-CALI'S POV-
TAHIMIK lamang akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Kasalukuyan naming binabaybay ang daan papunta sa office nina Manager Grace. Biglaan kasi kaming ipinatawag dahil sa unexpected meeting. Siguro ay tungkol ito sa movie na gagawin namin.
"Are you okay?"
Napatingin ako kay Klaire na kasalukuyang nagmamaneho. Matapos nang mangyari ay sa condo niya muna kami tumuloy. Pakiramdam ko kasi ay masiyadong masikip para sa amin ang mansiyon nina Dayne kahit napakalawak naman no'n. Isa pa ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Masyado pa ring sariwa ang sugat sa puso ko at ayoko nang dagdagan pa iyon.
Ngumiti lang ako kay Klaire at tumango bilang sagot. Kagaya ko ay hindi pa rin handa si Klaire na harapin si Nate. Alam ko kung gaano nasaktan si Klaire at tama muna siguro ang desisyon naming lumayo muna, pero heto kami. Kailangang humarap sa kanila.
-CALI'S POV- MAHIGPIT kong hinawakan ang hawakan ng bag ko habang tinititigan ang bahay na ito. Ramdam ko na rin ang pagnginig ko dahil sa lamig na bumabalot sa buo kong katawan. Nabaling ang atensyon ko kay Dayne nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin bago magawang magsalita. "Let's go inside?" Dahan-dahan akong tumango. Narito kami ngayon sa Baguio. Alam kong mali. I know it's not right for me to be with him here but this is what my heart says. Alam ko na kapag hindi ako sumama kay Dayne ngayon ay hinding-hindi ako magiging masaya. "M-may bahay rin pala kayo sa Baguio?" tanong ko nang buksan niya ang malaking gate. Namangha ako nang makapasok kami sa loob. Ang gaganda ng mga gamit. Pang-sosyal talaga kung titignan. Mas lalo akong natiwa sa mga malalaking vase na dinisenyo sa bahay.
-CALI'S POV- I was trembling. Hindi dahil sa malamig dito sa Baguio, kung hindi dahil sa pag-aalala ko kay Patrick. Mas pinili ko na munang patayin ang cellphone ko at itinago sa drawer. Alam kong selfish ako magmula nang sumama ako kay Dayne. Ngunit ito ang magpapasaya sa puso ko ngunit kailangan ng malaman ni Patrick ang lahat. I promise, sa oras na handa na akong kausapin siya ulit ay sasabihin ko na ang lahat sa kaniya. No buts, no ifs and no excuses na. Pagkalabas ko ng kuwarto ay tumambad sa akin si Dayne na kasalukuyang nagluluto. Nakasuot ito ng apron na mas lalong nakapagdagdag sa kakisigan nito. Bahahya akong napatawa nang makita ko ang nakakunot na noo nito habang palipat-lipat ang tingin sa cook book at sa niluluto nito. "Anong niluluto mo?" Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata nang magsalita ako. Mukhang hindi niya ako napansin dahil sa pagiging ab
-CALI'S POV- KANINA pa ako pagulong-gulong sa kama. Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Dayne kanina. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ulit ang ganitong klaseng kilig kay Dayne. Napatigil na lamang ako sa pag-iisip nang bumukas ang pintuan sa cr. Niluwa nito si Dayne na bagong ligo lang. Nakasuot lamang ito ng pajamas ngunit walang pag-itaas na kasuotan habang nakasabit sa balikat nito ang tuwalya. Kasalukuyan niyang pinupunasan ang kaniyang basang buhok. Napalunok ako dahil sa nakabalandara nitong pinagmamalaking six-packs abs. Kung bakit ba naman kasi sanay na sanay siya sa malamig na klima, iyan tuloy at nakukuha niyang hindi magsuot ng damit. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at nagkunwareng tulog nang makita ko ang pagngisi niya. "Still awake, Cali?" Hindi ko siya pinansin at nanatiling nagtulog-tulugan. Naramdaman ko ang paggalaw
-CALI'S POV-HINDI ako mapakali. Matapos naming malaman ang nangyari ay agad kaming umalis ni Dayne pabalik sa Manila. Pakiramdam ko ay may mali sa mga nangyayari. Bakit biglaan ang pagkamatay ni Mang Danny? Ano ba talaga ang totoong dahilan ng pagkamatay niya?Nang tignan ko si Dayne ay seryoso lang itong nakatingin sa daan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngunit alam kong nag-aalala ito sa mga nangyayari.Pagkarating na pagkarating namin sa mansyon ay bumungad sa amin sina Klaire, Nate at ilang pulis."Cali!"Sinalubong ako ng yakap ni Klaire. I tapped her back when I heard him sob. Umiiyak siya at alam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon."He's gone, Cali. Mang Danny is gone. . ." paulit-ulit niyang sambit."Patuloy pa rin naming ini-imbestigahan ang nangyari. Noong ika-pito ng Abril, sa kalagitnaan ng hapuna
-KLAIRE'S POV-HINDI ako nakatulog no'ng gabing 'yon. Hindi maalis sa isipan ko ang naging usapan namin ni Mang Danny. Malakas ang kutob ko na ipagtatapat na niya sa akin ang bagay na 'yon.Kinabukasan ay isang masamang balita ang nabalitaan ko. Patay na raw si Mang Danny. Nilason ito ng hindi pa nakikilalang suspect. It was unbelievable dahil nakausap ko pa siya. At masiyadong masakit dahil namatay ito sa loob ng kulungan nang hindi nalilinis ang pangalan niya.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong mga oras na 'yon. Tila gumuho ang mundo ko nang makita ang bangkay ni Mang Danny. Pakiramdam ko'y nawala lahat ng pinaglalaban natin. Bakit kailangan niyang mawala? Were doing anything upang mapatunayang wala siyang sala kahit pa pinagpipilitan niyang idiin ang sarili niya sa pagkamatay ni Clarisse.After what happened, hindi ko inaasahang si Nate ang magiging sandalan ko noong mga oras na 'yon. I j
-CALI'S POV-ISANG linggo na ang nakakalipas at patuloy pa rin sa pag-imbestiga ang kapulisan. Isinalaysay rin ni Klaire ang naging usapan nila ni Mang Danny bago ito pumanaw. Sa tulong ng Tito Oscar ni Dayne ay mas napapadali ang imbestigasyon.Hindi na muna ako nagbubukas ng social media. Hindi ko alam pero takot akong hawakan ang cellphone ko.Narito kami ngayon sa mansyon ni Dad. Dito ko na mas piniling manirahan dahil ang gusto ni Dad ay mabantayan niya ako lalo na't patuloy pa rin sa pag-imbestiga ang mga pulis.Nakakatuwa lang dahil malaya nang nakakadalaw si Dayne dito sa mansyon. Kung minsan pa ay magkasama sina Dad at Dayne na umalis sa pag-imbestiga sa kaso nina Clarisse at Mang Danny. Kung titignan ay magkasundong magkasundo talaga sila."Ito, oh!"Inabot sa akin ni Klaire ang hawak niyang chichirya na kinuha niya galing sa kusina. Umupo naman ito
-CALI'S POV-GUSTO kong lapitan si Dayne. Usto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi niya kailangang umiyak at masaktan.Nang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Patrick ay mabilis na pinunasan ni Dayne ang kaniyang luha bago sila harapin ni Patrick."Magandang gabi po, Tito Martin," magalang niyang pagbati kay Dad bago ibaling ang atensyon niya kay Dayne. "Dayne? Nandito ka rin pala.""Siya ang tumutulong sa akin sa pag-embistiga sa kaso ni Clarisse," si Dad ang sumagot.Napawi naman ang pagtataka sa mukha ni Patrick."Cali, mag-usap tayo." Isang baritonong boses ang aking narinig.Wala akong nagawa nang tawagin ako ni Dad. Bago umalis ay tinignan ko muna si Dayne at nakita ko ang pilit na ngiti at pagtango nito."Uhm, Cali. . ." tawag sa akin ni Patrick. "I know your Daddy is shocked
-CALI'S POV- ANG sabi nila, kung ano raw ang sinasabi at tinitibok ng puso mo, iyon daw ang sundin mo. Pero bakit ang hirap? Bakit sa huli, parating mayroong nasasaktan? Alam kong kasalanan ko ang lahat. Ang t*nga ko dahil hindi ko nilinaw ang tungkol sa amin ni Dayne noong una pa lang. Ang t*nga ko dahil sinaktan ko si Patrick. "Aray. . ." d***g ni Dayne. Kasalukuyan kong ginagamot ang natamo nitong sugat mula sa pagkakasuntok ni Patrick sa kaniya. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa paggagamot sa kaniya. Walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil hindi maalis sa isipan ko ang nangyari. "Cali. . ." Hinawakan nito ang kamay kong ginagamit sa pagdampi ng bulak sa labi nito. Napaiwas ako ng tingin nang pilit nitong binabasa ang aking mga mata. "Cali. . . I'm sorry. . ." sambit niya.