-CALI'S POV-
"I still love you. Please, forgive me. Please, let's get back together. Please, love me again, Cali."
Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at saka pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi.
"Hindi mo dapat sinasabi sa akin ang mga bagay na 'yan, Dayne, eh!"
Tinalikuran ko na siya at tumakbo palayo sa kaniya. Hindi ito maaari. Kailangan ko nang umalis bago pa mahuli ang lahat.
"Cali!" Pigil niya sa akin nang maabutan niya ako. Hinawakan niya ang mga kamay ko habang walang tigil sa pag-agos ang luha niya.
"Dayne, matagal na tayong tapos!" I exclaimed!
"Alam kong nasaktan ka, Cali. At alam kong hindi sapat na sabihin sayo ang totoo para maalis ang sakit na nararamdaman mo. Pero nandito na ako. Bumalik ako dahil mahal na mahal pa rin kita!"
Paulit-ulit akong umiling.
"You sh
-CALI'S POV- -DAYNE'S POV- It was raining. Iniisip ko kung nakauwi na ba si Cali. Mag-isa rin ba siya at nilalamig katulad ko? Nababasa rin ba siya ng malakas na ulan ngayong gabi? "Kuya!" I saw Misty running towards me. May dala itong payong. Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya pati ang pagbuka ng labi nito. I don’t know but I don’t seem to hear anything. Siguro ay wala na ako sa tamang huwisyo. Nilunod na ako ng alak at sakit na nararamdaman ko. Ang tanging naiisip ko lamang ay si Cali. All I can think of is Cali. I'm stupid! I'm such a coward because I didn't even fight my love for Cali! I'm coward! A fucking coward! "Kuya, what happened?" asked Misty. I didn't bother to answer her, instead I just continued walking. "Dayne, what happened? Are you drunk?" salubong sa akin ni Mommy pagkapasok pa lang namin sa pintuan.
-CALI'S POV- TAHIMIK lamang akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Kasalukuyan naming binabaybay ang daan papunta sa office nina Manager Grace. Biglaan kasi kaming ipinatawag dahil sa unexpected meeting. Siguro ay tungkol ito sa movie na gagawin namin. "Are you okay?" Napatingin ako kay Klaire na kasalukuyang nagmamaneho. Matapos nang mangyari ay sa condo niya muna kami tumuloy. Pakiramdam ko kasi ay masiyadong masikip para sa amin ang mansiyon nina Dayne kahit napakalawak naman no'n. Isa pa ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Masyado pa ring sariwa ang sugat sa puso ko at ayoko nang dagdagan pa iyon. Ngumiti lang ako kay Klaire at tumango bilang sagot. Kagaya ko ay hindi pa rin handa si Klaire na harapin si Nate. Alam ko kung gaano nasaktan si Klaire at tama muna siguro ang desisyon naming lumayo muna, pero heto kami. Kailangang humarap sa kanila.
-CALI'S POV- MAHIGPIT kong hinawakan ang hawakan ng bag ko habang tinititigan ang bahay na ito. Ramdam ko na rin ang pagnginig ko dahil sa lamig na bumabalot sa buo kong katawan. Nabaling ang atensyon ko kay Dayne nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin bago magawang magsalita. "Let's go inside?" Dahan-dahan akong tumango. Narito kami ngayon sa Baguio. Alam kong mali. I know it's not right for me to be with him here but this is what my heart says. Alam ko na kapag hindi ako sumama kay Dayne ngayon ay hinding-hindi ako magiging masaya. "M-may bahay rin pala kayo sa Baguio?" tanong ko nang buksan niya ang malaking gate. Namangha ako nang makapasok kami sa loob. Ang gaganda ng mga gamit. Pang-sosyal talaga kung titignan. Mas lalo akong natiwa sa mga malalaking vase na dinisenyo sa bahay.
