ay dito agad ako nagpunta. Gusto ko kasing magpahangin at mag-relax. "Hindi na ako pupunta. Nakiusap kasi si Dayne na bantayan kayong dalawa ni Cali," sagot niya. I rolled my eyes. "Para saan pa? Huwag kayong mag-alala. Hinding-hindi na kami babalik ni Cali doon. Isa pa, asa ka namang gusto ko pang bumalik doon 'no!" Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa lalaking 'yon! Nagsisisi ako dahil nagpunta pa kami ni Cali doon. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinayagan noonv mga oras na 'yon. Hindi na siya sumagot. Akala ko ay umalis na ito ngunit naramdaman ko ang biglaang pagyakap niya mula sa likuran ko. "N
-KLAIRE'S POV- "HAVE you seen, Cali, Nate?" tanong ko agad kay Nate matapos niyang maligo. "Hindi. Hindi ba't magkasama kayong nanunuod dito sa sala?" nagtatakang tanong niya. "Yeah, pero nagpaalam siya na hihintayin niya si Dayne sa may garden. Pero no'ng tignan ko naman siya ay wala na siya roon!" Nag-aalala na ako. Kanina pa ako nanginginig sa kaba. Nilibot ko na ang buong mansyon pero hindi ko pa rin makita si Cali. I tried to call her pero naiwan niya rin ang cell phone niya. "Hindi kaya nagpunta siya ulit sa Peter na 'yon?" si Nate. "Hindi maaari, Nate. Hindi ugali ni Cali ang umalis sa mansiyon." "Pero nagawa na niya, 'di ba?" "Y-yeah... P-pero... Hindi iyon aalis nang hindi sinasabi sa akin." Mababakas na rin ang pag-aalala kay Nate. "Ang mabuti pa
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H
-CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma