-CALI'S POV-
"HERE!" Patrick handed me a hot coffee he bought at 7eleven. Umupo ito sa tabi ko 'tsaka hinigop iyon. Kasalukuyan kaming narito ngayon sa park. Gabi na ngunit niyaya niya akong manatili muna rito.
Habang tinitignan ko si Patrick ay hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko na siya ngayon. Hindi rin maalis sa akin na aalis na siya bukas patungong New York.
"Talaga bang aalis ka na bukas?"
Hindi ko mainom ang kapeng ibinigay niya dahil pakiramdam ko'y wala akong gana.
Naramdaman ko ang pag-akbay nito sa akin. Nang tignan ko siya ay nakangiti lang ito habang nakatitig sa akin.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Aalis ka na nga, nakukuha mo pang ngumiti!"
Ibinaba nito ang hawak niyang kape kasunod no'n ang muling pagkuha niya ng kape ko at inilapag din sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko habang hindi napupu
-CALI'S POV-NAGISING ako sa liwanag ng araw na pumapasok sa bintana ng kwarto ko. Agad kong kinapa ang cell phone ko na nasa ibabaw ng mesa. Nasisilaw pa ang aking mga mata nang buksan ko iyon. Tumambad sa akin ang dalawang text messages. Galing iyon kina Patrick at Klaire. Una kong binuksan ang message ni Patrick at awtomatiko akong napangiti.From: PatrickGood morning, love. My flight to New York was later at 4pm. Hope to see you before I leave. Take care of yourself. I love you my wife!Napahawak ako sa aking bibig. Kung ganito lang palagi ang bubungad sa akin tuwing umaga, siguro ay araw-araw akong nakangiti.Pangalawa kong binuksan ang message ni Klaire.From: KlaireHey, Cali! Nate picked me up early because we had a shoot in Batangas. You always remember what we talked about last night, okay? Wala ako diyan para paalalahanan ka l
-CALI'S POV-TATLONG araw ang nakakalipas magmula nang umalis si Patrick papuntang New York. Todo rin ang pag-iwas na ginagawa ko kay Dayne dahil sa kakaibang pakiramdam ko. Isabay pa 'yung iniwang salita ni Klaire sa akin noong gabing makapag-usap kami. Tila paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga salitang iyon sa tuwing nakikita ko si Dayne.Nandito kami ngayon sa isang meeting place dahil sa isang unexpected meeting. Kasalukuyan kaming nakaupo kaharap ang isang long table. Magkatapat kami ni Dayne ngayon habang sina Manager Grace at Manager Luis ang nasa harapan.Minsan ay napapansin ko si Dayne na nakatingin sa akin kaya't ginagawa ko ang best ko para umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi tuloy ako kumportable sa kilos niya."Ipinatawag namin kayong dalawa dahil sa natanggap naming email.""What email?" asked Dayne."Nag-email sa amin si Mrs. Eva Rosario
-CALI'S POV- "Okay! Sabay-sabay natin siyang batiin! Si Mickey Mouse!" Sabay-sabay na pumalakpak ang mga bata habang hindi naaalis ang ngiti sa kanilang labi. "Hello, Mickey Mouse!" saad nila sabay lapit nila sa naka-mascot ng Mickey Mouse. Niyakap nila ito at nakipag-apir pa. Ngunit ang nakakapagtaka lang ay sa akin nakatingin ang naka-mascot na 'yon. Nang tignan ko rin ito ay 'tsaka umiwas ng tingin. Pasimple kong nilibot ang aking paningin, nagbabakasakaling narito na si Dayne, ngunit kahit anino niya ay wala. "Nasaan ka na ba, Dayne?" bulong ko sa hangin. Nagpasya na lang akong pumunta sa harapan upang samahan si kuyang naka-mascot. "Kuya Mickey Mouse, marunong ka bang sumayaw?" tanong ng isa sa mga bata. Nakita ko ang pag-iling ni kuyang naka-mascot habang umiiwas sa mga bata. Marahil ay nahihiya
-CALI'S POV- "We're back!" Tila nanumbalik ako sa aking sarili dahil sa sigaw ni Klaire na kakapasok lang kasama si Nathan habang dala-dala ang bagahe. Nagpaalam muna sa amin si Nate na nagpunta ng kusina. Marahil ay nauhaw ito sa biyahe. "Oh, bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong sa akin ni Klaire. "I'm so dead, Klaire!" Natawa siya sa sinabi ko. "Anong sinasabi mo? Okay ka lang?" tanong niya pagkaupo nito sa tabi ko. Napalunok ako at saka siya hinarap. "Nasabi ko lahat kay Dayne ang pinagdaanan ko noong iniwan niya ako, Klaire!" "What?!" Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya! "What? How?" Ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat. Magmula sa umpisa hanggang sa huli! "An
-CALI'S POV- TAHIMIK lang akong nakaupo sa mahabang sofa na ito habang nag-uunahan ang luhang bumabagsak sa pisngi ko. Matapos ang lahat ng nangyari, parang bumabalik lahat. Tila nagtipo-tipon sila sa utak at puso ko upang makaramdam ako muli ng ganitong klaseng sakit! "Please, stop, Cali. . . Bakit ka ba nagkakaganiyan?" nag-aalalang tanong ni Klaire habang walang sawang hinahagod ang likod ko. "Hindi ko rin alam, Klaire, kung bakit ako nasasaktan nang ganito. Akala ko okay na ako, eh. Pero matapos kong marinig ang sagot ni Dayne kanina? Tila nawasak ulit ang puso kong mahigit dalawang taon kong binuo. I just don't know why I'm feeling this way. Handa ako roon, eh. At the first place, alam ko naman ang dahilan kung bakit siya bumalik dito. But seeing him earlier? Noong makita ko ang pagluha niya habang direktang nakatingin sa akin? Alam kong may mas mabigat siyang dahilan. Kaya siguro umasa ako na ako ang naging d
-CALI'S POV- Maraming beses at paulit-ulit kong sinasanay ang sarili ko kung paano ako makikitungo kay Dayne kapag nagkakausap kami. I wanted to be nice to him, pero hindi sang-ayon ang bawat kilos ko. Hindi ko maiwasang hindi magalit o magtaray sa kaniya to think na hindi dapat dahil matagal na kaming nagkaayos. But after what happened, here I am again. Bitter at parating nasasaktan. Unti-unti na namang nanunumbalik ang mga ala-alang matagal na sanang nawala. Akala ko noon, si Clarisse ang magiging hadlang sa pagmamahalan namin ni Dayne. Ngunit nagkamali pala ako. Hindi ko akalaing career nito ang makakasira sa amin, lalo na si Cassey kahit pa sinabi ni Dayne na walang namagitan sa kanila. Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table ko at saka tinignan ang f******k nito. Nagulat na lamang ako at napahanga dahil sa narating nito. Sikat na sikat na siyang modelo at
-CALI'S POV- NEVER did I imagine na malalaman ko ang nangyari kay Dayne sa ibang bansa. Galit ako sa kaniya. But after hearing those words? Bakit tila unti-unti iyong nawawala? Tila lumilipat ito sa sarili ko. Hindi ko maiwasang isipin, hindi lang si Dayne ang naging selfish sa relasyong ito. Pati na rin ako. Bakit nga ba hindi ko inalam ang totoong katotohanan. Bakit hindi ko inalam kung ano ba talaga ang rason ni Dayne. All I know ay si Cassey ang may dahilan at ang career nito pati na rin ang role ko sa buhay niya na isang substitute wife lang. Pero mayroon pa bang ibang dahilan bukod doon? Napailing ako. Pakiramdam ko ay malapit na ang mabaliw dahil sa kakaisip ng bagay na iyon. I just found out myself staring at the mirror. I am wearing white dress and nude stilettos. Like yesterday, I put some light make-up to enlighten my face. Nang makontento na ako sa ayos ko ay bumaba na ako.
-CALI'S POV-"I still love you. Please, forgive me. Please, let's get back together. Please, love me again, Cali."Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at saka pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi."Hindi mo dapat sinasabi sa akin ang mga bagay na 'yan, Dayne, eh!"Tinalikuran ko na siya at tumakbo palayo sa kaniya. Hindi ito maaari. Kailangan ko nang umalis bago pa mahuli ang lahat."Cali!" Pigil niya sa akin nang maabutan niya ako. Hinawakan niya ang mga kamay ko habang walang tigil sa pag-agos ang luha niya."Dayne, matagal na tayong tapos!" I exclaimed!"Alam kong nasaktan ka, Cali. At alam kong hindi sapat na sabihin sayo ang totoo para maalis ang sakit na nararamdaman mo. Pero nandito na ako. Bumalik ako dahil mahal na mahal pa rin kita!"Paulit-ulit akong umiling."You sh