-CALI'S POV- I was trembling. Hindi dahil sa malamig dito sa Baguio, kung hindi dahil sa pag-aalala ko kay Patrick. Mas pinili ko na munang patayin ang cellphone ko at itinago sa drawer. Alam kong selfish ako magmula nang sumama ako kay Dayne. Ngunit ito ang magpapasaya sa puso ko ngunit kailangan ng malaman ni Patrick ang lahat. I promise, sa oras na handa na akong kausapin siya ulit ay sasabihin ko na ang lahat sa kaniya. No buts, no ifs and no excuses na. Pagkalabas ko ng kuwarto ay tumambad sa akin si Dayne na kasalukuyang nagluluto. Nakasuot ito ng apron na mas lalong nakapagdagdag sa kakisigan nito. Bahahya akong napatawa nang makita ko ang nakakunot na noo nito habang palipat-lipat ang tingin sa cook book at sa niluluto nito. "Anong niluluto mo?" Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata nang magsalita ako. Mukhang hindi niya ako napansin dahil sa pagiging ab
-CALI'S POV- KANINA pa ako pagulong-gulong sa kama. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Dayne kanina. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit ang ganitong klaseng kilig kay Dayne. Napatigil na lamang ako sa pag-iisip nang bumukas ang pintuan sa cr. Niluwa nito si Dayne na bagong ligo lang. Nakasuot lamang ito ng pajamas ngunit walang pag-itaas na kasuotan habang nakasabit sa balikat nito ang tuwalya. Kasalukuyan niyang pinupunasan ang kaniyang basang buhok. Napalunok ako dahil sa nakabalandara nitong pinagmamalaking six-packs abs. Kung bakit ba naman kasi sanay na sanay siya sa malamig na klima, iyan tuloy at nakukuha niyang hindi magsuot ng damit. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at nagkunwareng tulog nang makita ko ang pagngisi niya. "Still awake, Cali?" Hindi ko siya pinansin at nanatiling nagtulog-tulugan. Naramdaman ko ang paggalaw
-CALI'S POV-HINDI ako mapakali. Matapos naming malaman ang nangyari ay agad kaming umalis ni Dayne pabalik sa Manila. Pakiramdam ko ay may mali sa mga nangyayari. Bakit biglaan ang pagkamatay ni Mang Danny? Ano ba talaga ang totoong dahilan ng pagkamatay niya?Nang tignan ko si Dayne ay seryoso lang itong nakatingin sa daan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngunit alam kong nag-aalala ito sa mga nangyayari.Pagkarating na pagkarating namin sa mansyon ay bumungad sa amin sina Klaire, Nate at ilang pulis."Cali!"Sinalubong ako ng yakap ni Klaire. I tapped her back when I heard him sob. Umiiyak siya at alam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon."He's gone, Cali. Mang Danny is gone. . ." paulit-ulit niyang sambit."Patuloy pa rin naming ini-imbestigahan ang nangyari. Noong ika-pito ng Abril, sa kalagitnaan ng hapuna
-KLAIRE'S POV-HINDI ako nakatulog no'ng gabing 'yon. Hindi maalis sa isipan ko ang naging usapan namin ni Mang Danny. Malakas ang kutob ko na ipagtatapat na niya sa akin ang bagay na 'yon.Kinabukasan ay isang masamang balita ang nabalitaan ko. Patay na raw si Mang Danny. Nilason ito ng hindi pa nakikilalang suspect. It was unbelievable dahil nakausap ko pa siya. At masiyadong masakit dahil namatay ito sa loob ng kulungan nang hindi nalilinis ang pangalan niya.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong mga oras na 'yon. Tila gumuho ang mundo ko nang makita ang bangkay ni Mang Danny. Pakiramdam ko'y nawala lahat ng pinaglalaban natin. Bakit kailangan niyang mawala? Were doing anything upang mapatunayang wala siyang sala kahit pa pinagpipilitan niyang idiin ang sarili niya sa pagkamatay ni Clarisse.After what happened, hindi ko inaasahang si Nate ang magiging sandalan ko noong mga oras na 'yon. I j
-CALI'S POV-ISANG linggo na ang nakakalipas at patuloy pa rin sa pag-imbestiga ang kapulisan. Isinalaysay rin ni Klaire ang naging usapan nila ni Mang Danny bago ito pumanaw. Sa tulong ng Tito Oscar ni Dayne ay mas napapadali ang imbestigasyon.Hindi na muna ako nagbubukas ng social media. Hindi ko alam pero takot akong hawakan ang cellphone ko.Narito kami ngayon sa mansyon ni Dad. Dito ko na mas piniling manirahan dahil ang gusto ni Dad ay mabantayan niya ako lalo na't patuloy pa rin sa pag-imbestiga ang mga pulis.Nakakatuwa lang dahil malaya nang nakakadalaw si Dayne dito sa mansyon. Kung minsan pa ay magkasama sina Dad at Dayne na umalis sa pag-imbestiga sa kaso nina Clarisse at Mang Danny. Kung titignan ay magkasundong magkasundo talaga sila."Ito, oh!"Inabot sa akin ni Klaire ang hawak niyang chichirya na kinuha niya galing sa kusina. Umupo naman ito
-CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma
-DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne
-KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma
-CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H
-KLAIRE'S POV- "HAVE you seen, Cali, Nate?" tanong ko agad kay Nate matapos niyang maligo. "Hindi. Hindi ba't magkasama kayong nanunuod dito sa sala?" nagtatakang tanong niya. "Yeah, pero nagpaalam siya na hihintayin niya si Dayne sa may garden. Pero no'ng tignan ko naman siya ay wala na siya roon!" Nag-aalala na ako. Kanina pa ako nanginginig sa kaba. Nilibot ko na ang buong mansyon pero hindi ko pa rin makita si Cali. I tried to call her pero naiwan niya rin ang cell phone niya. "Hindi kaya nagpunta siya ulit sa Peter na 'yon?" si Nate. "Hindi maaari, Nate. Hindi ugali ni Cali ang umalis sa mansiyon." "Pero nagawa na niya, 'di ba?" "Y-yeah... P-pero... Hindi iyon aalis nang hindi sinasabi sa akin." Mababakas na rin ang pag-aalala kay Nate. "Ang mabuti pa
-KLAIRE'S POV- "AKALA ko ba ay may mall show kayo?" tanong ko kay Nate na kalalabas lang. Nakapambahay pa rin kasi ito hanggang ngayon. Kasalukuyan kaming narito sa may garden area. Pagkagising ko ay dito agad ako nagpunta. Gusto ko kasing magpahangin at mag-relax. "Hindi na ako pupunta. Nakiusap kasi si Dayne na bantayan kayong dalawa ni Cali," sagot niya. I rolled my eyes. "Para saan pa? Huwag kayong mag-alala. Hinding-hindi na kami babalik ni Cali doon. Isa pa, asa ka namang gusto ko pang bumalik doon 'no!" Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa lalaking 'yon! Nagsisisi ako dahil nagpunta pa kami ni Cali doon. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinayagan noonv mga oras na 'yon. Hindi na siya sumagot. Akala ko ay umalis na ito ngunit naramdaman ko ang biglaang pagyakap niya mula sa likuran ko. "N
-DAYNE'S POV- NILAPAG ko ang bulaklak sa may puntod at sinindihan ang kandilang kulay puti. Pilit akong ngumiti. “Malapit na nating mapalitan ang pangalan mo, Clarisse. Malapit na ring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon.” I wiped my teary eyes then continue. “I’m sorry if it’s too late, Clarisse. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Sorry kung hindi kita naprotektahan nung gabing ‘yon.” -FLASHBACK- “Sir, nandito na po si Ma’am Clarisse.” Napangiti ako nang marinig ko iyon. I’m currently in the rooftop, waiting for Clarisse. Inayos ko ang lugar na ito para sa aming dalawa, for the most important happening in our lives. Napatayo ako nang makita ko siya. She’s wearing black slightly off shoulder dress. Walang pinagbago. Napakaganda pa rin niya sa paningin ko. &